Chapter 22 Carl's Alam kong may mali, pero nahihirapan akong tanungin si Phannie. Mula ng lumabas siya kanina para bumili ng makakain ay parang napakalaki na ng nag-iba sa kanya pagka balik niya. Ramdam ko din yung tension sa pagitan namin, para kasing may itinatago siya na ayaw niyang mapag-usapan. At gustuhin ko mang magtanong ay hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon man lang. kaya pinili ko na lang ang manahimik at huwag ng mag-usisa pa sa dalaga. "You must go home now Phannie, mukang pagod ka na. Ako na munang bahal kay baby. Kung gusto mo, matulog ka muna at bumalik na lanag mamaya. I will update you from time to time if you want." Imbes na sundin ang sinabi ko ay umiling lang siya at saka naupo sa isang upuan na malapit sa kama ni baby Grapes. Hinawakan niya yung kamay ni bab

