Papasok na ako ngayon sa school. Para akong zombie’ng naglalakad dahil sa laki ng eyebags ko sa ilalim ng aking mga mata. Hindi kasi ako nakatulog kagabi kaiisip doon sa engagement thingy na 'yon. Bumuntong hininga ako. Sa totoo lang ayoko naman ng gano'n eh. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa 'yung nasangkot sa sitwasyon na 'to. Yes, I admit. Ultimate crush ko na si sir Shawn since first year. Pero, ito? Iyong ganitong set-up? I don’t like this. Para kasing lumalabas pa na isa akong mang-aagaw. Mamaya mailgay pa ako sa headline article ng university tapos ang title, ‘Student of Burlington University, Inori Michelle Sayson Shou, mang-aagaw ng boyfriend.’ oh 'di ba? Alam ko na ang OA ko mag-isip pero ganoon talaga ang naiisip ko. Hindi naman kasi pwedeng hindi malaman ng mga estudyante at co-teachers ni sir 'yung nangyayari sa amin.
Pero hindi nila pwedeng malaman... As far as I know, bawal ang relasyon na ganito sa loob ng campus. Oh, fate Stop playing with my destiny please?
Nandito na ako sa 5th floor ng building para sa first class ko ngayong araw. Buti na lang hindi si sir Shawn ang first subject ko ngayon. Dahil kung siya, feeling ko ay hihimatayin ako. Buti na lang din, isa lang ang class ko ngayon. Makakapagpahinga pa ako.
“Ouch! Watch where you're going,” sigaw sa akin ng nakabangga ko. Yes! May nakabangga na naman ako. But this time, it's a girl. And definitely not Sir Shawn Mendrez.
“I’m sorry po,” sambit ko at yumuko.
Nag-angat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang makitang si ma’am Cleo ang nakabangga ko! Tumungo na lang ako ulit dahil baka kung anong magawa sa 'kin ni ma'am.
“Ms. Inori Shou of 4th-year college of Psychology,” sabi ni ma’am sa akin.
“Y-yes ma'am?”
“Nothing.” Ma'am Cleo give me a smile that is so unfamiliar to me. “See you around Ms. Shou.” Nilagpasan niya na ako.
Ilang minuto pa 'kong tumunganga roon sa kinatatayuan ko bago lumakad ulit. Lutang ako habang papunta sa room kaya naman bigla akong nabangga sa poste. Mahina akong nagmura. Bakit ba kasi may poste rito?
“Aray ko po,” bulong ko sa sarili ko habang hawak ang noo kong nauntog.
Naglakad na lang ulit ako kahit nahihilo pa ko sa pagkauntog ko ro'n sa walang hiyang poste na 'yun. Katangahan din kasi Inori, eh!
Nakarating ako sa room na hawak-hawak ko pa rin ang noo ko. Buti naman at nakarating ako rito nang hindi natutumba.
“Oh, Inori? What happened to you? Ba’t may bukol ka?” tanong sa akin ni Leila pagkaupo ko sa tabi niya. Siya lang ang kaklase ko ngayon. Hindi namin kasama si Marga dahil mamaya pa ang pasok niya.
“Nabangga ako sa poste,” sagot ko kay Leila at nag-puppy eyes sa kaniya.
Industrial and Organizational Psychology ang subject namin ngayon. Hindi pa naman dumadating si Ms. Ramos kaya maingay pa ang mga classmates namin.
“Pfft.” Hindi na napigilang tumawa ni Leila kaya kumunot ang noo ko sa kanya. Napatingin din sa kanya 'yung mga kaklase namin dahil nage-echo sa buong room 'yung boses niya dahil sa sobrang lakas niyang tumawa.
“What’s funny, Lei?” tanong ko sa kanya at kinunutan siya ng noo. Para kasing ewan, tumatawa nang walang dahilan tapos hindi naman ako maka-relate.
Tumatawa pa rin siya habang nagsasalita, "S-Sorry.... Natawa lang ako sayo kasi sabi mo nabangga ka sa poste. Ang tanga mo! Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan! Ayan tuloy nagkabukol!” sambit niya tapos tumawa ulit siya. Ang sama talaga nitong babaeng 'to. Instead of taking me to the clinic para magamot 'tong bukol ko, tinawanan pa talaga ako! Sa susunod nga, ipapa-seat in ko rito si Bryan, tignan natin kung makatawa pa 'tong kaibigan ko.
Bago pa ako makasagot, dumating naman si Ms. Ramos. Yung teacher namin sa Chemistry.
“Sit down class,” sabi sa amin ni ma'am. Ayaw niya na kasing binabati siya or nagbabatian pa kami. Gusto niya, proceed agad sa lessons.
“Okay, all of us both know that...”
Umiikot ang tingin ni ma'am habang nagsasalita siya hanggang sa nag-stop 'yung tingin niya sa akin. Na-conscious naman ako bigla dahil biglang kumunot ang noo niya habang nakatingin sakin.
“By the way, Ms. Shou, what happened to you?” Nakakunot ang noong tanong niya. Ah. So ayon pala 'yon.
“Uh, wala po ma’am nauntog lang po.” Hinawakan ko ang noo ko.
Narinig ko naman ang mahinang pagpipigil ng tawa ni Leila sa tabi ko kaya tinignan ko siya nang masama pero hindi man lang natinag ang bruha! Tumatawa pa rin.
“Ah. So that explained why. Next time, Ms. Shou, be careful okay?”
“Y-Yes ma'am.”
Nagpatuloy na siya sa pag-di-discuss kaya nakinig na lang ako kaysa sa pakinggan ang pagpipigil ng tawa ni Leila. Oo, hanggang ngayon natatawa pa rin siya.
“As I was saying earlier, we both all know that we’re studying the field of I-O Psychology. I-O Psychology is the another term for Industrial and Organizational Psychology. What is the meaning of our subject?” sambit ma'am.
I’m sure alam 'to ni Leila kaya lang ayaw sumagot. Wala rin namang nagtataas ng kamay sa amin dahil siguro natatakot sa sobrang seryoso ni ma’am.
“C'mon guys! I’m not going to eat you! Raise your hands if you know the answer.”
Pinagaan na nga ni ma'am 'yung atmosphere pero wala pa ring nagtataas ng kamay. Hindi ba talaga nila alam 'yung sagot? Tumingin ako kay Leila. Tumingin din siya sa akin, then she mouthed ‘I forgot the answer.’ Aish! Kaya naman pala hindi rin nagtataas ang isang 'to!
“No one knows the answer?” Kinuha ni ma'am ang record book niya. “So, I guess I should force you.”
Nagsisimula na si ma'am na tumingin ng pwedeng tawagin sa kaniyang record book upang may sumagot ng tanong niya kaya nagtaas ako ng kamay.
“Yes, Ms. Shou. You know the answer?”
Tumayo ako at inayos ang sarili bago sumagot, “I-O Psychology is the branch of psychology that applies psychological theories and principles to organizations.”
Napa ‘whoa’ naman sila sa sagot ko. Seriously? 4th year college na kaya kami tapos ay hindi pa nila alam 'yun? Sinabi rin ni ma'am na mag-advance study kami kaya alam ko na ang sagot.
“Very good, Ms. Shou. You may take your sit now.” Ngumiti si ma’am sa akin at tinuloy na ang pagdi-discuss niya.
After an hour, natapos na din ang I-O psychology namin. Hays. Nakadudugo ng utak 'yun!
“Lei. Ano bang ginagawa mo 'pag nasa bahay niyo?” tanong ko kay Leila habang naglalakad kami sa corridor.
“H-huh? Wala naman. Why did you ask?”
“Eh, kasi naman! Hindi mo alam 'yung meaning ng I-O Psychology no'ng tinanong ni Ma'am Ramos 'yon! Sabi niya kaya sa atin, mag-advance study raw tayo sa subject niya," bulyaw ko sa kaniya.
Siguro hindi siya nakapagbasa tungkol sa subject na 'yon. Nanliit ang mga mata ko. Siguro...
“Aha! Siguro, puro Greek mythology na lang ang mga pinagbabasa mo 'no? O distracted ka kay Bryan?” tinusok-tusok ko pa 'yung kanang bahagi ng bewang niya at itinaas-taas ang dalawang kilay.
Binatukan niya naman ako kaya natigil ako sa pagtusok sa kaniya.
“Stop it, Nori! Hindi ako distracted kay B-Bryan, 'no! Greek mythology kasi ang focus ko!” sigaw niya pa sa'kin.
“Asus!” asar ko pa.
“Halika na nga lang! Pupunta pa tayong clinic, gagamutin ko muna 'yang bukol mong resulta ng katangahan!” Tapos tumawa na naman siya. Parang witch na nga siya eh.
Buti na lang hindi naman gano'n kalaki yung bukol ko at hindi na rin masyadong masakit. Habang naglalakad kami, narinig ko naman 'yung pangalan ko kaya lumingon ako sa likuran ko.
“Ayon! Ayon po si Inori Shou!” Nakaturo pa yung daliri niya sa akin.
“Thank you!” Lumapit sa'kin 'yung babaeng kausap no'ng tumuro sa 'kin.
“Are you Ms. Inori Shou?”
Natulala ako sa babaeng lumapit sa harapan ko. Ang ganda niya. Pointed nose, perfect jaw, chinita eyes, basta ang ganda niya! Nakasuot siya ng dress na kulay violet with black belt and I guess, 3 inches heels. Tapos medyo kulay brown 'yung buhok niya sa dulo. Feeling ko ay mas matanda siya sa akin dahil mukha na siyang matured pero lumalabas pa rin ang ganda niya
Pero wait... Bakit niya 'ko hinahanap?
“Inori! Kinakausap ka oh!”
Bumalik lang ako sa huwisyo ko nang nagsalita si Leila.
“Y-yes po.” sagot ko roon sa babae.
“Nice to meet you. I think you don't know me right? It's obvious with your expression.” sagot niya sa akin.
“Ah." Awkward akong tumawa. "Opo, hindi ko nga po kayo kilala. Sino po pala kayo?”
“I’m Theia Selene Mendrez. Twin sister of Shawn Mendrez,” sambit niya at ngumiti.
Oh. My. God.
May kapatid pa si sir Shawn? And this is her twin sister? Pero ba’t di sila magkamukha?
“We're not identical twins.” sagot niya.
Teka, paano niya nalaman kung ano ang iniisip ko?
“Siguro gusto mong itanong kung paano ko nalaman kung anong iniisip mo? I can read actions. You furrowed your brows, and I conclude that you're thinking na hindi kami magkamukha ni Shawn. Psychologists can do that.”
Kaya naman pala! Psychology din ang course ko pero nakalimutan ko iyon.
Ngumiti lang siya sa 'kin.
“Nori, una na muna ako ha? Pupuntahan ko pa si Marga eh. Bye!” paalam ni Leila.Tumakbo na siya paalis. Gusto ko pa sanang humabol kaso nga lang malayo na siya at hindi ko na maaabutan.
“Ate Selene! What are you doing there? Kanina pa kita hinahanap!”
Lumagpas ang tingin ko ro'n sa twin sister ni sir Shawn. May babae kasing tumatakbo papalapit sa amin at sumisigaw kaya na-divert doon ang atensyon ko.
“Athena! Come here!” sigaw no'ng twin sister ni sir Shawn.
Hinihingal pa 'yung babae nang makarating siya dito sa kinatatayuan namin ng twin sister ni sir.
I think mas bata siya sa akin. She looks like an innocent angel. Nakasuot siya ng white dress with white din na flat sandals. Lalo tuloy siyang nagmukhang anghel.
“Oh ano? Did you see her na ba?!” excited na sabi no'ng babaeng mukhang angel.
“Yes. She’s in front of you,” sagot naman no'ng twin sister ni sir.
Lumingon naman sa akin 'yung bagong dating na babae. Parang amaze na amaze siya dahil nakanganga pa siya. Tumawa ako, ang cute.
“Uh, hello?” sabi ko sa babae at nag-wave ng kamay.
Saka lang siguro siya natauhan dahil nagsisisigaw na siya.
“Omg! Omg! Look! She’s so beautiful! Bagay na bagay talaga sila ni Kuya!” excited na sambit niya.
Wait? So ibig sabihin, kapatid din 'to ni sir Shawn?
Pinatigil ng twin sister ni sir Shawn 'yung babaeng kakarating lang at pinaharap ito sa akin. "Inori, this is our youngest sister."
“Uhm, hi po! I’m Athena Demeter Mendrez. Bunsong kapatid ni Shawn Mendrez. Nice to meet you po, Ate!” sambit niya at niyakap ako. Ganito na ba ang new way of greeting?
“Inori Shou. Nice to meet you too.” Ngumiti ako roon kay Athena nang humiwalay siya sa yakap. Ang cute niya naman! Parang gusto ko siyang iuwi sa bahay namin!
“Ate Selene! Athena!” Narinig ko naman na may tumatawag sa kanila kaya lumingon ako sa likod ko at kung hindi ako nagkakamali, si Seatiel yung papalapit sa amin.
“Seatiel!” Tama nga ako, si Seatiel nga iyon.
“Nandito lang pala kayo! Kanina ko pa kayo hinahanap!” reklamo niya. Nakahawak siya sa magkabilang tuhod niya habang humihinga. Tumayo siya nang maayos at inayos ang postura niya.
“Hi Inori!” bati niya sa akin.
“H-Hello.” sagot ko at awkward na ngumiti sa kanya. Hindi pa naman kami ganoon ka-close.
“Magkakilala na kayo?” sabay na tanong ni Athena at ate Selene.
“Yup. Sa restaurant, yesterday. Hindi kasi kayo nakapunta eh.” sagot ni Seatiel sa kanila.
“Ugh! Ang daya! Dapat kasi sumama tayo eh!” sigaw ni Athena at nagpapapadyak.
Habang pinanonood sila na nag-uusap sa harapan ko, hindi pa rin ako makapaniwala. This is Mr. Shawn Mendrez’s brother and sisters. Spell AWKWARD?
Us.