Nakangiting naglakad ako pauwi.
Ang dami naming napag kwentuhan ni ald. Puro nga lang about sa buhay nya nung bata pa sya hanggang ngayon.
Tinatanong nya ako about sa akin pero, inililihis ko ang usapan dahil hindi pa ako handang ikwento ang mga 'yon. Naniniwala naman ako na dadating din ako sa point na maiku kwento ko 'yon kay ald, sana nga lang ay maantay nya ako.
Nakangiting isinara ko ang pinto ng bodega ng makapasok ako. Nakangiting nagpalit ako ng damit pambahay at tsaka naghanda ng uulamin.
Nalaman ko kasing bumili sina ate bervy ng grocery para sa akin. Kinuha ko na lang iyon sa taong nag-abot.
Kung ano anong pagkain ang nandoon.
Binuksan ko na lang ang isang 555 tuna para tipid.
Masaya akong kumain ng aking hapunan. Napangiti tuloy ako ng maalala ang sinabi ni ald nung sabihin ko ang linya na 'yon.
Nang sabihin ko kasi ang linyang 'sometimes you always think you want to disappear, but, the truth is you want to be found.' Sinabi nya sa akin na, 'its alright to think that I want to disappear, because I've found you.'
Natawa ako non. Sobrang tawa. Never ko kasing inisip na ganon ang salitang sunod nyang sasabihin.
Nang matapos akong kumain ay niligpitan ko muna iyon at tsaka sumampa sa kama para matulog.
Kinabukasan ay nakangiti akong pumasok sa loob ng school. Masyado kasi akong masaya kaya't di ko na tinago.
Pagpasok ko pa lang sa room ay tingin na naman ng mga kaklase ko ang sumalubong sa akin.
"Saya mo naman ata, yellow uniform" pang-aasar kaagad sa akin ni carl.
Hindi ko sya sinagot bagkus ay nginitian ko na lang sya.
Ayoko ng negatives ngayong araw.
Nang maupo ako sa upuan ko ay nagulat ako ng makita ang bag ni ald don sa katabing upuan.
Anong ginagawa ng bag nya dito?
Marahang binuhat ko ang bag nya dahil ililipat ko sana.
"What are you doing?" sabi ni ald sa likuran ko.
Pagharap ko ay, nakita ko syang nakapamulsa habang ang tingin ay nasa binabasa nyang libro.
"Ano.. Kasi ililipat ko lang sana 'tong bag mo" malumanay na sabi ko.
"Why? That's my seat na, for the whole school year" sabi nya at tsaka umupo.
Nanlalaki ang matang tiningnan ko sya.
"A-nong s-abi m-o?" medyo utal at di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"I said that's my new seat for the whole school year" nakangiti nyang sabi sa akin.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"What, bakit?" naka kunot noong tanong nya. "I just want to seat beside you, because its fun whenever you're around" nakangiti nyang sabi.
Naka kunot noo ko syang tiningnan.
Dahil lang sa masaya akong kasama, tatabihan na nya ako? May saltek ba sya?
Nakangusong umupo na lang ako sa upuan.
Sinulyapan ko pa si ald ng palihim. Tutok sya sa binabasa nya. Gusto ko ring magbasa. Kaso ang mga libro ko ay itinapon na ni mama.
Inilabas ko na lang ang aking sketch book at tsaka gumuhit ng kung anong biglang pumasok sa isip.
Araw ng huwebes ngayon kaya wala kaming ginagawa kasi busy ang mga teachers sa magaganap na pageant bukas.
Nalaman kong si nina ang aming representative. Sabagay, maganda naman sya. Bagay sa kanya yon.
"Wow, your art was amazing" sabi nya ng kuhanin at tingnan ang aking iginuhit.
Nai-guhit ko pala ay isang babae na naka gown at may suot na crown.
"How can you draw this masterpiece in just a couple of minutes?" namamangha nyang tanong.
"Masterpiece agad? Beginner pa lang ang ganyan" nakanguso kong sabi.
"Is this an art of beginner, really? How about the art of expert? Exceptional?" hindi ko matukoy kung sarcastic ba ang pagkakasabi nya, basta may sinabi sya.
Nakangiti na lang na tumango ako.
"Excuse me, 10-1" sabi ng SSG president ng school. "The list of honors is now posted at the main hall, thank you" nakangiti nyang sabi at tsaka kami tinalikuran.
Kanya kanyang sigaw ang mga kaklase ko dahil feeling daw nila ay worth it lahat ng pagod na ginawa nila sa nagdaang first quarter.
"Don't you like to see what rank are you?" tanong sa akin ni ald.
"Mamaya na siguro, panigurado kasing maraming estudyante ang naroon ngayon" nakangiti kong sabi.
"Ah, lets go in our spot na lang" nakangiti nyang sabi.
"Sige" nakangiti ko ring sabi.
Hila-hila na naman ako ni ald papuntang roof top. Nang makarating kami ay umupo agad kami sa silyang naroon.
"I think you're the first rank" nakangiti nyang sabi.
"Paano mo nasabi?" nagtatakang tanong.
"Since our first year, you're the highest of all the ranks" nakangiti nyang sabi.
"Sa tingin ko, kung ako ang first ikaw naman ang second" nakangiti kong sabi.
"Yeah, that's what I think" nakangiti nyang sabi. "Why can't I ever beat you?" pagtatanong nya sa akin.
"Ha? Bakit mo naman naisip yan?" nagtatakang tanong ko.
"I can't beat you in everything" sabi nya. "You're good at everything" nakangiti nya pang dagdag.
"Hindi kaya, may mga bagay ka na hindi ko kayang gawin" nakangiti kong sabi.
"Like what?" pagtatanong nya.
"Like, playing flute, and.." sabi ko at tsaka nag-isip pa.
"See? You can't even said what things I can do that you can't do" nakangiti nyang sabi. "I am no good at everything" malungkot na sabi nya.
"Ald, magaling ka sa lahat, sadyang mas may magaling lang talaga sayo. Eh ano namang masama kung may mas magaling sayo? Diba nga dapat dun ka kumukuha ng inspirasyon para matuto at maging magaling gaya nya?" sabi ko sa kanya. "Kasi ald, ang buhay natin ay full of un-even people. Meron magaling at may hindi ganong kagaling. Kung hindi mo kayang maging magaling gaya nya.. Just wait for you turn" sabi ko pa. "Dahil darating din yung araw na yung taong mas magaling sayo ay titingalain ka na lang dahil mas magaling ka na" nakangiti kong dagdag.
Nakita ko na ngumiti sya ng bahagya.
"Dahil kung ikukulong mo ang isip mo sa ganong paniniwala.. Parang wala ka na ring pinag kaiba sa mga loser ang tingin sa sarili" nakanguso kong sabi.
"I was confused about my life" malungkot na sabi nya.
"Bakit naman?" pagtatanong ko.
"I don't know.. But I was just woke up one day na magulo na ang buhay ko" sabi nya. "I can't understand everything" sabi nya pa.
"Kung naguguluhan ka about sa buhay mo, isipin mo lang ang buwan" malumanay na sabi ko at tsaka tiningnan ang tanawin. "Paikot-ikot lang sya sa ating planeta pero ni minsan hindi sya naguluhan sa direksyon na tatahakin nya" nakangiting sabi ko at tsaka tinanaw ang araw.
"What do you mean?" naguguluhang tanong nya.
"Na kahit anong gulo ng buhay mo, kung tamang direksyon ang tinatahak mo sa huli ay.. Aayos ang lahat" nakangiti kong sabi.
"Ah, so inspirational" tumatawa nyang sabi.
"Yan! Tumawa ka lang, because laughter attracts joy, releases negativity, and leads to miraculous cures to someone sadness" nakangiti kong sabi.
"You're good at advicing" nakangiti nyang sabi. "Thanks.. If I shared my thoughts on my friends.. They would definitely says, stop the dramas, its all nonesense and etc" nakangiwi nyang sabi.
"Bakit ganon sila sa nararamdaman mo?" nagtatakang tanong ko.
"I don't know, maybe they take that as a joke" kibit balikat na sabi nya.
"How dare them, gusto mo resbakan ko na?" nakangiti kong tanong.
"No. We're close friends until now" nakangiti nyang sabi. "I don't want to ruin it" dagdag nya.
"Sige. Sabi mo, e" nakangiti kong sabi at ibinalik ang paningin sa tanawin.
"Hope, do you even realize that our life is hard?" pagtatanong nya sa akin.
Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakangiti sya pero ang mga mata nya ay seryoso.
"Oo naman, wala naman kasing madaling buhay" nakangiti kong sabi. "Pero kung naiisip natin na mahirap ang buhay, edi padaliin natin" dagdag ko.
"How?" nagtatakang tanong nya.
"Offer everything to god and wait for his move" nakangiti kong sabi. "Because once he move.. Its worth the wait" dagdag ko.
"Ah" yun lang ang nasabi nya.
Hindi na sya nagsalita kaya tiningnan ko sya.
'Even the richest people you know have a weakness.'
Ibinalik ko na lang ang aking paningin sa tanawin. Sa pagtagal ng panahon lahat ng bagay nagiging magulo.
Lahat ay parang processing at hindi alam kung kailan magkakaroon ng progress.
"Do you believe in fairytale?" biglaang pagtatanong nya.
"Hindi" sabi ko.
"Why?" nagtatakang tanong nya.
"Lahat kasi ng fairytale may happy ending" nakangiti kong sabi.
"So, you don't believe in fairytale, just because it has a happy ending?" parang natatawang tanong nya.
"Oo" sabi ko.
"Why?" nagtatakang tanong nya.
"Kasi kung maniniwala ako sa fairytale, ma a-adopt ko sya in real life" seryosong sabi ko. "Eh, ayoko non kasi kabaligtaran lang yon ng real life" malungkot na sabi ko.
"How do you say so?" pagtatanong nya.
"Nakapanood kasi ako ng fairytale story na ang huli ay masaya silang nagsama ng pamilya nya, e, bata pa ako non" nakangiti kong sabi. "Kaya pinangarap ko ring maging ganon ang pamilya ko.. But sadly, not all fairytale could come true" nangilid na luhang sabi ko.
"Why? What happened with you and your family?" pagtatanong nya.
Tiningnan ko sya. Nag-aantay sya ng isasagot ko. Pero wala akong masabi dahil ayoko pang maglabas ng problema sa iba.
Ayokong ma-judge dahil lang don.
"Tara na lang sa main hall, tingnan natin yung rankings" nakangiti kong sabi at tsaka tumalikod sa kanya para pahidan ang nangilid na luha.
"A-ah, yeah" parang medyo ilang na sabi nya.
Sabay kaming bumaba ng roof top at tsaka pumunta sa main hall para tingnan ang rankings.
"Congrats" nakangiti nyang sabi sa akin.
"Congrats din" nakangiti ko namang sabi.
"I'm sure your parents would be proud" nakangiti nyang sabi.
Nawala ang ngiti ko sa labi. 'Sana nga maging proud si mama sa akin.'
"Sayo rin" nakangiti ko na lang na sabi.
"Lets go out? Lets have fun" nakangiting sabi nya at hinila nya ako papuntang parking lot.
Napailing ako. 'Ang hilig nyang manghila.'
Nang makasakay kami sa kotse nya ay nagmamadali na syang paandarin 'to.
Nakarating kami sa SM dasma dahil daw mas malapit 'to.
Nang makapasok kami ay hinila nya kaagad ako sa quantum.
"Bakit dito?" nagtatakang tanong ko.
"I just want to play, are you hungry na ba?" pagtatanong nya.
"Ay, hindi pa naman" nakangiti kong sabi.
"Good. Lets play muna" nakangiti nyang sabi at hinila ako papasok ng quantum.
Nagpunta sya sa counter machine para magpapalit ng tokens.
Nagpapalit sya ng 100.
Nang makapag palit na ay pumunta kaagad kami sa basketball area.
"Hilig mo yan?" nakangiti kong tanong.
"Yeah" nakangiwi nyang sabi at tsaka naghulog ng dalawang tokens.
Niyakag nya ako pero tumanggi ako dahil hindi ko naman hilig yan.
Nag-umpisa na syang mag shoot ng mga bola. Natawa pa ako dahil sasablay-sablay pa sya.
'Mahilig pala, ah'
Nang huling bola na lang ay tumingin muna sya sa akin bago mag shoot.
Natawa ako dahil sala. 'Yan tingin pa more.'
Nang mapagod sya mag basketball ay pumunta naman kami sa barilan area.
Sumali na ako dito dahil gusto ko ang mga barilan. Magkakampi kami ni ald.
Natatawa ako dahil ngumunguso sya kapag hindi nya mapatay yung mga kalaban.
Nang matalo kami sa laro ay pumunta na kami sa jollibee para kumain.
Habang inaantay namin ang order ay inilabas nya ang cellphone nya.
"Lets have some pics" sabi nya at ini-anggulo na ang camera. "Say cheese" nakangiti nyang sabi at tsaka sunod sunod na pinindot ang camera button.
Natawa ako. Dahil may epic kaming kuha. Nang matapos sya sa kaka picture, ay nag picture ulit kami gamit naman ang phone ko.
Sa sobrang dami naming kuha ay natawa ako.
Ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng ganto ni sami. At yon ang pinagsisisihan ko dahil wala man lang akong remebrance ng pagkakaibigan namin.
Nang dumating ang inorder ni ald ay nagsimula na kaming kumain.
Nahihiya pa nga ako dahil libre nya 'to. Dahil wala akong pera.
"Do you cherish every moment happened with you?" tanong nya bago sumubo ng sphagetti.
"Oo naman" nakangiti kong sabi.
"Yeah, me too. I cherish every moment.. Especially when I'm with you" nakangiti nyang sabi.