Chapter 9 Lallaine's POV "Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko," sabi ni Layla habang sumisimsim sa straw ng milktea na iniinom niya. Lunch breaks namin kaya nagpasya kaming lumabas muna ng café para makapag-usap kami nang maigi tungkol sa contract. Sinabi ko na sa kaniya ang pasya ko at ang naging deal namin ni Nathan. Tiningnan ko siya habang nakadikit ang straw ng fruity ko sa labi ko. "Tama naman siya, ako ang naunang magpanggap na hindi ko siya kilala." Bumagsak ang balikat niya at tinagiliran ako ng ulo. "Hindi kasi iyon ang inaasahan ko." "Ano bang inaasahan mo?" Nag-isip siya saka ngumisi. "Kagaya ng mga nangyayari sa movies, books, magkakaroon ulit ng second chances-" "Gaga, fiction lang 'yon," putol ko kaagad sa kaniya. "Isa pa, may boyfriend ako. Malay mo ma

