12🌻

2085 Words
Nandito ako ngayon sa guest room nina ald ng maka uwi kami. Iniisip ko parin kung bakit pumintig ng mabilis yung puso ko ng sabihin lang nya yung linya na... 'You look like a flower.. Because you always bloom'. Anong nakakabilis ng t***k ng puso don, wala naman, e. Nakanguso akong dumapa sa kama. Sa tagal ng pagdapa ko sa kama ay hindi ko na namalayang nakatulog pala ako. Nagising lang ako ng may humawak sa buhok ko. Saktong pagmulat ko ay mukha kaagad ni ald ang bumungad. Sa sobrang gulat ko ay nasampal ko sya. "Hala! An-o.. A-ld, so-rry" sabi ko at tsaka nilapitan sya at hinawakan ang pisngi na aking nasampal. "Aww" daing nya ng madampi ng kamay ko yung sampal ko sa kanya. "Pas-en-sya, di ko sinasadya" sinserong sabi ko. "No. Its fine, I'm fine" nakangiting sabi nya pero ang kamay ay nasa pisngi nya. Kineltukan ko tuloy ang sarili ko.. Sobra ko naman syang nasaktan. "Sorry talaga" nag-aalalang sabi ko. "Its really ok" nakangiti nyang sabi. "I am really fine" dagdag nya. Ngumiti ako pero yung mata ko punong puno ng pag-aalala. Mabilis ko syang inalalayan ng tumayo sya para umupo sa single sofa. "Pft. Hindi ako baldado, hope" tawang tawa na sabi ni ald ng maka upo sya sa sofa. "Alam ko naman" taas noo pang sabi ko. "Nag-aalala lang ako" biglang hinang sabi ko. "What did you say?" nakangiti nyang tanong. "Ang sabi ko nag-aalala lang ako sayo" diretsong sabi ko. "You cared for me, huh" tango tango nyang sabi. "When will you like me, then?" dagdag nya. Nanlaki ang mata ko. "Ano-ng sa-bi mo?" nanlalaki pa ang mata at utal utal na tanong ko sa kanya. "You said you cared for me.. So I was wondering when will you like me, then" nakangisi nyang sabi. "Porket ba nag care ang kasunod non ay gusto na agad?" taas babang sagot ko. "Yep" taas ang isang kilay na sabi nya. "Unless.. You want married agad" tumatawang sabi nya. "Ang funny mo, ald, promise" sarcastic na sabi ko. "Sarcastic tone, huh?" nakangisi nyang sabi. "But you know what, I was wondering what is the feeling when I kiss you" dagdag nya. Ano raw? Halik? Ano bang pinagsasasabi ni ald. Nahihibang na ata sya. "Masamang imahinasyon ang ganyan, ald" agarang sabi ko. "Atleast I kissed you, even though its just imagination" nakangisi nyang sabi. "Nyee" ngiwing sabi ko. "Do you want me to kiss you, hope?" pagtatanong nya sa akin. Hala ka, seryoso ba sya? "Ahmm, ka-si, a-no, ald..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa tanong nyang yon. Naiilang ako. "Its ok if you don't want.. I'll wait for your permission" nakangiti nya pa ring sabi. "Permission?" pagtatanong ko bigla. "Yeah! Your permission to me to kiss you" dagdag nya. Bakit sa halikan nauwi ang pag-uusap namin? May gusto ba sa akin si ald? "Dinner is ready" sabi nya. "Want to join me? Or lets eat each other until we satisfied.. You choose" nakangisi nyang sabi. "Ano bang pinagsasasabi mo?" kunot noo kong tanong sa kanya. "I was just kidding aside" sabi nya at lumapit sa akin. "No need to be scared of, I wouldn't do that.. I respect you a lot, hope" sabi nya at kinuha ang kanan kong kamay at tsaka dinampian ng isang mabilis na halik. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa nagmamadaling lumabas ng kwarto na si ald. May saltik ba sya? Iiling-iling na lang tuloy na tumayo ako at tsaka sumunod sa naunang si ald. Nang makarating ako sa kanilang kusina ay nagulat ako ng kaming dalawa lang ni ald ang nandoon. "Asan ang mga parents mo? Hindi ba sila sasabay?" pagtatanong ko sa kanya ng maka upo ako. "No. They're in our house" sabi nya at tsaka sumubo ng pagkain. "Ha? Diba bahay nyo 'to?" nagtatakang tanong ko. "Yeah. I mean they're in our original house" sabi nya. "Ahh" tatango tango kong sabi at tsaka sumubo na ng pagkain. Ang sasarap lagi ng mga ulam nila ald, ngayon lang ako nakatikim ng ganitong mga ulam. Ano kaya ang mga tawag dito? "After you finish your food, come with me, hope" nakangiti nyang sabi at tsaka nagpatuloy sa pagkain. "Bakit?" pagtatanong ko. "Basta come with me" ngiting dagdag nya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na lang sya kinausap at tsaka kumain ng kumain hanggang sa mabusog. Minsan lang 'to kaya lulubusin ko na. Nang matapos kaming kumain ay hinila kaagad ako ni ald. "Ald! Yung mga pinggan" sabi ko habang hinihila yung kamay ko. "Don't worry about that" ani nya, habang patuloy pa rin akong hinihila. Kakahila nya sa akin ay tumigil kami sa isang kwarto sa pinakadulong bahagi ng first floor. Medyo madilim kasi kakaunti lang ang ilaw. Ano namang gagawin namin dyan? "A-ld?" pagtawag ko sa kanya, pero ang tono ay kinakabahan. Ngumisi lang sya at tsaka ini-unlock yung kwarto. Walang sali-salita na hinila nya ako papasok. "Waaaahhhhhhhh!" sigaw ko dahil sobrang dilim sa loob. "Calm down" sabi nya at tsaka binuksan yung switch. "Welcome to paradise" sambit nya ulit. Kinusot ko pa ang mata ko dahil nasinag ako ng ilaw. Nang makakita kaagad ako ay inilibot ko ang aking paningin. Kada sulok ng kwarto ay nakanganga ako habang tinitingnan. Wow.. Punong puno ng libro ang kwarto. "Sa iyo 'to, ald?" masayang tanong ko sa kanya. "Yeah.. I was collecting books since when I was six years old" nakangiti nyang sabi. "Wow, edi marami ka ng nabasa?" pagtatanong ko. "Yeah. I think four hundred plus books" sabi nya. Wow.. Nakaka amaze naman sya. Siguro kung ganito ang kwarto ko, hinding hindi na ako lalabas pa ng bahay kahit kailan. One-to-sawa, e. "You can get what you want" sabi nya. "Talaga?" masayang tanong. "Yup" nakangiti nyang sabi. Dali-dali na akong pumili ng librong kukuhanin ko. "Isa lang hihingiin ko ah?" paalala ko sa kanya. "Kahit ilan pa hingiin mo" sabi nya. "Tsaka na, kapag natapos ko" nakangiting sabi ko. "Ge. Your choice" sabi nya at tsaka kumuha ng isang libro at tsaka umupo sa sofa. Pili lang ako ng pili kung ano ang unang hihingiin at babasahin ko. Sa kakahanap ko ay nakahanap na rin ako. 'Replay'. Ang title. "Nakapili na ako" nakangiti kong sabi kay ald ng umupo ako sa tabi nya. "What is it?" tanong nya sa akin. "Etong, replay" sabi ko at ipinakita ang libro. "That's one of my favorite book" nakangiti nyang sabi. "Talaga? About sya saan?" atat na pagtatanong ko. "You want some spoiler, huh" nakangisi nyang sabi. "Oo, konti lang naman" sabi ko. "The story is about relationship " nakangiti nyang sabi. "Oh talaga? Happy ending ba?" tanong ko. "Sad to say, it was a sad ending" sabi nya. "Ay, ano ba yan! Ayoko na ngang basahin" nakanguso kong sabi. "Why?" nakangiti nyang tanong. "Ayokong umiyak" nakanguso pa ring sabi ko. "E, that's how the story goes.. You can't change it" sabi nya. "Oo nga.. Sige na nga try kong basahin" sabi ko at tsaka binuklat ang unang pahina. "Sa room mo na ikaw mag read" sabi nya sa akin. "Dito na lang" tanggi ko sa sabi nya. "Ililibot sana kita sa house namin, e" kamot batok na sabi nya. "Talaga? Sige game ako dyan" nakangiti kong sagot. "Tsaka ko na lang babasahin kapag wala akong ginagawa" dagdag ko at tsaka tumayo. Nakangiti ko syang tiningnan. "Tara na maggala sa bahay nyo" nakangiti kong yaya sa kanya. Nauna pa akong lumabas sa kanya ng kwarto sa sobrang excited. Minsan lang naman ako makakagala sa ganitong kalaking bahay kaya lulubusin ko na. Una nya akong iginala sa labas ng bahay nila. "This is our swimming pool area" sabi nya at tsaka itinuro ang pool. Napanganga ako dahil sobrang lawak ng pool para mas malaki pa sa isang classroom. Tapos ang ganda kasi may ilaw yung pool pati yung paligid. Ang sarap mag swimming sa ganyan. "Next time lets swim" nakangiti nyang sabi. Dahil sa sobrang saya ko ngiting-ngiti akong tumango sa kanya. Sunod nya naman akong iginala sa may kubo nya sa likod bahay nila. "Dito nakatago lahat ng instrument ko" nakangiti nyang sabi ng mabuksan ang pinto. Napanganga na naman ako dahil sobrang ganda ng lugar. May kumikinang pa na mga ilaw sa paligid, nakakarelax.. Iba talaga kapag bigtime. "Ang ganda dito, ald" nakangiti kong sabi. "Of course.. Its my spot anyway" nakangisi nyang sabi, nagyayabang. Nginusuan ko lang sya at nag dire-diretso sa piano. "You really love playing that instrument" sabi nya sa akin. Nakangiti ko syang hinarap. "Ah, o-o" medyo nahihiya kong sabi. Ngumiti muna sya sa akin bago umupo sa single sofa ng makuha ang gitara at nagsimulang magtipa ng chords. Nakangiti ko syang pinapanood habang sya ay masayang masaya na nagtitipa ng mga chords. Medyo nangunot ang noo ko ng maalalang parang familiar ang chords na tinitipa nya. "Uncover ba 'yan?" tanong ko sa kanya. "Hmm.. I really like that song" nakangiti nyang sabi. "Bakit naman?" tanong ko ulit. "I like the lyrics.. It fits us--, uh! I mean.. The lyrics fits for me well" medyo ilang na sabi nya. "Kantahin mo nga" request ko sa kanya. "Kahit yung chorus lang" dagdag ko. Hindi ko pa kasi naririnig na kumanta si ald simula ng makausap ko sya. Palagi kasi syang nagbabasa o kaya naman ay nagsusulat minsan ay daldal ng daldal. "I'm no good at singing.. You know" medyo nahihiyang sabi nya. "Ayos lang 'yon, ako lang naman ang makakarinig" sambit ko. "Nahihiya ako, e" sabi nya. "Isa lang naman" pilit ko aa kanya. "Ano bang meron sa boses ko?" bigla nyang pagtatanong. Napatingin tuloy ako sa kanya at agad nag-iwas ng tingin ng magtama ang paningin namin. Napayuko tuloy ako. "Gusto ko lang naman marinig" nakanguso kong sabi. "Fine. I'll sing, but, please don't judge me" naninigurong sabi nya. "Yayy! Oo naman, promise" sabi ko at nag sign pa sa kanya ng promise. Umiling muna sya at tsaka sinimulang tipahin ang gitara. "Nobody sees, Nobody knows.. We are a secret can't be expose" panimula nya sa chorus. "That's how it is, That's how it goes.. Far from the other, close to each other.. That's why we uncover, cover, cover.. That's why we uncover" pagtatapos nya. Napapalakpak kaagad ako.. Tumingin sya saglit sa akin bago tinakpan ang mukha gamit ang kanyang kamay. Hahaha, cute... "Bakit ka nagtatakip?" tanong ko sa kanya. "I feel embarrassed" sambit nya, nakatakip pa rin ng kamay ang mukha. "Huwag kang mahiya, ang ganda nga ng boses mo, e" sabi ko at tsaka ngumiti sa kanya. "You're the first one who hear me sing" sabi nya at dahan-dahang tinanggal ang kamay sa mukha. "Also, the first one to compliment my voice" nakangiti nyang dagdag. "Dapat na ba akong mag celebrate?" nakangiti kong tanong sa kanya. "Joke lang" habol ko. Ngumisi lang sya at nagpunta naman sa cellos. Nagtipa sya ng kung anong chord don at napanganga ako dahil sa sobrang galing. Kung sasali sya sa isang labanan, panigurado akong may laban sya. Ngayon, napapa isip ako na bakit may mga taong ipinapagpalit ang kasiyahan nila para sa kasiyahan ng iba.. At ngayon ay mukhang nasagot ko din.. Tiningnan ko si ald... Dahil alam nung mga taong ipinapagpalit ang kasiyahan nila na darating din yung araw na sariling kasiyahan nila naman ang susundin nila. Dahil lahat ng sacrifices at difficulties na gagawin ng isang tao ay magbubunga ng magandang resulta. Ipagpapaliban man sa ngayon ni ald ang pangarap nya, pero alam kong darating yung panahon na pangarap naman nya ang uunahin nya. Matalino si ald.. Kaya hindi na ako magtataka kung may plano na syang nabubuo sa utak nya para sa kanyang future. Napangiti tuloy ako ng maalala ang sinabi sa akin noon ni mama. 'Maraming pangarap ang nagbabago dahil sa mga taong nakapaligid sayo.. Pero kung gustong gusto mo talaga yung pangarap na 'yon ay hindi yun mababago ng kahit sinong nasa paligid mo'. Lalo akong napangiti ng maalala rin ang sinabi sa akin ni papa. 'Tandaan mo na hindi lahat ng pangarap ay natutupad dahil may mga pangarap tayo na hindi natin natutupad hindi dahil hindi natin kaya, kung hindi para malaman natin na may iba pang inihanda ang diyos na mas magandang pangarap para sa atin.' "What are you smiling at?" pagtatanong nila. Napatingin tuloy ako sa kanya at wala sa sariling nasabi na. "I'm so proud of you, ald" nakangiti kong sabi. Nagulat sya ng saglit at kalaunan ay ngumiti rin sa akin. "Yeah, me too. I'm so proud of you, hope" —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD