CHAPTER 5

1199 Words
HABANG naglalagay ng lipstick sa aking labi ay narinig ko ang boses ni Felicie sa screen ng aking cell phone. "May nagbago na talaga sa 'yo, Sana. Parang mas lumaki ang dibdib mo?" Ibinalik ko ang takip ng lipstick ko at pinagmasdan ngayon si Felicie sa screen ng aking cell phone. "Lumaki ka r'yan! Ganoon pa rin ang dibdib ko," sagot ko ag inayos na ang iba kong gamit. Inilagay ko na ang mga anik-anik sa bag ko't kinuha ang cell phone ko sa stand. "Papasok ka na?" Nakangiti niyang pang tanong sa akin nang tumungo ako. "Ano'ng oras na sa inyo?" Ako naman ang nagtanong sa kaniya, nang ipakita niya lang ang bintana nito na palubog pa lang ang araw. "Hapon pa lang pala sa inyo. Dito ay mag-seven na ng umaga." "Oo nga pala, Sana. Nariyan pala ang uncle ko sa Pinas, hindi ko lang alam kung ano nanaman ang gagawin d'yan," sabi niya. "Baka related ulit sa business. Hindi naman marunong kumausap ng babae iyon. Ako nga lang na pamangkin, e, hindi magawang kausapin," kwento niya pang muli sa akin. "Hayaan mo na, baka busy lang talaga ang uncle mo. Hindi ba't ang sabi mo ay masyado siyang naka-focus sa trabaho niya?" Tanong ko sa kaniya, habang naglalakad patungo sa pintuan ng kwarto. Narinig ko na agad ang boses ni mommy at daddy sa ibaba. Kaya nang makababa ako sa hagdan ay agad bumungad sa akin ang nakasimangot na si mommy. "What's wrong?" Lumapit ako kay daddy. "Nothing, mija..." Ang mommy ang sumagot n'yon. Ibinaba ko ang video call namin ni Fel, nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Mukhang alam naman na niya ang nangyayari ngayon, narinig naman na niya. "Ma? Pa?" Lumipat-lipat ang tingin ko sa kanila—naghihintay na may sumagot sa tanong ko. "Mija? Akala ko ba ay nagmamadali ka sa school niyo? Huwag kang magpa-late, anak." Isang tingin ko pa kay mommy at daddy, nang tumungo na lamang ako. "Hindi pa ako nakain ng breakfast-” Hindi ko pa iyon natutuloy, nang ilabas ni daddy ang kaniyang wallet. “Sana, bumili ka muna sa labas nang makakain mo sa umagahan. May pag-uusapan lamang kami ng mommy mo.” Nagtataka ako kay daddy, dahil hindi naman siya ganito. Mas gugustuhin na lamang niya na magluto si mommy ng breakfast, kaysa kumain at bumili sa labas. “Dad,” tawag ko sa kaniya. “Mija, please…” Ang mommy. “Fine.” Iyon na lamang ang sagot ko, nang kunin ko ang pera sa kamay ni daddy. Nagbigay siya sa akin ng isang libo, hindi ko alam kung saan makakarating ito. Malaki na rin naman ang perang hawak ko, pero hindi ako sanay na hindi nakain ng breakfast dito sa bahay. It’s my first time after all… “And would you think my mom would not mind?” It’s Darren with his rants. Araw-araw naman iyan siyang laging may sinasabi sa nanay niya. “Sabihin mo na kasi na bakla ka. Nasa ibang generation na tayo, Acla!” Si Adeline, habang kami ay naglalakad pa auditorium. “Gaga! Palibahasa ay tanggap ng nanay mo kahit sino ka pa. Kumusta naman akong gusto pang ipa-blind date sa anak ng governador?” Sagot naman nito. “Dali-dali lang naman n’yan, Ren. Makikipag-date lang naman, e!” Sabat naman ni Nica. “Ano gusto mo gawin naming dalawa nu’ng babae? Mag-makeup? Turuan ko kung paano mag-contour? For God sake, Nica! Gamitin mo ang kakapiranggot mong utak!” Ngunit imbis na sumagot pa si Nica, ay pinaghahampas niya na lamang ang braso nito. “Ikaw? May sasabihin