Habang kumakanta kami ng birthday song, napansin ko na parang namumutla si Rose. Kaya naman pinisil ko ang kamay nito na nanlalamig. “Are you okay?” tanong ko dito. “Parang nahihilo ako at nasusuka,” sagot nito sa akin. “Mommy, magpahinga ka na muna po kaya? Namumutla ka ‘e,” sabi ni Dahlia na birthday ngayon. “Okay lang ba?” tanong ni Rose na nakangiti na tinanguan nito. 18th birthday ng nag-iisa naming anak, pero ang hiniling nito na regalo, gawin naming schoolar ang ibang schoolmates nito at mag donate kami ng gamot at gamit para sa mga cancer survivors. Kaya't simpleng family dinner lang ang aming pagsasaluhan sana, pero mukhang hindi pa kami kakain ng sabay, dahil masama pakiramdam ni Rose. “Daddy, I think need na ni Mom magpacheck up sa doctor. Baka buntis siya? Kasi tuwi

