CHAPTER 2

1041 Words
CHAPTER 2 Lallaine's POV Hindi ko na makilala ang sarili kong boses sa bawat daing ko sa tuwing may maaabot siya sa loob kong hindi ko maipaliwanag. This is our 2nd year anniversary in a relationship, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na aabot kami ni Nathan ng dalawang taon, kahit na hindi naging madali dahil hindi ko siya naging priority. Kaya naman ngayong ikalawang taon namin ay ito ang tanging naibigay ko sa kaniya. Ang kabuuan ko, kasama ang buong puso ko. "Aah, Lallaine," tinawag niya ang pangalan ko na nakapagpadilat sa akin. Sinalubong niya ang mga mata ko, mga matang nangungusap, sumisigaw ng libo-libong salita at emosyon na hindi ko kayang isa-isahin. *** "Good morning po, Sir." Napakurap ako nang biglang nagsalita si Layla sa tabi ko at humakbang palabas ng lift. "Oh, the two writers," ani ng isang maputing lalaki at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. "Nathan, 'wag ka na palang umalis, nandito na ang hinihintay natin. Our new writers, hopefully." Umiwas na ako ng tingin. Nababaliw na ba ako? The moment that I laid my eyes on him, talagang ang alaalang iyon ang una kong naalala? Masyado pa akong bata nang mga panahon na iyon. Masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin ko. Inakala ko na kapag nakalagpas na ng isang taon ang relasyon namin ay masasabi ko nang siya na talaga. Pero hindi pala. Nilingon ako ni Layla, naging cue ko iyon para lumabas na ng lift. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang umatras si Nathan para bigyan ako ng daan palabas. "Well, we're so glad to see that you are here. The novel you made has a lot of potential, especially nowadays, the readers are very fond with seriesn of books," ani ng isang lalaki habang nagmumuwestra sa amin ng isang mahabang sofa para upuan namin. Isang opisina lang ang napasukan namin kaya hindi kasing lawak ng usual na conference room, pero sapat na iyon para magkasya ang tatlong lalaking nag-aabang sa amin at kami ni Layla sa dalawang sofa na magkaharap sa malapit sa desk. "By the way, I'm Kevin Gilo, the Chief in Editor of GotYou Publishing. And this is Jacob Lustre, and Nathaniel Marquez, two of our editor that'll handle your novel once you signed a contract with us." Naglahad kami ng kamay at kami naman ni Layla ang nagpakilala. "Layla Vulgar, nice to meet you po." "Lallaine Mercado po, nice to meet you." Nagpilit ako ng ngiti kahit na sobrang hindi ako komportable na kaharap ko siya ngayon. Ngunit halos mawala ang ngiti ko nang kunin niya ang kamay ko para sa shake hands. "La-" "Nice to meet you, Sir," sabi ko kaagad para mapigilan siyang magsalita ng kahit ano na magbibigay ng clue sa mga kasama namin na magkakilala kami. I don't know what sense of denying it, pero ayokong may makaalam ng past namin. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya, marahil nakuha niya kaagad ang ginagawa ko. Inilipat ko na lang ang tingin ko sa Chief in editor at pormal na ngumiti para lang maiwasan siya ng tingin. Sana ay hindi mabasa ang kabang nadarama ko. Umupo na kami sa sofa, magkatabi kami ni Layla, habang si Sir Jacob at Nathan sa harap namin. Si Sir Kevin ay nasa single couch. Halos wala akong maintindihan sa pinagsasabi ni Sir Kevin, at ni Sir Jacob. Nakaka-distract ang damang-dama kong panonood sa akin ni Nathan. s**t! Ano ba itong ginagawa niya? It has been 5 years since the last time we saw each other, bakit kailangan niyang tumitig sa akin? Ako lang ba ang naaasiwa, dahil kung makatingin siya sa akin ay parang oo, ako lang. Dammit! "So, are you two agree?" Napatingin ako kay Layla nang siniko niya ako. Kitang-kita ko ang excitement sa mga ngiti at mga mata niya. Ang nobela namin ay binubuo ng series na collaboration namin ni Layla. Dalawang books pa lang ang naisusulat namin na siyang ini-submit namin sa open submission ng publishing, at kung pipirma kami bilang exclusive writer nila ay otomatikong sila rin ang magpa-publish ng next books ng series at sa iba pa naming magiging akda. "Ano, game na?" Napaawang lang ang bibig ko. Hindi ako maka-oo sa kaniya. Ang kaninang sigurado kong sagot, excitement ay parang isang bula na bigla na lang nawala, nang makita ko si Nathan. Nathan, as my editor? No way! Matapos ng mga nangyari sa amin? Kahit kailan ay hindi ko naisip na makikita ko pa ulit siya. "She seems want to decline," tikhim ni Nathan. Napatingin ako sa kaniya. Malalim ang tingin na ipinataw niya sa akin. Nai-imagine ko na unti-unti rin sa kaniyang bumabalik ang mga nangyari sa amin, kaya kung kanina ay kalmado lang siya, ngayon ay iba na ang tingin niya sa akin. Para bang pasimple niya akong tinitingnan ng matalim. "That's normal, Lallaine. Good thing is that we can give you some time to think. We'll give you the sample copy of our contract, so you can think and understand everything." Pagkatapos ng meeting namin ay inaya ko kaagad si Layla na umalis na para makahabol pa kami sa shift namin sa bookshop. "Oy, loka! Bakit nagmamadali ka? At higit sa lahat, bakit nagpapabebe ka pa? Sana pumayag ka na kaagad para ma-process kaagad 'yong contract." Hindi ko sinagot si Layla at ipinagpatuloy ang mabilis kong lakad. Ang tanging gusto ko na lang ay ang makaalis na sa building na ito. Natigilan lang ako nang may umalingawngaw na boses sa hallway. "Lala!" Mariin akong napapikit. Hindi ko nakuhang lingunin manlang siya ngunit dama ko ang paglapit niya sa amin. "Si Sir Nathan. Bakit alam niya ang nickname mo?" bulong sa akin ni Layla na siyang lumingon imbes na ako. "Lala..." Napahinga akong malalim nang marinig ko ang mas malapit niya nang boses sa akin. Kahit na parang nanghihina na ang tuhod ko habang unti-unting bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari sa amin, ang dati naming relasyon, pinilit ko pa rin siyang harapin nang taas noo. Hindi ko alam kung maloloko ko pa siya, pero ayoko sanang makita niyang apektado pa ako. "Bakit mo kami sinundan, Than?" "Than?" gulat na bulalas ni Layla. "Siya si Than?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD