Andito ako ngayon sa library dahil inutusan ako ng principal na gumawa ng isang PowerPoint about sa school.
Dahil nga may cellphone na ako ay nagpatugtog ako habang nag gagawa ng PowerPoint. Mas gumagana kasi ang takbo ng utak ko kapag may mga tugtog.
Nang matapos ang paggagawa ko ng PowerPoint ay kumuha ako ng dalawang makapal na libro at tsaka doon umubob.
Wala namang pupunta dito na mga prof, e. Kaya ok lang na matulog muna ako.
Nagising lang ako ng may maamoy akong mabango.
Ano yon?
Pag tunghay ko ay nakita ko sa gilid ko ang isang paper bag. Hindi ko na sana papansinin yon pero nakita ko na may nakalagay dito na pangalan ko.
Tiningnan ko ang laman non kahit nawi weirduhan ako. Nagulat ako dahil ang laman ng paper bag ay isang mini cake at tsaka isang yakult at chuckie.
Teka, paborito ko ang mga 'to. Paanong hanggang dito sa school ay may nakakaalam?
Nagugulat man ay inilabas ko pa rin. Kung sino mang nagbigay nito gusto ko syang makita para pasalamatan.
Nagtaka pa ako ng may makita akong isang notes.
"Eat well" pagkakabasa ko sa sulat na nakalagay.
Sino naman ang magbibigay sa akin nito? Paano nya nalaman ang mga paborito ko?
Dali dali kong ibinalik sa paper bag ang mga inumin at pagkain at tsaka lumabas ng library.
Dinaan ko muna sa principal office ang aking ginawang PowerPoint bago bumalik sa room.
Sa daan pabalik sa room ay sa bagong biak na bato ako dumaan dahil shortcut 'to.
"Oh, tingnan nyo kung sino ang nandito" sabi ni sami. "Si yellow uniform" dagdag nya na sabi.
Napayuko na lang ako. Dahil hindi ko inaasahan na nandito sila.
"Bakit kayo nandito?" nakayukong tanong ko.
"Hindi ba obvious na nagka cutting classes kami?" sabi ni sami at tsaka kinuha yung sigarilyo na hawak ni mary at humithit.
Hala? Masama yon sa katawan diba? Bakit sila nagaganon? Bata pa naman sila.
"Bakit kayo naninigarilyo?" malumanay pero nag-aalalang tanong ko.
"Pake mo ba?" pagtatanong sa akin ni nina. "Hindi ka naman namin nanay para pag bawalan kami" dagdag pa nito at tsaka tumawa.
"Umalis ka na nga bago ka pa namin bugbugin" sabi ni mary at tsaka inambaan ako ng suntok.
Mabilis akong nagtakip ng mukha. Kaya nagtawanan sila.
"Next time na kita babangasan, kapag maganda ka na" sabi pa nito.
Blangko kong tiningnan si sami.
Eto na pala ang klase ng mga kaibigan na gusto nya?
Yung kaibigan na sisira ng buhay nya.
Nakayukong naglakad ako paalis sa lugar na yon. Isa din sa dahilan kaya hindi ako nakikipag kaibigan ay dahil may trust issue ako.
Tinuring kong best friend si sami. Lahat ng gusto ko, gusto rin nya. Lahat ng ayaw ko, ayaw nya rin. Pero lahat yon ay dati lang.
Ngayon kasi ayaw na nya akong kausapin at pansinin dahil yon sa isang pangyayari noong grade six pa kami. Hindi ko nga sya maintindihan kung bakit naging ganon sya.
Sa katunayan nga, e, ako dapat ang maging ganyan. Pero pinili kong hindi maging ganon dahil mag best friend kami.
Hindi ako galit sa kanya. Never akong nagtanim ng sama ng loob. Ang gusto ko lang ay sabihin nya sa akin, bakit sya nagkaganon, ok na ako don.
