CHAPTER 4

1073 Words
NICA yelled angrily at me, "It's your fault too, Sana!" I know it's my fault, but it doesn't matter anymore. Hindi ko nga alam kung sino siya at kung saan ko siya makikita muli. "I really can't believe that Sana lose such a hot man," sabat naman ni Adeline. Inaayos ko ang aking pag-upo at pinagmasdan lamang ang labas mula sa bintanang katabi ko. “Sana, was he really that fantastic in bed?” Pangungulit naman sa akin ni Darren, but as usual, hindi ko sinasabit ang mga tanong nila. Was he? Yes. Super yes! It was my freaking first time, at hindi ko na rin iyon makakalimutan. Mas lalo akong nanlalambot, kapag naalala ko ang mga labi niyang nilalaro ang bulaklak ko. Damn it, Saneva! Umayos ka! Hindi ka pinalaking ganito ng mga magulang mo! But I can’t help it, okay? He’s too hot! “Oo nga pala, Sana.” Lumipat ang tingin ko kay Nica, nang umupo na rin siya sa tapat ko. “Mukhang hindi ka pa rin maka-move on sa lalaki na ‘yan, right, Adeline?” Taas-taas niya pang tanong sa kaibigan kong si Adeline. “As I can see, oo.” Matipid pa nitong sagot, habang inaayos ang kaniyang bag. Tapos na ang ilang subjects namin ngayon, kaya nagkaroon na rin kami ng vacant. “Malapit na naman ang summer sa Pinas,” ani ni Darren, nang kunin niya ang salamin nitong bilog na maliit at doon inayos ang kaniyang bangs. “Araw-araw namang summer dito sa Pinas, Darren. Kahit naulan, minsan ay mainit pa rin!” Hindi ko alam kung mag-aaway ba silang dalawa ni Nica, pero dahil sanay na ako sa dalawa ay kinuha ko na lamang ang telepono ko. Nakita ko agad ang ilang mensahe ni Felicie sa akin. “I can’t wait to see you, Sana! Malapit na ako umuwi!” Voice message niya sa akin. Agad ko namang pinindot ang reply button at doon naman nagsalita rin. “Excited na rin ako, Fel. Pasalubong ko, ah!” Sagot ko. “Kailan uuwi si Fel?” Tumabingi ang mukha ni Adeline, nang itanong niya iyon sa akin. “Hindi ko pa sure. Wala siyang sinabi na exact date, e.” Umikot ang dalawang mata nito sa sagot ko. “Hindi ka pa nasanay sa kaniya. She always swears she'll come. Hindi naman iyon natutuloy, why does she always do that to us?” Ngisi pa niya. “Adeline, stop acting as if you're too close to Fel. Matagal na ang alitan niyong dalawa, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon?” Darren asked. “It was her fault, remember? She's way too naive and delulu! I just asked her boyfriend for a f-cking bathroom., nagalit naman siya agad! Ano gusto niya? ako sa dress ko? Umuhi ako sa garden nila Sana?” I only see Adeline as a growling rabbit. Mabait pa rin siya tignan kahit galit. “Kalma ka lang at ganoon na talaga siya matagal na. Naalala mo noong nagpakilala lang ang boy friend niya kay Sana, e, halatang nagselos siya?” Si Nica naman iyon ngayon. “Kaibigan natin ang pinag-uusapan ngayon dito,” sabat ko. “Come on, Sana! Ito nga ang tea ngayong araw!” Tumaray lamang ako kay Darren. “Don’t mind her, Darren. Pinalaki iyang hindi makasalanan at hindi gusto ang mga chismis!” Ngumuso ako sa sinabi ni Nica. Kahit pa gusto ko magsalita sa kanila, alam kong mali, dahil kaibigan ko si Fel. Ganoon lamang siya talaga, pero mabait siya at masayahin. Hindi niya ako pinababayaan at kinakalimutan, kahit malayo kami sa isa’t-isa. Masaya ako na siya ang naging kaibigan ko, ganoon din naman ang pakiramdam ko sa mga taong nakapaligid ngayon sa akin. I will never be this complete, kung wala ang mga ito. “Ito na nga! Itong si Dasel Podela, ay niloko raw itong si Meowrin Vernandez! Grabe, hindi ba? It’s all over the news!” Panimula naman ni Darren sa panibagong nilang chika. “Akala ko talaga ay iba siya. Imagine, how possessive and controlling siya sa mga damit ni Meowrin? Hindi mo talaga akalain na manloloko pala siya!” Si Nica. Ngayon ay ako naman itong nakinig na sa kanila. Marami nanaman akong nasaganap na chismis at babaunin ko iyon hanggang pag-uwi. “Ito pa! Beb, kumapit ka na! Juts daw ang papa mo nasa ‘yo na ang lahat! Omg, ‘di ba? Nasa ‘yo na ang lahat pati ang juts ko!” Sabay-sabay kaming tumawa, kasabay ang hampasan ng mesa. Ngunit sandali lamang nang may pumasok na teachers aid. Pigil na pigil kami ng tawa, habang ang babaeng guro ay siyang nagsasalita sa harapan. “Because it is your final semester. I just wanted to express how grateful I am to each and every one of you. Masaya akong makaka-graduate kayo-” Hindi niya iyon natapos nang may sumigaw na classmate ko mula sa likod na lalaki. “Paredes, alam mo bang repeat ka? Hindi ka kasama ka sa mga ga-graduate, kahit pagbayarin mo pa ang pamilya mo ng libo.” Marami kaming napa-oohhh… sa classroom. Halos lahat ay nakatingin sa classmate kong pala-absent. “Bukas ay sa auditorium kaya dumiretso, bago sa classroom. Tignan niyo na lang sa group message at kailangan niyong makinig sa speaker natin bukas, para naman maging successful din kayo tulad niya,” sabi niya pa sa amin. May ilang pinagawa pa siya na ipapasa, ngunit natatagalan kami sa pagtapos, dahil sa patuloy na pagkwento ni Darren sa hiwalayan nila Meowrin at Dasel. “Good bye!” Paalam ko sa kanila, nang unalis na ako ng room at binalak na umuwi. Habang naglalakad ako palabas ng gate ay agad bumungad sa akin ang malaking tarpaulin. Pinagmasdan ko iyon maigi at doon ko napagtanto na ito nga ang gaganapin sa auditorium bukas. Samiel Sandamiego, Founder of Miel Agad nakuha n’yon ang atensyon ko. Miel? Saan ko ba iyon nakita. Binasa ko ang ibang nakalagay doon at akmang nagulat, nang makita kong ang speaker namin bukas ay ang gumawa ng sikat na apps ngayon! Samiel Sandamiego who create Message Me, Itchygram, Facemook at Youtab! Mas lalong nanlaki ang mata ko’t makita pa ang iba niyang gawa! Ang I-youth! Ang pornographic site na gawa niya! Tila parang kuminang ang mata ko! Gusto ko rin gumawa ng mga apps, tulad niya! Pangarap ko talaga ang makagawa n’yon! Bukas talaga ay makikinig ako sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD