Natawa ako.
"Wala namang ganong view" natatawang sabi ko.
"I was just kidding aside, nevermind" nakangiti nyang sabi.
"Ah" parang namamanghang sabi ko.
"Tsh, lets back in our room na nga" nakanguso nyang sabi at tsaka naunang maglakad pababa.
Nakangiting nakatingin ako sa nauunang maglakad na si ald. May ganong side pala sya, haha nakakatawa.
Nang makarating kami sa room ay niyakag nya kaagad ako sa mini library. Kaunti lang ang tao sa room dahil nga wala kaming klase.
Parehas kaming abala ni ald sa mini library. Ako kasi ay nagdo-drawing tapos sya naman ay nagsusulat. Ewan ko kung ano yon.
Sinusulyapan ko si ald kung ano ang ginagawa nya, kung nagpalit ba sya ng pwesto pero hindi. Dahil sobrang tutok nya sa ginagawa nya.
Ano kayang sinusulat nya?
Pinagmasdan ko si ald habang nagsusulat. Ang paraan nya ng pagsusulat ay hindi ganong kadiin. Pormal na pormal sya sa paghawak nya sa ballpen. Pwedeng pwede na syang maging presidente o ceo.
Tapos idagdag mo pa yung maganda nyang kilay na lalong gumaganda kapag kumu kunot ang noo nya.
"What are you staring at?" naka kunot noo nyang tanong. "Is there a dirt on my face?" dagdag nya pa.
Nawala ako sa pag ngiti at blangkong napatingin sa kanya.
"Hey?" mahina nyang tinap yung noo ko.
"Ano.. Wala lang, akala ko kasi may dumi" palusot ko.
"Ah" yun lang ang nasabi nya at tsaka bumalik na ulit sa pagsusulat.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag guhit. Paminsan minsan ay sinusulyapan ko si ald ng palihim para hindi na nya ako mahuling tumitingin sa kanya.
Naunang matapos si ald sa ginagawa nya kaya nakanguso nyang inilapag ang ballpen sa papel at tsaka pinag-krus ang kamay at tsaka tumingin sa akin.
"I really think, there's something on my face" naka kunot noo nyang sabi.
"Wala ah!" madaliang pagtanggi ko.
"You sure?" pagtatanong nya sa akin.
Sunod sunod akong tumango.
"May iniisip lang kasi ako" sabi ko.
"What is it?" kunot noong tanong nya.
"Iniisip ko lang, minsan ka na lang sumama sa mga kaibigan mo" sabi ko.
"Ah, that's because I really like being with you" nakangiti nyang sabi. "Its fun" dagdag nya.
"Ah, ako pala ang dahilan kung bakit di ka na nasama sa mga kaibigan mo" sabi ko. "Baka awayin na nila ako nyan" nakanguso kong sabi.
"They won't" sabi nya agad. "They're kind like you" nakangiting dagdag nya.
"Ah" sabi ko at tsaka bumalik sa pag guhit para matapos na.
Hindi na rin naman nagsalita si ald, kaya hindi ko na sya tiningnan pa.
Nang matapos ako sa pag guhit ay nakangiti ko iyong pinagmasdan.
"Hayyyy, natapos din" nakangiti kong sabi habang ang paningin ay nasa drawing.
"You finished what?" pagtatanong nya sa akin.
"Yung ginuguhit ko" nakangiti kong sabi.
"What did you draw ba?" curious na tanong nya.
"Ikaw" sabi ko at tsaka hinarap sa kanya ang drawing.
"Me?" parang hindi makapaniwalang tanong nya. "Why me?" dagdag nya pa.
"Kaibigan na kita, e" nakangiti kong sabi.
"Its cool" sabi nya habang ang paningin ay nasa drawing. "Can I have it?" nakangiti nyang pagtatanong.
"Oo naman" nakangiting sabi ko.
"Thank you" sabi nya at tsaka pinunit ang papel na aking pinag guhitan.
Nakangiti ko syang tiningnan habang pinagmamasdan nya ang drawing ko.
Masaya ako dahil kahit simple lang yon ay na a-appeeciate nya. Dati kasi ay binigyan ko ng ganon si sami kaso itinapon nya dahil daw sa panget daw ang aking pagkaka guhit.
"Here" sabi nya at inabot sa akin ang papel.
"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.
"A short poem" nakangiti nyang sabi.
Nakangiti kong tinanggap ang papel na binigay nya. Hindi ko muna binasa at itinupi na lang at tsaka inilagay sa bulsa.
"Why don't you read it?" pagtatanong nya.
"Sa bahay na" nakangiti kong sabi.
"Alright" sabi nya at ibinalik ulit ang paningin sa drawing ko.
Tumayo ako para ibalik sa bag ang aking lapis at aking sketch pad.
"Where is Ald?" pagtatanong ni sir orbita ng makapasok sya sa room namin.
"Yes, sir?" naka tayong sabi ni ald.
"Let me excuse you" sabi ni sir.
"Why?" tanong ni ald.
"Wag ka ng magtanong, saglit lang 'to" sabi ni sir.
Wala ng nagawa si ald at sumama na lang kay sir.
"And also, hope pumunta ka daw sa filipino faculty, may ipapagawa si sir agapita sayo" sabi ni sir.
Ako?
Nagmadali akong lumabas rin ng room para makisabay kay na ald maglakad.
Nang makarating ako sa faculty ay bumungad kaagad sa akin ang nakangiting sir agapita.
"Pinatawag nyo raw po ako" magalang na sabi ko.
"Oo, gusto kong checkan mo ang mga papers na'to" sabi ni sir at iniabot sa akin ang medyo makapal na papel.
Kinuha ko yon at sinimulang checkan.
Tapos na kasi ang first quarterly examination namin kaya medyo abala na ang mga teachers para sa grade distribution.
Tahimik ang lugar dahil dalawa lang kami ni sir sa faculty. Idagdag pa na walang nagsasalita sa amin.
Kaya mas lalong napadali ang pagche check ko dahil walang istorbo.
Makalipas lang ang ilang minuto ay tapos ko ng checkan lahat inaayos ko na lang from highest to lowest.
Habang inaayos ko ang mga papel ay nagulat ako ng hawakan ako sa balikat ni sir.
"Sir!" sigaw at nagugulat na sabi ko.
"Ipagpatuloy mo lang ang inuutos ko" sabi ni sir habang patuloy nyang hinahawakan at hinihimas ang balikat ko.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Pero napatigil ako ng hawakan ni sir ang hita ko. Dali-dali akong napatayo. At nangingilid ang luhang tiningnan si sir.
"Tapos na po" magalang na sabi ko at tsaka nagtatakbo palabas ng faculty.
Nang makalabas ako ay sunod sunod na tumulo ang luha ko.
Bakit ganon? Bakit kailangan maranasan ko yon? Wala naman akong ginawa para mabastos pero bakit nangyayari sa akin?
Asan ang respect humanity policy ng school na'to kung mismong teacher sinisira yon.
Natakot ako! Dahil ngayon ko lang naranasan ang ganong sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ako mag re-react.
Nawala ako sa pag iisip ng may tumama sa ulo ko.
Pagtingin ko sa paanan ko ay isang shuttle c**k. Pinulot ko yon.
"I'm sorry, hope" sabi ni ald ng makalapit sa akin.
"Ok lang" nakangiti kong sabi at tsaka iniabot sa kanya ang shuttle c**k.
"Are you alright?" nag-aalalang tanong nya.
"Oo naman" sabi ko.
"I'm not satisfied" sabi nya at tsaka kinuha sa akin ang shuttle c**k. "Stay here and wait for me" sabi nya at tsaka tumakbo papunta sa mga kapwa nya varsity at iniabot ang shuttle c**k at bumalik sa akin.
"Lets go?" nakangiti nyang alok sa kamay nya.
"Saan naman tayo pupunta?" pagtatanong ko.
"Spot" sabi nya at tsaka kinuha ang kanang kamay ko at hinila.
Hinila nya ako paakyat sa roof top.
Nang makarating kami don ay pina upo nya ako. Kumuha sya ng papel at ballpen sa bag nya.
"When I'm sad or upset, I usually write it on a paper and create a plane" nakangiti nyang sabi.
"Taray naman pag mayayaman, ako kasi napunta sa tahimik na lugar" nakangiti kong sabi.
Tumawa sya.
"Write all your rants.. And let it fly far away from you, to let you more feel better" sabi nya at ibinigay na sa akin ang ballpen at papel.
Sumulat ako, pero hindi mga problema ko. Kundi kung gaano ako kasaya at ka thankful sa lahat.
"Why did you write a good rants?" pagtatanong nya sa akin.
"Kasi gusto kong maging inspiration ng mga kabataan na nakakaramdam ng lungkot at problema sa buhay nila" sabi ko. "Gusto kong malaman nila na mas maganda ang mabuhay ng masaya at mapag patawad kaysa sa malungkot at hindi mapag patawad" nakangiti kong dagdag.
"Wow" namamanghang sabi nya. "Are you even experiencing a problem?" pagtatanong nya.
"Oo naman" nakangiti kong sabi.
"But base on what you write earlier, it looks like your not" nakangiting sabi nya.
"Dahil mas pinipili ko ang umintindi" nakangiti kong sabi.
"Ahh" hindi makapaniwalang sabi nya. "Wait here, I'll go get something" sabi nya at nagtatakbo pababa ng roof top.
Naiwan tuloy akong mag-isa. Tiningnan ko na lang tuloy ulit ang tanawin.
Ano kayang mangyayari sa future ko? Ganito pa din kaya ako? May magbabago ba?
Pero kung hihiling ako, gusto kong magbago ang lahat. Yung tipong kahit ganto ako ay tanggap nila ako, ipagmamalaki nila ako.
Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang papel na bigay sa akin ni ald.
'My life is like stepping in a thorn,
If I had a choice, I would not be born.
My eyes are like thirsty sand,
No one gives me a tender hand.
My mind and heart was pure,
And that's all I can really assure.
But, my nights are full of sleeplessness,
Because... Everything was in mess.'
Ang ganda! Parang bawat stanza ay tumutukoy sa akin. Lahat ng nararamdaman at nangyayari sa akin ay napagsama sama sa ganitong kaikling tula.
Bakit naman kaya sinulat ni ald ang tulang 'to? Kumpleto naman ang pamilya nya, masaya pa sila. Ano kayang pangyayari ang nangyari sa kanya at naisulat nya yon.
"You must be bored, did I take too long?" pagtatanong kaagad ni ald ng makarating sya.
Nagulat pa ako ng may dala dala syang violin.
"Maalam ka nyan?" pagtatanong ko.
"Yes" sabi nya habang inilalabas ang violin.
Maalam pala sya, e, bakit sabi nya sa akin dati ayaw nya ng music instrument?
"Akala ko ba ayaw mo ng music instrument?" nagtatakang tanong ko.
"No. I lied to you" seryosong sabi nya. "When I was six years old, I used to play music instrument like piano, guitar, violin and flute" sabi nya.
Namamanghang napatingin ako sa kanya.
"But unluckily, things won't go well" seryosong sabi nya. "My parents are against on my passion" nakangiti nyang sabi pero ang mga mata ay malungkot. "They always said to me, instead of playing that f*****g instrument, just practice on how to become a ceo" malungkot na nyang sabi.
"Ano.. Sorry natanong ko pa" nahihiyang sabi ko.
"No. Its alright" nakangiti nyang sabi at tsaka tumingin sa view.
Tiningnan ko sya ng seryoso. Ngayon ko lang sya nakita na ganyang kalungkot. Totoo nga ang sinasabi nila. Na hindi lahat ng mayaman masaya. May ibang gaya ni ald na kahit ano pang yaman nyo, kung hindi ka masaya hindi ka talaga masaya.
Ngayon ko lang na realize, na hindi ko man maabot ang buhay na meron si ald, nagkaka parehas naman kami sa mga nararamdaman.
Pero ni minsan hindi ko inisip na ganyan ang nararamdaman ni ald. Dahil sa tuwing may mga event ang school namin at pupunta ang mga magulang nya, close na close sila, hinding hindi mo mahahalata na ganyan pala ang pinagdadaanan nya.
"I don't like to see someone who look at me, like I'm awful" nakangiti nyang sabi.
"Hindi ganon ang tingin ko" nakanguso kong sabi.
"Just kidding" nakangiti nya pa ring sabi.
"Pero totoo, ayaw mo ng taong kinaka-awaan ka?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Yeah! Because it looks like I'm a loser to their eyes" nakanguso nyang sabi.
"Ahh" yun na lang ang nasabi ko.
"Hahahaha!" malakas na tawa nya.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"I just can't believe that I am really happy whenever you're around" nakangiti nyang sabi.
"Masaya ka din namang kasama" nakangiti kong sabi.
"Yeah! But I mean you're too innocent in everything, that's why its fun whenever you're around" nakangiti nyang sabi.
"Ah" tatango tango na sabi ko.
Hindi na sya nagsalita pa, bagkus ay tumugtog sya ng violin.
Canon ang piyesa na tinutugtog nya. Sobrang galing! Hindi ko inaasahan na ang galing nya. Ako kasi sa piano ko lang nagagawa ang canon.
Bakit naman kasi ganon ang gustong mangyari ng mga magulang nya? Hindi ba parang pressure lang ang ginagawa nila kay ald?
Pero sabagay, hindi ko naman sila masisisi dahil nag-iisang anak nila si ald at si ald ang magma manage ng lahat ng naipundar nila.
"Do you like it?" nakangiti nyang pagtatanong ng matapos syang tumugtog.
"Oo, sobra" nakangiti kong sabi.
"Really?" masayang tanong nya.
"Oo naman" nakangiti kong sabi.
"Wow, you're the first one who said that you like how I play violin" nakangiti nya pa ring sabi.
"Talaga?" masayang tanong ko.
"Yeah" nakangiti nyang sabi.
"Edi wow.. joke, hahaha" sabi ko at tumawa ng mahina.
"Edi wow?, whats that word means?" naka kunot noo nyang tanong.
Hindi nya alam ang edi wow? Sikat yun sa social media ngayon.
"Ah wala lang yun" iiling iling na sabi ko.
"Ah" tatango tango na sabi nya. "You know what, when I was a kid up until now I always felt alone, specially when I'm in house" malungkot na sabi. "I can't open my rants with my parents because I was scared that they don't care and they just take it as a nonesense" patuloy pa rin na sabi nya.
"Pero, close kayo ng pamilya mo pag nasa school kayo" sabi ko.
"Part of picture perfect society" nakangiwi nyang sabi. "Because they always said to media how perfect our family was.. But the truth is.. It was suck" sabi nya pa.
"Pero hindi mo ba naisip na intindihin na lang sila?" naka kunot noong tanong ko.
"I did it at first, but after that.. They controlled my life" sabi nya. "And that's how my life end up a mess" tuloy tuloy pa rin na sabi nya.
"Ah, gusto mo bang mawala yung pagka mess ng buhay mo?" nahihiyang tanong ko.
"No. All I really want is to disappear" malungkot na sabi nya at tsaka tumingin sa tanawin.
Naiintindihan kita ald.
"You always said, you want to disappear" sabi ko sa kawalan dahilan para mapatingin sya sa akin.
Malungkot pa rin ang mga mata nya.
"But all you need.. Is to be found" nakangiti kong pagpapatuloy.