Chapter 20 Nathan's POV Pagkabukas ko ng pinto ng shop ay tumunog ang bell sa pinto niyon, this time ay mukhang aware na si Lallaine sa kapaligiran, tumingin kaagad siya sa gawi ko para tingnan ako at hintayin na makabalik sa kaniya. Nakita kong itinago niya ang cellphones niya sa ilalim ng mesa, at muling binalikan ng atensyon ang laptop ko. Hands on my pocket when I reach her, while she's pretending that she's smiling, looking up at me waiting for me to seat down. Umupo na ako sa tapat niya at pinanood lang siya habang hinaharap sa akin nang bahagya ang laptop ko. "Matrabaho pala ang revision na gusto mong mangyari, pero 'wag kang mag-alala, aasikasuhin ko ito. Bigyan mo ako ng deadlines." Suminghap ako at kinuha ang laptop ko sa kaniya. Isinara ko iyon at nakita kong pinapanood niy

