Nandito kami ngayon sa isang kilala at sikat na restaurant, pero hindi ko pa rin alam kung ano ang ignagawa namin dito. Magpapakasal na ba si ate? O si kuya? Mamanhikan na ba ang pamilya nina ate Cass at kuya Vlad?
Kanina pa ako nakatunganga rito. Baka nga naglalaway na ako nang hindi ko namamalayan. Ano ba kasing ginagawa namin dito? Tapos may mga nakalagay pang pagkain sa table pero hindi naman ginagalaw. Kung hindi ko lang alam ang proper table etiquette, kanina ko pa 'yan sinunggaban.
I grimaced. Gutom na gutom na ako.
Nilabas ko na lang ang cellphone ko. Pero dahil bawal sa pamilya namin ang gumamit ng cellphone sa harap ng hapag-kainan, itinago ko iyon sa ilalim ng lamesa. Ite-text ko na lang si Margarette at Leila habang naghihintay.
To: Leila & Margarette
Lei, Marg! Nababagot na ako rito! Nandito kami ngayon sa restaurant. Dumating na si Kuya Ezreal at Ate Clarize kani-kanina lang. Galing kami ng airport.
Hinintay ko ang mga reply nila. Nag-vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag-text.
From: Margarette
Talaga, nandiyan na sina Kuya Ezreal at Ate Clarize? Omg! Anyway, bakit nga pala kayo nandiyan sa restaurant?
Halaaaaaaa! Baka engaged ka na! Hindi ka lang sinabihan ni tita dahil hindi ka papayag!
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Marga kaya hindi ko muna siya ni-reply-an. Nakaka-bad vibes talaga 'yung babaeng 'yun kahit kailan!
Nag-vibrate ulit ang phone ko kaya dumungaw ulit ako sa ilalim ng lamesa. Si Leila naman ang nag-text.
From: Leila Shin
Oh my god! Really? Nariyan na si Kuya Zeus at Ate Clarize? Ano namang gagawin nila rito eh may work sila sa states. Hm, baka naman a-attend sila ng wedding? Or sila 'yung may wedding? O kaya naman, may ipakikilala na naman sa iyo kaya umuwi sila! Lagot!
I rolled my eyes. Isa pa 'tong bruhang 'to. Pinapakaba naman ako, eh! Hindi ko na lang talaga sila ni-reply-an at hindi ko na rin sinilip 'yung phone ko. Baka mamaya makita pa ako nila mommy. Halos ipikit ko na ang mga mata ko kung hindi ko lang nakita si ma'am Cleo na nasa loob din ng restaurant, at nakatingin sa akin! Nanlaki ang mga mata ko, why is she here anyway?
Nagulat naman ako nang tumayo sina mommy at daddy.
"Mr. and Mrs. Aeolus Mendrez."
Unti-unting kumunot ang noo ko. Mendrez? Napalunok ako nang biglang nag-sink in sa akin kung kaninong apelyido 'yung Mendrez.
Kay sir... Kay sir Shawn! Hindi kaya... Umiling ako. It's a no no! A big no! Umiling akong muli. Don't assume until you hear and you see it with your own ears and eyes.
"Oh! Cassiopeia is here too?" rinig kong sabi ng Mrs. Mendrez. Nakayuko kasi ako kaya hindi ko sila nakikita. Boses lang ang naririnig ko.
Binati ni ate Cass yung Mrs. Mendrez at tinawag niya itong tita. So, kamag-anak niya ang mga 'to?
"Yes. She's my Son's girlfriend," sagot ni mommy.
"My fiancée to be exact." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nginitian niya lang ako.
"So, it's a double celebration, then?" sambit no'ng Mr. Aeolus Mendrez at ngumisi.
Ako naman, nakanganga lang at nakatulala sa kanila. Naguguluhan ako. Anong double celebration? Sino ba 'tong mga 'to? Bakit sila nandito? Bakit kasi walang nagsasabi sa akin?
May dumating pa ulit na isang lalaki. Nanlaki na naman ang mga mata ko sa aking nakita.
"Son! You're here!" sabi noong Mr. Aeolus Mendrez.
Binati ng lalaking bagong dating si mommy at daddy.
"Good evening, Mr. & Mrs. Shou." sabay ngiti nito nang tipid.
Nilabas ko ang phone ko sa ilalim ng mesa at nag-type ng i-te-text.
To: Leila, Margarette
Girls! You will not believe me! Sir Shawn Mendrez is here! Nandito siya sa table namin! Pati 'yung mga parents niya! Oh my God, what to do?!
Sent!
Yumuko ako ulit dahil nakaiilang. Nakaiilang dahil bakit nandito si sir Shawn? Ito ba 'yung appointment na sinasabi niya? Bakit naman sila mommy 'yung ka-appointment niya? Business partners siguro sila, ano? Eh, pero bakit kasama ako pati si kuya Ez, at ate Clarize? Kanina pa tanong nang tanong 'tong utak ko pero hindi pa rin nasasagot!
From: Margarette
Weh? Totoo ba 'yan? Baka mamaya, niloloko mo lang kami ni Leila. Don't fool us Inori Michelle.
Aba't, ang bruha, ayaw maniwala? Bahala nga kayo riyan!
From: Leila Shin
Eh! Inori, alam namin ni Marg na crush na crush mo si Sir Shawn simula pa no'ng first year pa lang tayo, pero 'wag ka namang mag-ilusyon, ano? Baka hindi yan si sir, akala mo lang. Pati ba naman diyan pinagpapantasyahan mo si sir? Tsk. You are insane, Inori.
What the heck? Ayaw nila maniwala sa akin! Nag-type pa ako ng ire-reply.
To: Leila, Margarette
Ugh! Nakakainis kayong dalawa! -_- bakit ayaw niyong maniwala? Bahala nga kayo riyan!
"Inori."
Itinago ko kaagad ang cellphone ko dahil narinig ko ang authoritative voice ni mommy. Mas takot ako kay mommy kaysa kay daddy kasi si daddy, chill-chill lang kahit sa work. Pero si mommy? Palaging seryoso at bihira lang tumawa. Totoo nga 'yung sinasabi nilang, opposite attracts, ano? I have the best example.
Inangat ko ang tingin ko kay mommy. Lahat sila nakatingin sakin. Yung Mr. Aeolus at Mrs. Mendrez, nakangiti habang nakatingin sa'kin. Si ate, kuya at 'yung boyfriend at girlfriend nila, nakangiti din sa'kin, pati si mommy at daddy gano'n din. Maliban kay sir Shawn na naka-poker face lang.
Inikot ko ang paningin ko at nakita ko si ma'am Cleo na nakatingin din sa akin. Pero hindi siya nakangiti. Tinaasan pa nga ako ng kilay, eh.
"Inori, come on, don't be rude to Mr. And Mrs. Mendrez!" saway ni mommy sa akin.
Nagkukumahog akong tumayto dahil alam ko na ang gustong ipahiwatig ni mommy sa akin. Kailangan ko silang batiin.
"Good evening po." Sabay yuko ko.
Ayaw kong makita si sir. Ang gwapo niya! Nakasuot siya ngayon ng black long sleeves polo na tinupi hanggang siko, with matching white pants and a Converse shoes. Nakasuot din siya ng Rolex watch. Amoy na amoy din ang pabango niyang kilala ang brand na nakakadagdag lalo sa karisma niya.
"Is this your daughter? Good evening, young lady." si Mr. Aeolus Mendrez iyon. Inangat ko ang tingin ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
"Yes." Tinuro naman ni mommy ang mga kapatid ko. "This is Ezreal, my eldest, and Clarize my daughter too." Si daddy, ipinapakilala si ate at kuya sa mga Mendrez.
"Good evening, Ma'am." bati ni kuya kina Mr. & Mrs. Mendrez. Gano'n din ang ginawa ni ate at ipinakilala ang boyfriend nito na si kuya Vlad.
"So, may we sit now?" si mommy naman na nagyayaya nang umupo.
"Sure!"
"Irene," tawag ni Mrs. Mendrez kay mommy. "Saan ba nag-aaral ang anak mo?" dugtong niya.
Ngumiti si mommy bago sumagot. "She's studying at Burlington University."
"Oh! Ngayon ko lang nalaman? My son Shawn is teaching at that school. Am I right, anak?" sabi ni Mrs. Mendrez.
"Yes, Mom. She's my student," tipid na sagot ni sir. Nanlaki naman ang mga mata nina Mrs. Mendrez at mommy.
"Really? Hm, mukhang hindi na tayo mahihirapan."
What the hell are they talking about?
Kakain na lang ako. Tutal, kumakain na rin naman sila at nagugutom na rin ako.
Si mommy at Mrs. Mendrez ang nagdala ng usapan. Si daddy naman at 'yung Mr. Mendrez ay trabaho ang topic. Ako naman, nakatunganga lang dito. Naghihintay na sabihin sakin kung anong nangyayari.
Kaya naman, bumulong ako kay kuya na katabi ko lang ng upuan. Ang katabi niya naman ay ang girlfriend niya.
"Kuya Ez, bakit ba tayo nandito?" tanong ko kay kuya.
"Wala bang nagsabi sa iyo?" aniya.
"Wala! Nagtanong na ako kanina no'ng nasa airport pa lang tayo, pero walang sumasagot sakin," iritado kong sinabi.
Tumango siya at ngumiti. "We're here because... We're discussing your engagement."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya. Engagement?
"You are kidding me, kuya Ez!" Pasigaw na iyon. Kaya naman napatingin sa'kin ang mga kasama namin sa lamesa.
"Inori, what's wrong?" tanong ni daddy.
"Uh, nothing po." I awkwardly smile.
Napalingon ako kay sir Shawn, nakatingin din pala siya sa akin! Correction, nakatitig siya sa akin!
Tinignan ko ulit si kuya. Ngayon ay nakangiting aso na siya. Tinignan ko siya nang masama.
"I'm not kidding. It's true. You're engaged with your Professor."
I'm what?!
Tinignan ko ulit si kuya nang masama. Malay ko ba kung nagbibiro lang siya 'di ba?
"What? I'm not kidding!" sagot niya.
So... It is true?! My professor is my fiancé?!