Nagpasya ako na tumungo sa kaibigan ni Rose. Si Jr., susubukan ko humingi sa kanya ng tulong. Ang mga magulang kaso ng lalaki ay ma-impluwensya rin sa larangan ng negosyo. Kung may tao man na hihingian ng tulong ng asawa ko, alam ko na ang lalaki ito. “Anong dahilan at naligaw ka dito, La Costa?” tanong ni Jayvier Castillo Jr., ang kaibigan ng aking asawa. “Gusto ko sana magtanong, baka may alam kayo kung nasaan ang asawa ko?” mahinahon na tanong ko, dahil pagod at wala rin akong tulog. “Nanggaling dito noong nakaraan na buwan. Dahil nga nagtatampo, may babae ka daw,” napaharap ako kay Jasmine na nagsalita mula sa likod ko. “Huh? I don't have other woman. Maybe you're referring to my new business partner? We had a closed-door meeting at a hotel. Some other business associates were

