NAKARATING kami sa Belgium, nang maramdaman ko ang lamig. Medyo makulimlim ang langit at tila nakakatuwang pagmasdan ang mga kakaibang straktura na iyong makikita. “How are you?” Habang naghihintay kami ng masasakyan sa labas. “Ayos lang naman, ikaw? Malamig, ano?” May kausap kasi ngayon si Samiel sa kaniyang telepono kaya’t kami ni Navincent ang naiwan sa likod niya. Nilingon kami ni Samiel at medyo kumunot ang noo nito kung tignan ako. Ano nanaman ang ginawa ko sa hayop na ‘to? “Nakatulog ka naman nang maayos?” Muli ko pang tanong sa kaniya at nagkibit balikat lamang ito. “I can’t sleep that much, dahil may naririnig akong ungol,” ani niya na ikinawala ng ngiti ko. “R-really?” Tama ‘yan, Saneva! Magpanggap kang hindi ikaw ang narinig niyang ungol! “A-ang baboy naman!” “Yeah…”

