09🌻

2114 Words
Nang makarating kami sa gymnasium ay medyo nahilo pa ako dahil sa dami ng estudyante na nandito. Inabangan siguro nila ang mga kandidata nila. "There are plenty of students" nakakunot noo pang sabi ni ald. "Oo nga, e" sabi ko sa kanya. "Come with me, nag reserved na me ng seat" sabi nya sa akin at tsaka ako hinila ulit papunta sa unahan. Napailing ako. Minsan talaga mas mukha pang babae sa akin si ald lalo na kapag nagsasalita na sya ng conyo. Ang arte kasing pakinggan pag nagsalita sya. Paupo pa lang ako ay nagulat ako ng kulbitin ako ni ayessa. "Pwede ba kitang mahiram saglit?" nahihiyang tanong nya sa akin. "Ah, oo naman" nakangiti kong sabi. "Uhm, ald sasama lang ako saglit kay ayessa ah?" paalam ko kay ald. "Yeah! Sure" nakangiting sabi nya sa akin. "I'll wait for you" dagdag nya. Ngumiti na lang ako sa kanya bago ako sumama kay ayessa papunta sa backstage. Bakit naman dito kami pupunta? "Uhmm, hope pwede ba akong makahingi ng favor sayo?" nahihiyang tanong nya sa akin. "Oo naman.. Ano ba yon?" nakangiti kong tanong. "Pwede bang pakisagutan 'tong question na'to?" sabi nya at tsaka iniabot sa akin ang isang piraso ng papel. Nakangiti ko yung sinagutan. Madali lang naman ang pinapasagutan nya, e. "Salamat" nakangiting sabi nya ng maiabot ko sa kanya ang papel. "Walang anuman" nakangiti ring sabi ko. "Nga pala, ang ganda ng tanong ni ms sa inyo" dagdag ko. Maganda kasi ang tanong tapos medyo na weirduhan ako kasi parang kakaiba yung tanong. "Oo nga, e" sabi nya sa akin. "Sige, balik na ulit ako don" nakangiti kong sabi at tsaka sya tinalikuran. "Hope!" sigaw nya kaya napalingon ulit ako. "Bakit?" naka kunot noo kong tanong. "Anong meron sa inyo ni ald?" pagtatanong nya. Lalo tuloy nangunot ang noo ko. Bakit naman nya naitanong yon? "Bakit mo naitanong?" pagtatanong ko din. "Nahahalata ko kasi na parang may something sa inyo" sabi nya. "Magkaibigan lang kami ni ald" sabi ko. "Kung ano man ang napapansin mo sa amin, close lang talaga siguro kami" nakangiting dagdag ko. "May gusto ka ba sa kanya?" pagtatanong nya ulit. Nagulat pa ako ng itanong nya yon. "Ayessa, magkaibigan lang kami ni ald" paliwanag ko sa kanya. "At tsaka wala pa sa isip ko ang mga gusto gustong yan" dagdag ko. "Ah" parang nahihiya na nyang sabi. "Sige mauna na ako" nakangiti kong paalam at tsaka sya tinalikuran palabas ng backstage. Saktong paglabas ko ng backstage ay may humila sa akin. Pagtingin ko si sir agapita. Hila-hila nya ako papunta sa cr ng mga lalaki. Nagpupumiglas ako pero masyado syang malakas. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng itulak nya ako ng malakas sa pader. Nangilid ang luha ko dahil sa sakit. Lalo pa akong umiyak ng halikan nya ang leeg ko at tsaka hawakan ang pwetan ko. Pinipilit ko syang itulak pero nagulat ako ng hawakan nya ng kanang kamay nya ang pareho kong kamay. Sa sobrang kaba ko ay sumigaw ako ng sumigaw para kahit papaano ay may makarinig. "Tumigil ka!" sigaw nya sa akin. Pero hindi ko sya pinakinggan at nagpatuloy sa pagsigaw. "Ayaw mong tumigil ah" sabi nya at kasunod non ay ang malakas na pagdampi ng kamay nya sa pisngi ko. "Ano titigil ka na!?" sigaw na tanong nya sa akin at tsaka sinampal ulit ako. Lalo na akong napaiyak. "Ang arte arte mo titikman lang naman kita, e" nakangisi nyang sabi at tsaka hinalikan ulit ako sa leeg. Lord? Patawarin nyo po ako sa gagawin ko. Inipon ko lahat ng lakas ko at tsaka sya binayagan. Nang mamilipit si sir sa sakit ay kinuha ko na ang tyansang yon para tumakbo. Takbo ako papunta sa gate ng school. Pero nakasarado 'to at bawal lumabas. Kaya tumakbo ako papuntang roof top. Nang makarating ako sa roof top ay nanghihinang umupo ako sa lapag at tsaka doon umiyak ng umiyak. Hindi ko maintindihan si sir. Maling mali ang ginawa nya.. Nawala ako sa pag-iyak ng maalala na inaantay nga pala ako ni ald sa may gymnasium. Tatayo na sana ako kaso masakit yung katawan ko kaya pinili ko na lang umupo. Nang tingnan ko ang relo ko ay pasado alas nuebe na. Paniguradong nagsisimula na ang pageant. Ipinikit ko na lang ang mata ko at tsaka nilanghap ang simoy ng hangin.. "You're here lang pala" sabi ni ald. Ka conyo-han pa lang nya sya na sya, e. Nakangiti ko syang tiningnan. "What happened to you!?" medyo malakas na pagtatanong nya, puno ng pag-aalala. Lumapit sya sa akin at tsaka hinawakan ang mukha ko. Naiiwas ko tuloy ang paningin ko sa kanya. "Wala, nadapa lang ako" palusot ko. "May nadapa bang nasa lips ang dugo?" sarcastic nyang tanong. "Oo, lalo na kung yung mukha mo ang naunang bumagsak" sabi ko. "Hope! I'm serious" nagbabanta nyang sabi. "Seryoso din naman ako" depensa ko. "What happened nga?" pagtatanong nya ulit. "Wala nga" nakangiti kong sabi. "Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin?" naka kunot noo nyang tanong. 'Dahil ayokong pandirian mo ko kapag kinuwento ko sayo' "Wala nga lang 'to" nakangiti kong sabi, nangungumbinsi. "Your dress is punit-punit" sabi nya. Napatingin tuloy ako sa damit ko. Napunit pala ang taas nito pati ang laylayan. "Sumabit kasi sa kawad" pagdadahilan ko. "Tsk, come with me" sabi nya at tsaka at hinila. Dali-dali kaming pumunta sa parking lot at tsaka sumakay sa kotse nya. Dali-dali nya itong pinaandar. Walang nagawa ang guard kundi pagbuksan si ald ng gate. Napakapit ako sa seatbelt ng mahigpit dahil sa sobrang bilis ni ald magpatakbo. Gigil na gigil sya at sobrang diin ng kapit nya sa manibela. Hindi ko sya makausap dahil natatakot ako na baka sigawan nya ako. Kaya pinili ko na lang na tumahimik. Itinigil nya ang sasakyan sa isang napaka laking bahay. Mansyon na mansyon ang datingan. Kanila bang bahay 'to? Pinagbuksan nya ako ng makababa sya at tsaka hinila ako papasok sa loob. "Bring me the first aid kit and ice in my room" sabi nya dun sa babae. At tsaka hinila ako pataas. Hinihingal ako dahil ang daming hagdan. Tumigil kami sa isang malaking pintuan. "Get in and wait there magbibihis lang ako" seryosong sabi nya. Pumunta sya sa isa pang kwarto. Nahihiyang binuksan ko ang pinto ng guest room at tsaka pumasok. Namangha ako dahil sobrang lawak at ganda ng kwarto. Walang wala ang tinutulugan ko dito, e. Naglibot ako sa kwarto. Ang ganda dahil white, gray and black ang theme ng kwarto. Napukaw ang atensyon ko ng makita ko ang mga nakahalerang picture ni ald simula bata hanggang sa paglaki nya. Bata pa lang sya mayaman na sila. At tsaka bata pa lang kitang kita na yung ka gwapuhan nya. Sa kakalibot ko sa mga nakahilerang picture ay may isang picture na nakatalikod. Titingnan ko sana 'to kaso dumating agad si ald. "Upo" sabi nya at itinuro ang kama. Nagmamadaling sinunod ko sya. Hindi sya nagsasalita sa halip ay nililibot nya ang tingin sa akin. "Darn that old bald" seryosong sabi nya. "Ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong nya. "Oo naman" nakangiti kong sabi. "So, ano ang real reason?" tanong nya sa akin. "Nadapa at sumabit lang" sabi ko. "Tsk, you don't want to share" nakanguso nyang sabi. "Ayos lang ako promise" sabi ko at tsaka nag sign pa ng promise. "Starting today you should be more careful, huh?" pagpapa-alala nya sa akin. "Oo naman, lagi naman akong maingat" sabi ko. "I know, but please more careful" sabi nya. "Sige" nakangiti kong sabi. "Kamusta nga pala ang pageant? Sinong nanalo?" pagtatanong ko. "Nina" bored nyang sabi. "I was shocked nga because her answer was sobrang ganda" dagdag nya. "Maalam naman kasi si nina" sabi ko. "I know.. But her answer was concrete, that even our classmates can't believe" sabi nya. "Grabe naman parang wala kayong tiwala kay nina, e" sabi ko sa kanya. "We do trust her.. But you know her brain IQ" sabi nya. "Matalino naman si nina ah" depensa ko. "I know.. But her brain doesn't suit that pageant" depensa naman nya. "Ald? Wag kang nang mamaliit ng tao dahil lang sa nakikita mo sa kanila, malay mo sa future mas maging successful pa sila kaysa sayo" sabi ko. "Ok.. My bad, sorry" sabi nya. "By the way, you're so kind.. I wonder why" dagdag na sabi nya. "Mabait naman kasi talaga ang lahat ng tao. May iba lang talaga na nakakalimutan kung paano maging ganon" sabi ko. "You have a point" sabi nya. "Uhmm can I ask you?" pagtatanong nya sa akin. "Oo naman" sabi ko. "Do you trust me?" tanong nya. Napatingin ako sa kanya. seryoso ulit sya. "Oo naman.. Bakit mo naitanong?" pagtatanong ko sa kanya. "Nothing.. I just wanna know lang naman" nakangiti nyang sabi. "Ah" yun na lang ang nasabi ko. "By the way?" biglaan nyang sabi. "Ano yon?" tanong ko. "10 years from now, where do you think you are?" tanong nya. Bakit naman kaya nya natanong? "Naka formal attire at may hawak na mic" nakangiti kong sabi. "You want to be a reporter?" medyo hindi makapaniwalang tanong nya. "Oo, bata pa lang ako gusto ko na ang propesyon na 'yon" nakangiti kong sabi. "Eh ikaw?" tanong ko sa kanya. "Me? I want to be at your side" nakangiti nyang sabi. Natawa ako. Ang cheesy ng banat nya. "Saan ka natuto ng cheesy pick-up line na yan?" tumatawang tanong ko sa kanya. "It just came out on my mouth.. Unexpectedly" kibit balikat nyang sabi. Hindi ko sya sinagot at tsaka tinawanan lang. Minsan pala talaga may isang salita tayong hindi natin inaasahan na talaga namang ikakahiya nating sinabi pa natin. "Do you mind if I ask?" nahihiyang tanong nya. Napailing na lang ako. Bukod sa mahilig syang manghila ay mahilig rin syang magtanong. Kalalaking tao, e. Hahaha. "Ano namang itatanong mo?" sabi ko. "As of now, who do you trust the most?" pagtatanong nya. "Bukod kay god, at ate bervy.. Ikaw" nakangiti kong sabi. "Why me?" parang hindi makapaniwalang tanong nya. "Lagi kang nandyan kapag kailangan ko ng tulong" sabi ko. "Ah! Don't worry, I'm always here to protect you.. Even if I'm risking my life" nakangiti nyang sabi. "Bakit mo naman itataya ang buhay mo para lang sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Your life doesn't deserve my protection.. You should live your life just like what you want to do and not to protect me" pangaral ko sa kanya. "Eh? That's how I want to live my life.. To protect you" depensa nya naman. "Bakit naman gustong gusto mo kong protektahan?" nakakunot noong tanong ko sa kanya. Hindi sya nakasagot sa tanong ko at iniiwas lang ang paningin sa akin. "Sir? Ready na po ang lunch" sabi ng maid sa may pinto matapos nitong kumatok. "Yeah. Were coming" sabi ni ald at tsaka ako hinila pababa. Nang makarating kami sa kusina ay puro paghanga na naman ang makikita sa mukha ko. Sobrang laki! Parang mas malaki pa sya sa bahay na tinitirahan ni mama. "Sit" sabi ni ald ng ihila nya ako ng isang upuan. "Salamat" sabi ko ng maka upo ako. Nilagyan ng maid ang plato ko ng kanin kaya agad ko yung kinuha. "Ako na po" magalang na sabi ko. "Ah hindi na po, trabaho po namin 'to" magalang ring sabi ng isang maid. "Alam ko po ang trabaho nyo.. Pero kaya ko naman po kaya wag na po kayong mag-abala" nakangiti kong sabi. "Salamat po" nakangiti ring sabi nya sa akin at tsaka pumunta sa salas para maglinis. Kumuha na ako ng konting kanin at tsaka yung ulam nilang adobo at tsaka sumubo. Napapikit pa ako dahil sobrang sarap ng luto. Kasing sarap ng luto ni mama. Kaya kumain ako ng kumain. "Yummy, huh?" nakangisi pagtatanong sa akin ni ald, nang-aasar. "Bawal magsalita ng puno ang bibig" sabi ko. "But its empty?" sabi nya at tsaka ngumanga para ipakita na walang laman ang bibig nya. "Ok" yung lang ang sinabi ko at tsaka ipinagpatuloy ang pagkain. Lagi akong nakakalibre ng pagkain kapag kasama ko si ald. "Hope?" pagtawag nya sa akin. Napatingin tuloy ako sa kanya. "Bakit?" nagtatakang tanong ko. Busy kasi ako sa pagkain ko, baka mamaya kaya nya pala ako tinatawag ay para sabihing ang amos kong kumain. "I--" sabi nya. "I?" pagtatanong ko sa kanya. "I--" ulit nya sa sinabi nya kanina. "Anong I?" pagtatanong ko. "I love--" putol na sabi nya. "You love, what?" tanong ko. Tumingin muna sya saglit sa akin bago umiwas. "I mean.. I love the food tooday" parang nahihiyang sabi nya. "Excuse me, I need to go to comfort room" paalam nya sa akin at nagmamadaling pumunta sa cr. —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD