Chapter 42 " THE DISPOSAL "

1318 Words
Katulad ng instructions sa kanila ni Ace 1 ay doon dumaan ang sinasakyang kotse Nina Ace 2 at Ace 3 sa lugar kung saan nakaabang na doon ang kanilang kakampi. " Good morning mga bossing, protocols lang po mangyaring bumaba muna kayo ng sasakyan para sa kaukulang pagsisiyasat. " pahayag ng isang pulis na may tag name na Police inspector Gary Garcia at ang kasamahan naman nito na may pangalang Gilbeys De Lara. " magiingat parin kayo mga bata dahil baka may ibang informant na naka salisi, make it quick. " pahayag ng mga pulis na kasama rin sa payroll na sinasahuran ng mga sindikato. " Salamat sir, diyan lang naman sa malapit na Billboard namin itatapon ang isang bangkay at yung isa naman ay sa katabi lang na Billboard na wala pa sigurong 100 meters ang layo mula dito " paliwanag ni Ace 2. " Sige sandali lang at tatawagan ko ang kontak namin na nakapuwesto doon kung safe na kayong pumunta doon. " tinawagan ni Inspector Gary Garcia ang sinasabi niyang Contact at di nagtagal ay nakausap niya ito na safe na silang pumunta doon at sinabing kakaalis lang ng mga nagrorondang mga tao sa lugar. Hindi naman nag aksaya ng panahon sina Ace 2 at Ace 3 at kaagad na isinakatuparan ang kanilang plano. Halos wala pang sampung minuto ay kaagad nilang nai-dispatsa ang dalawang bangkay. Hindi rin nila nakaligtaan na isulat sa mismong Billboard ang katagang ' ALLEN...IM HERE BABY IM HERE ⬆️.' Pagkatapos ay saka sila umalis at nagtungo sa pinaka malapit na Jollibee na bukas 24/7 at nagpasyang doon nila gugulin ang ilang oras habang hinihintay ng mga ito ang iba pang instructions sa kanila ni Ace 1. Nagtungo sa comfort room si Ace 2 upang ipaalam niya kay Ace 1 na tapos na nila ang kanilang misyon kasang ayon sa ipinadalang mensahe sa kanya ng mga Mafia Bosses. " Very good Ace 2 maaasahan ko kayo talaga, manatili muna kayo diyan sa inyong kinalalagyan at muli akong tatawag sayo mamaya. Kailangan ko munang ireport ito kay Atty. Salazar. " Kaagad na itinawag ni Ace 1 ang bagay na iyon na kanila naring inaasahan. " Isang napakagandang balita iyan Noel at siguradong matutuwa ang mga parokyano nito. Anong oras mo tatawagan si Allen? para mai-ready narin namin ang mga kontrabando. We need a synchronizing effect na habang abala ang buong puwersa ng kapulisan ay malaya naman naming naisasagawa ang transactions sa ating mga parokyano na karamihan sa kanila ay nagmula pa sa malalayong lugar at kanina pa sila nagaabang ng go signal na magmumula sa inyo. " mahabang paliwanag ni Atty. Salazar. " at exactly 3 am ay tatawagan ko si Allen at kayo na ang bahala sa mga iba pang kailangan niyong gawin basta tapos na namin ang aming bahagi. " seryosong nasabi ni Ace 1. Napatingin si Atty. Salazar sa kanyang suot na relo at nasumpungan niyang may 5 minutes pa bago mag alas tres. " Maiba ako Noel, tungkol kay Allen sigurado ka bang siya ang gagawin mong panghuli sa iyong listahan? hindi ba medyo tagilid kayo sa binabalak mong gawin. Advice ko lang sayo Noel kung may ibang alternative na maaari mong pagpilian ay mas mabuting iyon na lamang ang inyong gawin baka malagay kayo sa alanganing sitwasyon." paliwanag ni Atty. Salazar. " Sige Attorney at malapit na ang oras kailangan ko nang tawagan si Allen. " APRIL 26, 2023 ( 3:00 AM ) Makati City Police Station Sa wakas ay nag ring na ang cellular phone ni Detective Allen at tahimik lamang ang lahat ng mga naroon. Sinubukan din nilang i-locate ang posibleng kinaroroonan ng Caller subalit nahihirapan silang matukoy ang eksaktong lugar lalo't handphone ang gamit ni Ace 1 at sinadya din nitong i-off ang kanyang GPS. " Hello detective Allen, na miss mo ba ako? Naipadala ko na ang mga panibagong package na matagal mo naring hinihintay...kaya't kung ako sayo ay puntahan niyo na sila doon bago pa sila pagpiyestahan ng mga nakatira malapit sa lugar na iyon. Pamilyar ka naman siguro sa mga bagong gawang Billboard sa magkahiwalay na dako along Makati Avenue. Puntahan mo na sila doon at magsama ka ng sangkaterbang pulis patola at mga reporter hahaha " yun lang at pinutol na ni Ace 1 ang tawag. Saka naman niya isinunod na tinawagan si Ace 2 at Ace 3. " Hello Ace 2 natawagan ko na si Allen at malamang sa mga oras na ito ay nagkakandarapa na ang mga iyon sa pagpunta doon sa locations kung saan niyo itinapon ang dalawang bangkay. Maghanda rin kayo dahil may ipapagawa ako sa inyo na importanteng bagay. " nakatawang sabi ni Ace 1. " Ano yun boss mukhang exciting yata ang naisip mong ipagawa sa amin ah mukhang biglaan yata. " relax namang tugon ni Ace 2. " Dala niyo ba ang camera at ang ipinakita mong ID sa akin noon? " ang tinutukoy ni Ace 1 ay ang ginagamit niyang camera at ID bilang isang reporter ng isang bagong sibol na TV network. " Oo boss gaya ng dati lagi kong dala iyon para makita ang mga magiging reactions ng mga tao doon lalong lalo na sina detective Allen at Freda." nakangising sabí ni Ace 2. " Ganito Ace 2, sabihan mo si Ace 3 na mamaya after 30 minutes ay puntahan niyo ang lugar na pinagtapunan niyo sa biktima. Kung kaya na ni Ace 3 na mag isa ay mas mabuting maghiwalay muna kayo. Subukan mong kunin si Allen ng walang nakakapansin. Si Ace 3 naman susubukan naman niyang kunin si Allen sakaling siya ang unang makakita dito. " nabigla naman si Ace 2 sa nais ipagawa sa kanila ni Ace 1. Hindi niya akalain na iyon ang ipapagawa sa kanya ng kanilang pinuno dahil ang buong akala niya ay siya mismo ang gagawa ng paraan para makuha niya ito by hook or by crook, ' naduduwag na ba si Ace 1? ' iyon ang mga naglalaro sa isip ngayon ni Ace 2. " Hindi ba masyadong risky ang gusto mong ipagawa sa amin boss? " napahagalpak ng tawa si Ace 1 sa sinabing iyon ni Ace 2. " Gusto ko lang naman na alamin ang magiging reactions niyo sa bagay na ito, pero huwag kayong mag alala dahil hindi ko naman kayo inoobliga na gawin ang isang bagay na nakaatang talaga sa akin. " paliwanag ni Ace1. " Wala namang prublema sa akin Boss at hindi man ako nangangako ay baka magawa ko ang bagay na sinabi mo basta't umaayon lamang ang panahon, gusto ko narin kasing matapos na ang ating misyon para makapag liwaliw naman tayo ng matagal tagal at para makuha narin natin ang pera na ipinangako sa atin ni Attorney Salazar. Paliwanag naman ni Ace 2. Matapos pa ang ilang sandali na kanilang paguusap ay lumabas na buhat sa comfort room si Ace 2 at nadatnan niya doon si Ace 3 na nilalantakan ang inorder nitong Double Patties Aloha Burger. Ikinuwento nito ang kanilang naging paguusap ni Ace 1 pati narin ang sinabi nitong planong pagkuha kay Allen. " s**t malabo yata yun boss, baka sumabit tayo diyan at mauwi sa wala ang mga pinaghirapan natin. " kumento naman ni Ace 3. " Don't worry sinabi naman ni Boss na may nakahanda na siyang plan B para dito at hindi naman tayo susunod sa alam kong tagilid tayo. " sabi naman ni Ace 2. Mga ilang sandali pa ay umugong na ang isang breaking news sa mga social media platform tungkol sa nangyaring pagtatapon ng bangkay sa magkahiwalay na dako. Napanood din ito nina Ace 2 sa kanilang dalang cellphone. Gaya ng tagubilin ni Ace 1 ay naghanda na ang dalawa para makiusyoso ang mga ito sa mga bagong kaganapan at tulad ng dati ay muli na naman silang magpapanggap bilang reporter ng isang bagong sibol na network na patuloy na namamayagpag sa mundo ng Media Industry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD