CHAPTER 2

1409 Words
Nag-iba ako ng posisyon sa paghiga nang may marinig na kumatok sa labas ng pintuan ng kwarto ko. “Ma’am Inori gising na po, ma-le-late na po kayo sa klase niyo.” rinig kong sabi ni manang sa labas ng aking kuwarto. Gumalaw lang ako pero hindi ako bumangon. Inaantok pa ako! Bakit ba kasi ang aga-aga nilang manggising? “Ma’am?” rinig ko ulit na sabi ni manang. “5 minutes na lang po manang,” pabulong kong sagot habang nakapikit pa rin ang mga mata. “Sige po. Ma'am Inori.” Narinig ko ang mga yabag ng paa ni manang na pababa na ng hagdan kaya binalak kong matulog na lang ulit. Hays, ang sarap pa naman matulog kapag walang umiistorbo sa iyo. “Inori! How long are 5 minutes for you?!” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni mommy. “Ito na po Ma, maliligo na po ako, wait lang po!” dire-diretsong sagot ko habang naglalakad na papunta sa pintuan ng aking bathroom. Sa kamamadali ko ay baligtad pa ang pagsuot ko ng aking tsinelas. I groan and fix it first. “Make it faster!” sigaw ulit ni mommy. Ugh! Ayoko talaga na nandito si mommy, eh. 10 minutes lang akong naligo, takot ko lang ba kay mommy. 'Pag nagalit pa naman 'yun nawawala 'yung maamo niyang mukha. Parang tigre. Gusto ko nga sana na ang mukha ni mommy ang namana ko kaso, si daddy daw ang kamukha ko. Bumaba na ako para kumain pagkatapos magbihis at mag-ayos ng aking sarili. Naroon na si daddy sa aming dining table kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi. Nakaalis na pala si mommy, hindi ko na kasi siya nakita sa loob ng bahay. Tignan mo, hindi ko naman pala siya maaabutan tapos ginising pa ako nang maaga! Pero sa bagay, may pasok din naman kasi ako ngayon. “Good morning, Dad!” I greet my father cheerfully. Ngumiti si dad sa akin. “Magandang umaga rin, Anak.” Umupo na ako sa upuan at nagsimulang kumain. Si daddy ay kumakain na noong pagdating ko sa dining room namin kaya mas mauuna siyang matapos sa pagkain. Sa kalagitnaan ng pagnguya ko ay tumingin ako sa aking wristwatch. Nanlaki ang mata ko dahil 6:45 na pala, eh 7:00 am ang pasok ko. Gosh! Ma-la-late na ako! “Ah, Dad una na po ako, ha? Ma-la-late na po kasi ako eh!” I kiss dad on the cheek and go outside the house. Narinig ko pa ang pahabol niya, “Take care, Anak. Go home early!” “Bakit po kuya George?” tanong ko sa driver namin nang biglang huminto ang kotseng minamaneho niya, at ang kotse kung saan ako nakasakay. “Nako, Ma’am Nori, nasiraan po 'ata tayo, ayaw pong mag-start ng kotse.” Umiling si kuya George at kumamot sa kaniyang ulo. Nanlaki naman ang mga mata ko. “Huh? Hala, Kuya! Paano po 'yan, ma-la-late na po ako.” Mangiyak-ngiyak kong sabi kay kuya George. First subject ko pa naman si sir Shawn! Ang sabi nila strikto daw 'yun, eh. Ayaw kong mapagalitan. “Sige po Ma’am try ko pong ayusin.” Bumaba na si kuya George pagkasabi niya no'n at sinimulan nang ayusin 'yung makina nitong kotse kaya bumaba na rin ako at panonoorin sana ang gagawin niya. Tumingin ako sa aking relos at nakitang 7:00 am na! Late na talaga ako! “Ano, Kuya? Maaayos na po ba 'yan?” tanong ko kay kuya George, nagmamadali na ang boses. “Kulang lang po sa langis 'yung makina Ma’am. Kaso po wala po tayong langis, malayo pa rin po ang bilihan dito.” “Hanggang anong oras po kaya aabutin?” tanong ko ulit kay kuya. I groan. Super late na ako! “Mga kalahating oras pa po Ma’am kung bibili po ako ng langis.” Kalahating oras? Eh 'di hindi ko na naabutan si Sir no'n! “Ah, sige po Kuya, mauna na po muna ako sa inyo. Call someone to help you na lang po kung hindi niyo po talaga maaayos, mahuhuli na po kasi talaga ako sa class ko,” sabi ko kay kuya George at tumakbo na. “Sandali lang po, Ma’am! Saan po kayo sasakay?” pasigaw na yung pagsasalita ni kuya dahil medyo malayo na ako sa kaniya. “Maglalakad na lang po ako! Malapit-lapit na rin naman po 'yong University dito!” sigaw ko pabalik. Binilisan ko pa ang pagtakbo para makarating agad ako sa university nang biglang mag-ring ang phone ko, sinagot ko iyon habang naglalakad. “Hello?” "Nori!" si Marga iyong tumawag. “Bakit?” "Where are you? Nandito na si Sir Shawn. Lumabas nga lang ako para makatawag eh!" “Papunta na ako! Nasiraan kasi 'yung kotse namin kaya naglalakad na ako ngayon! Tumatakbo na nga eh!” "Bilisan mo na!" Pinatay ko na muna ang phone at nag-focus sa pagtakbo. Late na ako ngunit tumakbo pa rin ako dahil ayaw kong mas ma-late pa lalo! Ano na lang ang magiging first impression ni sir Shawn sa akin? Na tamad akong pumasok at mag-aral! Graduating pa naman na ako. Hinihingal pa ako nang tumapat sa pintuan ng room ko. Lumilikha ng mahinang tunog ang paghinga ko kaya naman napalingon sa akin si sir Shawn na naging dahilan para umayos ako ng pagtayo. “G-good morning, Sir. I-I’m sorry I’m late.” Nanginginig kong sambit. Nakita ko agad sina Leila at Margarette na nakatingin sa akin. “You’re Miss Inori Shou?” sambit ni sir. O-em! Bakit ang gwapo niya? Aish! Tama na ang daydreaming Nori! Late ka na nga, pinagpapantasyahan mo pa rin si Sir. “Y-yes s-sir,” sagot ko at bahagyang kumunot ang noo. Bakit ba ako nauutal? “You’re 15 minutes late. Do you have an excuse?” Sir Shawn arches one of his brows. “Nasiraan po kasi 'yung kotse na sinasakyan ko kaya po late ako. I’m sorry, Sir,” sambit ko at napayuko dahil nakararamdam na ako ng hiya. Nakatingin na kasi sa akin ang lahat ng mga classmate ko. Sir Shawn whispers something, "That's not a valid reason..." He clicks his tongue. "Next time, no excuses Miss Shou, understand? Also, this is your first offense. 2 more lates, and I won't accept you in my class.” Tumango ako. “Y-yes, sir.” “You may come in.” Pumasok na ako nang nakayuko lang habang naglalakad. May humila naman sa akin na paniguradong 'yung mga kaibigan ko. “Dito ang upuan mo,” sabi ni Leila at kinuha ang bag ko. Umupo na lang ako ro'n sa tabi niya. Tapos nasa kabila naman niya si Marga. Tahimik lang ako nang bigla akong tawagin ni sir. “Ms. Shou.” Tumayo agad ako sa upuan ko. “Y-yes, sir?” “What is Social Psychology?” What? Surprise recitation? Buti na lang alam ko 'to. “Social psychology is the branch of psychology that deals with social interactions, including their origins and effects on the individual,” sagot ko kay Sir na matamang nakatitig sakin. Oh my God! Ano bang problema ni Sir? May problema ba siya sa akin? Feeling ko tutunawin ako ng mga titig niya. “Good. You may sitdown.” Umupo na ako pagkasabi no'n ni sir Shawn, mamaya ay pagalitan pa niya ako kung hindi ako susunod agad. “Okay. As what Ms. Shou have said, Social Psychology is....” Nagtuloy-tuloy lang si Sir sa pag-di-discuss habang ako naman ay titig na titig sa kanya. “Hoy Nori! Matunaw si Sir!” Paano kaya kung nasa fix marriage kami? Kakayanin ko kaya? Naiisip ko pa lang mukhang hihimatayin na ako. Paano pa kaya kung totoo? “Inori!” Hays. Kung gano'n nga ang mangyayari, eh 'di maganda! Hindi ko na kailangang pormahan si sir at magpapansin sa kanya. Napangisi ako sa iniisip. “Hoy, Inori Michelle Shou!” “Ay fix marriage!” Napasigaw pa ako. Ano ba naman! “Bakit ba? Nakikinig ako kay Sir, eh!” pabulong kong hiyaw kay Leila. Parang ewan kasi, kita niyang nakikinig ako,eh. “Eh, kung ihampas ko kaya sa'yo 'tong librong hawak ko?! Wala na si Sir, nakalabas na kanina pa!” Tinignan ko ang front desk kung nasaan nakatayo si sir kanina. Wala na nga si siya roon! “Pffft!” Bigla na lang tumawa si Marga. Ano naman problema nito? “Nag-da-daydream ka na naman kay Sir 'no?” tanong niya sa akin habang nakangisi. Nag-iwas lang ako ng tingin at hindi sumagot. “Sabi na eh!" Tumatawa niyang sagot. “Shut up!” saway ko naman sa kaniya at halos irapan siya. “Hoy, kayong dalawa! Ang ingay niyo! Hindi na kami magkaintindihan nitong binabasa ko!” Pinukpok sa amin ni Leila ang sobrang kapal na librong hawak niya. Personality development 'yung binabasa niya. Hilig niya 'yun, eh. “Aray!” daing namin ni Marga. s*****a talaga. “Ayan! Para tumahimik na kayo!” sambit ni Leila at bumalik na siya sa pagbabasa na para bang walang nangyari. Tinignan ko ang relos ko. 8:20 am na. May 10 minutes pa ako para makapunta sa next subject ko. “Girls, una na ko, ha! Bye-bye!” nag-wave lang ako ng aking kanang kamay sa kanilang dalawa at umalis na ng room. Personality Development ang next subject ko. Iyong favorite ni Leila na libro na ipinukpok niya sa amin. Napahawak ako sa aking ulo, medyo masakit pa rin, ah! Nakayuko lang ako kaya hindi ko alam kung sino yung mga naglalakad kaya bigla na lang akong nabunggo. “Sorry po, sorry po.” Pagpapaumanhin ko at yumuko pa lalo. Nakatalikod kasi siya sa akin. Nang humarap iyong taong nabangga ko ay nanlaki ang mga mata ko. Si sir Shawn ang taong nasa harapan ko, siya iyong nabangga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD