13🌻

2235 Words
Napayakap kaagad ako sa katawan ko ng tumama ang malamig na simoy ng hangin ng makaakyat kami ni ald sa kanilang veranda. Ang sarap ng hangin. Malamig sya sa balat nung umpisa pero nawala rin ng medyo magtagal na kami sa taas. Napangiti ako ng malawak ng tingnan ang tanawin. Sobrang ganda... Nakakamangha.. Kung mayroon ditong pang sketch, paniguradong marami na akong nai-drawing. Kaso wala, e, naiwan ko sa bahay. Sinulyapan ko saglit si ald. Nakatingin sya sa itaas. Kaya napatingin din ako. Nagningning ang mga mata ko ng makita ang libo-libong mga bituwin at ang nag-iisang half moon. Ang sarap pagmasdan. Nakaka kalma ng pakiramdam at utak. Natawa ako ng ikumpara ko ang sarili ko sa buwan at ang aking mga problema sa mga bituwin. Lagi kasing nakapaligid sa akin ang problema, ayaw akong tantanan, masyado ata akong minahal.. Natawa ako sa naisip ko. "You know what?" pambabasag ni ald sa katahimikan namin. "Ano?" pagtatanong ko sa kanya. "I really look like the moon and the stars look like all the problems I have" sabi nya sa akin pero ang paningin ay nasa itaas pa din. Natawa ako sa isip ko. Parehas na parehas lang kami ng naiisip ng makita ang buwan at mga bituwin. Naawa ako kay ald.. He's too soft at tsaka mabait kaya para sa akin ay hindi nya deserve ang ganito. I know his brave enough, but being brave is not what he need.. He needs someone who can he lean on whenever he has a problems or rants in life. "What are you thinking?" tanong nya sa akin. Nawala tuloy ako sa pag-iisip at medyo nagugulat na napatingin sa kanya. "Ah, wala naman" nakangiti kong sagot. "Oh! Shooting star!" masayang turo nya sa nakita nyang wishing star. Napatingin din tuloy ako don. At nakita ko nga na meron. Dali-dali akong pumikit at nag wish.. Pagkamulat ko ay nakita ko na nakatingin na sya sa akin. "What did you wish?" tanong nya sa akin. "Ikaw muna" sabi ko sa kanya. "You first" sabi naman nya. "Wag ka ng mahiya" pilit ko sa kanya. "I do believed in the saying na, 'ladies first'" nakangiti nyang sabi. "Pwes ako, hindi" nakangiti ko ring sabi. "Fine! Sasabihin ko na" nakanguso nyang sabi. Natawa ako, sasabihin din pala nya masyado lang syang maarte, hahaha. "I wish that I could walk a long long miles while holding your hands, hope" seryosong sabi nya sa akin. Medyo nagulat pa ako dahil ganoon din ang hiniling ko. Wala nga lang nung holding your hands, kuno na 'yon at tsaka tagalog nga lang yung akin. At hiniling ko 'yon bilang sya lagi ang nakakasama ko sa mga problema ngayon kaya ang gusto ko ay matagal ko pa syang makasama. "Ikaw, what did you wish?" tanong nya. "Bakit pala yun ang hiniling mo?" tanong ko sa kanya. "Of course.. You're my best buddy this past few weeks.. I want to walk with you in a long long miles while holding your hands to protect you" nakangiti nyang sabi. "You're too precious" dagdag nya. Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko.. Napahawak ako don.. Teka! Anong nangyayari sa akin. Parang tanga naman 'tong heart ko, e. Para sa word na 'precious', kumakabog ng ganoon ang puso ko? Nakakatawa.. "Are you ok?" tanong nya sa akin, nag-aalala. "Ah, o-o, nangati lang naman" pagdadahilan ko. "You know what, you look like the moon tonight" sabi nya, nakangiti. Napanguso ako dahil don. "Mukha bang mahaba ang baba ko?" tanong ko sa kanya. Nangunot ang noo nya. "What are you talking about?" medyo naguguluhang tanong nya. "Sabi mo kasi na kamukha ko ang buwan ngayong gabi, e, half moon yan.. So technically, sinasabi mong mahaba ang baba ko" paliwanag ko sa kanya. "No!" angil nya agad. "That's not what I meant" kamot sa balikat na sabi nya. "What I mean is, you look like the moon tonight, beautiful" dagdag nya. Nahihiyang ngumuso ako. Putek! Bakit ba kasi baba ang naisip ko kaagad? Hayyy, kahit kailan ka talaga, hope. Pangaral ko sa sarili ko sa isip. "Yun pala ang ibig mong sabihin, pasensya" nahihiyang sabi ko. "Ugh, Whatever! You ruined the mood" medyo inis na sabi nya. "Ay wow! Nagagalit ka dahil lang don?" tanong ko sa kanya. "No. I'm not mad.. Its just.. bakit kasi hindi mo ako pinatapos?" tanong nya, inis pa rin. Natawa ako. "Malay ko ba na may kasunod pala 'yon? Tumigil ka kasi" sabi ko. "Ugh! Lets forget that na" sabi nya. "Tara na nga sa loob" dagdag nya at naunang pumasok sa may loob. Natawa akong sumunod sa kanya. Hindi ako makapag focus sa aking binabasa dahil naaalala ko pa rin ang nangyari at yung itsura ni ald kanina. Nakakatawa syang mainis.. Hindi ko inakalang ang sama na ng ugali ko kapag kasama ko sya, hahaha. Nagulat ako ng may kumatok sa pintuan. Dali-dali akong napa upo sa kama at tsaka tiningnan ang cellphone kung anong oras na. Nagulat ako ng makitang alas dose na ng madaling araw. Kinabahan ako. Sino naman ang kakatok sa akin ng ganitong oras? Imposible namang si ald dahil kanina pa kaming mga alas nuebe naghiwalay. May multo kaya sa bahay nina ald? Naku! Sayang ang ganda at linis nito kung sakaling may multo nga. Dali-dali akong bumalik sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Natatakot ako... Narinig ko na kumatok ulit. At sa pagkakataon na 'to medyo malakas na.. Nakakatakot. Maya-maya lang ay nakahinga na ako ng maluwag ng nawala ang katok. Nagtanggal ako ng takip at tsaka tumingin sa kisame. Kung sino ka mang multo ka, sorry dahil matapang ako.. Kahit kumatok ka pa ulit hindi ako matatako-- "Wahhhhhhh!" napahiyaw ako ng malakas ng marinig ulit ang katok. Dali-dali akong nagtalukbong ng kumot ulit at nag cross finger. Lalong kumabog ng malakas ang puso ko ng marinig ang pagbukas ng pinto. Sa sobrang modern na ng mundo ngayon, pati ba naman multo nakikisabay? Kailan pa sila nagka duplicate ng susi ng bahay na minumulto nila? Lalo akong nanginig ng maramdaman na papalapit na sa akin ang mga yapak. A-nong gagawin ko? Sisigaw o tatakbo palabas? Tama, sisigaw na lang ako. "Ahhhhhhhhhhh!" mahabang sigaw ko. "Wahhhhhhhhh!!!!!" sigaw ko ulit habang nagyuyuyugyog at nag-iiikot sa kama. "What are you doing?" tanong sa akin. Nanlaki kaagad ang mata ko. Nakakapag salita at naririnig ko ang multo? "What are you doing, hope?" tanong ulit nito. Si ald ba yon? Bakit ka boses nya yung multo? "Si-no k-a?" kabadong tanong ko. "What the hell? Of course its me, ald.. Expecting someone huh?" maarte nitong sabi. Napatingin kaagad ako sa boses na pinang galingan. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makumpirma na si ald nga yun. Ngumiti kaagad ako sa kanya. "Sorry, akala ko kasi--" putol kong sabi. "You think I'm a ghost?" taas kilay na tanong nya. "Haha, funny" ngisi nyang dagdag. "Ano.. Nagulat kasi ako sa katok" paliwanag. "Kumakatok ako ng maraming beses" sabi nya. "Kasi ibibigay ko lang sayo yon" sabi nya at itinuro ang tray na nakalagay sa may table. "Bakit? Hindi na naman kailangan ng ganon" sabi ko sa kanya. "Ginagawan kasi ako lagi ni tita dolores ng midnight snack bago matulog" sabi nya. "Since nandito ka, ginawan ka din nya at ako ang inutusang dalhin sayo" paliwanag nya. "E, katok ako ng katok kanina kaso ayaw mong buksan, kaya napilitan akong kuhanin yung duplicate key ng kwartong 'to" dagdag nya. Napakamot ako ng ulo. Sya pala yung kumakatok kanina, akala ko multo. "Ah, salamat" sabi ko patukoy sa pagdadala nya ng pagkain. "Kainin mo na yun habang mainit pa" sabi nya. "Bakit?" pagtatanong ko. "Mas masarap kasi kapag mainit pa" nakangiti nyang sabi. Tumayo ako para kuhanin ang tray at dalhin sa kama para doon kumain. Pancake at isang basong gatas pala ang laman ng tray. Pagkasubo ko pa lang ay napapikit na kaagad ako. Grabe! Ang sarap! "Masarap, diba?" tanong nya at mabilis naman akong tumango. "Syempre, si tita dolores pa" taas babang sabi nya. Natawa ako.. Sobra nyang mahal na mahal at ipinagmamalaki si ate dolores.. Tita tawag nya kasi parang pamilya nya na daw yon. "Salamat pala sa pagdadala" sabi ko habang nilalantakan ang pancake. "No problem" nakangiti nyang sabi. "Ahhm, can I ask a favor-" nag-aalangan na sabi nya. "Huh? Ano yon?" tanong ko sa kanya bago uminom ng gatas. "Ahmm, can we play a game for a bit?" tanong nya sa akin. Napakunot ang noo ko. "Ngayon na ba?" tanong ko. "Yeah" sabi nya. "Is it ok with you?" tanong nya. "Oo naman" nakangiti kong sabi. "Good.. Wait for me, I'll go get the uno cards" nakita nyang sabi. Uno cards? Ano 'yon? Isinubo ko na ang huling piraso ng pancake bago ko inilagay ang tray sa lamesa. Mamaya ko na lang ibabalik pagdating ni ald. Tinanaw ko ang bintana. Kitang kita ang ganda ng buwan ngayon. Nakakatuwa sa pakiramdam na ganito ang nararanasan ko ngayon. Walang problema, walang gulo.. Hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan si ald, napakabait nya.. Sobra! Pero naguguluhan ako sa sarili ko.. Nagsasabi lang naman ng isang salita si ald, pero pagkakatapos nyang sabihin iyon ay kumakabog ang puso ko. Bakit ko kaya nararamdaman ang ganoong pakiramdam? At anong ibig sabihin ng ganoong pakiramdam. "Game!" sigaw ni ald kaya napatingin kaagad ako sa kanya. "Makasigaw ka naman" nakangiti kong sabi. "Excited lang" sabi nya at umupo sa sahig. Dali-dali akong tumayo sa kama at tsaka umupo sa harap nya. "Anong lalaruin natin?" pagtatanong ko. "Uno cards" sabi nya. "Paano laruin yan?" tanong ko sa kanya. Nginitian nya muna ako bago nya ini-explain kung paano laruin. Nang makuha ko na iyon kung paano ay nagsimula na kami. Medyo natatawa ako sa sarili ko dahil hindi ko alam ang itatapon ko. Ginagamay ko pa kasi. Pero nang nasa kalagitnaan na kami ng laro ay maalam na ako. Kaya ang ending talo sya. "Truth or dare?" tanong ko. "Dare" nakangisi nyang sabi. "Sumigaw ka sa bintana ng, 'mukha akong unggoy'" nakangiti kong sabi. Umiling muna sya bago lumapit sa bintana at tsaka binuksan yon. "Mukha akong unggoy!" sigaw nya. Natawa ako. Hindi ko ine-expect na sasabihin nya yon. "Happy?" mataray na tanong nya sa akin. Ngiting ngiti akong tumango. Naglaro ulit kami ng panibago. This time seryoso na sya.. Competitive, ayaw magpatalo. Kaya ang ending talo ako. "Dare" nakangiti kong sabi. "Sabihin mo, 'ang gwapo mo ald'" nakangisi nyang sabi. Natawa ako. Ang dali lang naman ng dare nya. "Ang gwapo mo ald" nakangiti kong sabi. Namula ang tenga nya ng sabihin ko 'yon.. Nahihiya sya, nakakatuwa. Sa mga sumunod naming game ay sya ng sya ang laging natatalo. "Ayoko na ng truth or dare, ako lagi talo" nakanguso nyang sabi. "Oh, e, anong gusto mo?" tanong ko. "Iba naman.. Tanungan tayo" nakangiti kong sabi. "E, parang truth lang din pala" sabi ko. "Oo nga, tanungan na lang tayo, G ka?" tanong nya sa akin. "Oo naman, basta puro katotohanan lang ang sasabihin ah" sabi ko sa kanya. "Of course.. You know I'm not good at lying" sabi nya habang nagbabalasa ng cards. Nang makapagbigay na sya ay nagsimula na kami.. Ginagalingan ko dahil ayokong matanong. Halata kasing magtatanong si ald ng about sa buhay ko. Sa pagtagal ng laro ay natalo ulit sya. "Whats on me ba? Lagi na lang akong talo" nakanguso nyang dabog. Natawa ako sa inasal nya.. Mukha syang bata na inagawan ng lollipop. "Eto ang tanong ko sa 'yo Mr. Trinidad" sabi ko at nakita ko naman na ngumisi sya. "Masaya bang ma inlove?" curious na tanong ko. Never pa kasi akong nakaranas ng ganyang feeling, e. "Masaya syempre" nakangiti nyang sabi. "Pero wag kang mag focus sa saya.. Masakit pag nagbago" dagdag nya. Napatingin ako sa kanya. Seryoso sya. "Seryoso naman natin" medyo ilang na sabi ko. "Edi ibig sabihin nagka first love ka na?" tanong ko sa kanya. "Yes" malungkot na sabi nya. "E, sinabi mo ba yang nararamdaman mo dun sa girl?" pagtatanong ko. "No. I haven't confess" sabi nya. "Bakit naman?" curious na tanong ko. "Sobrang curious mo naman sa love life ko" pabirong sabi nya. Nahihiyang napakamot ako sa ulo ko. "The reason why I don't confess to her, is that I think she see me as her friend" sabi nya. Tumango na lang ako. Baka kasi umiyak na naman si ald. Ayoko pa namang nakaka kita ng lalaking umiiyak.. Kasi ramdam na ramdam yung sakit. Nagsimula na ulit kami ng bago at mas lalong gumaganda kasi parehas na kaming competitive. Pero sa huli ay talo ulit sya. "Talo ka ulit" sabi ko. "Magtatanong na ako" dagdag ko. "Sige, ask me anything" nakangiti nyang sabi. Bigla akong napa-isip kung anong itatanong ko. Ano nga bang gusto ko pang malaman? Ayy tama yung tanong ko kanina sa sarili ko. "Bakit kumakabog ang puso ng isang tao kapag nakarinig sya ng isang salita sa isang tao?" tanong ko. "Hmm, siguro kinakabahan o kaya ay nagugulat" kibit balikat na sabi nya. "Pero meron rin namang tao na nakakaranas non hindi dahil kinakabahan o kaya naman ay nagugulat" sabi nya. "Oh? Sino yung mga taong yon?" tanong ko. "Yung mga taong may gusto o kaya inlove sa isang tao" nakangiti nyang sabi. Ganon pala 'yon. Nagsimula ulit kami ng panibagong laro at sa huli ay ako ang natalo. "Tanong ka na" sabi ko. "Why did you ask me that question?" nakangiti nyang tanong. "Are you inlove?" dagdag nya. Ha? —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD