GALIT na galit ang daddy, nang makauwi kami ng bahay. Hindi na kami bumalik pa sa birthday ni Navincent. "Hon, calm down..." Ang mommy na pinipigilan ang daddy sa kaniyang galit na nararamdaman.
Daddy couldn't believe it when I said Samiel Sandamiego was my boy friend. “I’m really sorry, Sandamiego. Idinawit ka pa ng anak ko,” ani ng daddy kay Samiel Sandamiego kanina.
Tinignan niya lamang akong kaladkarin nang sarili kong pamilya palayo sa kaniya. “Hindi ka na nahiya, Sana! Idinamay mo pa ang isang Sandamiego!” When I sat on the chair from the living room, he raged at me. Daddy was in front of me, naglalakad nang palakiwa’t-kanan.
He was clearly stressed as an outcome of what I had done earlier, which was not my fault! Ako itong agrabyado sa pamilya ito!
“Kilala mo ba ang lalaking sinabihan mong boy friend mo, Sana? It’s-”
“Samiel Sandamiego, Dad. Natural na kilala ko siya, dahil siya nga ang boy friend ko!” Pagpipilit ko sa kaniya.
I will do everything possible to put an end to this family's insanity. “Kung talagang ikaw ang girl friend niya, bakit hinayaan ka lang niyang umalis? ‘Wag mo kaming lokohin ng mommy mo, Sana.” Nagbabanta nitong sabi sa akin.
“As I remember, kayo ang lomoloko sa akin!” Marahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Mommy grabbed my palm, but I didn't look at her. Galit na galit akong sabayan ang mga titig ni daddy. “Papapuntahin niyo ako sa isang birthday party at magugulat na lang ako na engaged na ako?” Hindi mapigilan ng luha ko ang tumulo.
“Ano? Naghihirap na ba tayo, kaya kailangan ko na magpakasal sa may pera? Is this all about business, Dad?” Pinunasan ko ang aking luha. “Hindi naman ako stocks, Dad. Hindi ako investment. Anak mo ‘ko…” turo ko sa aking sarili at alisin ang pagkakahawak ni mommy sa aking palad.
“Mija!” Sigaw ng mommy, pero dali-dali na lamang akong umalis ng sala at umakyat sa sarili kong kwarto. Kaunting tiis na lang naman, Sana. Makakawala ka na rin dito.
When I looked at the money in my bank, I realized it wouldn't be enough if I ran away. Possibly my father will not cover my university expenses, at utang na loob ay ilang buwan na lang ay ga-graduate na ako.
“Oh, God!” Iyon na lamang ang nabigkas ni Adeline sa screen ko. “Hindi na rin sinasagot ni Fel ang tawag ko,” sunod ko pang kwento sa kaniya.
“Hindi ko akalain na gagawin sa ‘yo ‘yan ni Tito at Tita…” Humina ang boses niya, nang bahagya akong napahinga ng malalim. Inayos ko ang aking higa sa kama, habang hawak-hawak ko ang telepono. “And about this Sandamiego?” Pinikit ko lang ang mata ko sa tanong ni Adeline.
“I told that Sandamiego is my boy friend.”
“Holy sh-t!” Halatang kitang-kita sa mga mata ni Adeline ang pagka-amuse sa aking sinabi. “What did he say? C’mon, Sana! ‘Wag mo na bitinin ang kwento!” Ngumusi na lamang ako sa kaniya.
“Sandamiego seems to know Fel. Narinig ko siyang itinanong sa akin kung matagal ko na raw bang kilala si Fel.” Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Adeline sa akin. “Wait! Maybe… Samiel Sandamiego have a crush on Felicie!” Tinakpan niya pa ang kaniyang bibig nang matapos niyang sabihin iyon lahat.
“Who knows? Malay natin…” Nagkibit-balikat na lamang ako sa kaniya.
I called Fel's number again the next day, but she didn't answer. Kahit sa mga social media accounts ko ay hindi ko na makita ang account niya. Mukhang na-blocked niya na nga ako.
Nakaligo na ako lahat-lahat at nagbihis na rin ng aking uniform. Matapos kong lumabas sa aking kwarto ay narinig ko na agad ang pamilyar na boses ni daddy na tumatawa.
“Maupo ka lang d’yan at papatawag ko lang si Sana-” Hindi na niya iyon natapos nang makababa na ako. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, kaya nang makita ko kung sino ang nakaupo sa sofa ay nanlaki ang mga mata ko.
What the f-ck is he doing here?
“Sana! Sinundo ka niya, anak.” Malawak ang ngiti ni daddy sa akin. “Nag-transfer na rin ako ng pera sa bank account mo. Go on, sumama ka na sa kaniya.” Ibang-iba ang daddy ngayon kung ikukumpara mo kagabi.
Ngayon ay nagbalik na siya sa pagiging sweet.
Bahaw ang ngiti ni Navincent sa akin, nang makita niya akong titigan ko siya. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. “Dad, she’s Felicie’s boy friend. My best friend, boy friend.” Sapat na iyon para marinig ni Navincent ang sinabi ko sa tatay ko.
“Here we go again with your lies, Sana. Gagawin mo pang sinungaling ang ina ni Navincent sa harapan naming dalawa ng anak niya.” Pinikit ko ang aking mga mata nang hindi ko hahayaan na lamang na masira ang araw ko basta-basta.
Instead of arguing with my father, I confronted Navincent.
“Let’s go?” Ngiti niya pa sa akin.
