Chapter 10 Lallaine's POV Lunes na, at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko, na may kasama si Nathan na babae. Ewan ko ba kung bakit ko pa iyon iniisip, hindi na dapat. Pero curious lang naman ako kung sino siya, isa pa, sa araw-araw na pagpapaalala sa akin ni Layla tungkol doon ay normal lang na hindi iyon mawala sa isip ko. Lagi kasi siyang napapaisip kung sino raw kaya ang babaeng iyon, kung girlfriend ba niya o friends with benefits lang sila. Tila sigurado siya sa nabasa niya sa ngiti ng dalawa sa isa't isa. Ako hindi ko nakita ang mukha ng babae, pero siya ay nakita at alam niyang may halong mang-aakit daw ang tingin niya kay Nathan. Gusto ko sanang pagdudahan ang hula niya, pero sng hirap din dahil bilang writer ay alam ko kung gaano ka-observant ang ka

