Lumingon ako kay ate para magtanong din sa kanya kung bakit kami nandito. Nasa kabilang parte siya ng upuan ko at pinagigitnaan nila akong dalawa ni kuya. Hindi ko kayang paniwalaan ang kuya ko dahil alam ko ang tunay niyang ugali, ang hilig-hilig niya kayang mang-asar!
“Ate,” tawag ko kay ate Clarize. Noong lumingon siya ay nagsalita akong muli, “what are we doing here? Bakit nandito yung mga Mendrez? Business partners ba sila nina Mommy at Daddy?” sunod-sunod kong tanong kay ate.
Kumunot ang noo niya. “Huh? Hindi mo pa ba alam? You're engaged with Mr. Shawn Mendrez. Hindi pa nila sinabi sa iyo?” Seryoso ang tono ng boses ni ate Clarize, ngunit hindi ko pa rin talaga kayang maniwala.
Bumuntonghininga ako. Ngayon, isa na lang talaga ang puwede kong mapagtanungan na sasagot sa akin nang maayos. Si daddy!
“Dad,” mahina kong tawag sa kaniya.
Lumingon naman siya sa akin kaagad, “yes, Anak? Bakit?”
“Why are we here po, Dad?” tanong ko rin pabalik.
“We’re settling your engagement with Shawn Mendrez.” Halos lahat ng mga pinagtanungan ko ay pare-parehas lang ang mga sagot.
Nanlaki ang mata ko. Alam kong palabiro si daddy, pero sa puntong 'to, alam ko ring hindi na siya nagbibiro. Sobrang seryoso niya ngayon. Pero... Is this for real?
Umiling ako. Isa na lang talaga. Si mommy na lang ang pag-asa ko.
“M-Mom,” tawag ko kay mommy. Nang lumingon siya sa akin ay nawala ang ngiti sa mga labi niya.
Napalunok ako. Parang ayaw ko na lang ituloy ang pagtatanong. Pero, hindi! Kailangan ko itong maitanong para naman maliwanagan na ako at mapanatag ang loob ko.
“W-What am I doing here? Can I go home? I can commute naman-"
Pinutol kaagad ni mommy ang sinasabi ko. “You cannot leave. The engagement is not settled yet,” sagot niya.
Kanina, unti-unti nang umuusbong ang kaba sa aking dibdib, ngayon, sobra-sobra na ang kalabog ng puso ko. So it's real! This is real! This is all real!
“W-What engagement, Mommy?” tanong ko kahit alam ko naman na. Gusto ko pa ring makasigurado!
“Your engagement with Mr. Shawn Mendrez! Oh, I forgot to tell you this kanina sa airport, Anak. But, you're engaged.”
What the heck is this? I gather all the courage I have in me to speak. Kahit ayoko nang magsalita ay nagsalita pa rin ako.
“But... Sir Shawn has a girlfriend,” sambit ko at tumingin kay ma'am Cleo na nakatingin din pala rito.
Nilingon ko si sir Shawn na nakatingin kay ma'am Cleo. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni sir. Nang nilingon ko naman ulit si ma'am Cleo ay namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata.
This can't be! Ayaw konh maging mang-aagaw! Yes, I am happy because sir Shawn and I are engaged. Pero hindi ko kayang makitang may nahihirapan dahil sa akin! Hindi ko gustong makita na may nasisirang relasyon dahil lang sa kagustuhan ng mga magulang namin!
Natahimik silang lahat sa sinabi ko. Nabasag lang ang katahimikan nang kumalabog ang glass door ng restaurant. The momentum was broken immediately.
“What the f**k?” Bulyaw ng lalaki roon sa babaeng nakabangga sa kaniya dahil natapunan siya ng frappe na hawak ng babae.
“I’m sorry!”
Nanlaki ang mata ko sa narinig kong boses. Kilala ko kung kaninong boses iyon. Hinaharangan kasi ng lalaki 'yung babae kaya hindi ko makita ang mukha ng babae, pero nakilala ko siya dahil sa boses. Si Margarette iyon!
Nilagpasan ni Margarette 'yung lalaking nabunggo niya. Tama nga ako na siya iyon, at kasama niya pala si Leila. Ano 'to? Pumunta ba sila rito para makita na totoo 'yung sinasabi ko?
Luminga-linga muna si Margarette at Leila bago nila nakita 'yung table namin.
“Inori!” sigaw ni Margarette.
Naiilang akong ngumiti sa kanila. Narito pa rin ang kaba sa aking dibdib at hindi ko alam kung ano ang gagawin kung hindi ang umupo lang.
“Good evening po, Tito and Tita.” bati ni Margarette at Leila kina mommy at daddy. Nang makita nila si sir Mendrezay binati rin nila ito.
“Kuya Ezreal at Ate Clarize! I missed you!” sigaw ni Margarette na nakapagpa-agaw pansin sa mga tao na narito sa loob ng restaurant. Hays, kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.
“We missed you too Marg! Grabe ka, ang ingay-ingay mo pa rin!” natatawang sambit ni ate Clarize.
“Leila Shin! Dalaga ka na ah!” si kuya naman, binabati si Leila.
“Yes, Kuya Zeus! Dalaga na talaga 'yan! May nanliligaw na nga riyan, Kuya eh!” Nakisali naman ang kaibigan kong si Margarette sa usapan.
Si Leila naman, todo ang pagtanggi, "hala, hindi po Kuya Zeus! Huwag ka maniwala rito kay Marga.”
Natawa tuloy kami dahil parang bata si Leila at namumula pa. By the way, kuya Zeus ang tawag nila sa panganay kong kapatid dahil iyon ang first name niya.
Tumawa naman si kuya, "okay, okay. Anyway, this is my fiancee, your Ate Cass, and your Ate Clarize’s boyfriend, si Vlad.” pinakilala ni kuya sina ate Cass at kuya Vlad.
“Mom, Dad.”
Sabay-sabay naming nilingon ang nagsalita dahil hindi pamilyar ang boses. Ito 'yung lalaking nakabangga ni Margarette ah? Nakasuot siya ng blue polo shirt at pants na white with his a branded shoes. May pagkahahawig din sila ni sir Shawn. Sa tingin ko ay kapatid niya ito.
“Oh! You're here, Seatiel!” si Mrs. Raquel Mendrez.
Si Margarette naman, umirap lang sa hangin.
“Kuya Shawn, where’s your fiancee?” tanong no'ng Seatiel.
Tumingin naman silang lahat sa akin. Pati si sir Shawn ay lumingon din.
Nang tignan ko 'yung dalawa kong kaibigan, nakangisi sila sa 'kin. Ugh! Ayoko maging center of attraction!
Nagsalita si dad, “this is Inori Michelle Shou, my daughter, and your kuya Shawn’s fiancee."
Tumitig naman sa akin iyong Seatiel. Blangko lang ang ekspresyon, kaya hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
“Seatiel,” tawag ni sir sa kanya na nakapag-divert ng atensyon niya.
“Oh, sorry," he said and put his palm on his nape. “By the way, I’m Seatiel Eugene Mendrez.” sambit niya at nakipagkamay sa akin.
“Inori Michelle Shou.” Nagpakilala rin ako.
Nagpakilala din yung iba naming kasama sa table. No'ng dumating kay Margarette, nagtaas muna siya ng kilay bago nagsalita.
“Margarette Elysa Castilliano,” sambit niya at umirap ulit.
“Vlad Perez.”
“Ate Cassiopeia!” sabi ni Seatiel. Pinsan niya nga pala si ate Cass.
“Seatiel.” ngumiti si ate Cass, at niyakap niya ito.
“So, before we go home, is the engagement settled now?” tanong ni Mrs. Mendrez.
“Yes. How about you, Inori?” lumingon sakin si mommy.
Tumingin naman ako kay sir. Tumingin din ako sa kinauupuan ni ma'am Cleo pero wala na siya roon. Na-divert lang ang atensyon ko nang biglang magsalita si sir kahit na hindi naman siya ang tinatanong.
“Yes, it is settled.”
Wow. Hindi nga yata talaga ako nakikinig sa usapan nila kanina dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Napag-usapan na ba nila lahat? Bakit wala akong naintindihan? Bumuntonghininga ako.
“Mom!” sigaw ko kay mommy nang makarating kami sa bahay.
“Yes, my daughter?”
“I don’t want to be engaged with sir Shawn Mendrez!” I said. Walang pagdadalawang-isip ang sinabi kong iyon. Kahit na crush ko si sir ay alam ko namang mali ito.
“But why anak? You don’t like him? He’s handsome, intelligent-”
Pinutol ko ang sinasabi ni mommy. Sila daddy naman, nakatingin lang at hindi nagsasalita.
“Yes! I don't like him! And he has a girlfriend mom! Can’t you see? Nando'n kanina ang girlfriend niya!”
You liar, Inori. Anong you don't like him? Eh, kulang na nga lang tunawin mo si sir kapag nakatingin ka sa kaniya.
“Oh, come on, Anak. I’m sure you like Mr. Shawn Mendrez. You're in denial only because he has a girlfriend. So what if he has a girlfriend? You're the fiancee.”
“But-" Bago ko pa maituloy ang mga gusto kong sabihin, pinutol na ako kaagad ni mommy.
Bakit niya ba ako pinuputol sa mga gusto kong sabihin? Maraming dahilan kung bakit hindi kami puwede ni sir Shawn para sa isa't-isa! Bukod sa mayro'n siyang girlfriend, professor ko pa siya! It is not allowed!
“Shawn Mendrez agreed about your engagement. What's your problem, Anak? Ayaw mo bang makasal sa kanya? I heard you have had a crush on him since your first year of college. So what is your problem?”
“My problem is you! You are my problem mommy! Hindi mo ba naiintindihan? Ayaw kong makasal sa taong hindi naman ako ang gusto at pinilit lang ng mga magulang na magpakasal kahit hindi niya naman gusto 'yung taong papakasalan niya! Saka isa pa po, he's my Professor! Kaya, please Mom. Please stop this engagement.” Pagmamakaawa ko at hinawakan ang mga kamay ni mommy.
Hinawakan niya rin ang mga kamay ko. “My decision is final. Your Dad's decision is final. You're engaged with Shawn Mendrez, Anak.”