Chapter 43 " THE ADRENALINE "

1232 Words
Hindi namalayan ni Detective Leumas Nugas na naka-tulugan na niya ang pagiisip tungkol sa sketch ng isang lalaki na miyembro ng kilabot na Casanova, ngunit bunga ng kanyang marubdob na hangarin na muling alalahanin ang lahat ay tila sinagot siya ng isang panaginip na kung saan ay lumarawan sa kanya ang isang tagpo. " I'm so sorry Mr. Casablanca pero kailangan kong mamili sa inyong dalawa ni Allen, at nakapag desisyon na ako si Allen ang napili kong magiging katuwang ko sa pinaplano Kong buksan na private eye ". sincere na pahayag ng detective. " Sir Nugas why don't you think twice before you make a final decisions. Maaari mo akong subukan kung gugustuhin mo at marami akong kayang gawin na hindi kayang gawin ng isang babae na katulad ni Ms. Allen Mendoza. Hindi ko tinatawaran ang kakayahan ni Allen pero sa tingin ko ay baguhan pa lamang siya para sa isang napakaselan na trabahong ito. Kunin mo na lamang siya bilang secretary mo hindi ba naghahanap karin ng bagong sekretarya? " tila hopeless na pahayag ni Mr. Casablanca. Tinitigan siya ng detective at pilit na inaarok ang level ng insanity ng kanyang kausap. " Please Sir Nugas try me first before you put me down hindi na natin pinaguusapan dito kung magkano ang ipapasahod mo sa akin, i can work here anytime free of charge please don't put me down. " sa sinabing iyon ni Mr. Casablanca ay medyo nasaling ang ego nito. Hindi naman talaga kalakihan ang suweldo na maaaring tanggapin ng sinumang makakasama niya sa pinaplano niyang pagbuo ng manpower pero ang sabihan siya ng ganun ng harap harapan ay hindi magandang senyales para sa kanya. " I'm sorry Mr. Casablanca but I'm not putting you down, nagkataon lang na hindi pa ako handa na tumanggap ng isa pa lalo na kapag alam kong hindi rin sila magkakasundo sa mga lilipas pang mga araw. As what I've said earlier you have a very outstanding credentials pero mayroon lang din akong isang option at sana irespeto mo ito for the sake of our integrity, walang lugar dito ang pagiging arogante at palaging ang gusto ay siya ang nangunguna kaysa sa iba. Marami pa namang pagkakataon basta huwag mo lang itong mamadaliin at kusa rin itong darating sa tamang pagkakataon " nagising si Detective Nugas dahil sa marahang yugyog sa kanyang balikat. " Sorry sir kung naistorbo ko po kayo, kasi akala ko kanina ay may kausap po kayo sa telepono pero pagsilip ko eh tulog naman kayo pero nagsasalita kayo " nahihiyang paliwanag ni Ms. Lala Morales. " Ganun ba Lala, wait lang anong oras na ba teka asan yung salamin ko? " tila inaantok paring sabi ng detective. " 3 : 45 AM sir at saka may panibagong balita sir kailangan niyo itong mapanood kaagad " binuksan ni Lala ang flat screen tv na nasa loob ng opisina ng detective at doon niya natunghayan ang isang breaking news tungkol sa mga itinapon na bangkay sa magkahiwalay na dako. Ang balita ay live na napapanood sa lahat halos ng network sa buong Pilipinas including social media o internet. Nasaksihan ng detective ang palabas sa tv na inilawan ang dalawang Lugar gamit ang mga halogen lamp at binakuran ng yellow tape ang lugar upang hindi makapasok ang kahit na sino nalang na gustong makiusyoso. Mayroon naman doon na pinapayagan na mga media men para kumuha ng larawan na may abiso ng mga nakatalagang bantay. Nasubaybayan ng detective ang mga kaganapan, naroon din si Detective Allen sa lugar kung saan itinapon ang isang bangkay na tinukoy na ng kapulisan na si Ms. Maui Teller. Sa kabilang banda ay naroon naman si Detective Freda kung saan naman itinapon ang bangkay ni Deniece. " Ms. Morales can you do me a favor? maaari mo bang hanapin