“What are you doing here?!” baritonong boses ang sumalubong sa akin nang maka-recover si sir Shawn sa pagkatulala niya kanina.
“Ah...” Waaaah! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Bakit ko ba kasi binuksan agad 'tong pinto ng banyo, eh!
Buti na lang, nandito sina Ate Selene at Athena. Hinila nila akong dalawa kaya napunta ako sa gilid ni Sir Shawn. Hindi na kami magkaharap ngayon.
“Athena & I invited her here. Come on, twin! Don’t be rude!”
“Tss,” sagot lang ni sir at dumiretso sa isang kuwarto, siguro ay iyon 'yung kuwarto niya.
“See? Takot sa 'kin 'yun eh!” Ate Selene said proudly.
Tumawa si Athena. "You’re so yabang, Ate” sambit pa niya.
“Stop ruining my moment, Athena Demeter!” saway naman ni ate Selene sa kapatid niya.
Parehas tuloy kami na tawa nang tawa ni Athena dahil halatang bwisit na bwisit na si Ate Selene.
“Let’s go na nga! Let’s continue watching.”
Bumalik na kami sa sala. Pagka-upo ko pa lang ay abot-abot na ang kaba ko. Kung kanina, nakakapag-focus pa ako sa pinapanood namin, ngayon hindi na. Bakit ba naman kasi nandito si Sir? This is so embarassing! Bakit kasi hindi ko muna tinanong kung uuwi ba ngayon si Sir dito 'di ba? Nakakainis!
“Relax, Ate Inori. Hindi naman nangangagat si Kuya Shawn.” sambit ni Athena at hinawakan ang kamay ko, pagkatapos ay ngumiti siya sa akin. Nginitian ko na lang din siya at inilipat na ang mga mata ko sa flat screen TV.
“Can the three of you leave now?!” galit na boses ang narinig namin nang lumabas si sir Shawn sa kanyang kwarto.
“What the hell, Shawn?! Can’t you see that we’re watching here?! You’re very rude. Tsk.” si Ate Selene 'yan. Oh yeah! Sir Shawn is afraid of her. Pinigilan ko ang tumawa dahil sa naisip.
“Tsk, Cleo is coming here later. So, you three should leave as soon as possible.”
Napayuko ako dahil sa narinig ko. Si Ma’am Cleo. Pupunta. Pupunta siya rito mamaya.
“The fiancée and the girlfriend, huh? Who will gonna win my twin brother’s heart?” Humalakhak si Ate Selene.
“You are so brilliant, Ate! I think this day will be the judgment day.” Nagtawanan silang dalawang magkapatid habang si sir naman ay nakakunot ang noo sa dalawa. Nilabas ko na lang ang cellphone ko para makapag-text kina Leila at Marga.
Leila & Margarette
Sir Shawn Mendrez is here.
Leila Shin
Totoo?!
Margarette Castilliano
Wtf? Is that real?!
Ako:
Yes.
Leila
Oh, anong reaksyon ni Sir nung nakita niyang nandyan ka?
Margarette
OMG.
Hindi ko na sila na-reply-an dahil biglang nagsalita si Sir.
“I will choose my GIRLFRIEND.” sagot ni sir kaya natahimik sina ate Selene at Athena. Pati ako ay napatahimik pa lalo, kahit na tahimik naman na ako. Naka-emphasize ba naman 'yung salitang 'girlfriend.'
Parang may pumana tuloy sa kaliwang dibdib ko dahil biglang kumirot iyon.
Tumahimik na sina ate Selene at Athena. I want to go home now. Ang sakit. Ang sakit-sakit! Wala man lang konsiderasyon sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ni sir na maging gano'n o gano'n ang talaga siya. Is this karma? Pero bakit? Bakit ako kakarmahin? Mabait naman ako, matalino, I have all the good qualities. Hindi rin naman ako mang-aagaw. Hindi ko rin naman kasalanan na ako pala ang ipakakasal ng mga magulang ni sir Shawn sa kanya.
Bumuntonghininga ako. What a life!
“Athena.”
Napalingon ako kay Ate Selene nang tinawag niya si Athena.
“Yes, Ate?”
“Samahan mo ako please? Diyan lang sa restaurant nitong condo. I want to eat some canapé.” tumayo na si ate Selene kaya tumayo na rin si Athena.
