HINDI ko alam kung ako ba dapat ang mauunang magsalita o siya. Iniisip ko kasi na hello? Siya kaya ang nag excuse sa akin. So meaning siya ang may kailangan sabihin.
Pero tinamaan nga yata ito ng magaling! Ang hayop hindi nagsasalita! Nakatingin lang sa wristwatch niya na akala mo nag-aantay itong magkahimala at bigla nalang magsalita. Baliw na lalaki.
"Wala ka naman yatang sasabihin eh. Balik na ko-"
"Wait."
Parehas kaming natigilan nang bigla niya akong hawakan sa kamay para pigilan.
Kung naririnig lang ang mga kuliglig kahit tanghaling tapat ay naku! Baka nabingi na kaming dalawa. Biglang nagtaas ang kanan kong kilay nang mapansing hindi niya pa din binibitawan ang kamay kong hawak niya.
"I'm sorry." bigla ay sagot niya sabay bitaw sa kamay ko.
Isang pekeng ngiti lamang ang sagot ko sabay tingin sa sapatos ko na akala mo ito na ang pinakainteresanteng bagay sa mundo.
Sa mga oras na ito ,oo!
"So ano na nga Russell? May sasabihin ka ba?" kunyari ay wala akong kainteres-interes sa kung anumang sasabihin niya.
I heard him sigh before turn and look at me intently. Na sa sobrang pagkatutok ay nararamdaman kong parang tumatagos hanggang likod ko ang pamamaraan ng pagtitig niya.
Hindi ko ipapakita sayo na naiilang ako 'no! We're friends! Oo friends! And friends are not awkward to each other! They should talk and look at each other casually! Casually gets mo ba 'yon?
Ngunit tila ako yata ang kailangan umintindi ng mga sinabi ko dahil nang iangat ko ang ulo ko at makitang nakatitig pa rin siya sa akin ay tila biglang nakaramdam ako ng pagbilis ng t***k ng puso.
Naku po! Kumalma ka heart! Hindi pwede 'yan! Friend lang natin yan si Russell! Umayos ka kung hindi masasaktan ka lang din dahil sa kagagahan mo.
Piping panalangin ko habang may papikit pikit pa at paghampas ng mahina sa parte kung nasaan ang puso ko.
Tigilan mo iyang pagtibok mo ng mabilis! Bata pa 'ko! Baka bigla nalang ako atakihin!
"Hey, okay ka lang?"
Awtomatiko akong napaatras nang ngayon naman ay hawakan ni Russell ang kamay ko na ginagamit ko panghampas sa dibdib ko. Dahil sa tuwing hinahawakan niya ako o kaya nagdidikit ang mga balat namin, may kung anong nangyayari sa pintig ng puso ko na nagpifeeling tumakbo ng pagkalayo layo at ganoon na lang kung tumibok!
"Oo okay lang ako. Sabihin mo na kasi kung ano sasabihin mo. Naiinitan na 'ko dito sa labas." kunyari ay galit-galitan na ako. Paypay kunyari ng kamay sa mukha para magmukhang naiinitan kahit hindi naman. Ayaw pa din kasing kumalma ng lintik na puso na 'to.
In love ka 'te? Over na ha. Bawal 'yan.
"I have to buy some gears and stuff for my practice in basketball-"
"Volleyball player ako. I don't know about basketball things." bigla ay singit ko sa sinasabi niya. Nahihilo ka ba?
Totoo naman ah. Bakit ako ang pagtatanungan niya at hindi si Donny? Volleyball ang nilalaro ko. Weird Russell.
"Yup,I know, but I assume you know what the likes of girls are when it comes to the present, right? May balak kasi akong bilhin and hindi ako makapili."
Bibilhan mo pala ng regalo si Shayne bakit sa akin ka pa magpapasama at magtatanong. Kayo itong magkaklase bakit kaya hindi mo nalang itanong? Idadamay mo pa ko diyan sa ka-cheesy-han mo.
"Ah ganoon ba? Exam week na kasi eh-"
"We can go out after that."
"I have my volleyball practice-"
"Still, then we can go after that." ngiting sagot niya.
Bigla naman akong napatingin sa labi niya. Ang pinkish ng labi! Akala mo naka liptint. Ang swerte naman ni Shayne, pwedeng-pwede niyang maramdaman at malasahan...
Ay ano ba 'yan Jade! Bakit ang bastos? Focus Mikaella Jade! You can do it! Russell is just a test! He is your friend, and friends don't think maliciously of one another!
"So okay na?" tanong ni Russell ang nagpatigil sa akin sa pakikipag-away sa sarili ko. Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago tinitigan sa mata ang binata.
"Kailan mo ba balak ibigay iyong regalo?"
"Kapag nabili na?"
Tanga ka ba Russell o tanga? Alangan kapag nabili na saka mo lang naman maibibigay pero wala ka bang specific date?
Iyon sana ang gusto kong sabihin pero kinalmahan ko ang sarili ko at inisip ilang beses na tao din naman si Russell, kaya normal lang na maging maluwag ang turnilyo niya sa utak kahit minsan.
"Ah hehe nagpapatawa ka ba? Medyo di funny ha. Anyway highway, just give me a date and titingnan ko kung busy ba ko o hindi sa araw na iyon, kung hindi sasamahan kita-"
"You sound like you're some kind of politician or celebrity, ha. I'd like to remind you Mikaella Jade Rosales that we are both only sixteen years old. Kaya I'm sure hindi ka pa ganoon kabusy."
Alam niya pala eh. Bakit kasi hindi nalang siya magbigay ng eksaktong araw at oras! Nababara pa 'ko dito eh.
"Okay so we will go out in Sunday, after lunch. Don't worry you don't have to bring any money because I will treat you."
Dapat lang! Hello? Ikaw kaya ang nag-aya sa akin at mang-iistorbo sa araw ng pahinga ko. At additional pa! Si Shayne lang naman ang bibilhan mo ng regalo na ako ang gusto mong papiliin.
Si Shayne na gusto mo pala at hindi ako. Joke! Haha joke lang iyong dulo. Hindi naman masakit eh. Onti lang.
"By the way, we will have a practice game with your section on Friday before lunch. Manood ka ha. Be my cheerleader."
"Baka may practice din kami sa araw na iyon pero wait, sumali ka talaga ng basketball? Marunong ka ba?"
Hindi ako nang-aasar o ano ha. Yes, I know, Russell has a build in his arms and legs pero hindi ko pa kasi siya nakitang maglaro.
"You will see on Friday kaya be there and cheer me."
Cheer me eh andiyan naman si Shayne and her friends! I'm sure boses palang nila dadagundong na agad sa covered court namin. At saka ano nalang iisipin ni Shayne? Na ako si Jollibee at kinukuha ko ang dapat eh trabaho niya?
"But it's my section who will be your oppenent. And you have Shayne who can cheer you up. Aside from that, Donny is in the team. Magtatampo iyon-"
"But I'm your best friend. Can't you make an exception?"
Author's Note: Hi readers. Pwede bang huwag sana muna ninyong bigyan ng mababang rate just because nabitin kayo sa update. Napapaisip kasi ako kung itutuloy ko pa after makita ratings nyo. Sa feedback nyo ako bumabase at kumukuha ng inspirasyon to at least update 2 chapters per day. The story is on going meaning bitin pa talaga. Anyways, thank you for readings.