NAKATULALA lang ako buong araw sa bahay. Ngayon ay walang pasok—ayoko rin naman na pumunta sa kung saan-saan, dahil hindi ko makalimutan ang mga sinabi ko kay Samiel. Poochie ko? “Ano ba kasing utak ang mayroon ka! Ayshh!” Inilunod ko ang aking sariling mukha sa unan na hawak ko. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito. Iyong kapag naalala mo ‘yung nakakahiyang ginawa mo! “Sana? Anak?” Narinig ko ang boses ni mommy sa pintuan ko. Agad kong inayos ang aking pagkakaupo sa higaan. “Ma?” Nguniit bumukas na ang pintuan, nang sumilip siya. “Hindi ka nalabas simula kanina. Nagtanong si Daddy mo kung may sakit ka raw ba.” Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at umupo sa kama. “May problema ba, ‘nak?” Ngumiwi lamang ako sa nanay ko at umiwas ng tingin. Pinagmasd