“Okay.”
So, ano? Iiwan nila ako rito sa professor kong mas evil pa kay Lucifer? Paano 'yung mga binili nilang pagkain sa drive thru, hindi na ba nila iyon kakainin?
“Inori. Stay here, & wait for us okay? What do you want? We’ll buy for you na lang.”
“Anything will do Ate Selene. Thanks.”
Bago sila lumabas ng condo, lumapit muna sakin si Athena at bumulong.
“Chill, Ate Inori. I know Kuya Shawn is not as evil as what you think of him.” yeah, what? She can read actions too? Kumindat pa siya sa akin.
Family of action readers. This is so insane!
Umupo ako nang maayos at pinagpag ang damit ko. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil baka mag-burst out si Sir ng galit niya sa akin. Galit niya sa akin dahil I am a hindrance between him and Ma’am Cleo. I am -
“Inori.” Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano dahil biglang nagsalita si sir.
“Y-yes p-po?” Lumingon ako sa kaniya.
“I just want you to know that I agreed on that f*****g agreement but it doesn’t mean that I love you.”
Ang straight to the point naman nito ni sir! Now, what? Ito na ba? Ito na ba ang pagsabog ni Sir? Parang lalo lang akong nanghina dahil sa huling tatlong salitang sinabi niya.
“Y-Yes Sir. I know. And I’m not hoping,” bulong ko.
What the heck? Sabi ko, hindi ako umaasa pero sa loob-loob ko, asang-asa na ako. This is all a lie!
“Then, that’s good. I’m saying this to you because I don’t want to give you false hope. And I just agreed because of my father. Kaya mabuti nang nagkaiintindihan tayong dalawa.”
Oo na, sir! Oo na nga, eh! Naiintindihan ko! Hindi mo na kailangan pang ulitin!
“Y-yes Sir. I-I understand.”
“Excuse me.” Naglakad na si sir Shawn papunta sa kuwarto niya.
Nakaiiyak. Nakaiiyak at nakaiinis. Gusto kong bugbugin si Sir dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin pero ayaw ko dahil professor ko siya. At isa pang dahilan ay crush ko kasi siya kaya ayaw kong gawin 'yun. At saka hindi ko naman talaga 'yun magagawa, eh. Letse talaga! Nakaiinis! Kung hindi ko lang gusto si sir, baka kanina ko pa siya binato ng soft pillow nitong sofa. Buti nga malambot lang eh.
Hindi na ako magpapaalam kay Sir. Wala din namang pakialam 'yon. Tumayo ako at pumunta ng pintuan palabas ng condo unit ni sir Shawn. Binuksan ko ang pinto ng condo unit niya at lumabas na.
Kaso nga lang naabutan pa ako ni Ate Selene at Athena. Naglalakad na sila pabalik dito sa condo.
“Oh, Inori! Where are you going?”
“Uuwi ka na, Ate?”
“O-Oo eh. Hinahanap na kasi ako sa bahay namin,” palusot ko.
“Aw, sayang naman, Ate. We’ll gonna eat pa nga eh." Nag-pout pa si Athena.
“It’s alright. We’ll see each other next time naman.” Ngumiti si Ate Selene sa akin.
“Sige na nga! Pupunta na lang ako sa school ninyo, Ate Nori.”
Sasagot pa lang sana ako kaso...
“Excuse me? Is Shawn inside?” Lumingon ako sa babaeng nagsalita at nakitang si ma'am Cleo iyon.
“Here’s the girlfriend," bulong ni Athena.
“Yes, Cleopatra. Shawn is inside,” sagot ni ate Selene.
“Thank you Ate Selene!” bumeso muna si Ma’am Cleo kay Ate Selene at Athena bago pumasok ng condo ni Sir. Tumabi ako para makadaan siya. Nakita ako ni ma'am Cleo ngunit hindi niya ako pinagtuonan ng pansin.
“Mauna na po ako. Ate Selene, Athena,” paalam ko sa dalawa.
“Okay! Take this. You take care!” Inabot sakin ni Ate Selene 'yung binili nilang canapé sa restaurant nitong condo.
“Thanks Ate.” Tumalikod na 'ko sa kanila at nagsimulang maglakad.
Hay! Today is a bad day.