Nauna bumaba ng kotse si Congressman Gideon. Habang ako, parang ayaw ko bumaba ng sasakyan. Naiisip ko kanina ang nangyari at nakakahiya pala ang pagiging marupok ko. “Ma’am Rose, kanina ka pa po hinihintay ni boss,” sabi ng isang bodyguard ng matanda. Nangingiti pa ito habang inuuntog ko ng mahina ang noo ko sa sandalan ng upuan sa harapan ko. Ilang minuto pa ang pinalipas ko, bago ako tuluyang bumaba at pumasok sa loob ng bahay. Diretso ako sa taas, kung saan nandoon ang silid namin ni Gideon. Naligo na ako kaagad para mapreskuhan. Pagkatapos ay bumaba na rin, para kumain ng gabihan. Sa dulo na bahagi ng lamesa nakaupo ang gurang. Habang isang dipa yata ang pagitan, mula sa kinauupuan ko. “Ano ‘to?” tanong ko ng padulasin nito ang isang kulay pula na box, papunta sa aking harap.

