CHAPTER 8

1226 Words
LITERAL na nanlaki ang mga mata ko, nang makita ko siya. “S-siya po ba ang inaanak ni daddy?” I lifted my finger as I pointed it at Sandamiego. Isang malakas na hampas na lamang ang naibigay ni mommy sa aking palad. “Mija! Hindi maganda iyang tumuturo ka ng tao. Nakakabastos iyon,” galit nitong sabi sa akin. “S-sorry po, Ma.” Hindi na nawala ang tingin ko sa lalaki. Kahit hanggang makaupo kami ni mommy, ay nakatingin pa rin ako sa gawi nila. Bakit hindi pa rin sila tapos mag-usap ng daddy? Ano ba ang pinag-uusapan nila? My lips parted as I wondered if he was going to tell Daddy that something had happened to us. Holy f-ck! “Ayos ka lang ba, Mija? Parang hindi ka mapakali, anak.” Hawak pa ni mommy sa aking braso, ngunit ako itong ngumiti lamang sa kaniya at umiling. “Wala naman, Ma. Ano lang… maraming tao.” Liar! Hindi talaga ako mapapadpad sa langit, kung puro na lamang ako kasinungalingan. “Daddy!” Nagulat ako kay daddy, nang umupo na ito sa tabi ko. Lumingon ako upang tignan kung sino ang kasama niya---nakahinga naman nang maluwag, nang makita kong wala si Samiel Sandamiego. “Ang tagal niyong mag-usap, hon.” Si mommy iyon. Napagigitnaan nila akong dalawa. “It’s all about business.” Tumingin ang daddy sa akin, habang sinasabi iyon. “Ano iyon, anak?” tanong naman niya sa akin. “P-po?” Taas pa ng kilay kong ibalik ang tanong sa kaniya. “Tinawag mo ako kanina,” sagot niya. Pero imbis na magsalita pa ay nagulat na lamang nang marinig ko ang boses ng host sa gitna ng maliit na stage sa harapan. Nag-umpisa kaming makinig nang ipakilala niya ang sarili nito. Napalingon pa ako kay mommy, nang hawakan niya pa ang kamay ko’t pisil-pisilin iyon. “Mrs. Celo, can you please come up on stage?” ani ng host, at tinulungan na makaakyat ang isang magandang babae. “I am very grateful to all who come to celebrate my son Navincent Celo's birthday.” Ngiti niya, habang sinasambit ang mga iyon sa hawak niyang mic. “Sa lahat ng mga business partner ng Celo, thank you so much.” Tumatango pa siya at hinawakan ang dibdib nito na para bang touch na touch siya. Maganda ang ina nang inaanak ni daddy. Classy ito tignan at parang hindi makabasag pinggan. Ngayon ko lamang nakita ang babaeng ito, hindi ko alam na may kaibigan pala ang daddy na babae. “Sa aking future daughter in law. Maraming-maraming salamat sa pagdalo.” Tumama ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung para sa akin ba ang ngiti niya. Daughter in law? Hindi nga ako iyon… Narinig ko si daddy na tumikhim at si mommy naman ay hindi mapakali sa kakayukakoy ng kaniyang tuhod. Kilala ko ang nanay ko at ganiyan kapag kinakabahan. “Ma? Are you alright?” Kunot ang noo kong itanong iyon sa kaniya, nang dahan-dahan naman itong ngumiti. “Mija, anak…” Inayos niya ang kapirangot na aking buhok. “Sana ay patawarin mo kami ni daddy mo,” sunod pa ni mommy. “Sa bahay na natin ito pag-uusapan.” Ang daddy naman iyon sa gilid ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari---bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko ngayon sa kanilang dalawa. Huwag nilang sabihin na maghihiwalay na sila? Tinignan ko ang daddy nang may pagkunot ang noo, nang bigyan niya naman ako ng pansin ay mabilis naman itong iniwas ang tingin niya. Hindi naman sila magsasabi kung ano ang nangyayari, kaya hindi ko na rin sila pipilitin. Hihintayin ko ang paliwanag ni daddy mamaya. Dahan-dahan akong lumingon at