Chapter 21 Lallaine's POV "Sinsbi nya yon sa 'yo?" maintriga at malisyong komento ni Layla nang ikuwento ko sa kaniya ang mga huling nangyari kanina sa meet-up namin ni Nathan kanina. That he wants me to attend their camp. Alam ni Layla ang nangyaring hindi pagkakasunduan namin ni Gabriel kaya alam niya kung bakit nagdadalawang isip ako kung tama ba ang ginawa kong pagpirma. Syempre hindi sang-ayon si Layla, but she knows what I would do just for this relationship to work. Hindi niya na rin ako pinipigilan dahil alam niyang nari-risk ang relasyon ko kay Gabriel, so at the end of the day, ako lang talaga ang maaring mag-decide. Pagtapos naming mag-usap ni Nathan ay ni-review ko ulit ang contract, at nakasaad nga roon na kailangan namin makapag-published ng 3 books sa kanila. Yung novel

