Nang matapos ang klase ay naglakad ako pauwi.
Nagugulat pa nga kanina ang mga kaklase namin sa tuwing mag-uusap kami ni ald sa room kasi daw bakit super close na namin.
"Hope!" malakas na sigaw ni ate bervy sa akin.
Nakangiti at tatakbo akong lumapit sa kanya.
"Pasensya na at di mo nailuto ang uulamin mo sa iyong pananghalian" malungkot na sabi nya sa akin.
"Ayos lang po ate bervy" nakangiti kong sabi.
"Oh sya, halika muna sa bahay dahil nagluto ako ng pancit" nakangiting sabi sa akin ni ate bervy at tsaka ako hinila papunta sa bahay nila.
Nang makarating ako sa bahay nila ay sumalubong kaagad sa akin si sophia na anak nya. Wala pa kasi yung kapatid ni ate bervy dahil nagta trabaho pa.
Pagka upo ko pa lang ay niyayaya kaagad ako ni sophia na maglaro ng barbie nya. Sinaway sya ni ate bervy dahil sa asal nya.
Sinabi ko na lang kay ate bervy na ayos lang, sa huli ay pumayag sya. Naglaro kami ni sophia ng mga barbie nya. Dati rati eto din ang hawak kong laruan kaso yung mga laruan ko, wala na.
"Ate, diba hilig mo rin po ang barbie dolls?" nakangusong pagtatanong sa akin ni sophia.
"Ah oo, dati" nakangiting sabi ko.
"Nasaan na po yung mga barbie dolls nyo?" pagtatanong nya pa.
"Nawala na, e" nakangiti kong sabi.
Pero hindi talaga nawala ang mga barbie dolls ko, sinunog lahat yon ni mama, dahil salot daw yon. Gusto nya nga din bali akong sunugin dahil salot din daw ako, buti na lang at dumating at napigilan yon ni ate bervy.
Hindi ko naman masisisi si mama kung yun ang tingin nya sa akin. Kahit ayaw na nya sa akin, pinapabayaan nya ako, ayos lang sa akin kasi mama ko sya. Never ako magtatanim ng sama o galit sa kanya. Kasi mahal na mahal ko si mama.
Nangingilid ang luha na pinagmasdan ko ang mga barbie dolls ni sophia.
Bakit ba kailangan maging unfair sa akin ang mundo? Gusto ko lang naman maging masaya, bakit ipinagdadamot pa sa akin?
"Sophia, sabi namang sayo na itago mo yang manika mo dahil mag-aaral ka ngayon" sabi ni ate bervy hang inilalapag sa mesa ang dala dala nyang juice at pancit.
Dali dali nyang iniligpit yung mga barbie dolls ni sophia. Tinapik nya pa ako at tsaka nagsabi ng sorry sa akin.
Ngumiti na lang ako at tsaka tumango.
"Nga pala, pwede bang paturo ulit si sophia ng math?" nahihiyang tanong sa akin ni ate bervy ng makabalik matapos ibalik ang mga barbie dolls ni sophia. "Alam mo namang mahina ang anak ko sa math" nakangiting dagdag nya.
Nakangiting tumango ako bilang sagot. Bago ko tinuruan si sophia ng topic nila sa math ay kumain muna kami ng pancit.
Habang nagso solve si sophia ng problems na binigay ko, kinausap ako ni ate bervy about sa school ko.
"Ganon pa din ba pakikitungo sayo ng mga kaklase mo?" tanong sa akin ni ate bervy.
"Pano pong pakikitungo?" nagtatakang tanong ko.
"Yung di ka kinakausap, ayaw kang kaibiganin o kaya ay lapitan" sabi nito.
"Kinakausap po nila ako kapag may groupings kami o kaya naman po ay kapag may ipapagawa o ipapatulong po sila sa akin" nakangiti kong sabi.
"Dun ka lang nila kinakausap!?" malakas na pagtatanong sa akin ni ate bervy.
"Opo" nakangiti ko pa ring sabi.
"At tsaka anong sabi mo, kinakausap ka lang nila kapag may ipapagawa sayo?" tanong pa rin nya.
Nakangiti akong tumango bilang sagot.
"Hindi ba sila nahihiya sayo? Inaabuso nila ang kabaitan mo" sabi pa nya sa akin.
Nangunot ang noo ko.
"Bakit naman po sila mahihiya sa akin, e, kaklase ko naman po sila" nakangiti kong sabi. "At tsaka mababait po ang mga kaklase ko, katunayan nga po nyan ay may isa na akong kaibigan" nagmamalaki ko pang dagdag.
"Talaga!?" masayang tanong sa akin ni ate bervy.
"Opo, si ald po" sabi ko.
"Sino namang ald yan? Lalaki ba?" kunot noo nyang tanong.
"Opo, lalaki po si ald" nakangiti kong sabi. "Famous po sya sa school namin, matalino din po at mabait" dagdag ko.
"Ano kamo, famous?" nagugulat na tanong sa akin ni ate.
"Opo, famous po sya kasi po varsity sya ng badminton ng school namin" nakangiti kong sabi.
"Famous pala, baka pag tripan ka lang nyan" sabi sa akin ni ate bervy.
"Hindi naman po siguro" sabi ko.
Magsasalita pa sana si ate bervy ng lumapit na sa amin si sophia para ipa check kung tama yung sagot nya.
Habang chinechekan ko ang ginawa ni sophia ay bigla ulit pumasok sa isip ko ang sinabi ni ate bervy.
Paano nga kaya kung kaya lang nakipag kaibigan sa akin si ald ay para pagtripan ako? Ay mali, dapat di ako nag-iisip ng masama sa kapwa. Malay ko ba kung gusto pala talaga nya akong kaibiganin, diba?
Hindi ko na lang inisip yon at tsaka bumalik sa pagche check ng ginawa ni sophia.
Natapos ako sa pagtuturo kay sophia mga ala sais lagpas na. Hinatid pa ako ni ate bervy sa pintuan nila.
"Salamat talaga ng marami sa pagtuturo mo sa anak ko" nakangiting sabi sa akin ni ate bervy.
"Walang anuman po, at tsaka di naman po mahirap turuan si sophia" nakangiti ring sabi ko.
"Oh sya, bukas na lang ulet" sabi nya sa akin. "At eto pala, salamat ulet sa pagtuturo kay sophia" sabi nya sabay abot sa akin ng isang daan.
"Nako, hindi na po kailangan nito" sabi ko at tsaka ibinalik yung pera.
"Tanggapin mo na, para ipang dagdag mo sa allowance mo" nakangiting sabi ni ate bervy at binagay ulit sa akin yung isang daan.
Kinuha ko na lang yon dahil kapag tumanggi pa ako baka abutin kami don ng hating gabi, mapilit pa naman si ate bervy.
Nagpaalam ulit ako kay ate bervy bago ako tumalikod para umuwi.
Nang makarating ako sa bahay ay sakto namang labas ni mama para ilagay sa gate namin yung mga basura.
Nakangiti akong tumakbo papalapit kay mama. Ipapakita ko sa kanya yung score ko sa long test namin kay sir orbita.
"Mama" nakangiti kong sabi ng makalapit ako kay mama.
"Bakit?" pagtatanong nito sa akin.
Dali dali kong binuksan ang bag ko para kuhanin yung papel ko na may score at nakangiti iyong ipinakita sa kanya.
"Tingnan mo ma, perfect ako sa long test namin" masayang sabi ko.
Hindi sya sumagot at hinawi lang yung papel na hawak ko na nakaharang sa kanya at tsaka inilapag sa sahig yung basura at tinalikuran ako.
"Ma" mabilis ko syang hinawakan sa palapulsuhan nya.
Nangunot ang noo nya at tsaka pwersahang tinanggal ang kamay ko na naka kapit sa kanya.
"Ano bang gusto mo!?" malakas na sigaw sa akin ni mama.
Napayuko ako sa hiya. Gusto ko lang naman ipakita sa kanya yung score ko.
Inis nyang kinuha yung papel ko at pinunit tsaka nilamukos yon bago nya itinapon sa basura na nasa sahig. At tsaka ako tinalikuran para pumasok na sa bahay.
Nanlaki ang mga mata ko at tsaka mabilis na pinulot ang mga piraso ng papel. Mabuti na lang at hindi gaanong pinunit ni mama yon kaya pwede pa tong remedyuhan kahit papaano.
Pumatak ang luha ko habang pinupulot ang bawat piraso ng papel.
Nang napulot ko ang piraso ay dali dali akong pumasok sa bahay at dumiretso sa bodega.
Tulo tulo pa ang luha ko habang hinahanap ko ang tape ko. Nang mahanap ko ito ay nagmadali akong i-tape yung mga piraso ng papel.
Bawat tape ko sa mga piraso ay di ko mapigilang mapaiyak ng sobra.
Bakit kailangan danasin ko pa ang lahat ng 'to? Masamang tao ba ako sa past life ko para makaranas ng sakit na ganito ngayon?
Bakit kailangan akong iwan ng lahat ng mga mahal ko sa buhay?
Si papa iniwan ako dahil namatay sya. Si mama naman iniwan ako hindi dahil namatay sya, kundi iniwan ako para sa iba.
Ang gusto ko lang naman ay masayang buhay at pamilya, pero bakit hindi yon matupad tupad?
Bakit mapa school at bahay ay nakakaranas ako ng ganito?
Para saan pa at hope ang pangalan ko kung nawawalan na rin ako ng pag asa.
Nang matapos kong i-tape ang mga piraso ng papel ay hinubad ko ang aking uniform para magsuot ng pambahay.
Inulam ko ang natira kong chitchiryang bangus para sa aking hapunan. Hindi na kasi ako nag abala pang gastusin ang ibinigay ni ate bervy na isang daan sa akin dahil may mas mahalaga pa akong pag gagamitan non.
Nang makatapos akong kumain ay nagligpit muna ako bago ako natulog.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana.
Pagtingin ko sa orasan ko ay pasado alas dyes na ng umaga. Kaya dali dali na akong naligo.
Nang makaligo ako ay nagsuot ako ng damit na pang alis. Wala kaming pasok ngayon pero may kailangan akong puntahan.
Kinuha ko na ang lahat ng naipon kong pera sa nagdaang isang linggo, bago ako umalis ng bodega.
Gaya ng lagi kong ginagawa, pumunta muna ako sa likod bahay para tingnan si mama. Nakita ko ulit sya sa bintana na masayang masaya na nag aayos ng hapag kainan.
Nakalimutan ba ni mama?
Kakatok sana ako sa pinto para kausapin si mama. Pero nagulat ako ng buksan iyon ni tito roman.
"Bakit ka nandito? Umalis ka dito!" galit na sabi ni tito roman at tsaka ako itinulak.
Mabuti na lang at di ako natumba dahil mabilis akong naka balance.
Nakayuko akong tumalikod at naglakad paalis ng bahay.
Kailangan ko na sigurong masanay na ako na lang ang nakakaalala ng araw na'to.
Nakangiti akong pumunta sa flower shop. Bumili ako don ng isang puting rosas. Yun lang ang kaya ng pera ko, e.
Sa daan tungo sa aking pupuntahan ay tumigil muna ako sa isang tindahan para bumili ng dalawang kandila at isang posporo.
Nang makarating ako sa aking pupuntahan ay inilagay ko ang puting rosas at tsaka itinirik ang dalawang kandila.
"Sorry po kung ako na lang lagi ang nakakapunta dito" nangingilid ang luha kong sabi. "Pasensya na po kayo kung di ko masama si mama, busy po kasi sya sa pag-aalaga sa mga anak ni tito roman" sabi ko kasabay ng pagpatak ng sunod sunod kong luha. "Pero wag po kayong mag alala, panigurado naman pong hindi nya nalilimutan ang araw na'to" hikbing sabi ko.
"Alam nyo po ba na mayroon na po akong kaibigan sa school? Hindi na po ako nag-iisa" nakangiti ngunit patuloy pa rin sa pag iyak na sabi ko. "At tsaka po lagi pong matataas ang grade ko para po lagi kayong proud sa akin" dagdag na sabi ko. "Kaya sana po, wag po kayong mapapagod na bantayan at gabayan ako" humihikbi na sabi ko.
Pagkatapos kong magsalita ay lumupagi na ako sa damuhan at doon umiyak ng umiyak.
Kung andito lang po kayo, pangako, kayo po agad yung unang taong lalapitan ko kapag hinang hina na ako.
Bumalik na po kayo sa akin.
Ang dami ng nangyayari sa akin na gustong gusto ko na lang na sumuko. Pero sa tuwing maalala ko po ang lahat ng sinabi nyo, umaasa pa rin po ako.
Umaasa pa rin po ako na lahat ng paghihirap ko, mapapaltan din ng saya at ginhawa.
Nang mahimasmasan na ako ay doon ko pa lang pinunasan ang luha ko at tsaka huminga ng malalim.
Tumayo ako at tsaka humarap ulit sa puntod.
"Its been a long long year since I've seen and touch you po, I miss you so much" singhot pa ang sipon na sabi ko. "Kayo pa rin po ang pangalawang lalaki na sobrang mahal ko. Kasi si god po ang una" dagdag ko.
Ngumiti muna ako sa huling pagkakataon bago nagsalita ulit.
"Mahal na mahal po kita, papa" nakangiti kong sabi sa harap ng puntod ni papa. "Sana kahit wala po si mama ngayong 10th death anniversary nyo ay masaya pa rin po kayo dyan sa heaven, dahil pumunta po ako" nakangiti kong dagdag.
"Bye papa, mahal na mahal po kita" huli kong sinabi bago ko nilisan ang lugar.