ang files ng mga nag apply bilang private detective since 1997 to 1998. Kung may makita kang nagngangalang MR. Noel Valencia Casablanca ay itabi mo para sa akin at kukunin ko ito sayo mamaya pagbalik ko. " nagmamadaling sabi ng detective at isinuot nito ang paborito niyang Itim na Jacket kahayagan na lalahok siya sa nangyayaring kasalukuyang imbestigasyon sa lugar na pinagtapunan sa mga bangkay. " Yes sir hahanapin ko ito at magiingat po kayo. " nagaalalang sabi ni Lala. Nagmamadaling bumaba mula sa kanyang opisina si Detective Nugas at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Gusto sana niyang magtaxi nalang pero mas minabuti rin niya kalaunan na gamitin ang sarili niyang sasakyan para mas madali siyang makapunta doon. May pakiramdam kasi siya na tila may hindi magandang mangyayari. Pagsakay ng kanyang kotse ay kaagad niya itong pinaharurot. Una niyang pinuntahan ang mas malapit na lugar kung saan itinapon si Deniece, malapit lamang sa Saint Nicholas Church na katabi ng isang malaking billboard ng tv actor na si Richard Gomez na may pamagat na THE LEGENDARY ICON kung saan ay pinopromote nito ang mga newest products ng BENCH. Sa Dami ng taong nakiusyoso ay hindi na nagawang ilapit pa ng detective ang kanyang dalang kotse. Ipinarada nalang niya ito sa di kalayuan at tinakbo ang kinaroroonan ng isang bangkay na pinagka-kaguluhan ng mga tao. Marami doong mga nagkalat na pulis na unipormado at maging ng mga reporter at media people na representatives ng bawat tv and radio stations. Hindi muna pumasok doon kaagad si detective Nugas sa halip ay nakihalubilo muna siya sa mga taong gusto lamang makiusyoso. Kanya kanyang kuha ng larawan ang mga media men, halos walang tigil ang pagkislap ng iba't ibang uri ng camera. Lalong pinagbuti ng detective ang kanyang obserbasyon na batid niyang bawat pag kislap ng Camera ay ibayong kaligayan ito para sa notorious na grupo na pinangungunahan ni Noel. Sa kanyang matamang pagmamasid ay may kakaibang awra siyang napansin. Isang lalaki na nakasuot ng Itim na Jacket at may hawak na Camera. Nakita niya kung paano niya kuhanan ng larawan sina Chief inspector Geoffrey Dela Cruz at Detective Freda Parazo. Pinagmasdang mabuti ng detective ang hitsura ng lalaki na may bitbit na Camera at naka sumbrero ng bullcap na kulay dilaw na pagkakakilanlan sa may ari ng isang bagong sibol na tv network at may ari din ng isang nangungunang news stand, ang Millennium Magazine. Panay parin ang kuha ng lalaki sa larawan nina Dela Cruz at Freda at mukhang pangisi ngisi pa habang itoy kanyang ginagawa. Hindi na nag aksaya pa ng pagkakataon si Detective Nugas at kaagad na nilapitan ang lalaking nakasuot ng dilaw na sumbrero at itim na jacket. Mabilis ang kanyang naging pagkilos at hindi iyon namalayan ng lalaki. Hinaltak ng detective ang kanyang sumbrero upang makita niya ang reaksiyon ng kanyang mukha. Dahil sa ginawang iyon ng detective ay naka-agaw ito ng pansin sa mga naroon. " uy tignan niyo oh may isang matanda na inaaway ang isang reporter " sigaw ng isang babae na unang nakakita ng insidente. Nagkislapan ang maraming Camera sa kanila. Pero Hindi nagpatinag ang detective sa pressure na maaari niyang kaharapin sakaling nagkakamali siya ng hinala. Lalo niyang hinawakan ang kamay ng lalaki at pakaladkad na hinatak niya ito sa loob ng circle kung saan naroon sina Dela Cruz at Freda. " Inspector Dela Cruz, posasan niyo ito at dalhin kaagad sa presinto." Lalong nagkislapan ang lubha pang maraming Camera at tiyak na isa na naman itong scoop na maaaring gawing content ng mga blogger at maging ng mga media network.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD