03🌻

2567 Words
Andito ako ngayon sa supermarket pagkatapos kong pumunta sa puntod ni papa. Bumibili kasi ako ng isang box ng zest-o at isang box ng lemon square. Nang makabili ako ay naglakad na lang ako papunta sa lugar na aking pupuntahan dahil kulang na ang pamasahe ko. Nang makarating ako sa lugar ay sinalubong kaagad ako ng mga bata na nag-aantay sa akin. "Andito na si ate ganda" nakangiting sabi ni popoy bago tumakbo at yumakap sa akin. Nakangiting niyakap ko din si popoy. Pumunta kaming lahat sa gilid ng kalsada dahil mag-aaral kami. "Na miss nyo ba si ate ganda?" nakangiting pagtatanong ko sa kanila. "Opooooo!" masaya at nakangiti nilang sigaw. Nakakatuwa at napakasarap talaga sa pakiramdam na may mga taong nakaka miss sayo kahit papaano. "So, magsimula na tayong mag-aral?" nakangiti ko pa ring tanong sa kanila. "Opooooo" sabi nila at tsaka isa isang inilabas ang dala dala nilang lapis at papel. Inilapag ko muna ang aking mga pinamili para sa kanila dahil mamaya pa ko pa yon ibibigay para meryenda nila. Tinuturuan ko kasi ang mga batang kalye na kapos sa pera para makapag aral. Hindi man ito sing detail ng itinuturo ng mga tunay na guro sa paaralan, atleast natututo sila kahit papaano. Kung tatanungin ako kung bakit ko tinuturuan ang mga batang ito ay simple lang, dahil lahat sila ay pursigido dahil matataas ang pangarap nila. Nagsimula na akong turuan ang mga batang ito sa pag mu-multiply. Tapos na kasi kami sa mga add at subtraction kaya ayun na ang itinuturo ko. Fast learner sila at talaga namang determinado kaya lalo akong nasisiyahang turuan sila. Makalipas lang ang trenta minutos ay natapos na akong mag explain at nakapag bigay na rin ako ng kanilang sasagutan. Habang nagsasagot sila ay pinagmamasdan ko sila ng maigi. Kung magiging presidente siguro ako, una kong ipapatayo ang pagtuturo ng ibat ibang guro sa mga batang kalye na kapos sa pera para makapag aral. Kasi kita mo talaga sa mga mata nila yung pagpupursigi para lang matuto, e. "Ate ganda, tapos na" sabi sa akin ni nika at tsaka inabot yung papel nya. "Sige, che chekan muna ni ate ganda, ah" nakangiting sabi ko kay nika at tsaka tiningnan ang papel nya para chekan. Natuwa ako dahil wala syang mali. Kung nanay ako ng batang 'to sobra ang pagka proud ko. "Ang galing mo naman nika, perfect ka" nakangiting sabi ko matapos machekan yung papel nya. "Magaling din po kasi kayong magturo, ate" nakangiti nyang sabi. Bumalik na sya sa upuan nya ng makuha nya ang papel nya. Maya maya lang ay isa isa ng nagpapa check ang mga bata at lahat sila ay perfect sa ibinigay ko na sasagutan. Kaya lalo akong natuwa. Sa simpleng pagtuturo ko, marami na silang natututunan. Ano pa kaya kung sa eskwelahan sila matututo, paniguradong sobrang dami na nilang alam. Nang matapos na kami sa aming mga inaral ay pinapila ko na sila para bigyan ng binili kong meryenda. Nang makatanggap na sila ng bigay ko ay umupo ulit sila. "Story time na ate ganda" nakangiting sabi ni popoy. "Sige, ipagpapatuloy ko ulit yung kwento ng prinsesa at ng puno" nakangiti kong sabi. "Yeheyyy!" masaya nilang sigaw. "At ayun na nga, sa tuwing nalulungkot ang prinsesa ay pumupunta sya sa paborito nyang puno" panimula ko sa kwento. "Dahil feeling nung prinsesa, nakahanap sya ng karamay sa punong iyon" dagdag na sabi ko. "Diba po parang ang weird na yung karamay nya po ay puno? Hindi po yun nagsasalita" nakangusong sabi naman ni mikmik. "Hindi nga nagsasalita ang puno, ngunit ramdam na ramdam ng prinsesa na sa punong iyon, safe na safe sya. Yung kahit anong problema, kaya nya basta nasa punong yon sya" nakangiting sabi ko. "Dati rati, pamilya ng prinsesa ang lagi nyang nilalapitan kapag sya ay nalulungkot, pero dahil nga sa isang pangyayari, nagbago ang lahat sa buhay ng prinsesa" patuloy ko sa kwento. "Namatay ang kanyang amang hari at ang kanya namang ina ay nag asawa ulit ng bago, at doon nagsimula na ituring syang salot ng kanyang ina" malungkot na sabi ko. "Kaya magmula non don sya sa punong iyon nakahanap ng karamay" nakangiti kong sabi. "Yun na po yung wakas? Ano pong insidente ang nangyari sa kanila?" pagtatanong sa akin ni popoy. "Secret" nakangiti kong sabi. "Eh, ano pong wakas?" nagtatakang tanong nito sa akin. "Hanggang dun muna ang ikukwento ko, sa susunod na sabado na ulit" nakangiti kong sabi. "Ang daya mo po" nakangusong sabi sa akin ni chery. "Sa susunod ko na iku kwento para may dahilan ako para bumalik" paliwanag ko sa kanila. "Ahhh" parang namamanghang sabi nila. "Oh sya, sa susunod na sabado ulit ah?" sabi ko sa kanilang lahat. "Maraming salamat sa oras nyo" nakangiti kong sabi sa kanila at isa isa silang niyakap. Nang mayakap ko na silang lahat ay nagpaalam na ako sa kanila. Naglakad ako pauwi sa bahay. Pero bago ako makauwi sa bahay ay dumaan muna ako sa aking kaibigan. "I'm back, sobra kitang na miss" sabi ko habang yakap yakap yung puno. "May kaibigan na ako sa school, hindi na ako nag-iisa" masayang kwento ko sa kanya. "Pumunta din pala ako sa puntod ni papa kanina dahil 10th death anniversary ni papa ngayon" nakangiti pang kwento ko. "Alam mo ba na hindi pa din ako tinitigilan ng bully sa school namin" kwento ko pa. "Diba, dati inaasar nila ako na pangit, squatter, dugyot. Ngayon inaasar naman nila ako na yellow uniform" dagdag ko pa. "Kasalanan ko ba na pangit ako? Squatter yung datingan ko? At mukha akong dugyot?" malungkot na tanong ko sa puno. "Diba, hindi naman? Dahil iyon talaga ako at hindi ko babaguhin ang sarili ko dahil lang sa sinasabi nila" dagdag ko. "Pero hindi ako galit sa mga kaklase ko, mababait sila at di naman nila ako sinasaktan, hindi nga lang kagaya nung tropa ni sami, dahil binugbog pa ako" sabi ko. "Yun lang ang kwento ko sayo kaibigan, uuwi na muna ako bawal kasi akong magpa gabi" nakangiti kong sabi sa puno bago tumayo at tsaka lisanin ang lugar. Nang makarating ako sa bahay ay sa bodega na agad ako dumiretso. Baka kasi pag dumaan ako sa likod bahay, makita na naman ako ni tito roman. Nagpalit kaagad ako ng damit at tsaka ginawa ang aking mga assignment. Bukas kasi ay gusto kong wala akong gagawin na mga takdang aralin. Nang matapos ako sa mga assignment ko ay sumampa agad ako sa kama. Sobrang tagal na ng kamang 'to, dahil bata pa lang ako nandito na sya. Kinuha ko sa maliit kong cabinet ang isang litrato naming buong pamilya at tsaka nakangiti ko iyong pinagmasdan. Ang sarap balikan yung araw na masaya kami, kumpleto kami at punong puno ng pagmamahal sa isat-isa. Ngayon kasi, malabo na iyong mangyari. Ibinalik ko na ulit ang litrato sa cabinet at tsaka natulog ng mahimbing. Pagkagising ko kinabukasan mga ala syete ng umaga ay nagpa init na ako ng tubig para mag kape. Wala na akong pera para bumili ng ulam para sa almusal dahil lahat ng pera ko ay ginastos ko na kahapon. Nang makapag kape ay naligo na kaagad ako. Nang makapag bihis ako ay lumabas na ako ng bahay. Baka kasi ma late ako sa aking pupuntahan. Sa daan palabas sa aming subdivision ay nakita ko kaagad ang bahay nina ate bervy. Kaya dali dali na akong pumunta sa bahay nya. Kumakatok ako habang tinatawag si ate bervy pero walang nasagot. "Baka wala sila?" pagtatanong ko sa kawalan. Sakto namang pagharap ko sa daan ay nakita ko si ate bervy kasama si sophia. "Ate hope" nakangiting sabi ni sophia. "Hope!" masayang sambit ni ate bervy. "Tamang tama at dumaan ka dito, may ibibigay ako sayo" nakangiti pang dagdag ni ate bervy ng makalapit sa akin. Ibibigay? Para saan? Birthday ko ba? Hindi naman ah. Inaya nya ako papasok sa loob ng bahay nya. Gusto ko mang tumanggi ay hindi ko magawa dahil masyadong mapilit si ate. Pinaupo nya kaagad ako sa may sofa nila at tsaka sya nagmadaling pumunta sa kusina. Naiwan tuloy kami ni sophia. "Ate hope, may boyfriend ka na po ba?" nakangiting pagtatanong sa akin ni sophia. Ano daw? Boyfriend? "Nako sophia, wala ako non" nahihiyang sabi ko. Wala pa kasi sa isip ko ang pagbo boyfriend. At tsaka isa pa, wala namang lalaki ang nagkakagusto sa akin. "Maganda naman po kayo, matalino din po, mabait din po, ano pong ayaw nila sa inyo?" nagtatakang tanong nya. "Hindi ko alam, haha" sabi ko at tsaka tumawa ng mahina. "Kung ako po ay magiging lalaki, kayo po agad ang una kong liligawan" taas noo nya pang sabi. "Kasi po, sobrang swerte ko po na kayo ang naging girlfriend ko" dagdag nya pa. Natawa ako. Sa bata nyang yan, naiisip na nya ang mga boyfriend at girlfriend kuno. Nung ako kasi ang nasa edad nya, puro lang mga laro ang nasa isip ko. "Basta po ate hope, kapag po nagka boyfriend ka po, sabihan nyo po ako ah?" nakangiting pagtatanong nya. "Oo naman" nakangiting sabi ko. Baka nga lumaki na si sophia wala pa akong boyfriend, e, hahaha. Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na si ate bervy na may dala dalang slice ng buko pie at tsaka juice. "Kain muna tayo bago ko ibigay sayo hope yung ibibigay ko" nakangiting sabi ni ate bervy habang inilalagay na sa mesa ang dala nya. Naiintriga tuloy ako sa kung anong ibibigay sa akin ni ate bervy. Ngayon na lang ulit kasi may nagbigay sa akin. Kumain kami habang nagku kwentuhan. Paulit ulit pa nga si sophia na may crush na raw sya sa school nila. Cute daw tapos mabait kaya nya naging crush. Natawa pa nga kami ni ate bervy dahil alam namin na puppy love lang yung mga ganon. Pagtingin ko sa relos ko ay quarter to nine na. "Ate bervy, mauuna na po ako male late po kasi ako sa nine na misa" sabi ko. "Ha? Maaga pa, e" sabi agad ni ate bervy. "Mamaya ka ng hapon magsimba, meron pa naman non, may ibibigay pa ako sayo, e" dagdag ni ate bervy. "Baka po kasi kapag hapon na ako nagsimba, ay gabihin pa po ako" nahihiyang sabi ko. "Bawal po akong gabihin, e" dagdag ko pa. "Wag kang mag-alala, bibigyan kita ng pamasahe papunta at pauwi, basta dito ka muna hanggang tanghali" nakangiting sabi ni ate. "Nakakahiya naman po" sabi ko. "Ano ka ba namang bata ka at sa akin ka pa nahihiya" sabi agad ni ate bervy. "Dito ka muna, saglit lang naman" nakangusong dagdag nito. Kahit nahihiya ay pinilit ko pa ring ngumiti bilang pag sang- ayon sa kanya. Nang matapos kaming kumain ay dali daling inilagay ni ate bervy ang aming kinainan sa kusina at nagmadaling pumunta sa taas nila. Naiwan tuloy ulit kami ni sophia sa salas. "Ate hope, maalam po ba kayong mag make-up?" nakangusong tanong sa akin ni sophia. "Nako, wala akong alam sa mga ganyan, sophia" nahihiyang sabi ko. "Gusto nyo po bang matuto? Pampaganda din po yon" nakangiting alok nya sa akin. "Nako, hindi na, ayos na ako sa itsura ko" nakangiting sabi ko. "Sige po, sabi nyo po, e" nakangiting sabi nya. Mas gusto ko kasi talaga ang simple. Dahil kapag simple ka, lahat ng bagay sayo, lalabas ng natural at walang halong chemical, hahaha. Makalipas lang ang ilang minuto ay bumaba si ate bervy na may dala dalang isang malaki at maliit na paper bag at tsaka iniabot sa akin. "Ano po 'to?" nagtatakang tanong ko. "Binili ko yan para sayo tingnan mo" nakangiting sabi ni ate bervy. Sa sobrang excited ko tuloy dali dali akong umupo sa sofa nila at tiningnan ang laman ng malaki at maliit na paper bag. Pagtingin ko sa paper bag na malaki ay ibat-ibang klase ng damit pang itaas at pang baba, mga anim na pares ata. Tapos pagtingin ko sa maliit na paper bag ay nangilid ang luha ko. Dahil ang laman non ay cellphone. Niyakap ko kaagad si ate bervy dahil don. "Thank you po ate bervy" nangingilid ang luhang sabi ko. "Walang anuman, dalaga ka na kasi at kailangan maranas mo naman ang mga bagay na dapat ay nararanasan ng isang dalaga" sabi nya. Nang umalis ako sa yakap ay wala akong tigil sa pagpapa salamat kay ate bervy. Isa na kasing malaking tulong ang pagkakaroon ko ng cellphone. Kailangan kasi 'to pag magse search ng mga assignment. May case, sim card at sd card na rin yung cellphone na bigay ni ate. Sa sobrang bilis ng oras ay tanghali na. Nagluto na si ate ng kakainin habang kami ni sophia ay nanonood lang sa tv ng kpop. Hindi ko kilala ang mga grupong ito dahil exo lang ang aking ini stan. Nang tamarin si sophia manood ng kpop ay nanood naman sya ng mga funny videos. Lahat ata ng video na ipapalabas ay natatawa ako. Sobra kasing babaw ng kaligayahan ko. Makalipas lang ang isang oras ay niyakag na kami ni ate bervy sa kusina para kumain ng tanghalian. Kumain kami ng tahimik. Ayaw kasi ni ate bervy ng maingay sa hapag kainan, nakakabastos daw tingnan. Nang matapos kaming kumain ay inabutan ako ni ate bervy ng singkwenta pesos. Nagtaka ako kung bakit malaki, dahil bente pesos lang ang pamasahe balikan. Sinabi ko kay ate na bente na lang ang ibigay dahil masyadong malaki ang singkwenta pero sinabi ni ate na hayaan na lang raw dahil wala syang barya. Alas tres na ng hapon ng makaalis ako sa bahay ni ate bervy. Bumalik muna ako sa bahay bago sumimba dahil sa mga damit na bigay ni ate bervy. Magkano kaya ang bili nya kada pares? Paniguradong mahal yon, Nakakahiya naman kay ate bervy. Nang mailagay ko na sa bodega ang mga damit na bigay ni ate ay nagsuklay muna ako ng buhok. Nang ayos na ay lumabas na ako ng subdivision. Hindi na ako dumaan pa kay na ate bervy dahil matutulog daw sila ni sophia. Nang makasakay ako sa tricycle ay panay ang dutdot ko sa cellphone. Ngayon lang kasi ako nagka ganito kaya masaya ako. Nakikita ko lang kasi 'to sa mga kaklase ko pero ngayon meron na rin ako. Nang makarating sa b****a ng simbahan ay nagbayad na ako kay kuya. Pagkatapos nya akong suklian ay pumasok na ako sa loob. Buti at hindi pa ako late kaya nakaupo ako. Mga ilang minuto na pag-aantay ko ay dumating na rin ang priest kaya nag umpisa na ang misa kaya tumahimik na ang lahat. "Salamat sa diyos" sabay sabay na sabi namin at tsaka nagpalakpakan. Nang nasa labas ako ng simbahan ay pinipicturan ko ang kabuuan ng simbahan. Malaki ang simbahan at hindi ito masyadong sakop ng camera ng cellphone kaya kinailangan kong umisod ng umisod para mahanap ang tamang pwesto para makuhaan ang simbahan. Pero hindi ko naman inaasahan na kaka isod ko ay natapilok ako sa bato. Na out of balance ako. Akala ko ay lalagapak na ako sa semento pero nagulat ako ng may kamay na humawak sa bewang ko. "Careful , you might fall" sabi nito, pagtingin ko si ald. "on me" nakangiting dagdag nya. Sa ilang ko ay dali dali akong umalis sa pagkakahawak nya. "Anong sabi mo?" malumanay at nagtatakang tanong ko. "Just kidding" nakangiti nyang sabi. "Bye, hope! See you in school" nakangiting dagdag na sabi nya at tsaka ako tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD