Katulad ng unang araw ng pasukan sa eskwela, paggising ko ngayon ay may mga paper bags na sa sala. Ang hiling ko na brand ng mga bags, nandito na. Napaupo na lang ako sa gilid ng coach at tinitigan ang mga mamahalin na gamit. Sa buong buhay ko, ngayon pa lamng ako nagkaroon ng gamit na masasabi ko na kayamanan. Ni minsan sa ilang taon ng pagtatrabaho ko, ni hindi ako nakabili ng gamit na branded. Madalas ukay lang at pre-loved na inaabangan ko lagi sa live ng mga sellers online. Ang suot ko nga na panloob, tig bente pesos lang sa palengke. Ang so-en na brand ng panloob ay pangarap na lang sa akin. Isang beses bumili ako ng isang kahon na panloob, matapos ko labahan, kinuha na ni Jessica at ni tiya Matilda. Naghati pa sila. Kaya mula sa araw na ‘yun, bumibili na lang ako ng mga gamit

