EVERYTHING about this day was absolutely awful. What he said to me has stayed with me. Hindi na iyon mawala sa utak ko. Gumalaw ang panga ko, matapos kong maalala ang mga ginawa namin sa kama.
"C'mon! Tignan mo ang isang 'to---tulala na!" Napakurap-kurap ako, nang marinig ko ang boses ni Darren. "H-ha?" Tila nagmamaang-maangan kong tanong.
"Hotdog," sabat ni Darren.
“Umayos ka nga, Sana! Niyaya lang mag-date, hindi na kumukurap? Tulala ka na! Oy!” Sunod niya pa sa akin. Walang bahid nang katotohanan ang sinabi ko sa kanila kanina. Ngayon ay puro Samiel Sandamiego na ang nasa isip ko.
Hindi ko na lamang nalamayan na nagtitipa na pala ako sa aking telepono.
Samiel Sandamiego
Founder of Miel
Samiel Sandamiego, is a famous software engineer. He create the Itchygram that ranks number one all over the world. Sandamiego, a highest paid software engineer in Philippines and Singapore.
Net worth: Fifty-six billion US dollar.
Tila para akong nabilaukan sa nabasa ko. Legit ba ‘to? Sobrang yaman nang nakauna sa akin! Kumabog lalo ang dibdib ko sa kaba. Bilyonaryong dila pala ang lumaplap sa perlas ko!
Nakauwi ako ng bahay nang maabutan ko pa rin na nagtatalo si mommy at daddy—huminto naman sila nang makita ako na nakasilip sa gilid ng pader.
“Mija,” tawag sa akin ni mommy.
“Umakyat ka na muna sa taas, anak.” Utos iyon ni papa sa akin.
“Nag-aaway po ba kayo?” Hindi na ako nakapagpigil nang lumapit na ako sa kanila. Ibinaba ko ang bag sa mesa at palipat-lipat ang tingin sa aking magulang. “Kasi umalis ako sa bahay na ito, nagtatalo kayo. Umuwi na po ako lahat-lahat, nagkaaway pa rin kayo.” Aaminin kong masama sa loob ko ang nakikita ko. Hindi ako sanay na nag-aaway sila.
“Anak, may hindi lang kami napagkakasunduan ni mommy mo-”
“Umalis ako ng maaga, Dad. Umuwi ako hapon na. Andito pa rin kasi sa kusina at nag-aaway. Sabihin niyo sa akin kung ano ang problema, Dad! Ma!” Kunot na ang noo kong itinanong iyon sa kanila, ngunit isang pagsinghap lamang ang nakuhang sagot ko kay mommy.
Kasunod no’n ay wala na.
Sumapit ang sabado nang puro research lamang ang ginawa ko. Puro pangalan na ata ni Samiel Sandamiego ang nasa history ng laptop at cell phone ko.
“Mija! Oo nga pala!” Nang lagyan ni mommy ng ulam ang plato ko. Binaba ko ang aking telepono at tignan siya. “Ano po iyon, Ma?” Ilang araw din, bago natapos ang pagtatalo nila. Walang nakakaalam kung ano ba ang pinag-aawayan nila. Ako naman itong hindi na lamang nakikisawsaw pa. Wala naman akong napapala at ayaw din naman sabihin sa akin, kahit ano pa ang pilit ko.
“May lakad tayo bukas, ha? Iyong inaanak ni daddy mo ay kaarawan na bukas. Pupuntahan natin,” sabi nito sa akin. Imbis na magtanong pa ay tumungo na lamang ako, wala naman masama siguro kung sumama ako. Inaanak naman iyon ni daddy.
“Ma,” tawag ko naman sa kaniya.
“Yes?” Habang naghihiwa ito ng manok sa kaniyang plato.
“Naniniwala ka ba sa zodiac sign at horoscope?” Nguso kong tanong sa kaniya. Sabi kasi sa research ko ay hindi kami compatible dalawa ni Samiel. Hindi ko nagustuhan ang nabasa ko kaya uminit ang ulo ko kaninang umaga.
Gusto kong makausap ang lalaking iyon, para matulungan niya ako sa app na gagawin ko.
Kung siya ang tutulong sa akin ay alam kong magiging successful ang kakalabasan ng app ko. Kailangan ko lang talaga ay ang critic at thoughts niya. Kung alam ko lang talaga na siya si Samiel Sandamiego, noong kinuha niya ang birhen ko, ay hindi sana ako nakakuha ako ng tyamba at magtanong sa kaniya.
Mukhang impossible na rin na makausap ko siya. Talagang naglalaro lang siya ng babae. After niya galawin ay para ng tae.
“Hindi ko alam, Mija…” Iling na sagot ni mommy.
Dumaan pa ang kinabukasan, nang dalhin ni mommy ang isang magandang white dress na simple at elegante lang ang style. “Ito na lang ang suotin mo, Mija. Utos iyan ng daddy mo. Bili niya sa ‘yo,” wika niya.
Lumaki ang mata ko at madaling pagmasdan ang kabuuan ng dress. Ngayon lamang ako nabigyan ni daddy ng dress. Kumpara kay mommy, masyadong workaholic ang daddy.
Pero nagba-bible study sila ni mommy at iba niya pang kaibigan kapag libre siya.
“Ang ganda nito!” Ngiti kong sabi kay mommy at hinalikn ang pisngi nito. Nagmadali akong mag-ayos ng aking itsura. Habang sinusuot ko ang dress ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay ayaw kong pumunta sa birthday na iyon.
Gusto ko itong ikwento kay Fel, kaya marahan ko siyang tinawagan mula sa cell phone ko. Ngunit napanguso na lamang ako nang hindi niya iyon sinasagot. Gusto ko pa naman sabihin sa kaniya ang pakiramdam ko.
“Sumakay na kayo sa sasakyan,” utos ng daddy, nang makababa na kami ni mommy. Nakasuot si mommy ng kaniyang floral dress at ang daddy ay ang kaniyang infamous American suit.
Parang business lang ang pupuntahan. Akala ko ba birthday? Tago akong tumaray at ilabas na lamang ang telepono ko. Wala naman ako masyadong post sa Facemook ko, pero lagi na lang may friend request.
Halos isang oras ang byahe, nang makarating kami sa venue. Medyo malaki ito kaysa sa inaasahan ko. Wala nga kaming dalawang regalo o kahit ano. Hindi ko rin kilala ang sinasabi ni mommy na inaanak ng daddy.
“Malaking tao ba ang inaanak ni daddy, ma?” Mahinang tanong ko kay mommy sa gilid ko. “Anak ng founder ng Adala Malls,” tipid na sagot ng mommy na mas lalo kong ikinalaki ang mga mata.
Puro bigatin ang mga nakakasalamuha ko ngayon!
Bumaba kami sa kotse at dahan-dahan naglakad patungo sa loob ng isang malaking pavilion. Malaking garden iyon at pagpasok namin sa loob ay napa-wow ako.
Big event nga…
“Maupo na muna kayo,” ani ni daddy, nang hawakan ko ang kamay ni mommy. “Ang daming tao, ma.” Habang iniikot ko ang aking paningon sa loob. Ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang kinakamayan ni daddy!
It’s Sandamiego!