CHAPTER 3

2015 Words
Yumuko ako para magsorry ulit. Mariin akong napapikit... Nakakainis! Sa dinami-raming estudyante at teachers dito sa university, bakit si sir Shawn pa 'yung mababangga ko? “S-Sorry, S-Sir! Sorry po talaga, hindi ko po kasi kayo nakita, nakayuko po kasi ako kanina. Sorry po," sambit ko at paulit-ulit na nag-bow. “It’s fine, Ms. Shou. Next time, tumingin ka sa dinaraanan mo, okay? You may leave,” sagot ni sir Shawn kaya naman tumango ako at nilagpasan na siya. Bigla namang dumating si ma’am Cleo. Ang girlfriend ni sir Shawn. “Mr. Shawn Mendrez!” tawag ni ma’am Cleo. Kahit na in a relationship sila, ang pormal pa rin ng tawag ni ma’am Cleo kay sir. Lumingon ako para makita silang dalawa, kitang-kita ko kung paano dumausdos ang kanang kamay ni sir Shawn paikot sa baywang ni ma'am Cleo. Waaaah! I do not see anything. Tuwang-tuwa si ma’am sa sinasabi ni sir Shawn. Hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo na rin ang agwat ko sa kinatatayuan nilang dalawa. Lumakad sila papunta sa direksyon ko kaya pumasok agad ako sa pintuang nasa tapat ng kinatatayuan ko. Sumandal ako sa pintuan at pinakinggan ko ang sinasabi ni ma’am Cleo kay sir. “Si Ms. Inori Shou ba 'yung kausap mo?” mahinang saad ni ma'am Kumunot ang noo ko. Bakit naririnig ko ang pangalan ko? Hindi ko na narinig ang sagot ni sir dahil nakalayo na 'ata sila. Huminga ako nang malalim at nilingon ang pinasukan kong classroom. Music room pala ito. Naglakad na ako sa hallway at nagmamadaling pumasok sa class ko ngayon. Buti na lang at late si ma’am Jane na dumating kaya nauna ako sa kaniya. Nakinig lang ako sa mga lessons niya na puro about sa developing the personality dahil personal development nga ang subject. Bumuntonghininga ako, dapat nandito si Leila, eh! Nang matapos ang klase, umalis agad ako roon sa loob ng classroom at pumunta na sa cafeteria. Nilibot ko ang mga mata ko sa loob bago umorder ng makakain. Nakita ko si Margarette pero wala si Leila. Nasa'n naman kaya 'yon? Pagkatapos kong umorder ay lumapit agad ako kay Marga at nagtanong. “Nasaan si Leila?” tanong ko at umupo na din. “She’s with Bryan,” tipid na sagot ni Marga. Unti-unti akong napangisi. “Getting to know each other?” “Yeah.” Ngumisi rin si Marga. Hindi ko napigilan ang ngumisi nang pagkalaki-laki. Parang ewan na nga ako, eh. Pero wala, masaya ako para sa best friend ko! “May puso rin pala si Leila, ano? Akala ko wala eh, grabe kasi manghampas at magtaray.” Wala sa sarili kong sabi kay Marga habang nakangiti pa rin. God! Stop smiling, Inori! Nanlaki ang mga mata ni Marga sa sinabi ko. Alam ko na ang i-rereact nito. “Anong sinabi mo? Isusumbong kita kay Leila pagdating niya!” sigaw ni Marga kaya tumayo ako at pinakalma siya. Nag-hy-hysterical na kasi eh. “Calm down, Marga!” Tumatawa kong sambit at ipinatong ang dalawang palad ko sa magkabila niyang balikat. “Okay fine! I will, I will! Pero isusumbong pa rin kita.” “Sinong isusumbong?” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Leila sa tabi ko. Nanlaki rin ang mga mata ni Marga. Kasama pa ni Leila si Bryan. “Ah. Eh, wala. Nag-aasaran lang kami ni Inori. Upo ka na Lei!” sambit ni Marga. Kumunot ang noo ko. Sus, hindi niya naman sinabi, eh! “Oh?" Sandaling kumunot ang noo ni Leila ngunit nawala rin iyon kaagad at saka siya tumango. "Okay.” Umupo si Marga sa tabi ko para tabi pa rin sina Bryan at Leila. Habang tinitignan ko sila ay na-realize ko kung gaano nag-ma-match ang mga itsura nila sa isa't-isa, napangiti na naman tuloy ako. “Saan nga pala kayo galing?” usisa ko kay Leila. Bigla naman siyang namula kaya tinignan ko si Bryan na nag iwas ng tingin bago magsalita. “Sinamahan ko lang siya sa library.”si Bryan na ang sumagot. “Okay.” Nagkwentuhan na lang kami ni Marga at hindi na sila inistorbo dahil may sarili rin naman silang mundo. Pinag-usapan lang namin kung gaano ka-terror 'yung mga teachers namin ngayong year. Pagkatapos naming kumain ay umalis na ako para sa next class ko, 3 subjects na lang ang a-attend-an ko ngayon dahil tapos na 'yung dalawa. 5 classes lang naman kasi ngayong araw. Sa gitna ng pagkukuwentuhan namin, bigla namang nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko muna ang tawag “Hello Dad?” sagot ko sa kabilang linya. Si daddy 'yung tumatawag. "Hello anak, anong oras ka uuwi?" “Mga 5 pm pa po, Dad, bakit po?” "Ipasusundo kita sa driver, huwag kang aalis diyan hangga’t wala pa yung diver natin, okay?" Huh? Kumunot ang noo ko. Bakit kaya? “Okay po, Dad,” sagot ko at ibinaba na ang tawag. Pumasok na ako sa classes ko ngayon, puro film showing lang naman at introduction 'yung ginawa ngayong araw. Nothing new. Ganito naman palagi 'pag first week. Mabilis na umandar ang oras at alas-singko na nang hapon. Ang bilis talaga ng oras kapag ganitong first week pa lang ng klase. Tapos kapag marami ng ipinagagawang requirements ang mga prof ay saka naman parang ang tagal matapos ng isang araw. “Hindi ka ba sasabay samin, Nori?” tanong ni Marga. Nakaupo kami ngayon sa waiting shed habang naghihintay sa mga sundo namin. “Hindi. May sundo ako, eh.” “Ah, okay... Pero, ngayon na lang ulit 'to ah? Last year pa kasi no'ng ipinasundo ka ni Tito.” Kumunot ang noo ni Marga. “Oo nga. Bakit kaya?” tanong din ni Lei habang nakakunot ang noo. “Hm, baka may irereto na naman sa kaniya?” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Marga. What? Umiling ako, no way! “Oh! Oo nga, ano? Kasi 'di ba no'ng last year ganoon din ang nangyari?” panggagatong pa ni Leila. Akala ko pa naman sasapukin ni Leila si Margarette sa sinabi niya. Hindi pala, kinampihan pa niya. Napairap ako. “Hindi! Kahit sinong ireto sa akin, ayoko!” sigaw ko kaya napatingin sa gawi namin 'yung mga taong dumaraan. Masyado 'atang napalakas ang pagsigaw ko. “Easy, Inori! Niloloko ka lang namin eh. At saka alam naman namin na para kay S- aray! Bakit ba Leila?!” sigaw ni Marga dahil binatukan siya ni Leila. Gano'n din sana 'yung gagawin ko kung hindi lang ako inunahan ni Lei eh. “Ang daldal mo talagang babae ka! Ayan si ma’am Cleo oh! Sige, 'pag narinig ka niyan, malalagot tayo! Tsk.” singhal ni Leila kay Marga. “Ay sorry.” bulong ni Marga. Tumahimik na lang siya dahil nandito nga si ma’am Cleo. Akala ko nagbibiro lang si Leila, hindi pala. Nakatingin pa nga rito sa amin si ma’am. To be specific, nakatingin siya sa akin. Bakit kaya? Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at ibinaling ang mga mata ko sa dalawa kong kaibigan na nag-aasaran na ngayon. Inaasar ni Margarette si Leila tungkol doon kay Bryan. Habang nag-aasaran sila ay sakto namang dumaan si Bryan sa harapan namin kaya binati ko siya. “Hi, Bryan!” bati ko. “Uy, Nori! Nandito pala kayo, hindi pa kayo uuwi?” tanong niya sa amin. “Hinihintay lang 'yung sundo namin. Sabay si Marga at Leila na uuwi," sagot ko. Ako na ang sumagot dahil hindi naman nagsasalita ang mga kaibigan ko. “Ah. Gano'n ba?” “Yup,” sagot ko ulit at tumango. Tinignan ni Bryan si Leila bago nagsalita ulit. “Uh, pwede ko bang... Mahiram muna si Leila? I-iuuwi ko rin siya before 7.” Napahawak si Bryan sa kaniyang batok. Napangisi na lang ako dahil sa sinabi niya. “Sure, sure! Iyong-iyo na yan si Leila, ako na lang magpapaalam kay Tito.” si Marga yan, konti na lang masusubsob na si Leila sa dibdib ni Bryan kung mas lalakasan pa lalo ni Marga yung pagtulak sa kaibigan namin. “Margarette!” saway ni Leila kay Marga. Si Marga naman, pangiti-ngiti lang. “Bye- bye Lei!” paalam namin habang malaki ang mga ngiti. Binigyan kami ni Leila ng, 'patay kayong dalawa sa akin mamaya' look ngunit nginisihan lang namin siya. Pulang-pula na 'yung mukha ni Leila habang si Bryan naman ay nakatingin lang sa kanya na nangingiti. Umalis na silang dalawa kaya si Marga na lang ang kasama ko ngayon at ;yung mga iilang tao na dumaraan pa rito. Pati rin pala si ma’am Cleo nandito pa. Hinihintay siguro si sir Shawn? Ilang minuto pa ang nakakalipas, dumating na 'yung sundo ni Marga kaya ako na lang at si ma’am Cleo ang naiwan sa waiting shed. “Bye, Nori! Take care!” pahabol pa ni Marga bago sila umalis. Kumaway naman ako sa kaniya habang umaandar ang kotse nila. Nag-text na ako sa driver namin para tanungin kung papunta na siya rito. To: Kuya George Magandang hapon po, kuya George! Papunta na po ba kayo rito? Sumagot naman si kuya George ng oo kaya hinintay ko na lang siya. Yumuko ako para matignan ang sapatos ko at pinaglaruan iyon habang naghihintay sa driver namin. “Hon.” Inangat ko ang tingin ko dahil sa narinig kong boses. Si sir Shawn pala. Nasa tabi siya ni ma’am Cleo at tinatawag niya na ito. “Let’s go?” yaya ni ma’am kay sir Shawn. “Ihahatid lang kita pero hindi ako magtatagal, I have an appointment to do,” sagot naman ni sir Shawn. “Oh, Yes! I remember.” Tumingin ulit sa akin si ma’am Cleo kaya nag-iwas ako agad ng tingin. Kunwari ay tumitingin sa mga dumaraan. Dumaan sila sa harap ko at kasabay din non ay ang pagdating ni kuya George dala ang sasakyan namin kaya lumapit na ako roon at pumasok na, may halong pagmamadali. “Kuya, uuwi na po ba tayo?” tanong ko kay kuya George, mabilis ang paghinga dahil sa kabang naramdaman. “Hindi pa po ma’am, ihahatid ko pa po kayo sa airport.” “Ha? Bakit po?” “Darating daw po ang Ate Clarize at Kuya Ezreal niyo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya. Anong gagawin nila rito? Excited ako, pero nakagugulat dahil hindi ko inaasahan na uuwi sila! Mabilis kaming nakarating sa International Airport. Nandito na nga sina daddy at mommy. So, ako na lang pala ang hinihintay? Pero bakit ba kasi umuwi si kuya at ate rito? “Dad,” tawag ko kay daddy at nagmano sa kanya. Nagmano din ako kay mommy at humalik sa pisngi niya. Gusto ko sanang magtanong kung bakit umuwi sina kuya at ate kaso ay hindi ko na lang itinuloy. Hihintayin ko na lang silang dalawa. Mga kalahating oras pa ang nakalipas at nakikita na namin si ate Clarize na kumakaway kasabay si kuya Ezreal na may ka-holding hands na babae. Si ate Clarize naman ay may kasabay ring lalaking naglalakad. Sino naman ang mga iyon? Nang makalapit na sila sa akin ay yinakap ko sila nang mahigpit at hinalikan sila sa kanilang mga pisngi. Na-miss ko silang dalawa! Yinakap din nila ate at kuya si mommy at daddy. Tinignan ko 'yung mga kasama nila. Napansin siguro nila na nakatingin ako sa mga kasama nila kaya ipinakilala nila ito sa amin. “Mom, Dad, Inori, this is Cass. My girlfriend.” Ngumiti kaming tatlo kay ate Cass at binati siya. “Good evening po, Ma’am and Sir.” “Call us Tito and Tita,” sabi ni mommy. Pinakilala rin ni ate Clarize si kuya Vlad. Ito 'yung boyfriend niya. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kung bakit ba sila nandito pero naunahan ako ni ate Clarize na magsalita. “Mom, alam na po ba ni Nori?” tanong ni ate kay mommy. Anong alam ko? “Anong alam ko, Mommy?” tanong ko naman kay mommy. Kumunot pa ang noo ko dahil wala akong maintindihan. Mommy just smiled when she looked at me. “You will know it later.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD