Nang makauwi ako galing sa pinuntahan namin ni ald ay dumiretso kaagad ako sa kama ng hindi man lang nagpapalit ng uniform.
Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay isang text galing sa unknown number.
'Are you on your house na? Btw, I enjoyed it.. Sleep well :).'
Yan ang text. Napaisip tuloy ako kung sino yon? Pero naalala ko na ibinigay ko nga pala kay ald ang number ko.
Wala naman akong load kaya't di ko sya na replyan.
Wala kaming klase bukas at required na lahat kami ay naka civillian. Napaisip tuloy ako ng susuotin. Kung magpapantalon kasi ako ay hindi pa ako naglalaba dahil naging busy ako nung nakakaraang nagdaang araw.
Simula kasi ng maging kaibigan ko si ald ay lagi na kaming naggagala. Kulang na nga lang, e, i-ban na kami ng school. Kaso di rin nila magagawa dahil sila ang may ari non.
Naisipan ko na lang na isuot ang mga damit na ibinigay sa akin ni ate bervy nung isang linggo.
Dali-dali akong tumayo sa kama at nagtatakbo sa cabinet ko para kuhanin ang paper bag na bigay sa akin.
Nang makuha ko iyon ay umupo na ako sa lapag para tingnan. Hindi ko pa kasi masyadong napagmasdan ang mga damit nung ibigay ito sa akin.
Nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng isang maong short at croptop na damit.
Bakit naman eto ang ibinigay sa akin ni ate bervy? Hindi ako mahilig sa mga shorts.
Pagkuha ko naman sa sumunod na pares ay isang skirt at fitted white t-shirt. Ang iba ay pantalon, mga shorts, jacket, t-shirt at pares na square pants.
Ang panghuli ay lalo kong ikinagulat dahil dalawang off shoulder dress ang nandito. Isang kulay pink at black.
Sa tagal ng pagtitig ko sa mga damit, sa huli ay pinili ko ang kulay pink na off shoulder dress para isuot bukas sa school.
Nang maiayos ko na ang aking mga isusuot at kakailangin para bukas ay dali-dali akong sumampa sa kama at natulog.
Kinabukasan ay hindi pa lumilitaw ang araw ay gising na ako. Masyado akong excited, dahil ngayon lang ulit ako makaka pagsuot ng dress.
Naglagay lang ako ng clip na bigay sa akin dati ni ate bervy sa aking buhok. Naglagay din ako ng lip gloss para kahit papaano ay hindi mahalata ang pagiging tuyo ng labi ko.
'Wala naman sigurong masama, kung mag-aayos ako ng konti.'
Nang ayos na ako ay kinuha ko lang yung phone ko at tsaka wallet ko bago lumabas ng bodega.
Nagulat ako ng saktong pagsara ko ng bodega ay sya namang tunog ng aking cellphone. Pagtingin ko, ay may isang message.
Pagbukas ko ay,
'I'm here at the entrance of your subdivision.. Its me, Ald :).'
Ano? Nasa labas sya ng subdivision namin? Bakit?
Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa marating ko ang entrance ng subdivision namin. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa nakapamulsang si ald habang nakasandal sa kotse nya.
"What took you so long?" pagtatanong nya at tsaka lumapit sa akin.
"Ano.. maaga pa naman kasi at tsaka hindi ko rin alam na pupunta ka dito" nakanguso kong sabi.
"Because its a surprise" nakangiti nyang sabi.
Ano raw, surprise? Ang aga aga saltek nya kaagad ang bungad sa akin? Napailing na lang tuloy ako.
"Lets go?" nakangiti nyang tanong sa akin.
Nakangiting tumango ako bilang sagot.
Binuksan nya pa ang pintuan ng kotse at pinauna ako bago sya. 'Naks! Gentleman talaga sya.' nakangiti kong sabi sa isip ko.
Tahimik lang kami ng umandar ang kotse. Walang nagsasalita kaya sobrang tahimik.
"You're beautiful" bigla nyang sabi.
Medyo nanlaki pa ang mata ko at tsaka tumatawang humarap sa kanya.
"Ako maganda? Sinong binola mo" tumatawang sabi ko.
"I'm serious" sabi nya habang ang tingin ay nasa kalsada.
"Edi, thank you" sabi ko.
"That's all you can say from what I say? Thank you?" medyo may inis sa tono nya. "Unbelievable" dagdag nya pa.
"Tama naman yung sinabi ko" nakanguso kong sabi. "Ano bang gusto mong sabihin ko pa?" dagdag ko.
"You should also said I'm han--, ugh! nevermind" inis na sabi nya.
Natawa ako. Yun lang pala ang gusto nyang sabihin ko hindi nya pa sinabi sa akin.
"Yun lang pala ang gusto mong sabihin ko, sana sinabi mo sa akin" nakangiti kong sabi.
Saglit syang tumingin sa akin at tsaka nag-iwas ng tingin, nahihiya.
"Oh sige, Ald.. ang gwa--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nyang prineno.
"Don't say it na nga" nakangusong sabi nya.
"Sorry" nakayukong sabi ko.
"It makes me shy kasi" nahihiya at nakanguso nyang sabi.
"Ang cute mo" nakangiti kong sabi.
"Stop it na nga" sabi nya at tsaka binuksan ang makina ng kotse at tsaka umandar.
Natawa ako, hanggang sa makadating kami sa school ay tumatawa ako. Medyo naiinis pa si ald pero ngumiti na din sya nung hule.
Nang maglakad kami paakyat sa building namin ay tinginan ang mga estudyante sa amin.
"Look sissy, may kasamang maganda si papa ald" malungkot na sabi ng isang estudyante.
"Oo nga no, bagay sila.. Nakakainggit" malungkot ring sabi ng isa.
"Omg, tunay nga na may kasama si ald na babae" sabi naman ni jade ng tumigil sila sa harapan namin kasama si nina.
"Are you all blind? Si hope lang yan" sabi ni nina. "Kahit anong idamit nya basura pa rin sya, wala syang panama sa atin... Always a cheap" dagdag nito.
Nahihiyang napaatras tuloy ako.
"You called her what? A cheap? Didn't you know that she is classy?" sarcastic na sabi ni ald.
Napatingin tuloy ako sa kanya.
"And you said, 'wala syang panama sa inyo?" salubong ang kilay na sabi nya. "You know what, there is.. Its her beauty in and out" galit na sabi nya. "Ohhh! I forgot plus her brain too" sarcastic na sabi nya.
"Tsk, wag mo namang hayaang tingnan ka namin as a loser dahil sumasama ka dyan" sabi ni jade kay ald.
"I am not a loser! You and her are!" sigaw nya sa dalawa. "Bullying someone, is a sign that you're a loser" nakangisi nyang sabi at tsaka ako hinila paalis don.
Hila-hila nya ako hanggang sa makarating kami sa roof top.
Pwersahan kong inalis ang kamay nyang nakahawak sa palapulsuhan ko. Nagtataka syang tumingin sa akin.
"Ang bad mo kasi sa kanila" nakanguso kong sabi. "Sinigawan mo pa at tsaka inaway" dagdag ko.
"Its because they're bullying you" sabi nya.
"Ayos lang naman sa akin, opinion nila yon, e" sabi ko sa kanya.
"But that's foul na" paliwanag nya sa akin.
"Alam ko" natatawang sabi ko.
"You knew but do nothing? what a naive" parang di makapaniwalang sabi nya.
"Ayoko lang ng away" nakangiti kong sabi.
"Ok! But do not listen to society's negative messages... Because negative messages do not serve you" nakangiti nyang sabi.
"Oo naman" nakangiti kong sabi.
"Good" nakangiti ring sabi nya. "Lets go muna sa cafeteria, I'm hungry" sabi nya at hinila na naman ako.
Nang makarating kami ay kinuha nya kaagad ang menu at tsaka pumili ng bibilhin.
"Choose what you want, its my treat" nakangiti nyang sabi at tsaka inabutan alo ng isang menu.
Dalawa kasi ang cafeteria ng school namin. Yung isa ay bilihan ng mga snacks at etong isa ay para naman sa mga pang breakfast, lunch at tsaka meryenda.
Inorder ko na lang ay yung sinigang na may kanin at isang sprite in a can. Nakakahiya kasi kay Ald magpalibre, mahal pa naman ang bilihin.
"That's all that you want?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"Oo" sabi ko.
"But that's 85 pesos" sabi nya.
Malaki na kaya ang ganong pera.
"Busog naman ako don" nakangiti kong sabi. "At tsaka aanhin ko pa ang mamahaling pagkain kung di ko naman enjoy.. Edi sayang rin" dagdag na sabi ko.
"You have a point" tatango tangong sang-ayon nya. "Alright, this is also what I want to eat" dagdag nya.
"Bakit naman?"
"I just want to try" nakangiti nyang sabi.
"Sige.. Sabi mo, e" kibit balikat na sabi ko at tsaka umupo na.
Tahimik kaming kumain ni ald. Ganto pala ang lasa ng sinigang sa cafeteria na'to. Sobrang sarap!
"First quarter end.. What things you want to throw away on monday?" biglaang pagtatanong nya sa akin.
Napatingin ako sa kanya ng naka kunot noo.
Kada end of quarter kasi ay may ganito ng tradisyon ang school namin. Magtatapon kami ng isang bagay na ayaw na naming isama sa second quarter dahil feeling namin malas.
"Bakit naman gusto mong malaman?" pagtatanong ko.
"I just want.. Is it bawal?" nagtatakang tanong nya.
"Hindi naman" sabi ko.
"Great! So what is it?" pagtatanong nya, puno ng excitement.
Tiningnan ko sya ng seryoso.
'Sarili ko.'
"Yung panyo ko" sabi ko.
"What? A handkerchief? Why?" nagtataka na nyang tanong.
"Wala akong maisip na itapon, e.. Kaya yun na lang" nakangiti kong sabi.
"But you have paper and ballpen.. Why don't does stuff?" tanong nya.
"Dahil mahihirapan na akong makahanap ng kapalit ng papel at ballpen kapag itinapon ko yon" paliwanag ko.
"Eh!?" parang di makapaniwalang sabi nya.
Nginitian ko na lang sya at tsaka nagpatuloy sa pagkain.
Sayang 'to grasya na, e..
Nang matapos kami sa pagkain ay pumunta kami sa lab para i-ayos yung pagkakasunod-sunod ng program na magaganap mamaya.
"Good morning sir Agapita" sabi ni ald.
Dali-dali tuloy akong napatingin sa taong nasa pintuan.
"Good morning" nakangiting sabi ni sir agapita kay ald at tsaka bumaling ng tingin sa akin. "Good morning, hope" nakangisi nyang sabi sa akin.
"G-ood morning din po" medyo nauutal na sabi ko.
"Ngayon lang kita nakita na nagsuot ng ganyan" sabi ni sir. "Bagay sayo.. Ang sexy mong tingnan" tatango tango pang sabi ni sir.
Napaiwas tuloy ako ng tingin kay sir at saglit kaming nagkatitigan ni ald.
"Uhm sir? What brings you here?" pagtatanong ni ald, hindi man lang gumamit ng po.
"May gusto lang kasi akong tingnan" nakangiting sabi ni sir at tsaka tumingin sa akin.
"As in here? In lab?" sarcastic na sabi ni ald kay sir.
"What?" medyo gulat na tanong ni sir.
"Kidding" nakangising sabi ni ald.
Umiling si sir sa kanya at tsaka tumingin sa akin.
"Bakit pala yan ang suot mo?" tanong nya.
Hindi ako makasagot. Nanginginig ako at kinakabahan.
"Hope? I'm asking you, bakit ganyan ang suot mo? Ikaw lang ata yung nakita ko na nakaganyan" sabi pa nya.
Naka kunot noo ko syang tiningnan.
"Bakit po ako lang ang pinapansin nyo?" sabi ko. "Marami pong ibang babae ang naka short at nakapalda meron rin pong naka croptop pero bakit yung suot ko lang po ang pinapansin nyo?" pagtatanong ko kay sir.
Medyo nagulat sya sa sinabi ko pero maya-maya lang ay ngumisi sya.
"Did I offend you? Its not my intention" nakangiti pa nyang sabi.
"Alam ko naman po" sabi ko.
Nagmadali tuloy akong lumabas ng lab pero hinawakan ako ni ald sa palapulsuhan kaya napatigil ako.
"Say sorry to her" seryosong sabi ni ald kay sir.
"Ano? Bakit ko naman gagawin yon? Tinatanong ko lang naman sya" sabi ni sir.
"You're not asking her, you're disrespecting her.. Old bald" nakangising sabi ni ald kay sir agapita at tsaka ako hinila papunta sa spot namin.
"Ano.. Salamat" sinserong sabi ko kay ald.
"Tsk, you're so innocent and kind" iiling-iling na sabi nya sa akin. "His surname should not be agapita, instead agapota" sabi ni ald.
Natawa ako..
"You still can laugh after what happened? Unbelievable" sabi nya.
"Hindi naman kasi ako naapektuhan sa mga sinasabi nila" nakangiti kong sabi.
"Why?" pagtatanong nya.
"Di naman kasi sila mahalaga sa akin" sabi ko.
"Huh?" medyo naguguluhang sabi nya.
"Ibig kong sabihin, hinding hindi ako maapektuhan sa mga sinasabi nila dahil hindi naman sila mahalaga sa akin" paliwanag ko.
"Ahh" tatango tangong sabi nya. "But, honestly.. I'm laughing hard kanina" nakangiti nyang sabi.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Because, you supposed to be angry but, it turns out na ang lumanay mong magsalita" nakangiti nyang sabi.
"Ganon ba ako kanina? Yun na yung pinaka galit ko na boses" nakanguso kong sabi.
"Really? Cute" sabi nya.
Natawa ako kaya natawa din sya.. Ending tuloy nagtawanan na lang kami.
"Good day, fellows" rinig naming salita ng SC president sa mga speaker. "I remind you to go to gymnasium because the pageant will start in just a few minutes, thank you" pagtatapos na sabi.
"Tara na sa gymnasium?" yaya ko sa kanya at tsaka inilahad ang kamay ko.
Pinagmasdan nya lang kaya nagtaka ako.
"So this is what it feels?" tanong nya.
"Huh? Anong feels?" pagtatanong ko.
"To have a butterfly in stomach" nakangiti nyang sabi sa akin at tsaka kinuha ang kamay ko.
—ckc...