Chapter Nine

1127 Words
"OKAY class, announcement!" Lahat kaming magkakaklase ay sabay-sabay napatingin nang makitang pumasok at nagsalita ang aming homeroom adviser. We are all giving our attention to her waiting for any announcement she will state any moment. "As you all know, Intramural Meet is approaching but before you compete with other section, year and team, you have to compete to your examination first..." Maririnig ang mga daing ng mga kaklase ko na animo'y hindi pa aware na paparating na ang exam week. Nilingon ko si Bia to see her reaction, pero ang bruha, nakatingin lang sa labas na parang may hinihintay. Tiningnan ko rin si Donny na nakaupo sa may bandang likuran, nang mapansing nakatingin ako ay nginitian niya ako na agad ko rin namang nginitian pabalik. Humarap na ako sa aming adviser at naghintay pa ng sasabihin. "Hoy Bia, nakikinig ka ba?" pabulong kong tanong pero ang tingin ay nasa taong nasa harapan namin. Isang siko pa ay saka lamang ako tinapunan ng tingin ng magaling kong kaibigan. "Oo nakikinig ako-" "Ano sabi ni ma'am?" ngayon ay pang-aasar ko sa kanya. Pero ang bruhilda wala na naman 'ata sa tamang huwisyo dahil hindi na naman kumibo at tumulala na lamang ulit. Akmang sisikuhin ko na naman siya nang biglang may kumatok sa aming pinto. Doon ay nakita ko ang isang binata na tila may hinahanap. Matangkad ito at singkit. Medyo mahaba ang buhok ngunit makintab, na sa tingin ko ay malambot at manipis ang mga ito kung hahawakan. Tila pinoproseso ko pa ang pagtitig ko sa kaniya nang biglang natigil at tumagal ang paningin nito sa pwesto namin. We are not giving each other's eye contact since he is not looking at me directly. At sa hula ko, sa katabi ko siya nakatingin. "Yes Mr. Mirabueno?" Tila naestatwa yata ang katabi kong si Bia nang banggitin ni Miss Saloc ang lalaking ngayon ay nakatayo na sa gilid ng aming pintuan. Parang nagdadalawang-isip ito kung itutuloy ba ang iniisip o hindi. Nang tingnan ko si Bianna ay napansin ko ang paonti-unti niyang pagbaba ng ulo pahiga sa arm desk ng kaniyang upuan na tila may tinataguan. "Hoy Bia-" "Jade 'wag ngayon." mabilisang saad nito sabay tuluyang idinukdok ang ulo sa lamesang nasa harapan at pumikit. Napapansin ko na may sinasabi ito base na rin sa bukas at galaw ng kaniyang bibig. Ganun pa man ay itinuon kong muli ang aking paningin sa lalaking nasa harapan namin at umaagaw sa atensyon naming lahat magkakaklase. Parang nakikilala ko 'to. Hindi ko lang sigurado kung saan ko siya nakita. Natigil lang ulit ang pag-iisip ko nang muli ay magsalita ito. "May I can excuse miss Gutierrez, Miss Saloc?" Oo! Pagkabanggit na pagkabanggit niya pa lamang ng apelyido ni Bia ay agad kong tiningnan ang kaibigan ko na ngayon ay tila hindi sigurado kung iaangat na ba ang ulo o pipirmi sa desisyong nakadukdok ang ulo at magkukunwaring walang narinig. "Hoy Bia, sino 'yan? Ikaw ha-" "Why do you have to excuse her Mr. Mirabueno? Ano mo ba siya at tila hindi ka yata makapaghintay na makita or makausap siya right after our class meeting?" Sa sinabing iyon ng aming adviser ay kaniya-kaniya nang hiyaw at pang-aasar ang maririnig sa aming kwarto na kagagawan ng aming mga kaklase. Paglingon ko sa likuran, nakita kong maging si Donny ay nakisali na rin. "Hoy Bia, excuse ka daw oh. Sino ba 'yan-" "Sabihin mo masakit ulo ko-" Aba ang magaling! Gagawin pa kong sinungaling. Pero syempre, kaibigan ako ni Bia and maybe she has her own reason para magsinungaling ngayon. Akma ko na sanang itataas ang kamay senyales na may sasabihin ako nang bigla namang sumingit at maunang magsalita ang aming adviser. "Okay, Miss Gutierrez, please. You may go out for a second since miss na miss ka na yata ni Mr. Mirabueno." Muli ay naghiyawan at nagsimulang paulanan ng pang-aasar si Bia. Tiningnan ko muna si Mr. Mirabueno kuno kung ano ang magiging reaksyon sa ginagawang pang-aasar ng aming mga kaklase pero nagtaka ako nang isang ngiti lamang ang ginawa niya. Maybe he likes Bianna? Natigilan lang ang paninitig ko sa binata nang maramdamang tumayo si Bia sa tabi ko. I move aside my chair so that she can walk freely and easily.. Dahan-dahan ang mga mata ko patungo sa direksiyon na tinatahak ni Bia. Hindi siya makatingin nang diretso sa lalaking hinihintay siya sa pintuan. Panay lamang ang iwas niya ng mga mata at tingin sa kaniyang mga kuko sa kamay. "So going back class, like I was saying, your examination day will be on Monday to Wednesday and after that..." Nagsimula na ulit magsalita si Miss Saloc ngunit hindi ko na ito iniintindi dahil nasa napapaisip ako ngayon kung ano nga ba ang pakay ng binata sa kaibigan ko at sino siya sa buhay nito. O baka naman may hindi sinasabi sa akin si Bianna! Naku! Iniisip ko palang na naglilihim na pala sa akin si Bia ay parang nagtatampo na ako. Napatigil lang ako sa pag-iisip nang mapansin kong parang naging tahimik ang paligid ko. I quickly turn my focus and attention to the person in our front. And to my shock, Miss Saloc is still standing there. She was standing there and not talking. May nangyari ba? Bakit tahimik sila? Ganoon na ba ako kalutang para hindi malaman kung ano na pinag-uusapan nila? "Miss Rosales?" Agad akong napatayo sa aking kinauupuan nang marinig ang tawag sa akin ng aming adviser. "M-maam..." Akala ko announcement lang? Bakit parang may surprise oral recitation? "Someone's also looking for you. Hindi mo ba ako narinig kanina?" "P-po?" agad akong napalingon sa pintuan. Doon ay nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki na animoy may kinakausap pa. Nang unti-unting pumasok sa isipan ko ang tanging taong hinahanap ako maya't maya na akala mo hawak ko siya sa leeg. Don't tell me. Ikaw na naman yan... "Mr. Miranda? Jade is already standing. You can take her out- I mean you may talk to her now for a second." Naghiyawan na naman ang mga kaklase ko. Baliw ba sila? Anong trip nila at para silang mga sintu-sinto? Sabi na nga! Naku Russell! Ano na naman 'to! "I can't blame these young man, my section is full of beautiful ladies. Go on! You may now have your Jade and talk about your future. " "Thank you Miss." saad ng binata bago lumabas ng aming silid. Hiyawan na naman at pang-aasar ang naririnig ko at naaasar ako! Parang mga sira itong mga 'to. Para ding sira itong si Russell, hindi man lang tumutol sa sinabi ni Miss Saloc. Duh! May Shayne Ortal na iyan! Pinapaasa nyo lang ako ay este ang sarili nyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD