15🌻

2642 Words
Sumalampak kaagad ako sa kama ng makauwi sa bahay. Ginabi na pala kami ni ald sa pag gagala namin. Pero ayos lang naman, nag enjoy ako. Nakangiting pinagmasdan ko ang biniling kwintas sa akin ni ald. Hindi ko maitatanggi kanina na medyo kinilig ako sa sinabi nya. Hindi ko daw deserve ang rose dahil ang deserve ko daw ay mundo, hahaha. Nagpalit muna ako ng damit pambahay at tsaka nag toothbrush bago bumalik sa kama. Maaga pa ang gising ko bukas dahil may pasok kami. Nagdasal muna ako bago ipinikit at pinilit na makatulog. Kinabukasan ay maagang maaga akong nagising. Kahit ako ay hindi makapaniwala na ganito ang kinikilos ko. Nagmamadali ako sa lahat. Sa pagkain, pagligo, paghahanda ng bug-ong. Atat na atat na ang mga paa ko na maglakad at makarating kaagad sa school. Nakangiti akong naglalakad papuntang school. Masaya ang gising ko kaya hindi dapat ako mababadtrip ngayong araw. Nang makarating ako sa school ay gulat akong makita ang sasakyan ni ald sa gate. Lumabas sya ng nakangiti. Saya naman ni erp, ano kayang meron? "Ald" tawag ko sa kanya ng makalapit ako. "Oh, hope! Aga natin ah" nakangiti nyang sabi sa akin. "Maaga talaga ako, ikaw bakit maaga ka?" tanong ko. "Hmm, maaga lang nagising" sabi nya. "Lets get inside?" yaya nya sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya at tsaka sumabay ng paglalakad. "Did you sleep well?" tanong nya sa akin. "Oo naman! Maayos na maayos" ngiting ngiti kong sabi. "That's good" nakangiti nya ring sabi. Habang naglalakad kami ay napatigil kami sa may main hall ng makita ang isang lalaki na nagkakabit ng tarpaulin. "Ano kaya yun?" wala sa sariling banggit ko. "Huh? I don't know either" sabi nya. Napatingin tuloy ako sa kanya. 'Hindi naman sya ang kausap ko'. Lumapit kami ng matapos ng maidikit ang tarpaulin. Pagtingin namin ay ito pala ang tarpaulin ni nina dahil sya ang nanalo sa pageant nung friday. Nakangiti kong pinagmasdan ang iba't-ibang litrato nya. 'Ang ganda nya'. Napatigil lang ako ng makita sa may ibaba ang isinagot nya sa Q&A. Nangunot ang noo ko ng maalala na parang familiar sa akin ang sagot na 'yon. Saan ko nga ba 'yon nakita? "Why?" biglang tanong ni ald sa akin. "Para kasing familiar sa akin ang sagot nya" sabi ko habang pilit na inaalala kung saan ko ba yon narinig o nakita. "Really!?" hindi makapaniwalang tanong nya sa akin. "Sa google mo ba nakita?" tanong nya ulit. Agad akong umiling. Saan ko nga ba iyon naaalala? Ipinikit ko ang aking mata para alalahanin kung saan. Sa kakaisip ko ay biglang nanlaki ang mata ko. "Why? Do you remember na?" tanong nya sa akin. Sunod-sunod akong tumango. "Where?" tanong nya, nagmamadali. "Sa akin" sagot ko. "Hu-h?" naguguluhang tanong nya. "Sa akin ang sagot na yan" ani ko. "Ho-w?" tanong nya, hindi makapaniwala. "Naaalala mo pa ba nung friday nung paupo na dapat tayo sa upuan nung makarating tayo ng gymnasium?" tanong ko sa kanya. Agad syang tumango. "Yung time na 'yon ay hiniram ako sandali ni ayessa.. Yun yung time na pinasagutan nya sa akin ang tanong na 'yan" patuloy ko. "How could she do that!" inis na sabi nito. "Why did you answer that question?" tanong nya sa akin. "Kasi sabi nya assignment daw nila" paliwanag ko. "What? You know na wala tayong klase that time" parang hindi makapaniwala na sabi nya. "Bakit hindi mo naisip na walang assignment ang pwedeng ibigay ng mga teachers?" dagdag nya. "Sorry hindi ko naisip yon" nakayukong sabi ko. "Its ok.. Tara na lang magsumbong sa guidance" yaya nya sa akin. "Wag na.. Sayang ang pa-tarpaulin ng school kay nina" sabi ko at tsaka ngumuso. "Silly" sabi nya at ginulo ang buhok ko. "Tsk! What a fake winner, nina" iiling-iling na sabi nya. "She shouldn't be part of 10-1 