Tumakbo kaming dalawa ni Athena sa hallway papunta sa unit ni sir Shawn. Naiwan sina Marga at Leila sa bahay para ipaalam kila Kuya Ez ang dahilan kung bakit wala ako sa bahay. Ano kaya ang nangyari? Pagdating namin doon ay pinindot ni Athena ang passcode sa unit ni sir at ako naman ang nagbukas ng pintuan ng condo ni sir. “Ano'ng nangyari rito?” Pambungad kong tanong nang makita ko ang itsura ng condo. Sobrang daming kalat at mga basong nabasag! Nanlaki ang mga mata ko sa naisip, nagwala ba si sir? “Hindi ko alam, Ate. Pagpunta ko kasi rito kanina, nakarinig ako ng nagbabasag. Hindi na ako pumasok at dumiretso sa bahay ninyo,” sagot sa akin ni Athena. Pinulot ko 'yung mga papel, magazines, at kung ano-ano pang nakakalat sa sahig. Pati mga basag na baso ay pinulot ko rin. Wawalisin ko

