"Inori Michelle Shou!"
Napabalikwas ako nang bangon dahil may sumigaw lang naman sa tapat ng tenga ko. Bwisit na buhay 'to. Dalawang araw na nga akong hindi nakatutulog nang maayos tapos may gugulo naman sa pagtulog ko ngayon. Oo. Dalawang araw na ang nakalilipas nang pumunta ako sa condo unit ni sir Shawn. Linggo ngayon kaya wala akong pasok. Pero bakit may nang-iistorbo sa akin sa rest day ko?
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ng mga kaibigan ko.
"Anong ginagawa ninyo rito?" tanong ko sa kanila dahil parang ang aga-aga pa naman.
"Wala lang, chi-ne-check lang namin kung ano na ang nangyayari rito sa kuwarto mo, baka kung ano na ang nangyari sa'yo, eh," sabi ni Leila.
"Saka, baka bumaha na rito sa loob ng kuwarto mo sa kaiiyak mo eh." si Marga na pinipigil ang pagtawa.
Alam ba ninyo kung bakit inaasar nila ako? Ganito kasi 'yun.
"Oh Inori? Anong nangyari sa'yo?" si Leila. Nandito siya sa bahay namin ngayon para mangumusta dahil hindi nga ako nakapagkuwento sa kanila kung ano ang nangyari dahil hindi ko naman sila nakita. To be specific, nasa kuwarto ko si Leila ngayon. Welcome na welcome kasi silang dalawa ni Marga rito sa bahay namin.
"Bakit? Ano bang meron sa akin? Wala namang nangyari," sagot ko kay Leila.
"Sure kang wala? Eh, grabe nga 'yung eyebags ng mga mata mo. Sobrang lalim at nangingitim na."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Leila. Napatingin tuloy ako sa salamin.
"WAaAH! BAKIT GANITO?! ANG ITIM AT ANG LAKI-LAKI NG EYEBAGS KO! WAAAH!" Nagsisisigaw ako at tumakbo papalapit kay Leila.
"Aray naman! Para saan naman 'yang batok na 'yan?!" Singhal ko kay Leila dahil ang lakas ng pagkababatok niya sa akin. Napahawak tuloy ako sa ulo ko at napakamot doon sa parteng binatukan niya.
"Eh kasi naman! Nagulat ka pa, eh sinabi ko na 'yon sa'yo!" Tinulak niya ako ulit papalapit sa salamin.
Tinignan ko ang reflection ko roon. Hindi! Hindi ako 'to! Ang pangit-pangit ko na! Ang laki ng eyebags ko, tapos ang g**o pa ng buhok ko! Para akong zombie!
"Sandali, sandali lang. Tatawagan ko lang si Marga." di-nial na ni Leila 'yung number para matawagan si Marga.
"Hello, Marg!"
"Oh, bakit?"
"Punta ka rito sa bahay nila Inori bilis! May zombie rito!" Tumawa pa si Lei sa sinabi niya.
"Oh! Nakikita ko nga. Ang laki ng eyebags mo, Inori!"
Huh? Teka, nasa'n ba 'tong babaeng 'to at paano niya nasabing nakikita niya 'ko?
"Huh? Nasaan ka ba, Marg?"
"Nasa bintana ng kuwarto ni Inori."
Lumingon kami sa may bintana at viola! Nando'n nga si Marga sa bintana ng kuwarto ko! Doon yata siya dumaan at hindi sa pinto ng bahay namin!
Kumaway siya sa amin bago pumasok sa loob.
"Ang pangit mo, Nori! Kailangan mo ng oplan makeover!" si Marg.
Nagulat sila nang bigla na lang akong humagulgol, kaya naman nag-panic silang dalawa.
"T-Teka? Sabi ko lang na kailangan mo ng oplan makeover, umiyak ka kaagad?"
Si Leila naman ay lumapit sa akin at yinakap ako.
"Spill it when you're ready," bulong niya sa akin. Si Marga din ay yumakap na.
Nang mahimasmasan ako ay nagkuwento na ako sa kanila tungkol sa lahat ng nangyari sa loob ng unit ni sir Shawn noong nakaraan.
"Don't give up! Fiancé mo si Sir kaya wala na siyang magagawa! 'Wag kang magpatatalo kay Ma'am Cleo. Aja, aja! Go, fight for him! Ilang taon mo na siyang crush at ngayong may chance na kayong dalawa, grab the opportunity!" Ayan lang ang sinabi nilang dalawa sa 'kin bago sila umalis.
At ayon nga, nandito sila ngayon para mangumusta ulit sa akin.
"Tumayo ka na riyan, at sisimulan na natin ang iyong oplan make-over!" si Marga 'yan. Hindi pa rin maka-move on sa kaniyang oplan make-over.
"Eh! Okay lang ako! Ayaw ko niyan!" Pagtanggi ko sa kaniya at umiling pa ako.
Kaso nga lang, si Leila, pumunta na sa walk-in-closet ko at naghanap na ng mga damit. Lumabas siya sa walk in closet ko na may 10 plus siguro na mga dress.
"Maligo ka na roon, dali. We'll wait for you here." Tinulak na ako ni Margarette sa loob ng banyo kaya naligo na ako dahil alam kong hindi naman ako tatantanan ng dalawa kong kaibigan.
Pinaupo ako ni Marga sa harap ng salamin pagkalabas ko ng banyo. Magaling siya sa mga make-up at si Leila naman, magaling pumili ng mga damit. At ako naman...
Uh, saan nga ba ako magaling?
"Tatakpan natin 'yang eyebags mo okay. Dali, pikit ka." Inumpisahan na nga ni Marga na kalikutin ang mukha ko.
"Magaling kang mag-ayos ng buhok kaya ibahin mo na lang 'yang ayos ng buhok mo," sambit naman ni Lei.
Ah! Tama! Magaling nga pala ako sa pag-aayos ng buhok!
Nang matapos kami sa make up, sa damit naman kami tumutok. Pinili nila yung color peach na dress na lagpas hanggang tuhod at isang kulay peach din na flat shoes.
"Wear this tomorrow. Hindi naman uniform ang isusuot natin."
"Okay." Tumango ako.
Maganda naman ako kaya hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa nitong sinasabing 'oplan makeover' ni Marga. Pero ayos na rin ito para maiba naman ang looks ko ngayong year.
Ikukulot ko na lang siguro 'yung dulo ng buhok ko bukas.
"Simba tayo," sabi ni Leila.
"Tara!"
Yinaya kami ni Leila na magsimba kaya sumama kami ni Marga. Wala si mommy rito sa bahay pati si daddy, kaya naman si kuya Ezreal at ate Clarize lang ang kasama ko rito ngayon. Dito na rin nagbihis sin Leila at Marga dahil ayaw na raw nilang umuwi sa bahay nila. Napailing na lang ako, mga tamad talaga.
Bumaba na kami pagkatapos magbihis. Nadatnan ko si kuya Ezreal sa sala at si ate Clarize naman ay nasa kusina.
"Good morning Kuya! Good morning Ate!" bati ko sa kanila. Ganun din ang ginawa no'ng dalawa.
"Good morning Inori."
"Where are you three going?" tanong ni Ate Clarize.
"We're going to church!" Energetic na sagot ni Marga.
"Ah. Okay. You three should eat breakfast muna."
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa mga kapatid ko.
"Alis na po kami, Kuya Ez, Ate Clarize," paalam namin sa kanila.
"Okay. Take care."
Nang makarating kami sa St. Joseph Church, kaunti pa lang 'yung mga tao dahil maaga pa nga. Napag-alaman kong 7:30 am pa lang, sadyang maaga talaga ang mga kaibigan ko na nagpunta sa bahay namin.
Umupo kami sa medyo gitnang mga upuan ng simbahan. Hindi pa nag-uumpisa ang misa kaya naghintay muna kami.
"Ate Inori?"
Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko roon si Athena kasama si ate Selene na kumakaway sa akin, at si Seatiel na nakangisi pero nang mapatingin siya kay... Marga? Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Ano kayang nangyari sa kanila?
"Si Ate Inori nga!" Tumabi sa akin si Athena kaya umusog ako nang kaunti para makaupo siya. Umusog pa ulit ako dahil alam kong uupo din si Ate Selene. Hindi niya 'ata ako napansin dahil may katawagan siya sa phone.
"Kuya Seatiel, do'n ka na sa tabi ni Ate Marga. Wag mo na kaming pa-urungin," sabi ni Athena kay Seatiel. Walang nagawa si Seatiel kaya umupo na lang siya sa tabi ni Marga kahit na nagbibigayan sila ng nakamamatay na tingin sa isa't isa.
Nandito silang tatlo, pero... Bakit wala si Sir Shawn?
"Kuya doesn't go to church. Minsan lang." Napalingon ako kay Athena na nakangiti sakin. "You miss him na? And sorry nga pala kasi biglang umeksena si Ate Cleo last-last day. Pero, Ate... They broke up on that day."
Nagulat ako sa sinabi ni Athena. They broke up?
"H-Huh? But, w-why?" tanong ko. Bakit naman sila maghihiwalay, eh, ang alam ko mahal na mahal ni ma'am Cleo si sir ah?
"Exactly. We all thought that Ate Cleo is deeply & madly in love with Kuya but she broke up with my Kuya Shawn." sagot ni Athena sa 'kin.
"P-Pero bakit?"
"I don't know." Athena shrugged and turned her head in front. "Later na lang, Ate. The mass is starting na."
Oo nga. Nakalimutan kong nasa simbahan pala kami ngayon. Masyado kasing na-occupy 'yung utak ko ro'n sa balita ni Athena, eh.
Nang kumanta na ng 'Ama Namin' at maghahawak ng kamay, napatingin ako kila Seatiel at Marga - sa kamay pala nila. Ang higpit ng hawak ni Marga sa kamay ni Seatiel. Tapos si Seatiel naman, hindi ma-drawing 'yung itsura. 'Yung parang namimilipit sa sakit? Gano'n. Ganoon 'yung itsura ni Seatiel. Ano bang meron dito sa dalawa?
Napalingon sa'kin si Seatiel tapos bigla siyang ngumiti pero halata pa ring namimilipit sa sakit. Ay, parang ewan lang!
"Paano pala ako nakilala no'ng kapatid ng fiancé mo? 'Yung Athena ba yun?"
Napaisip ako sa tanong ni Marga. Paano nga ba?
"Oo nga, ano? Kilala ka niya e," sagot ko naman.
"Malamang kilala ka no'n, inaway mo ba naman yung Kuya niya e. 'Yung Seatiel? Infairness, bagay kayo no'n." si Leila na nangbwisit na naman. Hindi na maipinta yung itsura ni Marga tapos bigla na lang siyang tumayo at sinugod si Leila. Tapos, ayun. Nagtakbuhan na silang dalawa.
Nandito na kami ngayon sa bahay. 11:30 am na. Dito rin dumiretso 'yung dalawa dahil dito raw sila manananghalian. Nagpaalam lang kami kina Ate Selene kanina sa simbahan tapos ay umalis na.
Pero, hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Athena. Naghiwalay sina sir Shawn at ma'am Cleo? Bakit naman sila maghihiwalay? Eh ang alam ko, mahal nila ang isa't isa, eh. Sila pa nga 'yung Mr. & Ms. Couple Teacher last year sa intrams. Pero ano'ng nangyari? Dahil ba sa akin, kaya sila naghiwalay?
Wow, Inori! Assuming ka na pala ngayon? Hayy. Ang g**o talaga ng isang relasyon.
"Uy! Ano ba'ng iniisip mo? Kanina ka pa ganiyan." Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Leila at Marga na medyo hinihingal pa.
"Kasi... Si Sir Shawn saka si Ma'am Cleo..."
"Ano? Break na?" diretsang dugtong ni Leila.
Tumango ako.
"Oh. My. Goodness."
"What?! Totoo ba 'yan?"
Tumango ulit ako. "Athena's source."
"Tao po! Dito po ba 'yung bahay ni Inori Shou?! Ate Inori?!" Nagkatinginan kaming tatlo nina Leila at Marga. May sumisigaw sa labas ng bahay.
"Is that Athena Mendrez?"
"Kakakita lang ninyo kanina ah? Na-miss ka kaagad?"
Tumakbo ako palabas dahil sumisigaw pa rin siya. Paglabas ko ay inilibot ko ang aking mga mata sa paligid namin, baka kasi may nakaririnig kay Athena na sumigaw, nakahihiya! Bawal pa naman mag-ingay sa subdivision namin!
"Bakit Athena?" tanong ko.
"Ate can you go with me?! Please, Ate," sagot ni Athena sa akin. Nagmamakaawa pa ang tono ng boses.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Saan tayo pupunta?"
"Si Kuya Shawn kasi..."