Best actor ka talagang bwesit ka. “Navincent, ikaw na ang bahala sa anak ko, ha? Pinagkakatiwala kita sa kaniya.” Si daddy iyon, nang tumungo naman si Navincent at kunin ang bag ko. Aalma na sana ako pero hindi agad siyang nagmano kay daddy nang dala-dala ang bag ko.
“Napakabait na bata,” wika pa ni daddy. “Gumagaan ang loob ko kapag nakikita kong ganito ang mapapangasawa ng anak ko,” sunod niya pang sabi.
“Dad, ‘wag kang magsalita na parang kukunin ka na ni Lord.” Kumunot ang noo ko sa kaniya. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito. Alam kong galit ang loob ko kay daddy, pero hindi ako galit sa kaniya. Doon ako galit sa ginawa niya. “Aalis na rin po kami, Tito. Baka ma-late po si Sana sa pasok niya.” Tinapik lang ni daddy ang braso ni Navincent, nang agad na kaming lumabas ng bahay.
“You don’t have to f-cking do this,” diin kong sambit. “I don’t have plans to this, b-tch.” Gumalaw ang panga ko sa narinig kong sagot niya sa akin.
“Then what are you doing here? Sinusundo mo ako? Knowing that my best friend is suffering as a result of your decisions?” Medyo tumaas ang boses ko, nang makarating kami sa parking.
Pansin ko kung paano niya higpitan ang hawak sa handle ng aking bag na ikinagalit ko. “‘Wag mong sirain ang bag ko! Akin na ‘yan!” Tila pilit kong inaabot iyon sa kaniya, nang hindi naman niya ibinibigay.
“Sana!” Nagulat kami sa sigaw ni daddy at parehas kaming napalingon. Madaling bumaba ang daddy at lumapit sa amin. “Anak!” Sigaw pa niya muli sa akin.
“Ayos lang po, Tito. Naiintindihan ko naman si Sana, kung hindi niya ako gusto.” Dahan-dahan umangat ang tingin ko sa kaniya nang may halong galit, poot at inis. Pinaghalo-halo na ang nararamdaman ko sa kaniya! Ngayon pa lamang ay gustong-gusto ko na siyang sakalin at itapon sa bangin.
“Pasensiya ka na talaga, Navincent.” Yumuko ang daddy kay Navincent na mas lalong kinakulo ko ng dugo. Hindi ko kayang makita ang daddy ko na ganito sa mga taong masahol pa ang ugali sa demonyo.
“Aalis na rin po kami, Tito.” Navincent said goodbyes to my father once more as he opened the door of his matte black luxurious car.
Pumasok ako sa kaniyang kotse at nang paandarin niya na iyon ay nagtataka akong makita ang isang pamilyar na likod ng isang babae. I wonder if its Fel, pero hindi ko na nakita ang mukha nito nang sa ibang ruta dinaan ni Navincent ang kaniyang kotse.
“Where are you taking me?” Bulyaw ko, habang nakaupo sa tabi niya at siya naman itong nagda-drive. He’s wearing his white polo and denim pants. Masyadong mabait ang itsura niya, hindi katulad ni Samiel na parang nakakatakot kausapin na laging nakakunot ang noo.
“Navincent!”
“I’ll take you down in hell,” sagot niya.
“You motherf-cker! Hindi mo ba alam na male-late ako kapag dito tayo dumaan! Ano ba!” Gigil na gigil na ako sa kaniya, ngunit parang ito naman talaga ang balak niyang gawin. “That’s exactly what’s on my mind. Gladly you’re not that slow to understand.” Galit akong sumandal at pinasadahan ng tingin ang nag-iilawang traffic lights.
Thirty minutes na at narito pa rin kami sa loob ng kotse niya. Dumaan ba naman sa highway ang bwesit na ‘to!
Walang nagsasalita sa amin at halos mabingi lamang ako sa rindi ng horn ng mga kotse sa paligid namin.
Nakarating kami ng university na hindi ako nakapasok sa dalawang subject ko. Which is major subject pa!
“Ano pa ang hinihintay mo? Pagbuksan kita ng pinto?” Tanong niya sa akin nang nakangisi. “My bag! Damn you, rat!” Dinilaan niya ang labi nito. Hindi ko pa rin nakukuha sa kaniya ang bag ko simula kanina, nang makasakay kami sa sasakyan niya. Hawak-hawak niya iyon, habang nagda-drive. Naroon din ang telepono ko kaya hindi ako makapag-text sa mga kaibigan ko.
“Akin na—Hoy!” Malakas ang sigaw ko nang ibato niya iyon sa bintana ng kotse niya. Mabilis akong lumabas ng kotse at akmang kukunin iyon nang magulat at may dumaan na kotseng mabilis kung saan nagulungan niya ang bag ko.
Lumabas ang ilang kagamitan ko sa bag nang huminto ang kotseng dumaan. Hindi naman niya iyon kasalanan, dahil mali ang ginawa kong pagtakbo. Muntikan pa akong masagasaan kung sakali.
Nakaharang ako sa harap ng kotse ni Navincent nang marinig kong magpreno ito ng kaniyang sasakyan na aking ikinagulat. Tumulo ang luha ko nang tignan ko ang mukha ni Navincent sa loob ng kotse.
I'm confused about what my best friend adores about this man, because he's extremely demonic!
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at pinulot ang iba pang gamit, nang kukunin ko na rin ang lipstick kong gumulong sa kalayuan nang may pumulot n’yon at ibigay sa akin.
Because of my teary eyes, I looked up but couldn't see who it was. Ngunit nang punasan niya ang luha kong gamit-gamit ang hinlalaki niya ay doon ko na nakita ang kabuuan ng itsura niya. “Samiel…” tawag ko sa pangalan niyang nahikbi.