section.. What a brainless" dagdag nya. "Wag kang bad" pangaral ko sa kanya. "Tsk! Anong wag kang bad? E, sya nga nagnanakaw ng ibang sagot.. Plagiarise sya" inis na sabi nya. "Hayaan na lang natin" nakangiti kong sabi. "Ewan sayo.. Lets get in our room na nga" sabi nya sa akin at naunang maglakad. Nakangiting sumunod ako sa kanya. Pagpasok pa lang namin sa room ay medyo marami na ring mga kaklase ko. Umupo kami ni ald sa upuan namin. A.P. ang subject namin ngayon for the first period. Medyo mapipiga na naman ang utak ko dahil about sa mga gobyerno ang tatalakayin namin mamaya. "Nag advance reading ka ba?" tanong sa akin ni ald. "Hindi. Nakatulog kaagad ako pagdating ko" sabi ko. "May quiz daw sabi sa gc natin" sabi nya. Huh? Quiz? Natulog lang ako kagabi. Anong isasagot ko? Panaginip ko? "Over ilan daw?" tanong ko sa kanya. "80 or 85 ata" kibit balikat na sabi nya. Hala, ang taas non. Pero siguro naman ok lang na bumagsak ako paminsan minsan, hahaha. "Ok lang namang bumagsak diba?" tanong ko kay ald. "I don't know.. Bakit, may balak kang ibagsak ang quiz?" tanong din nya. "Oo sana" nakanguso kong sabi. "What!?" hindi makapaniwalang tanong nya. "Wag mong ibagsak, laking hatak non sa grades" paliwanag nya sa akin. Natawa ako. "Takot ka bang bumagsak?" tanong ko. "Oo" sagot nya. "Bakit naman? Wala namang masama kung bumagsak minsan" nakangiti kong sabi. "Wala naman talagang masamang bumagsak" sang-ayon nya sa akin. "Pero ang bad is yung magiging tingin ng mga people sayo pag bumagsak ka" paliwanag nya. "Bakit, ano bang magiging tingin sayo ng mga tao kapag bumagsak ka?" tanong ko. "Their expectation on me.. Bababa yun" sabi nya. "Yung parents ko, they're pressuring me just to reach their expectation" dagdag nya. "Sorry natanong ko pa" sabi ko. Kahit alam kong pine-pressure sya ng mga magulang nya tinanong ko pa talaga sya. 'Ang obob ko sa part na 'yon'. "Back when we were in freshmen, they always said to me that I should be the highest of all rank" nakangiti nyang sabi. "For I was the valedictorian back then when I was in sixth grade" kwento nya. "But, it turns out that you're the highest of all rank while me, I'm just the second" dagdag nya. Natawa ako. Hindi ko inakalang ako pala ang sisira ng image ni ald bilang top 1. "Nung nalaman nga nila 'yon ay gusto ka nilang i-kick out sa school" tumatawang sabi nya.. "Hoy! Grabe naman sila sa akin" nakanguso kong sabi. "Pinaghirapan ko naman kaya yung mga pinapagawa" dagdag ko. "Nga pala, gusto mo ba talagang mag-aral sa school na 'to?" tanong nya sa akin. "Oo, bukod sa pangarap ni papa ang school na 'to para sa akin ay gusto ko talaga dito" nakangiti kong sabi. "Why do you like here?" tanong nya. "Dahil para sa akin, ang school na 'to ang daan patungo sa pangarap ko" paliwanag ko. "Goal oriented, huh?" biro nya sa akin. Nginitian ko na lang sya. Sakto kasing dumating si Ms. Dimalig. Nagsimula ang klase namin sa quiz. Grabe ang habang quiz baka hanggang bukas ang discussion nito. Nanghuhula na lang ako sa mga hindi ako familiar na tanong. 'Bahala na si batman'. Nang sulyapan ko sa tabi ko si ald ay chill at seryoso lang sya. Ang dami nya sigurong alam. Samantalang ako ay hindi pa sure kung saan nabasa o narinig ang mga salitang isinasagot. Nang matapos kaming lahat ay may time pa daw para mag check ng papers kaya nag check muna kami. Exchange paper with your seatmate, so che-checkan ko paper ni ald at yung akin ang che-chekan nya. Habang nasa kalagitnaan kami ng pag che-check ay hindi ko maiwasang humanga kay ald dahil wala pa syang mali. Pero nung mga ilang number na ay mali sya, kaya ang ending ay 83/85. Ayos lang din dahil dalawa lang ang mali nya. "85" sabi ni Ms. Nagulat ako ng tumayo si ald dala-dala ang papel ko. 'Wag nyang sabihin na perfect ako?' "Very good, Ms. Loyola" sabi ni Ms. at ngumiti sa akin. Paano nangyari yon? E, hula na yung iba. Haha, iba pa din talaga ang kapangyarihan ni batman. "84?" sabi ni Ms. Walang natayo sa amin. Nakita ko na tumingin sa hawak kong papel si ald at tsaka ngumuso at kinagat ang ibabang labi. "83?" tanong ni Ms. Tumayo ako at iniabot ang papel ni ald. Hanggang sa sunod-sunod na ang pag-aabot ng mga papel hanggang sa matapos. "Sa tingin nyo ba mahal ng gobyerno ang mga mamamayang pilipino?" tanong sa amin ni ms. Nagtaas ng kamay si ald. "Yes Mr. Trinidad" tawag ni Ms. kay ald. "For my own opinion, no po. Because I think po na ang mahal ng gobyerno ay hindi po ang mamamayang pilipino kundi ang pera ng mga 'to" sabi ni ald at tsaka umupo. "Ok, that's good" nakangiting sabi ni Ms. Pagkatapos non ay nag umpisa na syang mag discuss. Medyo nakaka antok dahil ang lumanay ni Ms. magsalita tapos sabayan pa ng first subject pa 'to sa umaga. Pinipilit ko na lang na makinig para matuto ako kahit papaano. Nang mag time na ay bukas na lang daw ipagpapatuloy ang discussion dahil kulang sa time. Nang sumunod na mga klase ay maayos naman ang takbo. Nang mag tanghali na ay niyakag si ald ng mga kaibigan nya kaso tumanggi sya at tsaka lumapit sa akin para yayaing kumain sa mini library ng room namin. Nang makarating doon ay inilapag ko ang aking bug-ong at tubigan. "What is your ulam?" tanong sa akin ni ald. "Ahmm, san marino tuna" nakangiti kong sabi at tsaka binuksan ang open can. "Does it taste good?" tanong nya. "Oo naman, sobrang sarap" sabi ko at tsaka sumubo ng kanin na may ganon. "Can I taste?" tanong nya. "Oo naman" sabi ko at inilahad sa kanya ang lata. Kumuha sya ng kaunting scoop at tsaka tinikman. Nakatingin sya sa akin habang nilalasahan ang tuna. "Its delicious" nakangiti nyang sabi at tsaka kumuha ulit. "Where did you buy it?" tanong nya. "Sa grocery store meron.. Meron rin sa tindahan" sabi ko. "I really like the taste" sabi nya. "Can I have some?" tanong nya. Agad naman akong tumango. Kumain at nagkwentuhan kami. Pa ulit-ulit nyang sinasabi na ang sarap ng ulam ko, bibili sya ng marami non, ganon na lang din daw ang ibabaon nya sa school. Nang matapos kami sa pagkain ay dumaan kami saglit sa may english department para checkan ang mga papers ng section namin. Nang matapos kami ay bumalik na kami sa room dahil saktong time na nung matapos kami. Tahimik ang mga kaklase ko ngayong first period ng hapon kahit si ald tahimik din hindi ko alam kung bakit kaya tahimik lang din ako. Nang matapos ang klase namin ay recess na at dun lang sila nag ingay. "Spot?" tanong sa akin ni ald. Nakangiting tumango ako sa kanya. Sabay kaming pumunta sa may roof top at umupo sa upuan doon. "Are you happy?" tanong nya sa akin. "Sa totoo lang hindi ako ganong kasaya simula nung maghapon na at hindi ko alam kung bakit" sabi ko habang nakatingin sa tanawin. "Same" maikli nyang sabi. Bakit kaya bigla na lang ako nalungkot simula kaninang first period nung hapon? Dahil ba sa tahimik ang mga kaklase ko o dahil sa mga tanong na tumatakbo sa isip ko? Bakit ba kasi ganito kagulo ang isip ko? Bakit lahat ng gusto kong itanong ay hindi ko matanong. Bakit lahat ng gusto kong sabihin ay hindi ko masabi sabi. Ano bang pumipigil sa sarili ko para hindi magbukas ng saloobin bukod sa isiping huhusgahan nila ako? Gabi-gabi akong natutulala at iniisip kung bakit ganoon ang nangyayari. At kapag iniisip ko yun at hindi ko makuha ang sagot, maiiyak na lang ako. 'Masyado ba akong inosente para sa bukas na mundo?' "Are you alright?" tanong sa akin ni ald na nakapag balik sa akin sa reyalidad. "Oo naman" sabi ko at ngumiti. "We don't have klase na daw because of the event" sabi nya. "Ah" sabi ko. "Tara na sa room to get the item we want to throw" sabi nya at hinila ako papuntang room. Habang papunta kami sa room ay nakatingin lang ako sa magkahawak na kamay namin ni ald. Dati rati ay pinagtatawanan ko sya kada hihilahin nya ang kamay ko pero ngayon mas gusto ko ng lagi nyang hawak 'yon.. Ramdam ko ang care at pagpapahalaga nya sa akin. Nang makarating kami sa room ay kinuha ko na ang itatapon ko. "Paper? I thought a handkerchief?" nagtatakang tanong nya sa akin. "May sinulat kasi ako sa papel na'to na gusto ko ng kalimutan" nakangiti kong sabi. "Tara?" yaya nya sa akin. "Ms. Loyola? Daan ka daw muna sa dean office, gusto ka daw kausapin ng dean" sabi ni sheen, SSG president. "It's ok, mauuna na lang ako dun and i'll wait for you" nakangiting sabi ni ald. Nakangiti akong tumango at iniwan sya sa room. Nagmamadali akong pumunta sa dean office dahil baka importante ang sasabihin sa akin. Kumatok muna ako bago pumasok. "Pinatawag nyo daw po ako" magalang na sabi ko kay dean. "Oo. Have a sit" sabi nya kaya nagmamadaling umupo ako. May pinirmahan pa sya bago tumingin sa akin. "Where do you want to go in college?" tanong sa akin ni dean. "Hindi ko pa po alam, dean" sabi ko. "Ok.. Sabihan mo ko kapag alam mo na" nakangiti nyang sabi. "You may go now" dagdag nya. "Sige po" magalang na sabi ko bago lumabas ng office. Tatakbo akong pumunta sa area na ginaganap ang event namin ngayon. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si ald pero hindi ko makita. Nakanguso akong lumapit sa mababaw na hukay at tsaka itinapon ang papel. Nagulat lang ako ng may magtulak sa akin. Na out of balance ako kaya napahiga ako sa hukay. Nadumihan ang uniform ko. "Yan ang nababagay sayo, trash" nakangiting sabi ni sami sa akin. "Oo nga, ikaw ang malas sa amin kaya dapat lang na ikaw ang tinatapon dyan" sabi naman ni nina. "Nakakatawa na pilit mong binabagay ang sarili mo dito, e, sa basurahan ka nababagay" nakangiti pa ring sabi ni sami. Nangilid ang luha kong nakatingin sa kanila. Bakit? Yumuko ako ng sunod-sunod na magpatakan ang luha sa mukha ko. "Whats happening here?!" galit na sigaw ni ald. "Hope" tawag nya sa akin at tsaka lumapit para tulungan ako. Sunod-sunod pa ring tumutulo ang luha ko kahit pinipigilan ko na. Inangat nya ang baba ko para tingnan ako. "Are you crying? What happen ba?" tanong nya sa akin, nag-aalala. "Wala, samahan mo na lang ako magpalit ng damit" sabi ko. "Seriously!?" galit na tanong nya bago sya humarap kay na sami. "What did you do to her!?" bakas pa rin sa tono nya ang galit. "Tinulak ko lang naman sya sa basaruhan dahil bagay sya dyan" nakangising sabi ni sami. "Stupid!" galit at iiling-iling na sabi ni ald. "Mas bagay ka pa nga dyan" dagdag nya. "Ano!?" galit na tanong ni sami kay ald. "You know what if I were you itatapon ko si hope sa chest" sabi ni ald kaya napatingin ako sa kanya. Loko 'to ah.. "Haha, bakit naman? para mag mukha syang tao kahit papaano?" ngising tanong ni sami. "Sabagay, I love your idea" dagdag nya. "Tsk!" sabi nya at lumapit kay sami at pinukpok ang ulo. "Ayy, walang utak?" sarcastic na tanong ni ald. "Let me ask all of you, were do pirates find a treasure?" tanong nya kay na sami. "Sa chest" sabi naman ni nina. Ah! Gets ko na pinupunto nya. "Exactly!" nakangising sabi ni ald. "You mean.. For you, hope is a treasure?" tanong ni sami. "Ohhhhhhhhhhhhhh" sigaw ng mga tropa ni ald. "Yes.. A treasure and not a trash" malapad ang ngiting sabi ni ald kay na sami. "D-o you li-ke h-ope?" tanong ni nina. "What do you think?" tanong ni ald at tsaka ako hinila paalis sa lugar na 'yon. —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD