CHAPTER3

1407 Words
PAGOD NA PAGOD akong makarating ng bahay mula sa school. Isang taon na lamang ay matatapos na ako ng kolehiyo. Hindi ko alam kung ano ba ang nakakapagod sa ginagawa ko, pero talagang parang binabarena ang ulo ko at wala akong mailabas para gumana ang program ko. “How’s school?” Tanong iyon ni mommy nang ilapag ko na lamang ang aking bag sa gilid ng upuan at lumapit na sa kaniya. “Great?” Kahit hindi naman talaga. Nakita ko kung paano naningkit ang mga mata nito sa aking sagot. “You look tired, honey.” Hindi ka naman nagkakamali, Ma. Talagang pagod na pagod po ako! “Kumain ka muna at gumawa ako ng lasagna.” Taas-taas pa ng kaniyang kilay sa akin at ako naman itong hinila. “Manang Selya!” Sigaw ni mommy sa aming katuwang sa bahay. Wala pa mang saglit nang lumapit na rin si Ate Selya— bitbit ang kaniyang pang agiw. “Ano po iyon, Ma’am?” Nang makita niya ako ay ngumiti naman ito sa akin. “Tawagin mo na ang ibang kasambahay at sabihin na mag meryenda na rito,” ani ni mommy. Tumungo naman si Ate Selya at doon na nagtawag ng ibang kasambahay namin. Kung malalaman nanaman ito ni daddy ay magagalit nanaman iyon kay mommy. Ayaw na ayaw ni daddy na paglulutuan ni mommy ang mga kasambahay. Ngunit nature na ata talaga ni mommy ang magluto at ayaw niya rin naman na nasasayang ang pagkain. Naghati siya sa gilid at nilagay niya iyon sa plate. Ibinigay niya rin naman iyon sa akin. Inalis niya na rin ang kaniyang suot-suot na apron na kulay pink at umupo na sa tabi ko. “Please rate it, Mija.” Hindi ko pa iyon nasusubo ay nagsalita na si mommy. “Okay,” matipid kong sagot sa kaniya nang isubo ko ang lasagna sa kutsara na hawak ko. Nanlaki ang mata ko nang tignan ko si mommy. “It’s good!” Ibinaba ko ang kutsara at tumungo-tungo sa nanay ko. It’s really good, actually. Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko iyon kay mom. Nakita ko naman kung paano nagliwanag ang mukha niya at animo’y nasiyahan sa puri ko sa kaniya. “I’ll make you a juice,” wika niya pa at tumayo na rin mula sa tabi ko at pinagmasdan siyang gumawa ng orange juice. “Oo nga pala, Mija.” Kumain ako muli ng kaniyang lasagna at tignan na lamang siya. Pinakinggan ko ang sasabihin niya nang tawagin niya ako. “Hinahanap ka nga pala ni Felicie noong isang araw. Hindi ka raw niya ma-contact.” Kumunot ang noo ko, dahil kakausap pa lamang namin kahapon. “Nag-usap na po kami, Mommy. It’s about her boy friend-” Hindi ko pa iyon natapos nang ilapag na ni mommy ang juice sa gilid ko. “Ikaw? May boy friend ka na ba, Mija?” May malaking ngiti sa labi ni mommy kung itanong iyon sa akin. “Wala.” Matipid kong sagot sa kaniya na ikinangalay ng balikat nito. “You have to fine one, Mija! I was really praying that you’ll find you true one.” Hinaplos niya ang aking buhok. “I asked God to give me a sign.. Sabi ko kapag may dumaan na pusang itim sa akin ay makita na sana ng anak ko ang true love niya.” Tulad nang sinabi ko noon—she’s really fond into God’s words. Hindi naman iyon mali, ngunit minsan ay hindi ko na rin alam kay mommy. Hinila niya ang kamay ko at ngumiti sa akin na para bang may nangyari na hindi ko alam. “Did you find someone attractive one year ago, Mija?” Malaking ngiti niyang tanong sa akin. Sandali akong natahimik at doon ko naalala ang lalaking iyon. Ang bilis ng panahon at mag-isang taon na pala nang matapos niyang makuha ang perlas ko. “N-no…” Pagsisinungaling ko. “Baka hindi mo lang napansin. I know that God will give you light for someone you really like. I really prayed for that, Anak.” Bumuga siya sandali ng hangin at nag-isip. “Nakakapagtaka lang talaga. Noong dumaan ang pusang itim na iyon mula sa sign na ibinibigay ko kay God. Ibig sabihin ay nakita mo na ang true love mo.” Ito iyong sinasabi ko. May time na hindi ko na siya maintindihan, dahil parang masyado niyang naseseryoso ang hindi naman dapat. Maraming pusa na pwedeng dumaan sa harapan mo. “Ma’am, narito na po sila.” Lumingon ako nang makita ko na ang ilang mga kasambahay. “Magandang hapon, Ma’am. Magandang hapon, Miss Sana.” Bati nila sa amin ni mommy. “Magandang hapon po. Kumain na po kayo at masarap ang baked ni mommy sa lasagna.” Nagkakahiyaan pa sila na kumuha ng plates. “Manang Selya, kumain na kayo. Habang mainit pa…” Tumulong na rin si mommy sa paghiwa ng lasagna para sa kanila. Matapos kong kumain ay nagpaalam na rin ako kay mommy na aakyat na ako para makaligo at magpahinga. “I’m scared, Sana!” Nag-rolyo na lamang ang mata ko sa aking kaibigan na si Felicie. She’s really my main best friend. Simula noong elementary pa kami magkasama at hanggang ngayon ay mag-best friend pa rin kami. Bonus na lamang ang kaibigan ko sa university na ito ngayon na sila Adeline, Nica at Darren. Magkaiba na kasi kami ng university ni Felicie. Nag-aaral siya ngayon sa Singapore kasama ang sinasabi niyang uncle niya. “Bakit naman? Ang tagal-tagal niyo na, Felicie. Saka ang ganda-ganda ng course na matatapos mo ngayon. Talagang magugustuhan ka ng pamilya ng boy friend mo.” Hindi ko pa nakikita ang boy friend niya ng personal, pero nakita ko na iyon sa picture. “Sana, isang taon pa lang kami.” Tutol ng kaibigan ko sa akin. “Matagal na rin iyon, ah!” “Medyo…” Malungkot ang itsura ng kaibigan ko ngayon, habang pinagmamasdan ko siyang tulala sa screen. “Sino na ngayon ang kasama mo d’yan?” Para maiba ang usapan naming dalawa. Ayokong nalulungkot siya at alam ko rin na may naglalaro sa isip niya. “Wala si uncle.” Matipid niyang sagot sa akin. “Parang laging wala ang uncle mo? Inaabuso ka ba ng asawa ng uncle mo? Siya? Inaabuso ka ba n’ya?” Wala akong background sa uncle niya at hindi ko pa iyon nakikita kahit isang beses. Nag-aral daw iyon sa Singapore at doon na nagsimula ng pangalan niya sa career nito. “Ha? Ano ba ang pinagsasabi mo, Sana! Hindi!” Saka siya tumawa at animo’y paluha na sa kakatawa. “Umayos ka nga, Felicie! Sabihin mo lang kung kinakawawa ka r’yan— lilipad ako papunta d’yan!” Mas lalo siyang tumawa sa akin at umiling na rin matapos niyang makakuha ng hangin. “No, silly! Busy lang siya talaga. Hindi ko na nga minsan makausap, e. Nag-iiwan na lang ng pera. Kalat-kalat ang pera niya rito sa bahay.” Iling-iling pa niya sa akin sa screen. “Kinukuha mo naman?” Tanong ko sa kaniya. “I mean, I can. Ang dami nga lang camera sa bahay na ‘to. I can’t even go to the party, Sana! Sana d’yan na lang talaga ako nag-aral ng college.” Ngisi niya pa sa akin at ngumuso. “Hintayin mo na lang at malapit na rin naman na tayo maka-gradaute.” Mas lalong lumakas ang halakhak niya sa akin. “Girl! Baka ikaw lang! Ako ay kailangan ko pa ng ilang taon. b***h, I was in medical school! Nalimutan mo na?” Ngayon ay ako naman itong tanga na tumawa nang tumawa sa kaniya. “Sorry! Nalimutan ko sa sobrang dami kong naiisip ngayon.” Sobrang stress na talaga ako, dahil nalalapit na ang exam namin. “Sabihin mo ay hindi mo nalilimutan iyong lalaki na nakilala mo sa club!” Bulaslas niya. “Hindi mo na talaga nahanap?” Sunod niya pang tanong sa akin nang umiling na lamang ako. “Tanga-tanga ka kasi at umalis ka kaagad! Sana ay hinintay mo na lang muna magising!” “Nahihiya ako, e! May nakita akong dugo… ang sakit ng puson ko pa. Akala ko ay dahil na virgin-an ako, Felicie! Period ko na ‘yon! Nakakahiya! Kaya umalis na ako agad.” Kung wala lang akong period no’n ay baka buong araw akong umuungol sa loob ng kwarto na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD