Chapter 9
Shayphan's
Matapos ko sampalin sa pisngi si Gareth ay parang bigla nanaman akong tinubuan ng takot sa dibdib. Na co-confuse din ako kung paano ba kumalat yung tungkol sa halikan nayun? Lintek kang Aki ka, if I didn't know he must be the one who tell it to everybody on that damn party.
Pag-akyat ko sa room ko ay napansin ko si Luke na masayang nakikipag kuwentuhan sa isang babae na malamang ay classmate niya. Mabilis akong pumasok sa room ko bago pa niya ako makita, namula din yung pisngi ko sa sobrang inis.
Luke is my best friend, and actually ay bata pa lang kami magkasama na talaga kaming dalawa. Close kami as in sobra, but that was before I confessed to him of what I feel. Muntik nanaman akong mapaiyak ng maisip na paulit-ulit na lang niya akong ni re-reject at sinasaktan sa pamamagitan ng pag patol niya sa kung sino-sino na lang na mga babae.
At nasa ganuong kalugmukan ako ng makilala ko si Gareth two years ago, niligawan niya ako. At kahit wala akong nararamdaman sa kanya ay sinagot ko pa din siya sa pag-aakalang mag seselos si Luke at aagawin niya ako pabalik sa kanya. But that didn't happened, at halos isumpa ko din yung araw na sinabihan pa niya ako na wag na wag ng pakawalan pa si Gareth.
Until that stupid party came up. ...
*FLASHBACK*
-
-
-
-
-
-
HINDI ko isinama sa party ng isa sa mga classmate ko si Gareth dahil wala naman ito at hindi ko rin siya mahagilap. Balak ko pa namang isauli itong susi ng condo niya, ilang ulit ko na din siyang tinawagan but he didn't even bothered to answer it.
Masaya naman yung party at sa kalagitnaan ng gabi ay medyo nagiging wild na yung iba, nag kanda walaan na din yung ibang magkakasintahan. Pero wala akong pakialam sa kanila at tanging na kay Luke lang ang paningin ko sa buong duration ng party. I didn't expect to see him here in this party that's why I got surprised when I heard to one of my classmate that Luke Severino is coming together with his new girl.
Halos mabasag na ang hawak-hawak kong wine glass sa sobrang panggigigil ko sa nakikita ko. Nanduon si Luke kasama ng bagong hitad na napag alaman kong Carla ang name. Damn that wench!
"Shaine, are you okay?" narinig kong tanong ng isa sa mga kausap ko na kanina pa pala salita ng salita at tanong ng tanong sa akin pero tila naging bingi lang ako dito.
"H-huh? Yeah, I'm f-fine..."
"Sino bang tinitingnan mo diyan ta parang maiiyak ka na sa galit?"
Hindi ko na siya sinagot at saka ko inisang lagok yung wine na kanina ko pa pala hawak. Kumuha ulit ako ng bago at saka ko lang ulit inisang lagok yun, kailangan ko ng pam palakas loob, and I will just get that from this drinks.
Ng halos parang nag i-spin na yung paligid ko ay saka ako nag lakad papunta sa gawi ni Luke. Mukang nagulat din ito ng makita ako na papalapit sa kanya, huh! Hindi ba niya alam na kanina ko pa sila pinapanuod?!
Ng makalapit ako ay iniitsa ko palayo kay Luke yung braso nung babae na biglang nagulat sa ginawa ko kaya hindi siya nakapag handa. Nilingon ko si Luke at saka ako yumakap sa katawan niya, ang bango... namimiss ko na talaga ang lalaking ito at hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko!
"Luke, who is she?!" puno ng galit na tanong nung Carla.
"B-babe, let me explain. S-Shaine, can you stop this? Nasaan na ba si Gareth? Lasing ka na, you must get home now"
Pilit niyang tinatanggal yung braso ko sa katawan niya pero mas hinigpitan ko pa ang pag kakayakap dito.
"No! I missed you so much Luke that I cant even take it anymore to be far from you"
"S-Shaine, ano ba! Ihahatid na kita" hinawakan niya yung wrist ko at saka ako hinatak papunta sa gate pero agad ko ding binawi iyon dito papalayo. Ayoko pang umuwi dahil nadudurog lang ang puso ko sa ginagawa niya sa akin ngayon.
"L-Luke, bakit hindi mo maintindihan na ikaw ang mahal ko‼"
"Mahiya ka naman sa boy friend mo Shaine, mahal na mahal ka ni Gareth at wala kang karapatan na gawin sa likod niya ang mga ganitong bagay"
Puno ng hinanakit na tinitigan ko siya at saka na lang ako napangisi ng ma realize na wqla lang talaga para sa kanya ang mga pinag samahan namin. Tumalikod na lang ako sa kanya pabalik dun sa party at saka ako pumasok at pumunta sa second floor ng bahay na ginaganapan ng party.
Nakita kong parang hinahanap ako ni Luke sa labas kaya mabilis akong pumasok sa isnag kuwarto na nakita ko ng mamataang pumasok na din sa loob ng bahay si Luke.
Kailangan kong makalayo sa kanya dahil ayokong makita niya akong halos magmakaawa sa kanya, kaya pilit kong pinipigilan yung damdamin ko para sa kanya.
Napatingin ako sa kabuuhan ng kuwarto medyo dim lang yung ilaw kaya hindi ko napansin yung lalaking bigla na lang humatak sa akin papunta sa gitna ng kama. Nagulat ako kaya hindi kaagad ako nakapag protesta. Bigla lang tila nanumbalik sa reyalidad ang utak ko ng maramdaman ko na may humahalik sa leeg ko papunta sa gawi ng dibdib ko.
"H-hey! Stop this!" Hinawakan ko yung pisngi ng kung sino man ang lalaking ito na patuloy lang s apaghalik sa akin.
"Hmm, trying to be prude? So, ikaw ba yung sinasabi ni Kamsa na babaeng magpapaligaya sa akin?"
"Whaat?‼" pinilit kong makatayo at iwan ang lalaking ito pero masyado siyang malakas at iniipit niya ako pahiga.
"Hey! Stop this! Hindi ako yun. Nagkakamali ka laang‼" bigla akong napatili ng maramdaman ko yung kamay ng hayup na lalaki na ito sa legs ko pataas pa.
At yun ang eksenang naabutan ni Luke ng pabalabag niyang uksan yung pintuan ng kuwarto. Napaiyak na lang ako habang pinapanuod si Luke na binibigwasan ang lalaking napag alaman ko na si Aki pala.
Maya-maya ay iritableng hinatak na ako ni Luke papalabas ng kuwarto at saka ako pinapasok sa loob ng kotse niya... nag-iiyak na lang ako habang sa loob loob ko ay sinisisi ko ang lalaking ito kung bakit nangyari ang ganito...
Kung hindi lang sana ako na in love sa kanya, kung hindi lang sana niya ako iniiwasan, F**k!
"I-I hate you, L-Luke. I swear to hate you f-forever"
-
-
-
-
*END of FLASHBACK*
NAPAtungo na lang ako sa table ko at saka lihim na umiiyak. Ayoko ng ganitong pakiramdam, nahihirapan kasi ako.nasasaktan din at nanliliit maging sa sarili ko.
[SHAYPHAN]
Kauuwi lang ni Carl, at katatapos lang namin kumain ng sabay, baka raw kasi pabayaan ko nanaman yung sarili ko kaya sinigurado niya na kakain talaga ako sa oras ngayon lalo na at mag kaka baby na ako. Ala's-diyes na din ng gabi pero hindi pa din ako hinahatak ng antok.
Kinuha ko na lang yung chordless phone ko at saka umupo sa isa sa mga upuan na nakalagak sa verandah na naka kunekta sa kuwarto ko. Pinakiramdaman ko muna yung sarili ko bago ko nagawang i-dial yung telephone number ni Mommy sa ibang bansa.
Naka ilang ring pa muna bago ako may narinig na sumagot niyon.
"Hello?" bigla nanaman akong napaiyak ng marinig yung boses ni Mommy. Kahit di ko kasi aminin ay nasasabik na din pala ako na makita at makasama siya. Inipit ko yung boses ko para hindi niya marinig yung pag singhap ko sa pag-iyak.
"M-mommy.." ani ko sa paos na boses.
"Hey baby, is that you?"
"Yeah, I just want to tell you something" napalunok pa ako kasi parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko na di ko mawarian.
"Oh, what's that Baby? Just tell it to Mommy okay?"
"M-mom.... I-I'm --- I'm p-pregnant" at dun napalakas na talaga yung hagulgol ko this time dahil sobrang bigat na ng dinadala ko.
Hindi nakasagot ng ilang minuto si Mommy, at halos di ko na din mawarian yung pintig ng puso ko sa sobrang lakas niyon. Natatakot kasi ako dahil ma di-disappoint ko nanaman siya. Ang sama ko na bang anak? Napaka walang kuwenta ko na ba?
"P-Phannie, makakauwi ka ba dito sa States? Can you do that for me,honey?" tila nanghihinang pakiusap sa akin ni Mommy.
"Y-yeah"
Natuwa naman ako na hindi naman pala siya galit sa kalagayan ko ngayon, nag aalala lang daw siya ng sobra-sobra dahil nag-iisa ako dito sa Pilipinas. Ilang oras din kaming nag kuwentuhan habang kino-comfort niya ako, todo kuwento din siya na Masaya naman daw maging Mommy lalo na kapag first baby mo. Habang pilit kong dina-divert yung usapan kapag nagagawi na yung topic sa kung sino ang ama ng dinadala ko ngayon.
Pagkatapos namin mag-usap ay ang airlines naman ang tinawagan ko at saka ako nag pa reserve ng flight ticket for next week. Kailangan ko muna kasing ayusin ang ilang bagay-bagay dito bago ako umalis at tumakas nanaman.
Naalala ko nanaman tuloy si Daddy, alam kaya niya kung ano-anong nangyayari sa buhay ko ngayon? Kagagalitan kaya niya ako pag nalaman niyang buntis ako pero ni hindi ko magawang sabihin sa tatay ng baby ko na magkaka-baby na kami? Napatungo na lang ako at saka ko marahang pinunasan yung luha sa mga mata ko. Hindi daw ako pwedeng ma stressed sabi nung doktor dahil masama daw iyon para sa baby.
Tumayo na lang din ako at saka nahiga sa kama ko. Ngayon ko pa lang kasi nararamdaman yung pagod dahil sa maghapon.