14🌻

2179 Words
Inis kong sinabunutan ang sarili ko. Hindi ako makatulog. Nakakainis! Ano 'yon kaya kumakabog ang puso ko ay dahil gusto ko si ald? Hindi! Hindi ganon 'yon.. Tama! Hindi ganon 'yon. Sabi naman nya ay mga taong nakakaranas non kung nagugulat o kaya kinakabahan.. Kaya baka siguro kinakabahan at nagugulat lang ako sa mga sinasabi nya. Kasi naman paano ko magugustuhan si ald, e, kaibigan ko sya? At tsaka, feeling ko di ako type ni ald, ayokong masaktan sa huli. Pinilit ko na lang ipikit ang mata ko para makatulog. Mga ilang minutong pagpikit ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw. Nag-unat muna ako ng katawan bago tumayo at pumunta sa cr para maligo. May damit na ako dito dahil binilhan ako ni ald kahapon nung pumunta kami sa mall. Nung una ay ayaw ko pero mapilit sya kaya wala na akong nagawa. Nang matapos akong maligo ay nagsuklay ako at tsaka lumabas ng kwarto para hanapin si ate bernadeth. "Magandang umaga, hope" nakangiting bati sa akin ni ate bernadeth ng makaaalubong ko sya sa hagdanan. "Magandang umaga din po, ate bernadeth" sabi ko at tsaka yumuko sa kanya. "Andoon pala si sir ald sa may kusina, lakad saluhan mo nang mag almusal" nakangiti nyang sabi. "E,kayo po? Kumain na?" pagtatanong ko. "Oo, kanina pa kami kumain nina ate dolores" sabi nya. "Sige, maglilinis pa ako ng mga guest room" sabi nya at yumuko sa akin. "Sige po" sabi ko at bumaba na ng hagdan. Nang makarating ako sa may kusina ay nakita ko si ald na nagsasalin ng kape. "Good morning" nakangiting bati ko sa kanya bago umupo sa upuan. "Good morning, hope" sabi nya at tsaka ako nginitian ng sobra. Anong meron sa kanya? Nagsandok ako ng kanin at tsaka kumuha ng dalawang piraso ng hotdog at tsaka nagsalin ng kape. "No wonder you're light" sabi ni ald habang nakatingin sa akin. "Ang konti mo kumain" dagdag nya. "Hindi kasi ako mahilig kumain kapag umaga" paliwanag ko. Nakangiti syang tumango bago sumubo ng kanin. Mamaya pala ay uuwi na ako sa bahay. Nakakahiya na dito na ako tumitira kay na ald. "Ahm ald" tawag ko sa kanya. "Hmm?" sabi nya. "Uuwi na pala ako mamaya sa amin" sabi ko. "Huh? Why!?" malakas na tanong nya. "Nakakahiya naman na dito na ako tumitira" sabi ko. "No. Its fine naman na you're here" salubong ang kilay na sabi nya. "Baka pagalitan ako kapag hindi na ako umuwi" nakangiti kong sabi. "Is that so?" tanong nya sa akin. Agad naman akong tumango. "Then, this will be your last day here?" dagdag nya. "Oo" nakangiti kong sabi. "Wag kang mag-alala, babalik ako dito next time" dagdag ko. "Really?" abot tenga na ngiting tanong nya sa akin. "Oo" sabi ko. "Pinky promise?" tanong nya sa akin at tsaka nag pinky promise. Agad naman akong nakipag pinky promise. "Promise" sabi ko. Nginitian nya ako kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya. Ang cute nya kapag nakangiti.. Nagpatuloy kami sa pagkain at ng matapos ay nagpunta kami sa pool area. "Since its your last day here, lets have a swim" nakangiti nyang sabi. Nagulat ako ng naghubad sya ng pang itaas na damit nya at bigla na lang tumalon sa pool. Maghuhubad din ba ako ng pang itaas ko? E, naka bra lang ako. "Hope? Come here na" sabi nya sa akim habang nagpapalutang. "Ahmm ald, maghuhubad din ba ako ng pang itaas gaya mo?" tanong ko sa kanya. "Of course not, kung anong suot mo yan pang swimming mo" sabi nya sa akin. Ayun naman pala. Nakangiti akong tumakbo sa may hagdan ng pool para bumaba. I giggle a bit ng maramdam ang malamig na tubig sa aking katawan. Ngayon lang ako nakapag swimming sa buong buhay ko. "Ang sarap dito, ald" masayang sabi ko ng makalapit sa kanya. "Really?" tanong nya. "How about a race?" tanong nya sa akin, competitive. "Paanong race?" tanong ko. "Paunahan tayo makarating sa dulo" sabi nya at tsaka itinuro ang dulo ng pool. "Pero hindi ako maalam mag swimming, pwede bang maglakad?" tanong ko. "Any ways can do, basta unahan 'to" sabi nya. "Ang manalo, may reward dapat" dagdag nya. "Huh? Anong reward? Wala akong pera" nakanguso kong sabi. "Edi, lets go on a trip bago umuwi sa inyo?" tanong nya sa akin. "Even who win between us, yun ang gagawin ah" sabi nya. "Sige" nakangiti kong sabi. Naghanda muna kami saglit ng mga ilang minuto bago mag-umpisa. Nagulat ako ng nauunahan na ako ni ald dahil sumisisid sya. Ginaya ko sya sa pagbabakasakaling bumilis din ako, pero bigo ako dahil nahihirapan akong huminga ng ayos sa ilalim ng pool. Sa huli ay sya ang nanalo. "Yes! I won" nakangiti nyang sabi at tsaka tumingin sa akin. "I won, hope! Lets go on a trip na" masaya nyang dagdag. Nauna syang umakyat sa akin sa pool at kumuha ng tuwalya para tuyuin saglit ang katawan nya. Pag ahon ko ay nanlalaki ang mata nyang nakatingin sa akin. Dali-dali syang umiwas ng tingin at tumingin sa kanan nya. Bakit?? Lumalapit sya sa akin pero ang paningin ay nasa kanan pa rin. "He-re" utal na sabi nya habang inaabot ang tuwalya sa akin. "Bakit?" naguguluhang tanong ko. "Ughhh" kamot ulong sabi nya at tsaka ibinalot sa akin ang tuwalya. "Maligo ka na, padadalhan kita ng damit sa kwarto" sabi nya at tsaka nagtatakbo papunta sa loob. Ano bang meron? Bakit naging ganoon sya? Sumakit ba ang tyan nya? Pumasok na lang din ako sa taas at umakyat sa guest room at pumasok sa cr para mag-anlaw. Nang makarating ako ay humarap muna ako sa salamin para tingnan kung meron bang mali sa mukha ko para umasta si ald ng ganoon pero wala naman. Tinanggal ko ang tuwalya para maghubad ng pang itaas. Nanlaki ang mata ko ng makita sa salamin kung gaano kanipis ang damit na suot ko. Bakat pa yung itim kong bra. Kaya ba ganoon ang iniasta nya kanina? Napangiti tuloy ako... Napaka caring naman nya kung ganon. Nakangiti akong naligo. Nang matapos ay nagbihis ako. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha akong mayaman sa suot kong dress na kulay black. Nakanguso akong bumaba. Naabutan ko si ald na nagbabasa ng dyaryo. "Ald" tawag ko sa kanya. "Wow.. Ang ganda mo naman" sabi nya sa akin. Nahihiyang napakamot ako ng leeg. "Sit here, may kulang pa sayo" sabi nya at tsaka umalis. Saan naman ang punta non? Umupo na lang ako sa sofa at tsaka inantay si ald. Ang laki talaga ng bahay nila. Pwedeng pwede ka ng mag bike sa ganitong bahay. Dagdag mo pa yung mga magagandang vase, halata na ang karangyaan. "Here" sabi nya at lumuhod sa akin para isuot ang sandals na dala nya. "Teka! Saan mo nakuha yan?" pagtatanong ko. "I bought it" sabi nya habang nilalagay ang sandals. "Hinulaan ko lang ang size nyan pero kasya pala sayo, that's good" dagdag nya. "Ang ganda ng sandals" nakangiti kong sabi. "Maganda rin ang nagsusuot" sabi nya. "Ayan, tapos na" dagdag nya. Napangiti ako sa ginawa nya. Ngayon lang ulit ako nakarinig mula sa isang lalaki ng maganda ako at ngayon lang din ulit may nag-alaga sa akin na lalaki. Nagpaalam muna kami kay na ate dolores bago umalis ng bahay. Si ald ang nag da drive ng sasakyan ngayon dahil gusto nya daw masulit ang araw na kasama nya ako. Ang cheesy nya nga, e. Habang nagda drive si ald ay nakatingin ako sa kalsada. Ang dami kong nakikitang mga buildings, sasakyan, at tsaka mga tao. Huminto kami ni ald sa isang malaking street foods sa silang. Bumili kami ng kung ano-anong makakain para sa byahe namin. "Saan ba ang punta natin?" tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng pagmamaneho nya. "Anywhere, basta mag e-enjoy tayo" nakangiti nyang sabi ang paningin ay nasa daan pa rin. Tumigil kami sa may malaking gusali. Hindi ko alam na may ganitong kalaki na gusali sa pilipinas. "Ald, anong lugar 'to?" tanong ko sa kanya ng pagbuksan nya ako ng sasakyan. "MOA.. Mall of Asia" nakangiti nyang dagdag. MOA? ngayon ko lang narinig ang ganoong lugar. Maganda sya, malaki.. Nakakamangha. Naglalakad kami ni ald papasok sa loob ng MOA. medyo nalula ako ng makapasok kami dahil sobrang lawak. Baka kapag iniwan ako dito ni ald ay maligaw ako. "Before we go around, lets eat first" sabi nya at tsaka hinila na naman ako. Buti na lang talaga at naka sandals ako dahil kung heels ang ipinasuot nya sa akin ay natapilok na siguro ako. Kumain kami ng tanghalian sa greenwhich. Ang sarap ng pagkain. May pizza pa syang binili. Pasimple kong inilabas ang phone ko at nag picture. Nagulat ako ng tumawa sya. "Sama mo naman ako" tumatawa nyang sabi. Nahihiyang inilabas ko tuloy ang camera at ini anggulo sa amin para mag picture. Pagkatapos namin mag picture ay nagpatuloy na kaming kumain. Sobrang sarap talaga ng pagkain busog na busog tuloy ako. 'Greenwhich'. Tatandaan ko ang pangalan ng restaurant na 'to at babalik ako dito kapag may trabaho at pera na ako. Nang matapos kaming kumain ay pumunta kami sa ice skating. "Baka lumagapak lang ako dyan" nakanguso kong aabi kay ald habang sinusuutan ako ng sapatos. "No, I'm here naman" nakangiti nyang sabi. "Done, lets go" dagdag nya. Kinakabahan akong kumapit sa kanya papasok. Nang makapasok kami ay tinuruan ako ni ald kung paano. Nung una natutumba pa ako at napapa upo sa lapag pero habang tumatagal ay nagagamay ko na kung paano. Naghabulan kami ni ald paikot. Hindi ko sya mahabol dahil sobrang bilis nya. Nakakamangha naman sya. Marami naman pala syang kayang gawin bakit sinasabi nyang, 'he's no good at everything'. Napailing na lang ako at sinimulang habulin sya. Sa pagtagal ng habulan namin ay hinihingal na ako dahil hindi ko sya mahabol. Nakangiti syang tumigil at lumapit sa akin para yayain akong maupo sa bench sa labas non. "It was fun" nakangiti nyang sambit. "Hindi mo man lang ako nahabol" nakangisi nyang sabi, nagyayabang. "Maalam ka na nito, e" singhal ko sa kanya. "E, ako beginner pa lang" nakanguso kong sabi. "You're great nga, e" compliment nya sa akin. Napailing na lang ako. "Saan ang sunod nating gala?" nakangiti kong tanong sa kanya. "I don't know pa, lets have a walk muna" nakangiti nyang sabi. "Ahm, ald" nahihiyang tawag ko sa kanya. "Hmm?" tanong nya at tumingin sa akin. "Kasi-" sabi ko. Sasabihin ko ba? Hindi ba parang nakakahiya? Ah! Bahala na si batman! Nahihiyang pinunasan ko ang pawis ni ald sa noo. "Bas-ang basa kasi ang muk-ha mo" hiyang sabi ko. Nakita ko na kinagat nya ang ibabang labi nya at tsaka ngumiti. "Nice move, smooth ah?" siko nya sa akin. Nginitian ko na lang sya. "There's a train" nakangiti nyang turo sa tren na naandar. Hinila nya ako palapit doon. "How much po?" tanong nya kay kuyang nagmamaneho. "Forty pesos each, iho" nakangiti sabi ni kuya kay ald. "Two person po" sabi ni ald at iniabot ang one hundred pesos kay kuya. Sumakay kami ni ald sa loob. Dalawa pa lang kaming tao dahil nagbabaan na kanina yung mga sakay. Ang saya sumakay kaya nakangiti ako habang nag-iikot kami. Nagulat ako ng mag flash ang camera ng phone ni ald sa akin. "Bakit mo ako pini-picturan?" nakangiti kong tanong sa kanya. "You look more beautiful when you smile" sabi nya at ipinakita ang kuha sa akin. "Diba? You're really pretty" nakangiti nya pang dagdag. Natawa ako sa kanya. Masyado naman nyang sinasabi na maganda ako kahit hindi naman totoo. Ano kayang salamin ang sinuot nya para masabi iyon? "Kahit nakatulala ka, ang ganda mo pa din" nakangiti pa ring sabi nya. "Nakailang sabi ka na ng maganda ako, baka mamaya ma spoil ako" nakangiti kong sabi sa akin. "Its alright.. Gusto ko nga na ma spoil ka dahil its true naman na you're pretty" nakangiti nyang sabi sa akin. Hindi ako makapagsalita at pinagmamasdan lang sya. Ngayon lang may nagsabi sa akin na maganda ako at galing pa sa isang gwapong tulad ni ald, hahaha. Pagkatapos namin sa tren ay inaya nya akong pumunta sa jewelry shop. "Bakit dito ang punta natin?" tanong ko sa kanya habang nag-iikot kami. "I'll buy you one necklace" nakangiti nyang sabi at nagpatuloy sa paghahanap. "Ha? E, binigyan mo na ako dati" nagtataka kong sabi. "Binigyan nga kita, but I don't see you wearing it anymore" nakanguso nyang sabi. "Ayaw ko kasing mawala, kaya tinatago ko" nakangiti kong paliwang. "Sige, tago mo na yon.. Pero this one I'm going to buy for you.. Wear it everyday" nakangiti nyang sabi. "Pero--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dahil ipinakita sa akin ang kwintas. "This one! I like it, what do you think?" nakangiti nyang tanong sa akin. Pinagmasdan ko ang kwintas. Maganda ito. Kulay silver sya tapos may pendant na earth. "Maganda naman.. Bakit earth ang pinili mo?" tanong ko sa kanya. "You don't deserve a rose" ani nya. "What you deserve is.. The world" nakangiti nyang dagdag. —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD