11🌻

2253 Words
"Is this all you need?" pagtatanong nya sa akin habang nagtutulak ng cart. "Oo.. Labis-labis na nga yan, e" nakangiti kong sabi. "Eh? But its zest-o and lemon square only" nakanguso nyang sabi. "Kahit ano at ilan pa ang ibigay mo sa mga bata ay tatanggapin nila ng buong buo" nakangiti kong sabi. "Hindi sila demanding" dagdag ko. "Really? I'm really sure they raise well by their parents" nakangiti nyang sabi pero ang mga mata ay malungkot. "Oo naman" taas noo ko pang sabi. Ayoko na muna ng lungkot ngayon dapat stay positive lang. "Tara?" yaya ko sa kanya papunta sa counter. Nakanguso nyang tinulak pasunod sa akin ang cart. Matapos kasing mangyari yung scene nila ng mama nya ay niyaya nya akong lumabas. Ayaw daw nya kasi sa amoy ng bahay nila at baka magkasakit pa sya. Kumain kami ng tanghalian sa mismong restaurant nila. Mabuti na nga lang at nakaligo na ako sa kanila pagtapos ng scene nila dahil kung hindi ako maliligo ay hindi ko sya masasamahan. Lakad lang ang ginawa namin papunta sa mall nila kaya tamad na tamad syang magtulak ng cart. Wala kasi syang dala-dalang sasakyan. "Good afternoon sir ald" nakangiting sabi ng kahera kay ald. Naks! Kilalang kilala sya dito. "That will be, one hundred and fifty one pesos sir" nakangiting sabi ng kahera kay ald. Nagulat ako ng bumunot si ald ng pera sa wallet nya. "Oy, ako na" nahihiyang pigil ko sa kanya. Kinapa ko ng mabilis yung bulsa ng suot kong maong na short. Bente pesos lang ang laman ng bulsa ko? Saan ko nilagay yung wallet ko? Naiwan ko ba? Nahulog? "Ahm.. Ald, pwedeng favor?" nahihiyang tanong ko. "Its ok, I'll pay" sabi nya at tsaka iniabot yung credit card nya. "Meron po ba kayong small bills?" pagtatanong ng kahera. "I don't have.. I only use credit cards" sabi ni ald. Wow! As in.. Ganan ba kapag mayayaman? Walang cash at credit credit na lang? Pero kanila yung mall na'to bakit kailangan pa nilang magbayad? "Ah sige po" sabi nung kahera at kinuha yung credit ni ald. "Bakit nagbabayad pa kayo, e, inyo naman 'tong mall?" pagtatanong ko sa kanya. "I want to be fair" nakangiti nyang sabi. "I don't use my power just to make them feel that I humiliate them" dagdag nya. "Ahh.. Edi wow, Mr. CEO" natatawang sabi ko. "Cut the word CEO.. I hate it" medyo inis nyang sabi. "Ayy, ganda mo namang mainis" nakangiti kong sabi. "I'm serious" seryosong sabi nya. "Oo na nga, di ka naman mabiro, e" sabi ko at tsaka siniko sya. Hindi nya ako sinagot at sa halip ay kinuha nya na lang yung supot na inabot ng kahera sa kanya at tsaka naunang maglakad. 'Galit ba sya?' Agad-agad ko syang hinabol. "Oy, ald" siko ko nung mahabol sya. "Galit ka sa akin?" tanong ko sa kanya. "No" simpleng sabi nya. "Sorry" sinserong sabi ko at tsaka yumuko. 