Chapter 21: Forgiveness

1668 Words
Chapter 21  Shayphan's Ilang minuto pa ang nakalipas bago namin narating ni Carl yung hospital, and luckily ay medyo bumaba na din yung lagnat ni baby Grapes. Para akong nabunutan ng tinik lalo na nung sabihin nung doktor na naninibago lang siguro sa klima ng Pilipinas si baby. Dahil nga siguro tropical season dito kaya nahihirapan mag adjust yung anak ko. At sinabi din nito na hindi na namin kailangan pang mag-alala sa rashes, sa hangin lang iyon at gagaling din eventually. "I told you, everything will be okay. Malakas ata itong baby natin, medyo naninibago lang" Sabi ni Carl sa akin habang nakaakbay ang kamay nito sa balikat ko. Pareho kami ngayong nakatingin kay baby Grapes habang mahimbing na natutulog sa hospital bed niya. Kahit kasi okay na si Grapes ay isinuggest pa din ng doktor na dumito muna sa hospital si Grapes para mas maobserbahan pa ang kalagayan niya. Pero sinabi naman niyang wala na kaming dalawa ni Carl na dapat pang ipag alala pa. "You're right. Malakas ang baby ko kaya malamang na sisiw lang sa kanya iyang sakit niya," medyo nagsisikip yung dibdib na sabi ko kay Carl din. Nanghihina pa rin kasi ako hanggang ngayon, natakot ako lalo na kanina. Akala ko kung anong nangyari sa anak ko. First time ko ma encounter na magkasakit si Grapes ng walang katuwang. Sa States kasi andun si Mommy pati yung kapatid ko at maging si Carl. Pero thankful talaga ako na maging dito ay katuwang ko pa din si Carl, kahit parang sobra-sobra na ito. Nagulat na lang ako ng hawakan ni Carl yung magkabila kong balikat at saka ako hinatak papaloob sa baraso niya. Duon ay parang waterfalls na bumuhos yung luha ko. Kanina ko pa pala kasi pinipiit yung hindi mapaiyak. Pero ngayon dahil iyon sa thankful ako masyado na ligtas na yung anak ko. "Tahan na mommy Phannie, alam mo bang hindi maganda kung makikita ka ng baby natin na ganyan? Yung namumula yung ilong at singhot ng singhot?" Natatawang marahan kong hinampas sa braso si Carl. Ang lakas talaga mangal asar ng isang ito kahit kailan. Agad naman niyang hinuli yung kamay ko at saka iyon dinampian ng halik sa palad. Ang sweet talaga ni loko. "Alam mo bang mas maganda ka kapag hindi umiiyak? Ayoko ng makikita ulit iyang luha na iyan sa mga mata mo, or else aasarin na naman kita." Pagkasabi niya nun ay hinawakan niya yung balikat ko at saka pa ako mas niyakap ng mahigpit. Tumango na lang ako habang patuloy na dinadama yung nakakatuwang pakiramdam na nararamdaman ko sa kasalukuyan. Kahit kailan ay hindi talaga ako nagkamali sa pagpapaubayang makapasok sa parte ng buhay ko ang isang gaya ni Carl na maunawain na, mapagmahal pa. Kung sana ay ... Kagaya din ni Carl si Gareth noon. Pero nakalipas na iyon, ang mahalaga ay ang ngayon. Kumalas na ako sa pagkakayakap niya at saka ko siya tinitigan ng maigi. "S-salamat sa lahat-lahat Carl, tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat ng ginagawa mong pagtulong sa aming dalawang mag-ina." Nakangiting hinawi lang niya yung buhok ko papunta sa likod ng tenga ko at saka tumango-tango. "You're always welcome Phannie, you know that I'm not doing this for my own. I'm doing this because I love you, and I always want to be part of your life. I promise to take car both of you. I love you Shayphan Edrillan Cheng, kahit hindi mo pa ako mahalin ngayon ayos lang. Basta kasama ko kayong dalawa solve na ako dun." Napakagat labi ako at saka ko sinakop ulit ng yakap ni Carl. Alam kong tama ako, tama ako sa pag pili kay Carl. Tama ako g papasukin ko siya sa buhay ko. Gareth's Para akong na estatwa ng mawala si Jacko sa paningin ko. Pero sakto naman paglingon ko sa elevator ay parang isang anghel na sagot sa katanungan ko ang babaeng nasilayan ko na kalalabas pa lang. Lakas loob kong sinundan ang babae habang panay kabig ng puso ko. My hand is trembling but I am too desperate now to see my daughter and she is the only key for me to do that. Papasok pa lang ng canteen ito ng dagli kong mahawakan yung braso niya at saka ko siya pinaharap sa akin. Agad na rumehistro ang shock sa maganda niyang muka, at sumunod duon ay ang takot. "G-Gareth?!" Nauutal na saad ni Phannie ng makilala ako kapag kuwan. "It's been a long time now." Seryoso kong saad sa dalaga na agad na rumehistro ang galit sa mukha. "L-let me go!" naiinis na sabi niya habang pilit na hinahatak sa pagkakahawak ko yung braso niya. "Can we talk?" Nagmamakaawa kong tanong dito. "Wala tayong dapat pang pag-usapan. Lubayan mo ako kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guard." Puno ng galit niyang saad sa akin. Namumula na ang pisngi nito dahil sa nararamdamang inis sa akin malamang. "Just five minutes. Please talk to me, I am so sorry for what happened before. Give me a chance to explain my side and to see my daughter." "Wala akong oras para sa iyo Gareth, so please! Bitiwan mo na ako at may gagawin pa ako. At anong anak ang sinasabi mo? Wala kang anak sa akin!" "Sasama ka sa akin at mag-uusap tayo o bubuhatin kita papunta sa kotse ko at tsaka tayo mag-uusap?" Matigas kong banta out of too much desperation. I am afraid that she won't let me see my daughter. I have to be tough. "Darn it, you can't do that Gareth! " "Try me Phannie... Try me." Nag hahamong kong banta dito. Tinitigan muna niya ako ng masama bago bumuntong hininga at saka ako sinabihang sumunod sa kanya. We ended up in the parking lot, sa tapat ng isang itim na kotse na pag-aari niya siguro. Pero ayos na din dito dahil walang katao-tao na maaaring makarinig sa pag-uusapan namin. "Nauubos na ang five minutes na hinihingi mo sa akin ngayon Gareth, may naghihintay sa akin sa itaas at kailangan ko na ding bumalik dahil baka gising na yung an-" Parang nauuumid na bigla na lang itong nahinto sa pagsasalita at saka tumingin sa malayo. Ang sakit-sakit lang na hanggang dito ba naman ay hindi pa rin niya ipapaalam sa akin ang tungkol sa anak namin. "How is she?" yun lang yung nakapa kong sabihin sa babaeng ito. Para kasi akong nanliliit na ewan. Nahihiya ako sa mga ala-alang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko kinakaya. "S-sino ang tinuukoy mo, Gareth?" nakatingin ng masama na tanong sa akin ni Phannie. Sabay ngisi. "Are you referring to my daughter?" Bumunot ito ng malalim na pag hinga at saka ako pinakatitigan ng masama. "Damn you Gareth! Damn you! Anak ko lang siya. Wala kang karapatan ni kaunti sa anak ko! Alam mo bang nagtataka ako kung anong ginagawa mo dito? Paano mong nalaman ang bagay na ito? Pinasusundan mo ba ako?!" "P-Phannie, please.. D-don't do this, I'm sorry for what I've done before. H-hindi ko alam ang mga ginagawa ko ng mga panahong iyon dahil masyado na akong down nung oras na iyon. I lost myself and my will to continue. I am not in my right mind by that time." Garagal na saad ko sa kanya. Napatungo ako at saka isinuklay sa buhok ang daliri ko to remove the unwanted hair away from my face. "Sa tingin mo Gareth, maniniwala ako sa sinasabi mo? Hindi ka naman namin kailanman kinailangan, kaya bakit ka ba nandidito ngayon?‼ Leave us alone! At huwag na huwag mo ng lalapitan pa ang anak ko kung ayaw mong mag tuos tayong dalawa. Wala kang karapatan sa kaniya, akin lang si Grapes." "P-Phannie, please don't do this..." Akmang aalis na si Phannie ng hawakan ko ang kamay niya at saka ako lumuhod sa harap ng dalaga. Nanlalaki ang mga mata na tinitigan lang niya ako habang isa-isang pumatak sa pisngi ko yung mga luha na nuon ko pa kinikimkim. "H-huwag sa ganito mo ako parusahan, a-alam kong maling-mali yung nagawa ko noon. P-pero handa na akong magbago at magpakaama, kahit ngayon lang. Hayaan mo akong maging ama sa anak natin. N-nag mamakaawa ako sa iyo Phannie. Pleas egive me a chance to with her." "A-Alam mo bang araw-araw ko hinintay noon ang pagkakataong ito? Yung pupunta ka sa akin para humingi ng tawad dahil sa sinabi mo at gagampanan mo ang responsibilidad ng pagiging ama kay Grapes? Pero anong nangyari, para lang akong tanga na nag asam sa wala! Huli ka na Gareth, huling-huli ka na. Dahil kaya na namin kahit wala ka pa." Puno ng pait na sabi ni Phannie habang nakatulala lang sa isang tabi. Mahigpit kong hinawakan yung mga kamay niya. Hindi ako makakapayag na mawala na naman ang tyansang ito sa akin. "A-Alam kong hindi mo na ako kailangan pa Phannie, pero si Grapes. Kahit baliktarin mo pa ang mundo, ama pa rin niya ako at kailangan niya din ako gaya ng pangangailangan ko sa kanya." Duon lang parang natauhan si Phannie at saka napaiyak. Agad naman akong tumayo at lakas loob na niyakap siya. Ramdam ko yung galit na nararamdaman niya para saakin, at hindi ko maipagkakaila na mas doble yung sakit na nararamdaman ko dahil sa sakit na naiparamdam ko dito. If God will give me a chance to go back again ont he exact day she came to me to announce her pregnancy, I will grab her right away and stand by her side no matter what happen. "It's already too late Gareth, hindi ka na namin kailangan pa." Pagkasabi niyon ay itinulak niya ako palayo at saka umalis. Wala akong nagawa kundi ang panuorin ang paglayo nito sa akin. Nakakalungkot lang na ang hirap, ang hirap pala bumalik sa isang bagay na matagal mo ng iwinaksi. At parang nadudurog yung puso ko sa kaisipang hindi ko man lang magawang lapitan yung anak ko na nanduon sa ward habang may sakit. Pero mas masakit na ibang lalaki ang tinatawag niyang ama imbes na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD