Chapter 12: Untold story

1896 Words
Chapter 12 Gareth Pabalibag kong hinugot sa bulsa ng pantalon ko yung cellphone ko at saka sinagot yung tawag ni Mommy. Kung di ba naman istorbo. “Hello?” “Gareth! Nasaan ka na ba? Alam mo naman na uuwi tayo sa Batangas ngayon. Bakit wala ka pa dito? Ikaw na lang ang kulang Gareth, wag mo kami paghintayin sa wala. Ayokong umuwi sa Batangas ng di tayo kumpleto. My god! Family reunion natin tapos ganyan ka?!” “Hey Mom, can you please calm down. Don’t worry, I am coming okay? Medyo may tinatapos lang ako sa office. Saglit lang” “Just make sure na makakarating ka dito within one hour dahil kung hindi!” “Fine! Fine… Gotta go mom, bye” Pinutol ko na yung tawag at saka muling pumasok sa kuwarto ko. Naabutan kong bihis na din pala si Rose, f*****g s**t! Wala pa man kaming nauumpisahan natapos na kaagad. Almost one month ko ng fling at bed partner si Rose. Isa siyang super model na nakilala ko sa isang private party na isinagawa ng isa sa mga kaibigan ko. Nag meet kami kanina sa isang coffee shop ng di sinasadya at inaya ko nga siyang pumunta sa condo ko pero bago pa man may mangyari sa amin ay tinadtad na ako ng tawag ni Mommy. Which frustrate the hell out of me “I must get going by now Gareth, may photo shoot pa pala akong kailangan puntahan at mag sisimula yun by ten ng umaga. Almost ten minutes late na ako kaya baka next time na lang natin ituloy ang session” pagkasabi niya nun ay hinalikan niya muna ako sa labi at saka na din nag mamadaling umalis. Inis na napamura na lang ako. Dumiretso ako sa banyo at saka naligo. Mahirap ng paghintayin si Mommy dahil baka sugurin ako dito ng isang iyon. After forty-five minutes of driving ay nakarating din ako sa bahay at pagkapasok ko pa lang ng kotse ko sa garahe ay namataan ko ng nakapangalumbaba sa loob ng kotse ni Dad si Gray habang cool lang naman na naka sandal sa passenger seat si Garry, naka earphone ito kaya malamang di pa niya alam na nandito na ako. “Hey, where’s mom?” tanong ko kay Gray na mas bata lang sa akin ng anim na taon, so bale seventeen pa lang siya tapos si Garry mga nasa twenty na ata? Di ako sure, ganun ako ka bait na kapatid. “Inside” yun lang yung sinabi niya at saka tumunganga na naman sa kawalan. Ano bang problema ng isang ito? Pagpasok ko sa bahay ay agad kong nakita si Mommy habang hatak-hatak ang isang malaking duffel bag na alam kong pagmamay-ari ko.  Nung makita niya ako ay agad siyang ngumiti at saka ipinasa sa akin yung bag. “What’s this Mom?” “Mga damit mo, alam kong di ka magdadala kaya ako na mismo ang nag ligpit ng mga iyan para sa iyo, masyado ba akong naging sweet Hijo?” Nilagpasan niya lang ako at saka sinabing aalis na daw kami. Yung van yung sinakyan namin, pagpasok ko sa loob ay nakita ko yung iba pang mga malalaking bag na nasa back seat. What the— “Mommy! One day lang naman tayo sa Batangas, right?” “One day? Of course not Gareth, two weeks tayo duon” Parang gusto ko ng mag back out at tumakbo papalabas ng kotse ng marinig yun. f**k! Di ko pa naman nasabihan yung mga employee ko na di ako makakapasok. Mula kasi ng i-take over ko last year yung business namin ay ako na mismo ang personal na nangangasiwa niyon. Kinuha ko din bilang katuwang si Stephen, matalino rin naman kasi ang isang iyon. Hayok nga lang sa babae. “But Mom! Marami pa akong trabahong kailangan tapusin” Hindi ako nilingon ni Mommy sa halip ay tinitigan lang niya ako ng masama sa rear view mirror. Dahil nga nasa unahan siya ng sasakyan nakaupo. Si Daddy napailing na lang at saka na pinaandar ang sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako at saka naiinis na sumandal sa upuan. Napatingin pa ako kay Gray na mukang masama pa din ang timpla. “I wish I can bring my girlfriend” yun yung narinig kong binubulong-bulong niya. Kaya pala mainit ang ulo ni loko. Ilang oras na din kaming nasa daan ng muling magsalita si Mommy. Nakalingon na siya ngayon sa gawi ko. “Gareth..” “Hmm?” “Kailan mo kami balak bigyan ng apo ng Daddy mo?” Parang biglang nanlamig yung pakiramdam ko sa sinabi nito. Apo?! Fucking N-O! “Matagal pa po” yun na lang yung sinabi ko. “Matagal pa? kailan ka ba mag aasawa? Naiinip na kami” “Mommy! Ang bata-bata ko pa para diyan” “No you’re not! Ang tanda mo na!” “Jeez mom, change topic please?” “Gusto ko ng apo, nabalitaan ko kasi na may apo na yung isa mo pang Auntie at dadalhin daw niya sa family reunion yun. Nakakaiinggit pala magka apo?” Napangisi ako sa sinabi niya “Bakit di na lang kayo gumawa ni Daddy ng isa pa? Malay mo babae naman iyan this time” “Kung sinasapak kita Gareth? Ay, oo nga pala, kung mag aanak ka nga rin pala make sure na babae ang apo ko. Ayoko na sa mga barako. Masyadong sakit sa ulo alagaan” “Mommy! Tigilan mo nga iyan, kay Gray ka na lang humingi ng apo. Balita ko may girlfriend na daw iyan” Parang biglang nanigas sa kinauupuan niya si Gray habang si Mommy naman ay napatingin ng mariin dito. “Is that true, Gray?” nakakatakot na turan ni Mommy. Umiling-iling lang si loko at saka ako tinitigan ng parang nang-aakusa. “I hate you KUYA!” Such an immature. Mabuti naman at tinantanan na ako ni Mommy. Pero bigla akong napaisip sa topic ng pagkakaroon ng baby. Sa totoo lang ayoko pa magka anak. Ayoko pa din mag-asawa, nawala na  nga sa bokabularyo ko ang marriage mula ng hiwalayan ko si Shaine noon. Ang huling balita ko ay pumunta na ng New York si Shaine. At mukang masya na din naman ito duon, ang totoo niyan matagal ko na siyang napatawad. Pero ang sarili ko, mukang never ko ng mapapatawad. Napaka gago ko talaga. May isang scene na parang sirang cd na palaging nag re-replay sa utak ko hanggang ngayon, yun yung araw na kausapin ako ni Phannie. Hindi masyado malinaw ang mga eksenang natatandaan ko, dahil bago ako pumasok ng school ay nag in take ako ng drugs that time na siyang pinag sisihan ko na ng todo. I was high that time,  too high that I don't have any control to my actions.  Yung scene na lang na sinisigawan niya ako ang natatandaan ko pati yung abortion part. And the biggest question is,  nabuntis ko ba si Phannie? Aww f**k! Tanong na hanggang mura na lang ang palaging sagot. Agad kaming sinalubong ng pamilya ni Auntie Hanna pagdating namin sa bahay nila. Mas malaki at mas maganda ang bahay nila Auntie Hanna kaysa sa amin, simple lang kasi ang mga bagay na gusto ni Mommy kaya kahit afford naman namin masyado ang isang magarang bahay ay inayawan ni Mommy yun, di gaya ni Auntie. Sabagay, mukang mas mayaman ang napangasawa niya na si Uncle Edd. Pagpasok ng bahay ay agad akong sinalubong nung dalawang makukulit na pinsan ko. Naupo na lang muna ako sa porch habang nasa magkabilang gilid ko sila Klark at Kirk. Nasa tapat din namin si Uncle Edd na nakaupo sa isang love seat. Sila Mom dinala ni Auntie sa itaas para ilagak ang mga gamit namin sa kuwartong gagamitin namin. “How are you, Gareth? Mukang gumaganda ata lalo ang family business niyo. Napaka swerte ng Daddy mo sa pagkakaroon ng isang anak na gaya mo” Napangiti lang ako, “Salamat po. Kayo din mukang swerte sa dalawang ito, paglaki din nila tiyak na makakatuwang niyo din po sila sa mga business niyo” ginulo ko pa yung buhok nung dalawa na nasa tabi ko. “Sana nga” sagot ni uncle at saka marahang sumimsim sa iniinom niyang kape. “Oo nga pala, narinig ko na nag-uusap ang Mommy mo at ang auntie Hanna mo ng tungkol sa apo. May balak ka na bang mag-asawa?” “Naku, wala lang po yon. Masyado lang naiinggit si Mommy sa bagong apo ni auntie Kimmy. Ang lakas pa nga makapag demand na babae raw ang gusto niyang apo” tumawa kaming dalawa pero maya-maya lang ay iglap ding naglaho yung tuwa sa muka ni uncle at saka malungkot na tinitigan yung dalawang bata sa tabi ko. “Masaya ang magkaroon ng anak na babae, Gareth. Mas malambing at mas showy sila kaysa sa mga lalaki. Pero minsan mas extreme ang kakulitan nga lang nila kesa sa mga lalaki” Ngumiti lang ako, wala naman kaming babae sa pamilya bukod kay mommy kaya di ko alam ang tungkol duon. “Alam mo bang may anak akong babae sa first wife ko?” Bigla akong napahinto ng marinig ang sinabi niya, hindi lingid sa pamilya namin ang pagkakaroon ng first wife ni uncle. At ng maibaba nga ng husgado ang annulment papers nila ng asawa niya ay si auntie Hanna ang pinakasalan naman niya. Pero ang pagkakaroon nito ng anak na babae ang hindi namin alam, o baka ako lang. “Nasaan na po siya?” “Nasa ibang bansa po daw kuya Gareth” sabat naman ni Kirk, so alam din pala nila? “Maganda po yung ate namin kuya! Di namin siya kamuka” singit naman ni Klark. “Nagagawi po ba dito yung anak na sinasabi ninyo?” baling ko kay uncle.  Umiling lang ito at saka muling ininom ang kape niya. Ng mailapag sa side table ang baso ay saka lamang ito muling nag salita. “ Hidi niya siguro alam kung nasaan ako. At malamang na galit siya sa akin kaya malamang na hindi siya mag-aaksaya ng panahon na hanapin pa ako” “Pero kayo pa rin ho ang ama niya, wala po siyang karapatang magtanim ng galit sa inyo” “Daddy’s girl si Drillan kaya masyado siyang malapit sa akin. Pero ng mag hiwalay kami ng mommy niya ay di siya pumayag na umalis ako, nagmakaawa siya sa akin. Pero iniwan ko pa din siya, alam kong nasaktan ko ng todo ang anak ko dahil dun. Until one day, nabalitaan kong umuwi na ng ibang bansa yung first wife ko at malamang ay kasama niya ang anak namin duon” “G-ganun po ba?” hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero parang naaawa naman ako sa anak na babae na tinutukoy ni uncle. Napakasakit siguro nun. Bigla kong naisip si Phannie.  I don't have any news from her,  I didn't even know where she is.  At ni hindi ko nga rin alam kung totoo yung nasa memorya ko o baka kathang isip na lang gawa ng drugs.  Pero paano kung totoo? May anak ba talaga kaming dalawa?  But then I remembered saying about abortion,  oh damn that's it.  Malamang na matagal na akong ibinaon sa limot ng dalaga if it's true.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD