"THE F-CK?!" Angil niyang tanong sa akin. Tila hindi maipinta ang mukha niya sa tabi ko ngayon. "Seryoso! Marry me, Uncle!" Tumango-tango pa ako at nakakunot pa ang noo. Ngumiwi siya sa akin at umiling-iling. “Kung mag-aya ka ay para lang tayong kakain sa labas, ah!” Rumehistro ang kaniyang paglabi na para bang iniisip niya nahihibang ako. “Promise! Kahit engaged na lang!” Taas ko pa ng aking palad na para bang nangangako. “Wow, ah! Humirit ka pa!” “Engaged na nga lang, e! Sige na!” Madali kong hahawakan ang braso ko niya nang umurong ito sa akin. Tumaas ang aking kilay sa kaniyang ginawa, tila hindi iyon nagustuhan. “Hindi naman ako marumi, Uncle.” Nguso kong sambit. Kumawala ang malalim niyang paghinga at pinagmasdan lamang ako. “Stop calling me uncle, hindi naman kita pamangk