ka? Baka may suggestions ka, Sana.” Tingin ni Darren sa akin na animo’y naghihintay na may sabihin ako. “Malaki ka na. Kahit pagsabihan kita, desisyon mo pa rin ang masusunod—para walang sisihan kung hindi mo gusto ang suggestions namin.” Tumingin silang tatlo sa akin na may kinang sa mga mata. “Ang matured mo r’yan, dai! Iba talaga kapag hindi na virgin!” Nag-appear pa silang tatlo sa harap ko. Nang makapasok kami ng auditorium, ay sumalubong lamang sa amin ang malamig na hangin mula sa aircon. Kumuha na agad kami ng upuan na medyo malapit sa unahan. Sa pangatlong row ay naroon kami. Ako ang nag-request n’yon, dahil gusto kong ma-inspire sa mga sasabihin ng speaker. “Sandamiego? Parang pamilya siya sa akin,” wika ni Nica. Nag-iisip pa siya, habang pinagmamasdan ang tarpaulin na malaki na may pangalan ni Sr. Samiel Sandamiego. “Nakita ko nga kahapon—nagulat ako na siya ‘yung gumawa ng apps na gamit natin.” Ako naman itong ibinida siya. “Idol ko na ‘yan siya!” Malakas ko pang tugon muli. “Aling app, dai? Iyong I-youth?” Sabay tawa nilang tatlo muli. “Babad na babad ako sa site na ‘yon. Kailangan ko mag-thank you sa kaniya at gumawa siya ng ganoon!” Iyong porn site ang sinasabi ni Darren. Nagsimulang mag-start ang program na sinimulan ng pagdadasal nang isang babaeng sa stage. Lahat kami ay nakatungo’t nakikinig lamang sa dasal nito. Matapos iyon ay nagkaroon ng intermission dance. Hindi ko nga alam kung nag-practice ba sila. Parang ang sarap nga pakuluan ang katawan ng isang babae sa sobrang tigas nito kung gumiling. Anyways, confidence is the key, kaya hinayaan ko na lang. Thirty-minutes, ay wala pa rin ang hinihintay ko. Paano ako magkakaroon ng inspirasyon sa pagplano kong gumawa ng app ko, kung wala ang lalaking iyon? “Sana, ang chop ng labi ko, beb. Pahiram lipbalm.” Nanghihiram si Adeline sa akin, nang kalkalin ko lamang ang bag ko. Ang inakala kong si Adeline lang ang gagamit ay pati na rin ang tatlo ko pang kaibigan. Kaya nang isuli nila sa akin ang lipbalm ko ay para na itong napudpod. “Grabe naman kayo sa lipbalm—ay!” Hindi ko iyon nagulat nang mapasigaw ako. Nahulog ang ilan kong gamit sa lapag, gawa nang bukas pala ang zipper ng makeup kit ko. Yumuko ako para kunin ang ilang mga nagkalat na kolorete sa ilalim. “Let’s welcome, Founder of Mier! Sr. Samiel Sandamiego!” Agad tumayo ang mga students kaya ako na lamang ang naiwan sa lapag. Pinipilit kong abutin ang lipstick sa ilalim ng upuan mula sa katapat ko. Nang maabot ko iyon ay mabilis kong ipinasok sa bag ko. Pagtayo ko ay agad kong tinignan ang mga kaibigan kong parang tulala lamang na nakaharap sa stage. “S-sana…” Utal na tawag sa akin ni Darren. Kaya nang pagmasdan ko kung sino ang nasa stage ngayon ay mas lalong nanlaki ang mga ko. Agad pumintig ang puso ko. “You may take your seat,” ani ng dean. Nakita ko kung paano sila umupo sa mga upuan nila, pero ako ay nananatiling nakatayo—nanlalaki ang mga matang makita siya. Sa loob ng ilang buwan, matapos ko siyang takasan sa kwarto kung saan ay may nangyari sa aming dalawa’y makikita ko siya ngayon dito sa school, bilang… bilang isang sikat na software engineer. “Pssst! Sana!” Mahinang tawag sa akin ng mga kaibigan ko, ngunit nang makita ko kung paano tumarak ang titig niya sa akin ay nanlamig ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD