FIVE YEARS LATER: “Anak! Bilisan muna! Bar exam mo ngayon pero tulog ka pa. Nako ka talagang bata ka! Manang!!!! Pakihanda na po ang pagkain ni Dahlia,” malakas na sigaw ko. “OMG Mommy, late na po ako!” balikwas na bangon ng aking dalaga. Habang sa tabi nito, yakap pa ni Rowan ang kanyang hippopotamus na stuffed toy. Napangiti ako sa closeness ng magkapatid. Parang anak na ni Dahlia ang kanyang bunsong kapatid na lalaki at tama nga ang Mommy Cecilia, para na kaming grandparents ng aming bunsong anak. “Mama Dahlia,” nakapikit na iyak ni Rowan habang kinakapa ang kama kung saan magkatabi sila kanina ni Dahlia na nakahiga. “Mommy is here anak,” bulong ko sabay karga dito. Sinayaw-sayaw ko ang aking bunso, hanggang sa makatulog ulit. “Si Mommy kasi ang ingay ‘e! Mamaya magwawala ya