'Ano ka ba naman kasi hope, masyado kang naging komportable sa kanya, ayan tuloy hindi mo tuloy alam kung kailan seryoso na sya at hindi' Pangaral ko sa utak ko. Tumigil sya sa paglalakad at tsaka humarap sa akin. "I'm not mad " sabi nya at tsaka inangat ang mukha ko paharap sa kanya. "Hindi ko kayang magalit sayo" nakangiti nyang sabi. "Bakit kasi ayaw mo akong kausapin!" galit na tanong ko sa kanya. . "Are you angry ba?" natatawa nyang tanong. "Oo" sabi ko sa kanya. "You don't look like" tumawa na nyang sabi. "Huwag mo nga akong pag- tripan" inis kunwaring sabi ko. "Lets go na sa labas ng mall" yaya nya sa akin. Wala tuloy akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa may labas ng mall ay humarap sya sa akin. "I will call mang lito to bring here my car" sabi ni ald. "Sige, bahala ka" sabi ko. "Shookt! I forgot to bring my phone!" inis na sabi nya. "Paano na us?" naka kunot noo nyang tanong sa akin. "Kumalma ka nga, liit-liit na problema pinapalaki mo" nakangiti kong sabi. "Edi kung walang kotse mag jeep o kaya mag bus tayo" dagdag ko. "But I don't have experience" nakanguso nyang sabi sa akin. "Pwes ngayon mararanasan mo na" sabi ko at ngiting ngiti na hinila sya. Ano kayang masayang sakyan? Bus o jeep? Kapag bus medyo maayos kapag jeep naman haggard ka ng lalabas. Ayy sige, mag jeep kami para siksikan tapos sya masisiksik, haha. 'Ang sama mo, hope' sabi ko sa utak ko. Nang makarating kami sa sakayan ng jeep ay huminto si ald. "Bakit?" pagtatanong ko. "Are you sure we're going to ride on that?" tanong nya sa akin kaya tumango ako bilang sagot. "But that looks dangerous" dagdag nya. "Hindi, maraming hawakan dyan sa loob talaga namang safe na safe ka" taas noo ko pang sabi. "Really, huh?" taas ang kanang kilay na tanong nya. "Yeah" sabi ko at nag thumbs up. Wag sana akong isumpa ni ald kapag nagka siksikan na. Nang makasakay kami sa jeep ay dun kami sa pinaka dulong part ng jeep sumakay yung malapit sa may babaan. Makalipas lang ang ilang minuto ay unti-unti ng napupuno ang jeep. Unti-unti na ring sumisikip. "Why is it more people keep coming?" sabi sa akin ni ald. "Ganito dito" nakangiti kong sabi. "Kahit puno na, magsasakay pa din sila" dagdag. "And ok lang sa mga passenger?" naka kunot noo nyang sabi. "Oo naman" sabi ko. "Weird" sabi nya at medyo umisod na naman sa akin dahil meron pang sumasakay. Nang umaandar na yung jeep ay hindi maalis yung tingin ni ald dun sa batang naka upo sa sahig ng jeep. Mukhang papunta ang bata sa simbahan dahil may dala-dala syang sampaguita at iba't-ibang klase ng mga bracelet. "Bata" tawag ko don sa bata na naka upo sa lapag. "Bakit po?" magalang na tanong nya sa akin. Napangiti ako sa magalang nyang sagot. Paniguradong maayos ang pagpapalaki ng mga magulang nya sa kanya. "Halika, upo ka sa hita ko para hindi ka mahirapan dyan" nakangiti kong sabi. "Naku! Huwag na po, nakakahiya" agarang sagot nya sa akin. "At tsaka marumi po ako, baka madumihan po kayo" dagdag nya. "Hindi, ayos lang naman sa akin" nakangiti kong sabi. "Upo ka na sa hita ko para di ka na mahirapan dyan" dagdag ko. "Talaga po?" masayang masaya na tanong nya sa akin. "Oo" sabi ko sa kanya. Agad naman syang tumayo kaya nag tinginan yung mga pasahero sa bata. Nang uupo na sya sa akin ay hinila sya ni ald at ini upo sa hita nya. "Dito ka na lang sa akin" sabi ni ald sa bata. "Po!?" parang nagugulat na tanong nung bata kay ald. "Magkasama naman kami nyang ate na kausap mo kaya wag kang mag-alala hindi ako bad guy" nakangiting sabi ni ald sa bata. Napangiti din yung bata sa sinabi ni ald. Pinagmasdan ko si ald habang nakatingin sa paa nya. Siksik na siksik na sya pero hindi ko sya narinig na umangal simula kanina. At talagang ini upo nya pa sa hita nya yung bata ng walang ka arte-arte. Napakabait nya.. "Ang gwapo nya chloe" dinig kong bulong nung isang babae sa katabi nya. "Oo nga, e" sabi naman nung isa. "Ano kayang pangalan nya?" tanong nung isa. "Ewan, gusto ko ngang malaman, e" sabi nung chloe, hindi ko mawari kung kinikilig yung tinig. Nang tingnan ko si ald ay kausap na nya yung bata ngayon. Ipinapakita nung bata yung iba't-ibang klase ng bracelet na itinitinda nya. Napatingin ako sa kamay ng kung sino man dahil kinulbit nya si ald. "Why?" pagtatanong ni ald. "Pwede po bang malaman yung pangalan nyo?" sabi nung babaeng kanina pa gustong malaman yung pangalan nya. "Babe, were here na" sabi ni ald. "Hey, babe" siko nya sa akin. Nawala tuloy ang paningin ko sa mga babae at automatic na napatingin kay ald. "Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang sya at tsaka ngumisi. "Hala, may girlfriend na pala, sayang" sabi nung isa. "Ang ganda ng girlfriend nya, ang swerte nila sa isa't-isa" dagdag naman nung isa. Dali-dali kong kinuha yung bente pesos ko sa bulsa at ipinaabot sa driver dahil hindi pa kami nagbabayad. Nang makapag bayad kami ay naunang lumabas si ald. Kumaway pa sa akin yung bata bago ako bumaba kaya kumaway din ako. Inalalayan pa ako ni ald pababa. "Riding on that thing was fun, ulitin natin next time" nakangiti nyang sabi sa akin. "Sige" nakangiti ko ding sabi. "Would you mind if I ask, bakit tinuturuan mo yung mga bata?" tanong nya. "Simple lang, dahil alam kong gustong gusto nilang mag-aral" nakangiti kong sabi. "But there's a school, why don't they attend?" pagtatanong nya ulit. "Lack of financial siguro" sabi ko. Nang makarating kami sa lugar ay nagtakbuhan kaagad yung mga bata sa in ni ald. "Hi ate ganda, na miss ka po namin" sabi ni popoy at niyakap ako. "Na miss ko din naman kayo" nakangiti kong sabi. "Sino po itong kasama nyo? Boyfriend nyo po?" pagtatanong sa akin ni nika. "Sya si ald.. kaklase ko" sabi ko at itinuro si ald. Nag-hi si ald sa mga bata kaya nag-hi din sa kanya yung mga bata. "Ald, ayan yung mga bata" turo ko dun sa maraming bata. "At eto namang nasa unahan natin ay sina popoy at nika" nakangiti kong dagdag. "Tara na po, turuan mo na po ulit kami" yaya sa akin ni nika. "Sige" nakangiti kong sabi at tsaka naglakad pasunod kay nika. Nahuli sina popoy at ald dahil kinakausap sya ng kinakausap ni popoy. Nang makarating sin popoy ay dali-dali syang umupo sa inuupuan nya at naglabas ng papel at lapis. Para sa araw na'to ay division naman ang itinuro ko sa kanila dahil tapos na kaming mag multiplication. Hindi naman ako kinakausap ni ald dahil nakangiti nyang pinapanood ang mga bata habang tinuturuan ko. Nang makuha kaagad ng mga bata kung paano makukuha ang sagot sa mga ibinigay ko na example ay dun na ako nagbigay ng kanilang sasagutan. Nang maisulat ko ang sasagutan nila ay dali-dali nilang isinulat sa papel at tsaka sinimulang sagutan. Habang nagsasagot sila ay lumapit muna ako kay ald. "Hindi ka ba nabo-bored?" pagtatanong ko sa kanya. "No. Its fun nga to watch the kids" nakangiti nyang sabi at tsaka tumingin sa mga bata. "You're so kind" dagdag nya. "Ikaw din naman" nakangiti kong sabi. "Maybe. But you're really kind" sabi nya. "Kahit di ka naman ganoong kayaman ay naiisip mo silang tulungan kahit sa ganyang way lang ako nga na mayaman ay hindi ko naisip na tumulong ng ganito, e" dagdag nya. "Dahil magkaiba yung way natin ng pagtulong" sabi ko. "At kahit magkaiba pa yon basta tumulong ka.. Malaking bagay na iyon sa mga taong natulungan mo" dagdag ko. "Ang ganda ng mindset mo" nakangiti nyang sabi. Magsasalita sana ako ng kulbitin ako. Pagharap ko ay si nika lang pala. "Tapos na po, ate" nakangiti nyang sabi. Nakangiti ko rin iyong kinuha at chineck. Wala na naman syang mali, nakakatuwa. Iniabot ko sa kanya yung papel nya. "Very good ka talaga nika" nakangiti kong sabi. "Thank you po" magalang na sabi nya at tsaka bumalik sa upuan nya. Maya-maya lang ay sunod sunod na ang pag papacheck ng mga bata sa akin at nakakatuwa lang dahil lahat sila ay walang mali. Nang matapos ko ng checkan lahat ng papel nila ay pinapila sila ni ald dahil ibibigay nya na yung meryenda ng mga bata. Nakangiti ko silang pinagmamasdan. Minsan talaga simpleng bagay lang masaya ka na. Kahit naman ako nung bata pa ako kahit simpleng pagbibigay sa akin ng pagkain kapag umiiyak ako ay nagiging masaya na ulit ako. "Story time na ate ganda" sabi ni popoy. "Oo nga po" nakangiting sabi ng lahat ng mga bata. "Sige" nakangiti kong sabi. "Dahil nga sa nangyari sa pamilya ng prinsesa ay lumaking mag-isa ang prinsesa" panimula ko sa story. "Walang gustong makipag kaibigan sa kanya dahil lonely daw sya, kaya ang naging takbuhan nya ay ang puno" nakangiti kong pagku kwento. "Lahat ng bagay na nangyayari sa buhay nya ay doon nya kinukwento kada darating ang mga birthday nya ay doon sya nagce celebrate kahit sya lang mag-isa at yung puno ay masayang-masaya sya" kwento ko. "Tapos po?" pagtatanong naman ni cyrus. "Hanggang dun na lang muna sa susunod na sabado ulit" nakangiti kong sabi. "Ahhhhh" sabi nilang lahat na parang nanghihinayang sa hindi ko pagtapos ng kwento. Natawa tuloy ako. "Sige na, sa susunod na sabado na ulit" sabi ko. "Sige po, paalam po ate ganda" sabi ni popoy sa akin at saka nila ako nilapitan para yakapin. Hinila ni nika si ald para makiyakap sa amin. "Bye" kaway ko sa kanila. Kumaway silang lahat ng nakangiti at tsaka nagtatakbo na pabalik sa nga bahay nila. Naiwan tuloy kami ni ald sa lugar na 'yon. "Hope, look!" masayang sabi ni ald habang nakaturo sa papalubog na araw. "Ang ganda ng sunset" dagdag nya. "Oo nga, sobrang ganda" sabi ko. "I forgot to give you this" sabi nya at tsaka kinuha yung kanang kong kamay at isinuot sa akin ang isang bracelet. "Its from the boy we encounter in jeep earlier" dagdag nya. Pinagmasdan ko ang bracelet. Kulay silver sya at may nakasabit na pendant na flower. 'Ang cute'. "You look like a flower" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin pala sya sa sunset. "Because you always blooms" sabi nya at tsaka tumingin sa akin. Biglang pumintig ng mabilis ang puso. 'Bakit?' —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD