Chapter 11: Hello, baby

2165 Words
Chapter 11 Shayphan's  "How's my baby, huh? Did you sleep well Honey?" binuhat ko mula sa crib niya si Grapes at saka pinugpog ng halik sa pisngi. Sige naman siya sa pagtawa na ikinasasaya ng puso ko. Mararamdaman ko kaya ito kung itinuloy ko dati yung plano kong pagpapalaglag? Bigla na lang parang namuo yung luha sa mga mata ko habang tinititigan ang walang muwang na baby ko. Pero ang mas nakakainis pa dito ay halos puro ang genes ni Gareth ang nakuha ni baby Grapes, it's so unfair just imagine na ako yung nagdala sa kanya sa loob ng siyam na buwan pero parang wala man lang siyang nakuha na kahit na ano galing sa akin? Sigh. "Mah-mah.. mah-mah..mah-mah" Bumalik nanaman yung sigla ko ng marinig yung sinasabi ni baby Grapes habang yung isang kamay niya ay isinusubo sa bibig, aalisin at isusubo ulit. "Yes baby, Mommy's here" "Ate Phannie!" napalingon ako sa pintuan ng kuwarto ng marinig yung matinis na boses ni Charrie. Tumakbo ito sa gawi ko at saka tumabi sa kama ni Grapes ng mailapag ko na ang huli. "What's that Charrie? "Uncle Carl is here, and I just told him to come up here" "Really?'' pero bago pa ako makagalaw para sana puntahan sa ibaba si Carl ay may dalawa ng kamay ang agad na tumakip sa mga mata ko. Kinapa ko yung kamay habang pilit na tinatanggal iyon. "Hey Carl, I know it's you. I can smell your scent" "My scent huh?" ang nakangiti niyang muka ang agad na sumalubong sa akin ng tanggalin niya yung mga kamay niya. One week na din pala nung huli siyang dumalaw dito, and frankly I missed this guy. Hinalikan niya ako sa pisngi at saka naman tumabi ulit sa kabila namang side ni baby Grapes habang ako ay nandito lang sa paanan ng baby ko. "Hey fruitcake, did you missed your dah-dah?" napatingin sa kanya si Grapes at ng makita siya ay agad itong tumawa at nag papadyak. Ang landi ng loka, mukang na miss nga si loko. "Dah-dah.." puro ganun lang yung sinasabi ni Grapes habang pilit na inaabot yung muka ni Carl. Mukang hindi rin naman nakatiis si Carl at binuhat na din si Grapes. Ang cute lang nila tingnan, para talaga silang mag-ama. Parang biglang umurong yung ngiti ko ng maalala nanaman yung nangyari noon, kung paanong parang halos nawalan na ako ng pag-asa at makakapitan bukod sa lalaking ito na nasa harap ko ngayon. Maging si Pichie ay hindi malaman ang gagawin sa akin nun, pero wala akong pinag sisisihan sa mga nangyari lalo na at kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ko lalo na ng dumating si baby Shey Gretchen. * PAST* I got out of balance that's why I almost fell down when I get out from my car. By everyday, my morning sickness got worse and worse, kaya naman halos nahihirapan na din akong pumasok sa eskwelahan. Si Pichie nagtataka na sa mga nararamdaman ko, sinabihan na niya din akong magpakonsulta sa doktor. At sa tuwina ay nahihiya ako sa kaisipang hindi ko maamin-amin sa bestfriend ko ang tunay na kalagayan ko. Nakakailang hakbang pa lang ako ay nakasalubong ko na kaagad si Carl. Nginitian niya ako at saka kinuha kaagad ng walang paalam yung shoulder bag ko at ilang books na dala-dala ko. "Are you sure na kaya mo pang pumasok sa klase mo?" tanog nito kapag-kuwan habang puno ng pag-aalala ang muka niya. Tumango ako kahit ang totoo ay pakiramdam ko'y susuka na lang ako bigla-bigla sa kung saan. Medyo nahihilo din ako. Pero maya-maya lang mawawala na din naman itong nararamdaman ko kaya sayang naman kung aabsent nanaman ako. Habang papunta kami sa room ko ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Paano ko ba palalakihin ang sanggol na ito sa sinapupunan ko pag nagkataon? Hindi pa ako ready maging mommy, at sa totoo lang ay ang bigat-bigat ng pakiramdam ko sa kaisipan mag kakaanak na ako. Napahawak ako sa tiyan ko at saka ako napakuyom ng kamao. Pagpasok ko sa room ay nagpaalam na din kaagad si Carl at sinabing tawagan ko na lang siya kapag pauwi na ako, siya na raw ang bahalang maghatid sa akin. Ilang minuto pa ang natitira bago mag simula ang klase namin. Napagpasyahan kong lumabas na lang muna o kaya hanapin si Gareth, nangangati na noon pa yung bibig ko na ipaalam sa kanya ang sitwasyon ko. Pero sa tuwing malapit na ako sa kanya ay tila ako kinakain ng sobrang kaba at takot, takot na ma reject lang ako. Nag paikot-ikot muna ako sa mga lugar na malimit na tinatambayan ng lalaking iyon. Pero wala ito sa apat na lugar na napuntahan ko na. Nag lakad ulit ako papunta sa gawing likod ng eskwelahan, mag babakasakali lang ako na naduduon siya. Hindi naman ako nagkamali dahil naabutan ko siya na nakaupo sa isang table ng bench habang nakapatong sa bench yung paa niya. Naninigarilyo din siya. Marahan akong lumapit sa gawi niya. Ng makalapit ako sa kinauupuan niya ay marahan siyang napalingon sa gawi ko, at para akong itinulos sa kinauupuan ko ng makita ko yung expression ng muka niya. Poker face, yun na lang yung bigla kong naisip kasi nakaka intimidate talaga yung dating niya. Ayan at parang gusto ko nanamang tumakbo palayo ngayon at kinakabahan din ako. Oh f**k! It's now or never Phannie‼ "What do you want?" walang ano mang emosyong tanong niya sa akin. Napansin ko din na parang medyo nakainom siya, lasing ba siya?? Eh, bakit pumasok pa siya sa school? "G-Gareth.. I-I have s-something to tell you" "What's that? Just make it faster, babe. Wala ako sa mood makipag gaguhan ngayon" Parang gusto ko na talagang tumakbo paalis, natatakot ako sa Gareth na kaharap ko ngayon. Napahawak ako sa tiyan ko at napasunod naman yung tingin niya sa ginawa ko, bumaba sa tiyan ko yung mga mata niya at ramdam ko yung pagtatagis ng bagang niya dahil sa ginawi ko. Itinapon niya yung sigarilyong hawak niya at saka hinawakan yung baba ko. "Don't tell me that you're pregnant co'z I won't believe it" Namuo na yung luha sa mga mata ko at saka ako napakagat-labi. Hanggang sa tumulo na yung luha ko, pabalang kong tinanggal yung kamay niyang nakahawak sa muka ko. Buong hinanakit ko siyang tinitigan habang pakiramdam ko ay tinablan na ako ng sobrang galit ko. "Well, I have flash news for you mister. I-AM-PREGNANT-AND-YOU'RE-THE-FATHER" "Congratulations then, Phannie. Pero hindi ako naniniwalang anak ko iyan. Go away, at wag mo akong gawing gago dito. Dahil hindi ka pinanagutan ng boyfriend mo ay sa akin mo naman ipinapasa iyan ngayon?!" Parang literal niyang sinaksak yung puso ko at dahil dun ay mabilis na lumipad yung palad ko sa muka niya! Napahagulgol na ako, wala akong pakialam kung may mga nakakakita man pero hindi ko na kasi kaya pa ang sobrang sakit, namamanhid na din ako at galit na galit din ako sa lalaking ito. "You dipshit bastard! I swear to God that this is yours, pero naiwala mo na yung chance na ibinigay ko sa iyo para mag paka responsable! Hindi kita kailangan! Hindi ka NAMIN kailangan. You will regret this Gareth, I swear you will" Tumalikod na ako at saka nagsimulang mag lakad papalayo. Pero napahinto ako ng marinig ang huling sinabi nito at parang gusto ko na ring lamunin ng lupa sa sobrang hinanakit. "I know someone who can abort that, Phannie!" Pinahid ko yung luha ko at saka nagmamadaling lumayo sa lalaking ito. Ang bobo ko, anong naisipan ko at ipinaalam ko pa sa kanya ito?! Anong nangyari at na in-love ako sa gaya niya? Paglapit ko sa kotse ko ay agad akong pumasok dun at saka iyon pinaandar na lang. hindi ko alam kung saan ako pupunta, nahihilam na din sa luha yung mga mata ko. Pero nasa kalagitnaan na ako ng hi-way ng maisipan kong tawagan si Carl. Siya lang naman ang nagmamalasakit sa kalagayan ko ngayon. "H-hello?" sabi ko sa kabilang linya habang nanginginig yung boses ko. "Phannie? Are you allright? Where are you?" "C-can you come with me?" napaiyak na ako. "Where?! Nasaan ka ba pupuntahan na kita diyan?" "I w-want to get r-rid this Baby" "Holy f*****g s**t! Don't dare to do that at sinisigurado ko sa iyo na ako mismo ang magpapakulong sa iyo kasama ng abortionist na iyan!" "H-help me, p-please..." Carl's  Gusto kong balikan at sapakin sa muka yung lalaking iyon na nakabuntis sa babaeng pinaka mamahal ko. Naninikip yung dibdib ko sa sobrang sama ng loob at hinanakit. Kinabahan din ako ng sobra ng tawagan ako ni Phannie para mag pasama mag pa ABORT? Oh f**k, gustong-gusto ko na talagang batukan yung babae na ito para matauhan. Sinong barabas ba ang nagpasok sa isip niya na magpa abort! punyeta! Inihatid ko siya sa condo niya at saka inihiga sa kama niya. Ginawan ko din siya ng corn soup para magkalaman man lang yung sikmura niya. "Kumain ka muna at baka kung mapano ka na" inilapag ko sa side table ng kama niya yung pagkain at saka ito tinabihan sa kama. "Anong gagawin ko sa batang ito ngayon, Carl? Alam mo bang hindi siya kinilala ng ama niya? Nang hayup niyang ama?!" Ayun umiyak nanaman siya. Hinawi ko yung naka sabog na buhok niya sa muka niya at saka ko siya niyakap ng mahigpit. Nadudurog ang puso ko para sa babaeng ito. At parang nanlamig din ako sa kaisipan pa lang na ipapalaglag niya yug baby, walang kasiguraduhan ang bagay na iyon at malaki pa ang chance na mameligro ang buhay ni Phannie na siyang ikinatatakot ko. "You can do it Phannie, don't worry I wont leave by your side" "Damn him! He didn't deserve to be my baby's dad" "I know, I know" hinagod ko yung likod niya para kumalma siya, pero patuloy lang siya sa pag-iyak. "N-natatakot ako" "Maaari kong akuin ang batang iyan Phannie, k-kung papayagan mo lang ako" Duon naman ito nahinto sa pag-iyak at saka ako tinitigan ng mabuti na para bang isang napaka imposibleng bagay ang sinabi ko dito. Nasaktan tuloy ang puso ko dun. "Carl! What are you talking about?" "I'm serious Phannie" "No! hindi mo kasalanan ang lahat ng bagay na ito para ikaw ang umako..." "I don't care! I love you Phannie! And I'm willing to take over the responsibility just to be with you!" Akala ko magagalit nanaman siya pero tahimik lang niya akong tinalikuran at saka humiga na sa kama niya. "U-uuwi na ako sa States Carl" parang nag-iba yung pakiramdam ko dahil dun. "I can come with you" "No, malapit na ang graduation niyo. Di mo kailangan sumama sa akin" "Susundan at susundan pa rin kita ano mang mangyari. Hindi mo ba alam na lilipad na din ako sa States next month para i-take over ang family business namin na naduon?" Humarap sa gawi ko si Phannie at saka nanaman siya napaiyak, pero agad din niya iyong pinunasan at hinawakan niya yung kamay ko. "Ano bang ginawa kong kabutihan para magkaroon ng kaibigang kagaya mo?" Hinawakan ko yung pisngi niya. At saka kinintalan ng halik yung noo niya. "Mag pahinga ka na, nandito lang ako" . . End Tinotoo ni Carl yung sinabi niya sa akin noon, sumunod siya sa akin dito at palagi siyang naka antabay sa akin. Hindi na ako naka akyat sa stage para abutin ang diploma ko nung time na iyon pero wala akong pakialam at mas mahalaga na lang sa akin noon ay ang makalayo kay Gareth. At ang malimutan siya. So far, masasabi kong unti-unti na akong nahuhulog kay Carl at Masaya ako sa kanya. "Hey Phannie, what's wrong? Lumilipad nanaman iyang isip mo" Ngumiti lang ako kay Carl at saka inagaw mula sa pagkaka buhat yung baby ko. Medyo umungot si Grapes na parang ayaw talagang malayo kay Carl. "Ginayuma mo na ata yung anak ko Carl at ayaw na sa akin ngayon" "Di nuh! Namiss lang talaga namin ang isa't-isa kaya ganito" Ibinalik ko na sa kanya si Grapes at nakuntento na lang sa pagmamasid. "Oo nga pala, uuwi na pala ako next week sa Pilipinas. Baka abutin din ako ng taon dun" napabuntong hininga naman niyang tiningnan si Grapes " akala ko pa naman di ko ma-mimiss ang first birthday ng baby ko" Napangisi na lang ako sa kanya. "Di naman talaga" "Huh?" "Sasama kami sa iyo! Pumayag na si Mommy na umuwi kami ni Grapes dun, na mimiss ko na din kasi sila Pichie, pati siguro heto na yung time na ako na dapat ang namamahala ng personal sa resort ko" Nanlaki yung mga mata ni Carl at saka tuwang-tuwang pinugpog ng halik si baby Grapes. "Did you heard that Baby? Di na tayo magkakahiwalay, whew! Na relief talaga ako dun" I just smiled widely and contentedly as I start to think of how am I going to start anew again in that country. Pero kasama naman namin si Carl kaya di ako nangangamba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD