“Tired?” tanong ko sa aking anak na si Dahlia. She just smiled and shook her head, then approached her brother, Rowan. “Hi baby ni Mama Dahlia, nag pasaway ka ba kina Yaya?” tanong nito sa kanyang bunsong kapatid. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang anak ko na dalagang-dalaga na. Kasama siya sa mga topnotcher sa bar exam at ang gusto na treat mula sa amin ay mag feeding daw kami sa mga katutubong Aeta sa Tarlac. Sobrang proud ako sa napakaganda kong anak. Bukod doon, napakabait din nito at may mababang loob sa mga mahihirap. “Daddy, natatakot ako sa bahay ni Mamita. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Pwede bang isama ko si Rowan pag dadalaw ako doon? Isama na lang namin ang mga yaya niya?” tanong nito sa akin na tinanguan ko. “Anak, may nanliligaw na ba sayo?” tanong ko kay Da