Napag pasyahan ko na hindi muna bumalik sa room. Hindi naman ako pagagalitan dahil excuse ako hanggang tanghali, e, maaga pa naman ngayon kaya maglilibot ako sa school.
Mas masarap kasing maggala sa school kapag tahimik ang paligid.
Tumigil muna ako sa music room para dun tumambay. Tahimik din kasi dito dahil tuwing friday ang practice ng mga music members.
Umupo ako sa isang piano at tsaka tumugtog.
"Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me and then
Spin me around till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved" kanta ko sa first stanza ng dance with my father
"If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I'd play a song that would never ever end
How I'd love, love, love to dance with my father again, ooh" pagkanta ko sa chorus.
"I never thought you can sing well" may nagsalita sa pinto.
Nagugulat na napatingin ako sa pinto. Nakita ko don si ald na nakapamulsang nakatayo at nakangiting nakatingin sa akin.
"Shocked, huh?" dagdag nya pa habang tumatawa.
"Bakit nandito ka?" nahihiyang tanong ko.
"I was just finish doing the easy quiz, then I decided to walk around" nakangiti nyang sabi at tsaka lumapit at umupo sa tabi ko. "You! why you are here? Did you finish doing the ppt?" dagdag na tanong nya.
Sa sobrang lapit nya ay tango na lang ang naisagot ko.
"Don't be scared, hindi ako nangangain ng tao" tumatawang sabi nya.
Ha? Tumatawa sya sa harap ko? Napanguso tuloy ako dahil don.
"What are you pouting at?" nagtatakang tanong nya.
"Wala, wala" mabilis kong sabi at tsaka nagtakip ng bibig.
Tango tango na lang ang nasabi nya at tsaka tumingin sa piano.
"You like playing piano?" tanong nya sa akin.
"Oo" nahihiyang sabi ko.
"Don't be shy, we're friends na, diba?" nakangiti nyang pagtatanong.
"Ah, oo" sabi ko sabay kamot sa ulo.
"So, who teach you playing piano?" tanong nya ulit.
"Si papa" nakangiti kong sabi.
"Wow, great" nakangiti nyang sabi.
Ngumiti na lang din ako bilang sagot.
"I want to learn that too" nakanguso nyang sabi.
Natawa tuloy ako.
"What are you laughing at?" kunot ang kilay na tanong nya.
"Kasi naman sobrang yaman mo, tapos di ka maalam nito, haha" tumatawang sabi ko.
"I just don't like music instrument" sabi nya.
"Ha? Bakit? Nakaka relax kaya ang music" taas noong sabi ko pa sa kanya.
"For me its not" nahihiyang sabi nya.
"Ah" yun na lang ang nasabi ko.
Ayaw nya ng music, pero gusto nyang matuto ng piano? Teka, ang gulo.
Tumahimik ang music room dahil parang bata si ald habang tulala at pinagmamasdang maigi ang piano.
Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang tingin nya sa piano. Natatakot tuloy ako.
Kukulbitin ko na sana sya pero nagulat at nalaglag ako sa upuan ng bigla syang pumindot sa piano.
Ouch! Ang sakit ng pwetan ko.
"Sorry!" sabi ni ald habang inaalalayan akong tumayo.
Puno yung mata at kilos nya ng pag-aalala habang inaalalayan akong makaupo.
"I'm really sorry" nag-aalalang sabi nya pa.
"Okay lang" nakangiting sabi ko.
Pero nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ko at tsaka kinuha ang kamay ko at itinapat sa mukha nya.
"Go, and slap me" sabi nya.
Nagtataka ko tuloy syang pinagmasdan.
"Para saan ang sampal?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"I'm sorry, kasalanan ko kung bakit nahulog ka" sabi nya. "Kaya its ok if you slap me" dagdag na sabi nya.
Natawa ako at tsaka binawi ang aking kamay na hawak hawak nya.
"Hindi ako nananakit ng tao" nakangiti kong sabi. "At tsaka, ok lang naman ako" dagdag ko.
"Are you sure?" pagtatanong nya habang nangniningning ang mga mata.
"Oo naman" nakangiti kong sabi.
Hindi sya nagsalita at bigla na lang akong niyakap.
"Ald!" medyo malakas na pagkaka banggit ko sa pangalan nya.
"Sorry, masaya lang talaga ako" nahihiyang sabi nya at umalis sa pagkakayakap.
"Sorry, nagulat lang din ako kaya ganon ang na-asta ko" nahihiya ring sabi ko.
Hindi sya nagsalita, nakatingin lang sya sa akin habang nakangiti. Kaya ngumiti na lang rin ako.
"Tara?" nakangiting pagtatanong nya at tsaka inilahad ang kamay.
"Huh? Saan?" nakakunot noo kong tanong.
"Basta" nakangiti nyang sabi at tsaka hinila ako palabas ng library.
Saan naman kaya kami pupunta nito?
Nagulat ako ng magpunta kami sa parking lot.
"A-ald" kinakabahang tawag ko sa pangalan nya.
"What?" seryosong tanong nya.
"Bakit dito tayo pumunta?" nanginginig yung kamay na tanong ko.
"Relax, wala akong gagawin sayo haha" sabi nya at tsaka tumawa.
Nahihiyang tiningnan ko sya. Pinukpok ko ng mahina ang ulo ko.
Bakit ang assuming mo, hope? Di ka naman tinuruan ng ganyan. Nakakahiya.
Sumakay kami sa kotse nya. Grabe! Sobrang ganda ng kotae nya. Pwedeng pwede ko ng tirahan.
Nag drive sya palabas ng school kaya nagtataka ko syang tiningnan.
"Bawal tayong lumabas ng school, ald, school hour ngayon" nahihiyang sabi ko.
"Afraid of cutting classes, huh?" pagtatanong nya sa akin at tsaka mahinang tumawa. "Don't be, kasama mo naman ako" sabi nya at nakangiting tumingin sa akin ng saglit.
Ngumiti na lang ako sa kanya at tsaka humarap sa gawing kanan para makita ko ang tanawin sa labas.
Ang ganda ng mga puno at halaman na madadaanan namin. Pwedeng pwede ko na siguro 'tong i-drawing.
Sa tagal ng pagmamaneho ni ald ay hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.
Nagising lang ako ng maramdamang niyuyugyog ako ni ald.
"Sleepy hope, wake up" sabi pa nya kasabay ng pagyugyog sa akin.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakita ko kaagad ang ngiting ngiti na si ald sa harapan ko.
"A-sa-n tayo?" humihikab pang tanong ko.
"We're here at my favorite place" nakangiti nyang sabi at inalalayan akong bumaba ng kotse.
Napanganga ako ng makita ang lugar. Para syang palasyo, sobrang laki at ganda.
Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa makita ang pangalan ng lugar.
"Mi esperanza" mahinang basa ko.
"Yeah, Mi esperanza! My favorite place" sabi ni ald. "Wonderful place, right?" pagtatanong nya pa.
"Oo, sobra" nakangiti kong sabi.
"Come" sabi nya at naunang maglakad.
Nakatingin sa paligid na sumunod ako sa kanya. Hindi ko akalain na mayroon gantong lugar na Mi esperanza na sobrang ganda.
Bakit parang hindi napapasama sa mga dyaryo ang ganitong lugar. Linggo linggo pa naman akong nakikibasa kina ate bervy ng dyaryo.
Pumunta kami sa isang malaking bahay.
May ganito din dito? Sobrang yaman siguro ng may-ari nito.
"This is my penthouse" taas noo pa nyang sabi.
Nanlalaki ang mata at nakabuka ang bibig na tiningnan ko si ald.
Huh? Seryoso? Ang yaman nya talaga. May school sila, mga hotels, resort, restaurants, clothing brand, shoes brand, make-up brand, perfume brand tapos eto pa ngayon? Isang napakaganda at napakalaking penthouse?
Ano pa kayang wala ang pamilya nina ald? Ramdam na ramdam ko yung pagiging hampaslupa ko.
"Don't you like the style?" nakakunot noo nyang tanong sa akin.
"Hindi ah! Ang ganda nga, e" nakangiti kong sabi. "Bakit pala hindi ko nakikita yang penthouse mo sa mga tv o kaya dyaryo?" curious na tanong ko sa kanya.
"Simple, because its mine and its private" simpleng sabi nya.
Inaya nya ako sa loob ng penthouse nya. Napanganga na naman ako ng makatapak ako sa loob. Sobrang ganda ng bahay.
Malinis sya at mabango, nakakarelax pa.
"Bakit nga pala tayo pumunta dito?" pagtatanong ko ng maka upo ako sa sofa.
"I just want to relax" sabi nya at tsaka sumampa sa isang sofa.
"Eh, bakit kailangan pang kasama ako? Ikaw lang pala" nahihiyang pagtatanong ko.
Tumingin at ngumiti muna sya sa akin bago nagsalita.
"I just want you also to relax" sabi nya.
"Salamat, pero hindi ko naman kailangan ng relax-relax na yan, ok naman ang katawan ko" nakangiti kong sabi.
"I don't mean about your physical, I just mean about your mental, too innocent, tss" sabi nya at tsaka tumayo papuntang kusina.
Ano namang meron sa mental lo para mag relax ako? Hindi naman nag exercise 'to, lalong lalo na ang nagbuhat ng mga mabibigat na bagay para mag relax.
Inilabas ko na lang ang aking cellphone at kumuha ng litrato. Minsan lang ako makapunta sa lugar na 'to kaya hindi ko na sasayangin.
Tumigil lang ako sa kakakuha ng litrato ng dumating si ald na may dala dalang tray.
"Eat, I know you're hungry" sabi nya ng mailapag ang tray.
Nagulat ako ng makita ang isang steak, juice, at tsaka hita ng manok.
Bigla tuloy kumulo yung tyan ko.
"Para lang ba sa akin 'to?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Yes, i'm not hungry pa, e" nakangiti nyang sabi at tsaka kumuha ng isang champagne glass at wine.
"Hindi ba nakakalasing yan?" pagtatanong ko.
"No, it's a red wine" sabi nya at tsaka uminom ng konti.
Nginitian ko na lang sya bago nagsimulang kumain. Inaalok ko pa sya pero ayaw nya kaya hindi ko na sya pinilit at kumain na lang ng kumain.
Nang matapos ako ay tinanong ko sa kanya kung saan yon ilalagay. Pero sya kinuha yung tray at ibinalik don sa kusina.
Nang makabalik sya ay umupo sya sa sofa at tumingin sa akin.
"You're so kind, I wonder bakit walang nakikipag friends sayo?" nakapangalumbabang tanong nya.
"Friends ko mga kaklase natin" taas noo kong sabi.
"I mean the person who you can count on always" sabi nya.
"Ah, ewan ko din" nakangiti kong sabi. "Wag ka ng magtanong ng ganon, friends na kita ngayon, e" sabi ko pa.
"Friends?" taas kilay na tanong nya.
Bigla tuloy akong nahiya at napayuko.
"Sorry, hindi ba ganon ang tingin mo?" nahihiyang tanong ko.
"No, I was just happy! Very happy" nakangiti nyang sabi.
Nakangiti ko syang tiningnan.
Sana hindi na mangyari yung nangyari sa amin ni sami dati. Sana hindi na ako mawalan ng kaibigan.
"I promise! You can always count on me" nakangiti nyang sabi at tsaka pumunta sa likod ko at nilagyan ako ng kwintas.
Saan naman nanggaling yon?
Nang mailagay nya ang kwintas ay kinapa ko yon at tiningnan. Kulay gold sya na may nakalagay na word..
'Ange...'