hinanap ng mga mata ko si Samiel Sandamiego, nang hindi ko inaasahan na sa kabilang mesa ay naroon siya’t nakatingin din sa akin. Naka-de-kwatro ang upo nito’t ang mga mata’y diretso ang tingin sa akin. Hindi matago ng dibdib ko ang kaba’t ngumiti lamang sa kaniya---pero hindi ko inaasahan na tataray lamang ang mata nito sa akin. Bading! “Sana,” tawag ni daddy sa akin, kaya ibinalik ko ang tingin ko sa magulang ko. Doon ko lamang na pagtanto na may iba nang nakatayo sa stage. Naroon ang isang lalaking matangkad at gwapo. “Siya ba ang inaanak mo, daddy?” bulong ko kay daddy, nang tumungo ito. “Kasing edad ko lang ba siya?” “Yes.” “Ahhh…” tango-tango kong sagot at pagmasdan lamang ang lalaki. Hindi siya masaya sa birthday niya at halata naman iyon sa kaniya. Kunot na ang noo niya na para bang gusto niya na lamang umalis sa kaniyang kinatatayuan. Halata naman sa mukha niya’ng galit at parang mananapak. “I didn't expect I'd be announcing excellent news on my son's birthday,” wika pa ng kaniyang ina na kaniyang katabi lamang. “My only son, who will inherit my whole success, is engaged.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong balita. Marami ang pumalakpak tulad ni daddy at mommy, kaya nakisabay na rin ako. “And to the lovely woman who will marry my son. Who is also the only child of the Baneros, my close business friends.” Napakurap-kurap ako. Hindi ko akalain na marami pa lang Baneros. Luminga-linga pa ako para tignan kung sino ang mapalad na babaeng mapapangasawa ng inaanak ni daddy na Baneros din ang apelido. “Please come here, Saneva.” Unti-unting nawala ang pagpalakpak ko, matapos kong marinig ang pangalan ko. Tumaas ang dalawa kong kilay, habang nakatingin sa babaeng nasa stage na ngayon ay nakatitig sa akin at nakangiti. Nang mahuli niya ang tingin ko ay tumatango naman ito sa akin na para bang niyaya akong tumayo at lumapit sa kaniya. “Sana, halika!” My eyes widened as she said her following speech. Ako talaga ang tinutukoy niya! Pinagmasdan ko si mommy at daddy na hindi nakatingin sa akin. With the feeling that they knew this was going to happen. “D-dad? Ma?” Nagsalit-salitan ang tingin ko sa dalawa kong magulang na nakatungo lamang. “Sana, go there.” Umawang lalo ang labi ko’t napangisi nang marinig kong sabihin iyon ni daddy. Ngayon ay alam ko na kung bakit sila nag-aaway ng mommy. Iyon ay dahil sa nangyayari ngayon. My knees felt heavy when I stood up from my chair. My own family truly did this to me, huh? I approached the stage, papunta sa babaeng tumatawag sa akin. I couldn't stop crying as I got closer and closer to her. Bwesit! Kung alam ko lang na ibubugaw ako ng magulang ko! Hinawakan niya ang kamay ko’t pinalapit sa kaniyang anak na lalaki. Ni-hindi ko nga kilala ang lalaking ito! Gusto kong magwala, habang nagsasalita ang ina nitong lalaki. Gusto kong tumutol at sabihin na hindi ako magpapakasal sa lalaking ito! Pinunasan ko ang luha ko patago, nang tumagilid ako mula sa stage, ngunit hindi ko inaasahan na makikita ko ang best friend kong si Felicie na tumutulo ang luha---nakatingin sa akin. “Feli-” Hindi ko iyon natapos, nang magulat ako’t maunahan ako ni Navincent patungo kay Felicie. Felice's words came back to me when she mentioned she would return home on her boy friend's birthday. Hindi kaya ito ang kaniyang boy friend? Si Navincent Celo ang kaniyang boy friend? Oh, boy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD