Chapter 10: Lies and painful ending

2109 Words
Chapter 10 Shayphan's Andito si Pichie sa condo ko, nagulat siya nung sabihin ko na uuwi muna ako sa States kasama ni Mommy. Pero hindi ko pa ring magawang sabihin yung tungkol sa kalagayan ko. Natatakot kasi ako na baka ipaalam niya kay Gareth ang tungkol dito. Kilala ko si Pichie, ayaw niyang naaagrabyado ako. Na pag desisyunan ko na ding palakihin na lang ng mag-isa ang baby ko. Ayokong ipaako na lang ng ganun kay Gareth ang pangangalaga sa bata kung sa una pa lang alam ko na na hinding-hindi niya maiiwanan yung girlfriend niya. Kahit masakit ay pinilit kong panindigan iyon. Just for my baby’s sake. “Umamin ka nga Phannie, anong nakain mo at uuwi ka na lang bigla-bigla sa nanay mo? For pete’s sake! One month na lang graduation day na din natin! Bat di mo na lang ipag paliban iyan?” “A-ayoko na kasi dito, don’t get me wrong Pichie pero ayoko din sanang mahiwalay sa iyo. Kaya lang na miss ko na kasi agad si Mommy. Matagal ko na din siyang hindi nakikita. Sana naman maintindihan mo iyon” Hindi na sumagot si Piichie pero rinig na rinig ko pa rin yung pag buntong-hininga niya. Kasalukuyan kasi akong nag liligpit ng mga gamit ko ngayon. At pilit ko mang itago pero ngayon pa lang ay nalulungkot na ako sa kaisipang iiwan ko si Pichie. “Friend naman, wag ka namang ganyan. Hindi mo ba ako ma-mimiss?” “Ano ka ba?! Mamimiss kita nuh, at tsaka may Skype naman di ba? may sss at Twitter pa!” tinabihan ko na siya sa sofa at saka inakbayan. “Ilang dekada ka naman titira sa malayong lugar na iyon?” nakabusangot pa ring sabi niya. “Saglit lag naman, mga two or three years lang” “Whaaat?! Lintek, akala ko two months ka lang dun, ano bang problema mo? May pinagtataguan ka ba?” Bigla na lang bumilis yung t***k ng puso ko. Kahit best friend ko siya ay dapat siguro sa susunod ko na lang aaminin ang bagay na ito. “W-wala nuh!” hinampas ko pa yung braso niya ng mahina. “Ay naku, baka naman na broken hearted ka?’’ “Haller! Mas lalong hindi, na miss ko lang talaga si Mommy that’s all as in period” “Okay, pero wag mo akong kakalimutan huh?! Mag chat tau palagi” “Ay, oo naman ikaw pa” “Tama, ako pa” “Tulungan mo na lang akong magligpit Pichie para may pakinabang ka” “Okay, fine!” Pagkatapos namin magligpit ay siya namang pagdating ni Carl sa condo at tila maging ito ay nagulat sa naging pasya ko. Natuwa naman ako kasi ngumiti lang siya at saka sinabing dadalaw-dalawin na lang niya ako sa States kapag may free time siya. Nilantakan namin ni Pichie yung mga fruits na dala-dala ni Carl na pabulong namang sinabi sa akin ni loko na para daw yun kay baby. Haayyy, kung sana ay si Carl na lang ang ama ng magiging anak ko eh di bongga! Baka siya pa ang mag demand ng responsibilidad para sa bata. Eh kaso, Hindi… Yun yung masakit dun… Gareth's  Hindi ko na ata nakikita pa sa eskwelahan si Phannie. Nung huling kita ko sa kanya ay yun pa nung may lalaking buhat-buhat siya. May sakit kaya siya? Pero bakit ko ba masyadong pinag-iisip yung isang iyon, for sure ay tinatamad lang pumasok yun. Bigla akong napapitlag sa kinauupuan ko ng maramdaman ko na nag va-vibrate yung cellphone ko. Sino naman kaya yung tumatawag? Di kasi naka save yung number. “Hello?” I said in a lazy tone. Inaantok kasi ako na di ko mawarian, lately palagi akong ganito. “Gareth? Si Auntie  Hanna mo ito, kamusta na? kailan ka naman ba bibisita dito?” Aw s**t, si Auntie Hanna pala ito. Siya yung kapatid ni Mommy na nakatira ngayon sa Batangas kasama niya dun yung asawa niya at dalawang anak na lalaki. Nakakahiya naman, isang taon na din pala nung huli akong dumalaw dun. “Ah, after graduation ko na lang po Auntie. Baka mag bakasyon na din kami diyan nila Mommy” yun kasi yung narinig kong plano ni Mommy para naman daw makita namin ulit sila Auntie. “Ganun ba? Well, that’s good. Aasahan ko iyan huh?! Na mimiss ka na din kasi ng mga pinsan mong makukulit. Ano bang pinakain mo sa mga yun at palagi kang hinahanap?” sabi niya at saka tumawa. “Di ko rin po alam” maski ako ay natawa na din kasi close talaga ako sa dalawang iyon, kina Kirk at Klark na eight at ten years old pa lang. “Oh siya, baka nakakaistorbo na kao. Mag-iingat ka huh?” “Sige po, thank you po” Pagkababa ko ng cellphone ay si Stephen kaagad yung namataan ko. Bakit parang ang gloomy ng isang ito ngayon? Kinalabit ko siya, pero ang gloomy pa din talaga ng aura niya. “What’s  wrong 'pre?” tanong ko dito. Pero si Loko nag buntong hininga muna bago sumagot. “Si Shayphan kasi ng buhay ko ay nabalitaan kong pupunta na sa States. Nakakalungkot hindi ba?” Shayphan? Si Phannie iyon, di ba? “Bakit?” na curious din ako dun. “Ewan, basta dun na ata titira sa Mommy niya. Nakaka sad, baka nga di na daw siya umatend sa graduation din nila” “Huh? Sayang naman” “Kaya nga eh, may problema kaya siya kaya ganun?” “I don’t know” pero bigla na namang pumasok sa isip ko yung eksenang iyon kasama nung lalaki. Tumayo na nga lang ako at lumabas ng classroom. Tatambay na lang muna ako sa likod ng eskwelahan. Gusto kong magpahangin at baka sakaling tangayin din ng hangin yung muka ng babaeng iyon sa isip ko. Pagdating ko dun ay umupo na lang ako sa isang tagong bench na nahaharangan ng malaking puno, walang tao. Mabuti naman. Sumandal ako sa puno at saka ko tinakpan ng panyo ko yung muka ko, iiglip lang ako saglit. “How dare you!” Huh? Biglang mulat yung mata ko ng marinig yung sigaw na iyon na parang nasa malapit lang sa akin. May tao pala sa likod ng puno di ko man lang napansin, at mukang may kaaway pa. LQ siguro. Pero bakit parang familiar yung voice nung babae? “Can you shut up Shaine? Punong-puno na ako sa iyo, masyado kang isip bata at yun ang pinaka aayawan ko sa isang babae” Shaine? Si Shaine ba yung kausap nung lalaki? Tapos yung boses ng lalaki parang kay Luke? Bigla na naman akong kinabahan sa narinig ko. Pinagpawisan din ng malamig yung noo ko habang uncontiously ay naikuyom ko na pala ng mahigpit yung kamao ko sa kamay. “L-Luke, you know that I love you! At hinding-hindi magbabago yun ano mang sabihin mo!” “God! Tigilan mo na ako Shaine, mahal na mahal ka ni Gareth at mahiya ka naman sa kanya” “Pero hindi ko na siya mahal! Ano bang mali sa akin at hindi mo man lang ako matutuhang mahalin? Kulang pa ba ang ipinaparamdam ko sa iyo? TELL ME!!” Duon parang nag dilim yung paningin ko sa narinig. Pakiramdam ko ay anumang oras ay sasabog ako sa galit o mauupos. Para ding sinasaksak yung puso ko. Nahihirapan na din akong makahinga. “For ones! Tigilan mo naman ang pagiging selfish mo Shaine, hindi kita mahal at bilang sa isang matalik na kaibigan lang ang nararamdaman ko para sa iyo. Wag na wag ka ng magpapakita pa sa akin” –LUKE. Narinig ko yung yabag ng isang tao na parang naglalakad palayo habang si Shaine ay mukang naiwan at patuloy sa pag-iyak. Marahan akong lumabas ng pinagtataguan ko at saka ko inabot kay Shaine yung panyo ko. “G-Gareth??!” halos naiimagine ko na kung gaano siya kagimbal ng makita ako. Lalo pa at mukang narinig ko ang lahat ng usapan nila. “Wiped your tears and start to fix yourself” walang emosyon na sabi ko na lang sa kanya. Wala kasi akong maramdaman, namamanhid ako kaya di ko rin alam kung paano pakikitunguhan ang babaeng ito na ilang taon ko ding minahal at sinunod ang lahat ng gusto. Hindi ko inaasahan na sa ganito na lang pala magtatapos ang pagsasakripisyo ko sa kanya. “G-Gareth k-kanina ka pa ba diyan?” nabubulol niyang tanong habang nakatayo lang sa harap ko at nakatingin ng diretso sa akin. Umiling ako. “G-ganun ba? M-mauuna na pala ako, may k-klase pa kasi ako” Nung akmang aalis na siya ay agad kong hinawakan yung braso niya at saka ko siya isinandal dun sa puno. Nanlaki yung mga mata niya habang dahan-dahan na namang lumalabas yung luha sa mga mata niya. “Anong pakiramdam ng parang basura na itinapon ng taong mahal mo?!” mahina pero puno ng diin na tanong ko sa kanya. “Gareth, please let me explain” “Yeah, start explaining now but don’t ever try to fool my head again!” Patuloy lang siya sa pag-iyak at ni hindi man lang siya nagsasalita. Heto ba yung pag papaliwanag na gusto niyang gawin? Ang iyakan ako ng iyakan?! Lintek ka! Sa sobrang inis ko ay sinuntok ko na lang yung puno na kalapit ng muka niya, ramdam ko yung takot niya sa ginawa ko at nangangatal na din siya. “We're over, Shaine. We're over” tumalikod na ako at saka ako dumiretso sa kotse ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagulat pa nga ako ng ma realize na nasa bahay na pala ako nila Mommy. Pabalibag kong binuksan yung kotse ko at saka ako nagmamadaling pumunta sa mini-bar ng bahay na katabi ng kuwarto ko. Lahat ng alak na alam kong matapang ay kinuha ko sa lalagyan at saka iyon sinimulang tunggain sa bote. Wala akong balak unti-untiin ito dahil gusto ko ng magpakalunod kaagad. Para makalimutan ko yung sakit, yung sakit at yung sakit. “Gareth?! What are you doing?!” naramdaman ko na lang na may kung sino ang humatak sa alak na tinutungga ko at pabalibag iyong ibinalik sa counter. Paglingon ko ay si Mommy pala, nakatingin siya sa akin ng puno ng pag-aalala. “Give it back to me” medyo hilo na ako, pero hindi pa rin nawawala yung sakit sa dibdib ko. “No! Pag-usapan na lang natin kung anuman iyang problema mo. At hindi sa ganito mo idinadaan” “There is nothing to talk, Mom” inagaw ko yung bote at saka ko nanaman tinungga iyon. Pero nung tangkang aagawin ulit ni Mommy at mabilis kong iniwas iyon at saka pa ako kumuha ng isa pang bote at pumasok sa loob ng kuwarto ko para walang istorbo, ini-lock ko yung pituan ng room ko at saka ako naupo sa paanan ng kama ko. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganitong sakit, ng ganitong paghihirap ng loob. As in ngayon pa lang! “Gareth! Ano bang nangyayari sa iyo?!” pilit na kinakatok ni Mommy yung pintuan ng kuwarto pero hindi ko siya pinansin. Ayoko ng kahit na sino sa ngayon, mas gusto kong mag-isa. Tinungga ko ulit yung alak at saka iyon inubos. Nang di pa rin ako makuntento ay yung isang bote naman. Nahihilo na din ako at di ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Mababa lang kasi ang alcohol tolerance ko kaya halos lagpak na ako ng mabuksan ni Mommy yung kuwarto kasama na ngayon ng isa ko pang kapatid na si Garry na bata lang sa akin ng isang taon at pati yung driver namin. “Tulungan mong buhatin iyang si Gareth! Dali!” Di ko alam kung sino ang nagsabi nun basta naramdaman ko na lang na lumapat yung likod ko sa kama. “Ano bang problema ng isang ito?” nakilala ko na yung boses na iyon, si Garry malamang iyon. “I don’t know, may nangyari kaya sa eskwelahan nila?” that must be my Mom. “Ako na po ang bahalang umalam” Napangisi na lang ako ng marinig ang sinabing iyon ni Garry. I wiggled my finger “Nah, don’t do that brother. C'oz it’s not your business” Ipinikit ko na yung mga mata ko at saka nagpahatak sa kadiliman, antok na antok na talaga ako. At sana bukas! Wala na yung sakit… As in wala na…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD